You are on page 1of 9

Pagbuo ng mahusay na

pangungusap
GRAMATIKA
Ang gramatika ay pag aaral ng maayos na istruktura ng wika na binubuo ng mga pangungusap at
panuntunan sa pagbuo nito.

PANGUNGUSAP
Ang isang maayos na sulatin, anumang genre ito, nakabatay sa wastong gamit ng mga salita sa loob
ng pangungusap. Ang malawak na kaalaman sa pagbuo at pagsama sama ng mga salita hanggang sa
ganap itong maging ideya ay mahalagang isa alang alang sa retorika.
Ang pangungusap batay sa matandang kasabihan nito ay yaong lipon ng mga salita na nag sasaad ng
buong diwa.
DALAWANG BAHAGI NG PANGUNGUSAP

SIMUNO
Ang simuno o paksa ang tawag sa pinag uusapan sa pangungusap
HALIMBAWA; 1.Si Christopher ay umaalis ng maaga upang makarami ng tinda.
2. Ang pista ay dinarayo ng maraming tao.
PANAGURI
Ang panag uri naman ang nag bibigay buhay sa pangungusap. Ang panaguri ang nagpapaliwanag at
nagpapakilala sa paksa ng pangungusap.
HALIMBAWA: 1. Ang sabaw ay inilagay sa loob ng refrigerator.
2. Si alex ay bumalik sa parke kaninang tanghali.
KAAYUSAN NG MGA PANGUNGUSAP
KARANIWAN
Ang ayos ng pangungusap kung ito ay ay pinapangunahan ng panaguri at sinusundan ng simuno.
Halimbawa: 1. Kinuha ni abel ang lahat ng mga prutas at ipinamigay ang mga ito sa mga kapitbahay.
2. Iniba ni joaquin ang plano nang malaman isinumbong ng kapatid niya ang gagawin
nila ng mga kaibigan niya.
DI-KARANIWAN
Di karaniwan naman ang ayos ng pangungusap kung ang mga ito ay pinangungunahan ng simuno at sinusundan ng
panaguri.
Halimbawa: 1. Si Miguel ang nagsabi na ibigay na lang sa nakababata niyang kapatid ang mana para
sa kanya.
2. Ang guro ay maagang dumating sa paaralaan upang mapaghandaan ang pagsusulit na
ibibigay niya mamaya.
URI NG PANGUNGUSAP
1. Ang mga pangungusap na paturol o pasalaysay – ang mga ganitong uri ng pangungusap ay naglalayong
maglahad ng isang katotohanan, may layong magkwento ang ganitong uri ng pangungusap
2. Ang mga pangungusap na pautos – ang mga ganitong uri ng pangungusap ay may layong mag utos .
A. Pautos na pananggi – ang mga ganitong uri ng pangungusap ay pinangungunahan ng
salitang “huwag”
B. Mga pautos na panag ayon – kapag ang paksa ng pangungusap ay nakatuon sa
ikalawang panauhan at gingamitan ng mga pandiwang nasa
anyong pawatas.
3. Ang mga pangungusap na patanong – ang mga ganitong uri pangungusap ay may layong
mag tanong.
A. Mga panungusap na patanong na sumasagot ng OO o HINDI
B. Mga pangungusap na patanggi ang tanong
C. Mga pangungusap na gumagamit ng panghalip na pananong.
D. Mga pangungusap na ang anyo ay kabalikang pagtatanong.
E. Mga pangungusap na may karugtong o pahabol.
4. Mga pangungusap na padamdam – kapag ang pangungusap ay nagsasaad ng matinding damdamin, ito ay
tinatawag na mga pangungusap na padamdam. Ginagamitan ang ganitong uri ng pangungusap ng mga salitang
padamdam gaya ng NAKU! HA! HOY! At marami pang iba.

MGA PAGUNGANGUSAP NA WALANG SIMUNO AT SAMBITLA


1. Padamdam – ang mga ganitong uri ng pangungusap ay nagpapahayag ng masidhing damdamin.
2. Pakiusap – kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng paghingi o nakikiusap.
3. Eksistensyal – kapag ang mga pangungusap ay nagsisimula sa mga katagang MAY, MAYROON AT WALA.
4. Temporal – kapag ang pangungusap na walang simuno ay nagpapahayag ng oras o sumasagot sa panahon.
5. Penomenal – kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng pangyayari.
6. Pormulasyong panlipunan – kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng pag galang.
7. Pahanga – kapag ang pangungusap na walang simuno ay nagpaphayag ng paghanga.
8. Pormularyong panlipunan – ang ganitong pangungusapay nakatuonn sa pagbigay galang, pagbati o mga gawaing
madalas sa lipunang Pilipino.
MGA SAMBITLA
(NAKU, ANO, at ARAY)
Ilang halimbawa ng Sambitla: Umuulan! Ha! Sunog! Naku! Hala! Aba! Hoy! Gising!

MGA KAYARIAN NG PANGUNGUSAP


1. Payak na pangungusap – ang pangungusap ay payak kapag ito ay nagtataglay ng isang diwa o mensahe .
Ito ay itinuturing na malayang sugnay o sugnay na nakapag iisa.
2. Tambalang pangungusap – ang mga ganitong uri ng pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang
malayang sugnay kadalasay pinag iisa ang dalawang ideya sa isang buong pangungusap.
3. Hugnayan na pangungusap – ang mga pangungusap na hugnayan ay binubuo ng isang malayang sugnay at
isa o higit pang hindi malayang sugnay.
4. Langkapan – ang ganitong mga pangungusap ay binubuo ng isang tambalang pangungusap at ng isa o higit
pang di malayang sugnay.
LAYON NG PANGUNGUSAP

1. Tuwirang layon – ito ang tumatanggap ng kilos at sumasagot sa tanong na ano. Kadalasang ginagamitan ng
panandang ng.
Halimbawa: Kumain ng masarap na puto at sopas ang magkaibigan.

2. Di tuwirang layon – kapag ang tinutukoy ay pag lalaanan ng kilos ng pandiwa, sumasagot ito sa tanong na
kanino.
Halimbawa: Nag aral ng Mabuti ang mga kabataan para sa kanilang kinbukasan.
Nagigising ng maaga ang ina para sa anak na nag aaral.
THANK YOU!!!

You might also like