Professional Documents
Culture Documents
1A
KATHERINE L. LLUP
WIK
Pamela Constantino
at Galileo Zafra
(2008)
“ang wika ay
isang kalipunan ng mga
salita at ang
pamamaraan ng
pagsasama-sama ng
Espina at Borja (1999)
• ang wika ay isang mahalagang
kasangkapan upang maipahayag ng tao
ang kanyang damdamin at kaisipan.
• Ang kakayahan sa paggamit ng wika na
nasasalig sa isipan, damdamin at
kilos ng tao ay resulta ng isang
dinamikong prosesong bunga ng
kanyang karanasan—kabiguan,
tagumpay, pakikipagsapalaran at
maging ng kanyang mga pangarap at
mithiin.
Thomas Caryle
Itinuturing ang wika bilang
saplot ng kaisipan; gayunman,
mas angkop marahil sabihing
ang wika ay ang saplot-
kalaman, ang mismong
katawan ng kaisipan.
Webster
ang wika ay isang
sistema ng komunikasyon
sa pagitan ng mga tao na
maaring pasulat o
pasalitang simbolo
Henry Gleason
“Ang wika ay isang
sistematik na balangkas ng
mga binibigkas na tunog na
pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitrari upang
magamit ng mga taong may
iisang kultura.”
Balangkas ng
Pone Wika
Morpe Sambi D
ma ma tla I
tunog Pinagsamang Pinagsamang
ponema morpema S
K
- Salita -
- Salitang-ugat pangungusap U
Panlapi
R
-
- Morpemang
ponema (a) S
O
PONOLOH MORPOLOHI SINTAKSIS
IYA YA
Katangi
an ng
Wika
Ang Wika ay
masistemang
balangkas
Lahat ng wika sa daigdig ay
sistematikong nakasaayos sa isang
tiyak na balangkas. Lahat ng wika ay
Ang wika ay
sinasalitang
tunog.
Hindi lahat ng tunog ay
wika sapagkat hindi
lahat ng tunog ay may
Ang wika ay
pinipili at
isinasaayos.
• Ito’y upang tayo’y
maunawaan ng ating kausap.
• Kailangang pumili ng komong
wika kung saan atyo
nagkakaunawaan.
Ang wika ay
arbitraryo.
Pagkakakilanlan sa pagsasalita
ng komunidad.
Ang wika ay
ginagamit.
Patuloy itong gagamitin upang
Ang wika ay nakabatay
sa kultura.
Pagkakaiba ng Ingles at Filipino
Rice – Palay, Bigas, Kanin
Ang wika ay
nagbabago. (Dinamiko)
Nadaragdagan ng mga bagong
bokabularyo.
Salitang balbal at pangkabataan
Wika,
Pulitika,
at
Kultura
Fortunato at Valdez
“Wika ang kasangkapan sa
pagbabago anyo ng pulitika at
kapangyarihan sa isipan at puso
ng tao. Hindi kongkreto ang
lakas ng wika, at ito’y
pangkaisipan. Sa mabisang
gamit ng wika, nakakaapekto ito
at napapakilos tayo.”
Aristotle
“Man is a political animal.”
Leslie White
“ Culture… is an organization of
phenomena that is dependent upon
symbols, acts, objects, ideas, and
semantics.”
Teoryang
Pinagmul
an ng
1. Teoryang Bow-wow
Ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan.
2. Teoryang Pooh-pooh
pagbulalas bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa
3. Teoryang Yo-he-ho
Natutong magsalita ang tao
bunga diumano ng pwersang
pisikal.
4. Teoryang
Ta-ra-ra-boom-de-ay
ang wika raw ng tao ay nag-
ugat sa mga tunog na kanilang
nililikha sa mga ritwal.
5. Teoryang Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-
bow lahat ng bagay ay may
sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa.
6. TEORYA TATA
ang kumpas o galaw ng
kamay ng tao na kanyang
ginagawa
7. TEORYANG MUSIKA
sinasaad dito na ang wika ay may
melodya at tono at walang kakayahan
sa komunikasyon o hindi
nakakakomunika sapagkat taglay nito
ang kakulangan sa mga detalye at
impormasyon.
8. TEORYANG YUM-YUM
Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon
n ng dila
9. TEORYANG SING-SONG
Iminungkahi ng linggwistang si
Jesperson na ang wika ay nagmula sa
paglalaro, pagtawa, pagbulong sa
sarili, panliligaw at iba pang mga
bulalas-emosyunal.
10. TEORYANG HEY YOU
Iminungkahi ng linggwistang si
Revesz na bunga ng interpersonal na
kontak ng tao sa kanyang kapwa tao
ang wika.
11. COO COO
Ayon sa teoryang ito, ang
wika ay nagmula sa mga
tunog na nalilikha ng mga
sanggol.
12. BABBLE LUCKY
ang wika raw ay nagmula sa
mga walang kahulugang
bulalas ng tao.
13. HOCUS POCUS
Ayon kay Boeree (2003), maaaring
ang pinanggalingan ng wika ay tulad
ng pinanggalingan ng mga mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay
ng ating mga ninuno.
14. LA LA
Mga pwersang may kinalaman sa
romansa. Ang salik na nagtutulak sa
tao upang magsalita.
15. EUREKA
Sadyang inimbento ang wika
ayon sa teoryang ito.
16. MAMA
Ayon sa teoryang ito,
nagmula ang wika sa mga
pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay.
KAHALAG
AHAN ng
WIKA
1. Instrumento ng
Komunikasyon
• pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan
• Sa micro level, ang dalawang tao ay
nagkakaunawaan sa pamamagitan ng
epektibong paggamit ng wika.
• Sa macro-level, ang mga bansa ay
nakakapag-ugnayan dahil sa wika. Iba-iba
man ang wika ng mga bansa, nakahahanap
pa rin sila ng komong wikang kanilang
kinakasangkapan upang magkaroon ng
unawaan.
2. Nag-iingat at Nagpapalaganap
ng Kaalaman
• Maraming kaalaman ang naisasalin sa
ibang salin-lahi at napakikinabangan
ng ibang lahi dahil sa wika.
• Ang mga mahahalagang imbensyong
kanluran ay napakikinabangan din sa
ating bansa dahil may wikang
nagkakanlong sa mga iyon at naging
sanhi upang iyon ay mapalaganap sa
iba’t ibang sulok ng daigdig.
3. Nagbubuklod ng Bansa
• Sa panahon ng mga katipunero, wikang
Tagalog ang naging daan upang mapag-isa ang
kanilang mga hinaing. Tagalog ang kanilang
wikang opisyal, sa kanilang pakikipaglaban sa
mga Kastila, samantalang ang mga
• Propagandista naman ay ng wikang Kastila, na
naging wika nila sa pagpapahayag ng mga
makabayang diwa sa la Solidaridad.
• Tulad na lamang ng sa Edsa I at II, wika ang
daan upang magtipon ang mga Pilipino sa
monumento ng EDSA upang isigaw ang nag-
iisang mithiin ang pagtuldok sa pamahalaang
diktadorya at mandarambong.
4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
•Maaaring tayo’y napahalakhak o
napapangiti, natatakot o
kinikilabutan, nagagalit o naiinis,
naaawa o naninibugho.
•Sa ating isipan, nalilikha natin
ang bawat larawan ng mga tagpo
sa kwento o nobelang ating
binabasa o pelikulang ating
pinapanood.
TUNGKULIN
o GAMIT ng
WIKA
Tungkulin Katangian Pasalita Pasulat
ng wika
Halimbawa:
Tagalog –Maynila- “ Aalis na ako.”
Tagalog- Batangas- “ Payao na ako.”
Tagalog –Maynila- “ Bakit ba maraming tao.”
Tagalog- Batangas- “ Bakit baga maraming tao.”
IDYOLEK
• nakabatay sa partikular na paggamit ng
isang tao ng kanyang wika na may kaugnayan
sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita.
• Ito ay inihahantulad sa fingerprints ng
isang tao na tanging kanya lamang.
Halimbawa:
Mike Enriquez
Kris Aquino
Boy Abunda
Gus Abelgas
Halimbawa:
Paaralang Pampribado Vs.
Eksklusibong Paaralan sa Metro
Manila: Taglish o Enggalog
• “It’s not that na galit na galit ako. It’s
just that. Nakakasabaw. SOBRA.”
• “Grabe. Solid talaga.”
• “Hindi naman one-sided ako. Hindi ba
dapat multiple murder sa halip na
rebellion?”
• “Kaya kung true yung 2012, ok na rin
yun. Kawawa younger generations.”
SOSYOLEK
• Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit
ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan–
mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang
pinag-aralan; kasarian; edad atbp. salik o
factor
• Grupo ng ibat-ibang uri o klasificasyon ng mga
mamamayan batay sa lipunan.
Wika ng mga dukha
Wika ng mga nasa mataas na antas ng lipunan
• Napatunayan ng mga sosyolingguwista na malaki
ang nagagawa ng katayuang panlipunan (social
status)
Halimbawa:
Sa mahirap, "sira ang ulo", sa
mayaman "nervous breakdown"
Ang mayamang malikot ang kamay
tawag ay “kleptomaniac", sa mahirap
tawag dito ay " magnanakaw.
Kung mahirap ka at masakit ang ulo
mo, ikaw ay " nalipasan ng gutom",
kung mayaman ka naman at masakit
ang ulo mo meron kang “migraine".
Halimbawa:
Kung mahirap ka ikaw ay “kuba", pag
mayaman ka naman, meron kang
"scoliosis".
Kung mahirap ka na maitim ikaw ay isang
"negrita", pag mayamn ka na maitim ikaw
naman ay "Morena".
Kung high society ka tawag sa iyo ay
"slender", pag lo class ka naman tawag sa
yo ay "payatot"
Ang anak ng mayaman ay "slow learner",
ang anak naman ng mahirap ay "bobo"
REHISTRO
•anyo ng wika batay sa uri at
paksa ng talakayan o larangang
pinag-uusapan, sa mga
tagapakinig o kinakausap o kaya
ay sa okasyon at sa iba pang mga
salik o factor
Halimbawa:
Talakayan sa klase ng
International Affairs Subject
Guro: Bakit kaya may foreign troops pa
rin sa Iraq at Afghanistan ngayon?
Estudyante 1: Sir, kailangan ang foreign
troops para i-secure ang democratic
government sa Iraq.
Estudyante 2: Ang agenda talaga ng USA
ay para makuha ang oil deposits ng Iraq.
Estudyante 3: Sir, kasi, hindi naging
successful ang mediation at diplomatic
actions ng USA noon
Halimbawa:
Talakayan sa klase sa Filipino
Guro: Bakit kailangan ang
komunikasyon sa pang-araw-araw na
buhay?
Estudyante 1: Kung wala pong
komunikasyon, parang walang buhay
ang mundo.
Estudyante 2: Kailangan po ng
komunikasyon para magkaintindihan
ang mga tao.
Halimbawa:
Klase sa Law School
Guro: Magbigay ng opinion tungkol sa
Maguindanao Massacre at sa mga kasong
isinampa sa mga suspect.
Estudyante 1: Sir, faulty ang filing ng
rebellion case, dapat, multiple murder.
Estudyante 2: Mahina po ang kasong
rebellion at maaaring tactics nila ‘yan para
ma-subsume ng rebellion ang iba pang
crimes.
Estudyante 3: Magkakaroon po ng
whitewash. Nakikita po natin na ang DOJ ay
walang gana sa pagsasampa ng kaso.
JARGON
• ito ay eklusibong salita o leksyon ng iba’t ibang
pangkat ng mga propesyonal.
• Bawat propesyon o okupasyon ay may sariling
terminong hindi bastang maunawaan ng mga hindi
ganoon ang trabaho.
Halimbawa:
Sa Larangan ng Accountancy
account, balance, net income, debit, revenue, asset,
credit, gross income. cash flow
Sa disiplinang Medisina at Nursing
diagnosis, therapy, prognosis,
symptom, emergency, patient
check up, ward, x-ray
Kasaysayan ng
Wikang
Pambansa
1935
“…ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa
na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.”
(Saligang Batas ng Pilipinas Artikulo
XIV, Seksiyon 3)
Oktubre 27, 1936
Itinagubilin ng Pangulong Manuel L.
Quezon sa kanyang mensahe sa
Asemblea Nasyonal ang paglikha ng
isang Surian ng Wikang Pambansa na
gagawa ng isang pag-aaral ng mga
wikang katutubo sa Pilipinas, sa
layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang
panlahat na batay sa isang wikang
umiiral.
Nobyembre 13, 1936
Pinagtibay ng Batasang-
Pambansa ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na
lumilikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa at
itinatakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin
niyon.
Ang mga naging tungkulin
at gawain ng
Surian ng Wikang Pambansa ay ang
sumusunod:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na
ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino
man lamang.
2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng
talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto.
3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at
ortograpiyang Pilipino
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang
magiging batayan ng wikang pambansa na dapat
umaayon sa; (a) ang pinakamaunlad at mayaman
sa panitikan, (b) ang wikang tinatanggap at
ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
Enero 12, 1937
Hinirang ng Pangulong Manuel L.
Quezon ang mga kagawad na
bubuo ng Surian ng Wikang
Pambansa alinsunod sa tadhana
ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt
bilang 184, sa pagkakasusog ng
Batas Komonwelt bilang 333.
Jaime C. de Veyra (Vis Samar) Tagapangulo
Cecilio Lopez (Tagalog) Kalihim at Punong
Tagapagpaganap
Mga Kagawad:
Santiago A. Fonacier (Ilokano)
Filemon Sotto (Vis Cebu/tumanggi dahil sa kapansanan)
Felix Salas-Rodriguez (Vis Hiligaynon)
Casimiro F. Perfecto (Bikol)
Hadji Butu (Muslim/namatay)
Lope K Santos (Tagalog)
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Ziolo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad (Vis Cebu)
Hunyo 18, 1937
Pinagtibay ang Batas
Komonwelt Blg. 333, na
nagsususog sa ilang
seksyon ng batas ng
Komonwelt 184.
Nobyembre 9, 1937
Bunga ng ginawang pag-aaral at
alinsunod sa tadhana ng Batas
Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng
Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang
resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang
Tagalog ang siyang halos na nakatutugon
sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt
Blg. 184, kaya’t itinagubilin niyon sa
Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin
bilang saligan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937
Bilang alinsunod sa tadhana ng
Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa
pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 ay
ipinahayag ng Pangulong Quezon
ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas na batay sa Tagalog.
Kahawig ang Tagalog sa:
59.6% sa Kapampangan
48.2% sa Cebuano
46.6% sa Hiligaynon
39.5% sa Bikol
31.3% sa Ilohano atbp
Mga Kagawad:
Lino A. Arquiza (Cebuano)
Nelia Guanco Casambre (Hiligaynon)
Lorenzo Cesar (Samar-Leyte)
Clodualdo Leocadio (Bikol)
Juan Manuel (Pangasinan)
Alejandro Perez (Pampango)
Mauyag Tamano (Tausug)
Kapangyarihan , Tungkulin at Gawain:
1. Maghayag ng kunlaran ng agham linggwistika
tungo sa pagpapalawak at pagpapalakas ng
wikang Pambansa
2. Ialinsabay ang panahon ng garamatika
3. Magpanukala ng diksyunaryo, tesauro,
ensayklopidya atbp
4. Magpanukala at maghayag ng patakarang
pangwika na angkop sa edukasyon, kultura,
sosyal at ekonimiya
5. Pag-aralan at pagpasyahan ang mga
pangunahing isyung may kinalaman sa WP
6. Magpanukala ng mga patakaran na
produksyon sa aklat, pamphlet at babasahin
7. Isagawa pa ang ibang kaugnay na gawain
Hulyo 29, 1971
Memorandum Sirkular Blg.
488 na humihiling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa
pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa simula
Agosto 13-19.
Disyembre 1, 1972
Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang
Kautusang Panlahat Blg. 17 , na nag-
uutos na limbagin sa Pilipino at
Ingles sa “Official Gazette” at
gayon din sa mga pahayagang may
malawak na sirkulasyon bago idaos
ang plebesito para sa ratifikasyon
ng Saligang Batas noong Enero 15,
1973.
Disyembre, 1972
Atas ng Pangulo Blg. 73 na
pinalabas ng Pangulong Ferdinand
E. Marcos na nag-aatas sa Surian
ng Wikang Pambansa na ang
Saligang Batas ay isalin sa mga
wikang sinasalita ng may limampung
libong (50,000) mamamayan,
alinsunod sa probisyon ng Saligang–
Batas (Art.XV, Sec.3).
1973
Sa Saligang Batas , Art.xv, Sec.3,
ganito ang sinasabi:
Ang Saligang Batas na ito ay dapat ipahayag
sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga
Wikang Opisyal, at isalin sa bawat
dayalektong sinasalita ng mahigit sa
limampung libong taong-bayan, at sa Kastila
at Arabic. Sakaling may hidwaan, ang
tekstong Ingles ang mananaig.
Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa
ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal
na adopsiyon ng panlahat na Wikang
Pambansa na makikilalang Pilipino.
Hunyo 19, 1974
Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel
ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na
nagtatadhana ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng patakarang
edukasyong bilinggwal sa mga
paaralan na magsisimula sa taong-
aralan 1974-1975. Ang kautusang
ito ay alinsunod sa mga tadhana ng
Saligang Batas ng 1972.
Hulyo 21, 1978
Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura
Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg.
22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng
kurikulum na pandalubhasaang antas. Magsisimula
sa unang semestre ng taong-aralan 1979-1980,
ang lahat ng pangmataas na edukasyong
institusyon ay magbubukas ng anim na yunit sa
Pilipino sa kanilang mga palatuntunang aralin sa
lahat ng kurso, maliban sa mga kursong pagtuturo
na mananatili sa labindalawang yunit. Nabanggit
din sa kautusang ito na ang Pilipino ay gagamiting
wikang panturo sa ilan sa mga pandalubhasaang
antas sa pamamahala ng Ministri ng Edukasyon at
Kultura.
Agosto 12, 1986
Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang
Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Wikang
Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel
sa himagsikang pinasiklab ng kapangyarihang
bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.
Dahil dito, ipinahayag niya taun-taon, ang
panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng
pagsilang ni Pangulong Manuel L. Quezon,
itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa,” ay
Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat
ipagdiwang sa lahat ng mga mamamayan sa
buong bansa, sa pangunguna ng mga nasa
pamahalaan at mga paaralan, gayundin sa mga
lider ng iba’t ibang larangan ng buhay.
Pebrero 2, 1987
Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas. Sa Article XIV, Sec. 6-9 nagsasaad
sa mga sumusunod:
Sec. 6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-
ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsasagawa ng mga
hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Sec. 7 – Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles. Ang
mga wikang panrehiyon ay pantulong
sa mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong sa
mga wikang panturo noon. Dapat
itaguyod nang kusa at opsyonal ang
Kastila at Arabic.
Sec. 8 – Ang Konstitusyong ito ay
dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon Arabic at Kastila.
Sec. 9 – Dapat magtatag ang Kongreso
ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t
ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap
at pagpapanatili.
1987
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R.
Quisumbing ng Departamento ng
Edukasyon, Kultura at Palakasan ang
Kautusan Bilang 52 na nag-uutos sa
paggamit ng Filipino bilang wikang
panturo sa lahat ng antas sa mga
paaralan kaalinsabay ng Ingles na
nakatakda sa patakarang
edukasyong bilinggwal.
Agosto 25, 1988
Nilagdaan ng Pangulong Corazon C.
Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na
nagtatagubilin sa lahat ng
departamento, kawanihan, tanggapan,
ahensiya at kaparaanan ng
pamahalaan na gumawa ng mga
kinakailangang hakbang para sa
paggamit ng wikang Filipino sa mga
opisyal na transaksiyon, komunikasyon
at korespondensiya.
Setyembre 9, 1989
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R.
Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa
lahat ng opisyal ng DECS na
isakatuparan ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos
na gamitin ang Filipino sa lahat ng
komunikasyon at transaksiyon ng
pamahalaan.
Marso 19, 1990
Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño
ng Edukasyon, Kultura at Palakasan
ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
21 na nagtatagubilin na gamitin ang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa
ng katapatan sa Saligang-Batas at
sa bayan natin.
1996
Pinalabas ng Commission on Higher
Education o CHED ang Memorandum
Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam na
yunit na pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon at
nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman
ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang
Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
Hulyo, 1997
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong
Fidel V. Ramos ang Proklama Blg.
1041 na nagtatakda na ang Buwan ng
Agosto taun-taon ay magiging Buwan
ng Wikang Filipino at nagtatagubilin
sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan na
magsasagawa ng mga gawain kaugnay
sa taunang pagdiriwang.
2001
Tungo sa mabilis na
istandardisasyon at
intelektwalisasyon ng wikang
Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng
Wikang Filipino ang 2001 Rebisyon
ng Ortograpiyang Filipino at
patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.
2006
Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Filipino, ipinagbigay-alam ng
Komisyon sa Wikang Filipino ang
pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng
Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang
nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-
aaral, konsultasyon at hanggat walang
nababalangkas na mga bagong tuntunin sa
pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng
taon 1987.
PAMBANSANG WIKA
SA PILIPINAS
Dec. 30, 1937 - TAGALOG
Aug. 13, 1959- PILIPINO
Feb. 2, 1987 - FILIPINO
PANG-EDUKASYON
YUGTO ng
WIKA
MONOLINGGUWALISMONG
(INGLES)
UNANG BILINGGUWALISMO
(Ingles, Unang Wika)
IKALAWANG
BILINGGUWALISMO
UNANG (Tagalog, Unang Wika)
MULTINGGUWALISMO
IKATLONG Tagalog)
(Ingles, Unang Wika,
BILINGGUWALISMO
IKALAWANG (Ingles, Pilipino)
MULTILINNGUWALISMO
IKATLONG
(Ingles, Unang Wika bilang auxilliary, Filipino)
KOMUNIKASY
ON
Webster (1974)
Ang akto na pagpapahayag
ng ideya sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat na paraan.
Grene at Petty
Ay isang intensyonal o konsyus na
paggamit ng anuman simbolong
tunog o anumang uri ng simbolo
upang makapagpadala ng
katotohanan o ideya, damdamin o
emosyon mula sa isang indibidwal
tungo sa isa.
Cruz (1988)
Proseso ng pagbibigay at
pagtanggap ng mga
impormasyon, kaalaman,
kaisipan, impresyon, at
damdamin
Ang komunikasyon
ay ang paghahatid at
pagtanggap ng mensahe
na kinasasangkutan ng
pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat.
Komunikatib kompitens
Bilang pragmatic kompitens o kahusayang
prgamatiko na nag-iinbolb sa abilidad ng
isang ispiker upang piliin ang angkop na
barayti ng wika para sa tiyak na
sitwasyong sosyal. Ito ay nangangailangan
ng sensitibiti sa dayalek o rehistro at
kaalamang kulutural na reperens tulad ng
pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang
popular, istatus ng mga pangyayaring
panlipunan atbp. (Noam Chomsky)
Kahusayang
Komunikatibo
May dalawang konsepto:
1. Tekstwal kompitens o abilidad na
sumulat nang kohisyon at organisasyon
2. Ilukyusyonari kompitens o ang abilidad
na magamit ang wika para sa ideation,
manipulasyon, heuristic at imahinasyon.
(Lyle Bachman)
KATANGIAN
ng
KOMUNIKASYON
1. Ang Komunikasyon ay isang
proseso.
- (Ano?Paano?Ano-ano?)
- Hindi one way kundi closed- circuit
2. Ang proseso ng komunikasyon ay
dinamiko.
- minsa’y nangyari hindi na mauulit
3. Ang komunikasyon ay komplikado.
- Kapag ang kasangkot dahil sa paraan ng
pagtingin.
4. Mensahe, hindi kahulugan, ang
naipadadala/ natatanggap sa
komunikasyon.
5. Hindi tayo maaring umiwas sa
komunikasyon.
6. Laging may dalwang uri ng
mensahe
sa proseso ng komunikasyon.
(a) mensheng pangnilalaman o
panglinggwisitika
(b) mensaheng relasyunal o di-berbal
SALIK o
SANGKAP ng
KOMUNIKASYON
1. Pinagmulan
- tagapagpadala
2. Mensahe
2.1 pangnilalaman
2.2 relasyunal
3. Tsanel/Daluyan
3.1 sensori
3.2 institusyunal
4. Tumatanggap
5. Tugon
5.1 tuwiran
(agad-agad natanggap)
5.2 di tuwiran
(anyong di-berbal)
5.3 naantala
(nangangailangan ng panahon)
6. Mga Potensiyal na Sagabal
6.1 Semantika
(kahulugan ng salita/pangungusap)
6. 2 Pisikal
(ingay sa paligid)
6. 3 Pisyolohikal
(kapansanan)
6. 4 Saykolohikal
(biases, prejudices)
URI ng
KOMUNIKASYON
ayon sa LAWAK
1. Intrapersonal (sarili)
2. Interpersonal (kaibigan)
3. Pampubliko/pangmasa (talumpati)
4. Panggrupo (pulong)
5. Pang-organisasyon (kumpanya)
6. Interkultural (ASEAN)
7. Pangkasarian (mag-asawa)
URI ng
KOMUNIKASYON
ayon sa
PARAAN
1. Komunikasyong Berbal
Ito ay gumagamit ng
salita o wika sa
pagpapahayag ng kasipan,
damdamin o saloobin sa
paraang salita
Pagpapakahulugan ng simbolong berbal:
1. Referent – bagay o ideya na kinakatawan
ng isang salita
2. Common Reference – tawag sa parehong
kahulugang ibinibugay ng mga taong
sangkot sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon.
3. Kontekstong Berbal- tawag sa kahulugan
ng isang salita na makukuha batay sa
uganayan nito sa iba pang salita sa loob
ng pahayag
4. Paraan ng Pabigkas o Manner of
Utterance- maaring kahulugang
konotatibo o paralanguage.
2. Komunikasyong Di-berbal
Ito ang komunikasyon na
naipapahayag ang damdamin o gusto sa
pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng
mukha, simbolo at iba pa.
Anyo: Oras,
Espasyo (public, social, personal, intimate),
Katawan, Mata, Pandama,
Simbolo, Kulay,
Paralanguage (vocal effects)
Teorya sa
Komunikasyon
Speech Act Theory (JL Austin)
3 komponent:
1. Aktong Lokyusyonari o aktong
pagsasabi ng bagay
2. Aktong Ilokyusyonari o pagganap/
perpormans sa aktong pagsasabi ng
bagay
3. Aktong perlokyusyonaryi o ang
pagsasabi ng isang bagay na
kadalasang naglalahad ng
konsikwensyal na epekto sa damdamin,
isip, at aksyon
Ethnography of Communication
- Nauukol sa pag-aaral ng
sitwasyon, gamit, pattern, at
tungkulin ng pagsasalita.
- Pinakasusi sa teoryang ito
ang partisipant-obserbasyon
na nangangailangan ng
imersyon sa isang partikular
na komunidad
Teknik na maaring magamit sa partisipant-
obserbasyon:
1. Introspection o paggamit ng intuition
2. Detached Observation o di-partisipadong
obserbasyon ng interaksyon sa komunidad
3. Interviewing o istraktyurd na interaksyong
berbal sa mga myembro ng komunidad
4. Philology o paggamit ng pasulat na materyales
5. Ethnosemantics o pag-aaral sa kahulugang
kultural
6. Ethnomethodology o detalyadong analisi sa
kumbersasyon o diskors analisi
7. Phenomenology o pag-aaral ng kumbersasyon
bilang problemang penomenikal
Communication Accomodation Theory
- Sinusuri ang motibasyon at konsikwens
ng pangyayari kung ang dalawang ispiker
ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon
- Naniniwala na nagtatangkang i-adjust ang
kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa
iba
- Dalawang paraan: divergence (malaking
pangkat) at convergence (nagaganap
kapag nangangailangan ng matinding
social approval)
Narrative Paradigm
- Naglalarawan sa tao bilang
story telling animals
- Nahuhusgahan ang
kredibilidad ng isiker batay
sa pediliti at kohirens ng
kanilang istorya
Kakayahang
Linggwistika o
linguistic
competence-
kakayahang makabuo
ng mga pahayag o
pangungusap na may
wastong kayariang
pambalarila
Kakayahang
Komunikatibo-
communicative
competence- kakayahang
maunawaan at magamit ang
mga pangungusap na may
wastong pambalarilang
kayarian sa angkop na
panlipunang kapalagiran
ayon sa hinihingi ng
sitwasyon
KONSIDERASYON
para sa
MABISANG
KOMUNIKASYON
SPEAKING C
N
E A
R N T E S
T O E
R
T T
I
D S
Y U
M
R N
T C
I
S E S E
N
Q PORMAL O T
M R
I
ANO ANG PAKSA
P
A
LAYUNIN? U IMPORMAL A
E
L
I
E
N
NAGSASALAYSAY
N N S NAKIKIPAGTALO
T NAGLALARAWAN
T C
G
I
S E E
LUGAR SINO ANG TAKBO NG S
KAUSAP? USAPAN MIDYUM
Modelo ng
Komunikasyon
Modelo ng
Komunikasyon
Modelo ng
Komunikasyon
Tungkulin ng Gawi ng Pagsasalita
Komunikasyon (Speech or Communication Acts)
( Functions of Communication)
A. Pagkontrol sa kilos o Pakikiusap, pag-uutos, pagmumungkahi,
gawi ng iba pagpupunyagi, pagtanggi, pagbibigay
(Controlling Function)
babala
B. Pagbabahagi ng Pakikiramay, pagpuri, pagsang-ayon,
damdamin pahayag, paglibak, paninisi, pagsalungat
(Sharing feelings)
C. Pagbigay o pagkuha Pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy,
ng impormasyon pagtatanong, pagsagot
(Getting factual
information)
D. Pakikipag-kapwa at Pagbati, pagpapakilala, pagbibiro,
interaksyon sa kapwa pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin
(Ritualizing Function)
E. Pangangarap at Pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao,
paglikha paghula
(Imagining/Creating Function)
1. PONEMA
1.1 Kasaysayan ng Alpabeto
1.2 Ponolohiya
1.3 Dalawang Uri
1.4 Palabigkasan at
Palatuldikan
1.5 Ponemang Malayang
Nagpapalitan
1.6 Salabikasyon
PONEMA
tumutukoy sa mga
makabuluhang
tunog ng isang
wika
Kasaysayan ng
Alpabetong
Filipino
1. Baybayin
- Binubuo ng 17 Titik
- 14 ang katinig at 3 patinig
- tuldok sa taas (e/i) sa baba (o/u)
2. Alpabetong
Romano/ Abecedario
- 30 Titik
/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/
/efe/ /he/ /ache/ /i/
/hota/ /i/ /ele/ /elye/ /eme/
/ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/
/ere/ /erre/ /ese/ /te/ /u/
/ye/ /doble u/ /ekis/ /ye/
/seta/.
3. Abakada ( 1940)
- Binubuo ng 20 Titik
- 15 katinig at 5 patinig
- A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, O,
P, R, S, T, U, W, Y
4. Dinagdagan ng 11
titik ang Abakada
-31 titik lahat
- taong 1971
- C, CH, F, J, Ñ, LL, Q,
RR, V, X AT Z
5. Alpabetong Filipino
- taong 1987
- tinanggal ang CH, LL at
RR
- binubuo ng 28 titik.
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/
/ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/
/el/ /em/ /en/ /enye/ /enji/
/o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /es/ /ti/
/yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/
/way/ /zi/
PONOLOHIYA/
PALATUNUGAN
makaagham na pag-
aaral ng tunog
Palatinigan o Ponetika/
Articulatory phonetics
- pag-aaral ng tunog ng mga
salita at pagpapalabas ng mga
ito
- isang paraan upang ilarawan
kung paano binibigkas ang
mga ponema ng isang wika
Tatlong salik ang
kailangan upang
makapagsalita ang tao:
1. ang pinanggagalingan ng
lakas o enerhiya
2. ang kumakatal na bagay o
artikulador
3. ang patunugan o
resonador
Punto ng
Artikulasyon
1. Panlabi
- ang ibabang labi ay dumidiit sa labing
itaas. /p,b,m/
2. Pangngipin
– ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng
mga ngiping itaas. /t,d,n/
3. Panggilagid
– ang ibabaw ng dulo ng dila ay lumalapit
o dumidiit sa punong gilagid. /s,l,r/
4. Pangngalangala o Velar
– ang ibabaw ng puno ng dila ay
dumidiit sa velum o malambot na
bahagi ng ngalangala. /k,g,n/
5. Glottal
– ang mga babagtingang ay nagdidiit o
naglalapit at hinaharang o inaabala ang
presyon ng papalabas na hininga upang
lumikha ng paimpit o pasutsot na
tunog.
Paraan ng
Artikulasyon
1. PASARA
daanan ng hangin ay harang na harang
(p, t, k, b, d, g)
2. PAILONG
ang hangin nahaharang dahil sa pagtikom ng labi ,
pagtukod ng dila sa taas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa
pagbaba ng velum o malambot na ngalangala.
(m, n, ng)
3. PASUTSOT
Hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na
pagitan ng dila at ng ngalangala o kayay ng mga
babagting ng pantinig.
(s, h)
4. PAGILID
Ang hangin na lumalabas sa mga gilid ng dila
sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa punong
gilagid.
(i)
5. PAKATAL
Ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at
pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang
beses na papalag ng dulo ng nakaarkong dila.
(r)
6. MALAPATINIG
Nagkakagalaw mula sa posisyong labi o dila
patungo sa ibang posisyon.
(w, y)
Dalawang
Uri ng
Ponema
1. Ponemang Segmental
– ang mga tunog ay tinutumbasan
ng letra o titik upang ito ay
mabasa at mabigkas.
Halimbawa:
- Ponemang Katinig
- Ponemang Patinig
- Mala-patinig
- Diptonggo
- Klaster
- Pares Minimal
13 Katinig
b,d,g,h,k,l,m,n,p,r,s,t,ng
8 Hiram na Titik
c,f,j,q,v,x,z,ñ
5 Patinig
a,e,i,o,u
2 Mala-patinig
w,y
7 diptonggo
ay, ey, iy, oy, uy, aw, iw
Hal. Bahay , giliw , aruy
Klaster o kambal-
katinig
ito ang magkakasunod na
katinig sa loob ng isang pantig.
Hal. Kwento, trapo
Pares minimal
ito ay pares ng salita na
magkaiba ng kahulugan ngunit
magkatulad ng bigkas maliban na
isang ponema sa parehong
posisyon.
Hal. Pala - Bala
2. Ponemang
Suprasegmental
- ang mga tunog ay
tinutumbasan ng simbolo upang
ito’y mabasa at mabigkas.
Halimbawa:
- Haba
- Tono
- Antala/ Hinto
- Diin
- Punto at Intonasyon
Haba (length)
- ito ay tumutukoy sa haba ng
bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng
isang pantig.
- simbolong tuldok (. ) para sa
pagkilala sa haba.
Halimbawa:
• bu.kas - nangangahulugang susunod na
araw
• bukas - hindi sarado
Tono (pitch)
- paraan ng pagbigkas na maaaring
malambing,pagalit,mabilis na parang
nagmamadali,mahina at iba pa.
- naiiba-iba ang tono o pagtaas at
pagbaba ng tinig sa wikang Filipino batay
sa iba’t ibang layunin at damdamin ng
nagsasalita.
Ikaw nga! (nagulat)
Ikang nga! (pagalit)
Ikaw pala. (ordinaryong pagbati)
Ikaw pala. (walang interes na pagbati)
- ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas
ng bigkas ng pantig.
- nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais
ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa
pagsasalita ay may mababa, katamtaman
at mataas na tono.
- maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa,
bilang. 2 sa katamtaman at bilang 3 sa
mataas.
Halimbawa:
• Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
• Kahapon - 231 (pagpapatibay)
• Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
• Talaga - 231 (pagpapatibay)
Antala/Hinto (juncture)
- tumutukoy ito sa pansamantalang
pagtigil ng ating ginagawa sa
pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.
- maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ),
dalawang guhit na pahilis ( // ), o
gitling ( - )
Halimbawa:
• Hindi, siya ang kababata ko.
• Hindi siya ang kababata ko.
Diin (stress o emphasis)
- ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang
salita o pantig ay makakatulong sa pag
unawa sa kahalagahan ng mga salita.
- maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na
may diin ang malaking titik.
Halimbawa:
BU:hay - kapalaran ng tao
bu:HAY - humihinga pa
LA:mang - natatangi
la:MANG - nakahihigit; nangunguna
Punto at
Intonasyon
- Tumutukoy ang punto sa
kakaibang pagbigkas ng isang
grupo ng mga tao. Halimbawa:
“Ala e!” kung taga- Batangas
“Aru!” kung taga- Quezon
“Agi!” kung taga-Cebu
Palabigkasan
at
Palatuldikan
1. Malumay
2. Malumi
3. Mabilis
4. Maragsa
MALUMAY
- binibigkas ito na may diin sa
pantig na penultima o ikalawang
pantig mula sa huli. Hindi
tinutuldikan.
(patinig at katinig)
Halimbawa:
dalaga, sarili, nanay, kilabot
MALUMI
(paiwa)
- binibigkas ito ng may diin sa pantig na
penultimo. Nagtatapos ito sa glottal na
pasara.
- may tuldik ito na paiwa (\) na itinatapat
sa hulang pantig ng salita. (patinig)
Halimbawa: bata, dambuhala, labi
Mabilis
(pahilis)
- Binibigkas ito nang tuluy-tuloy.
- May Pahilis na tukdik (/)
(patinig at katinig)
Halimbawa: Hagupit, baril, hampas
Maragsa
(pakupya)
- binibigkas ito nang tuluy-tuloy na ang
diin ay nasa huling pantig.
- ang tuldik na ginagamit ay pakupya (^)
na itinatapat sa huling pantig ng salita.
(patinig)
Hal. Dukhâ, butikî
Ponemang Malayang
Nagpapalitan
- Mga salita na malayang
nagpapalitan ng isang ponema na
hindi nagbabago ang kahulugan
Halimbawa:
•Rin – din
•Ano – anu
•Diin - riin
Salabikasyon
- Ang pagtukoy sa pantig,
gaundin sa kayarian nito, ay
sa pamamagitan ng paggamit
ng simbolong K para sa
katinig at P para sa patinig.
Kayarian Halimbawa
P u-pa
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
KKP pri-to
PKK eks-perto
KKPK plan-tsa
KKPKK trans-portasyon
KKPKKK shorts
2. MORPEMA
2.1 Pagbabagong
Morpoponemiko
2.2 Anyo
2.3 Dalawang Uri
2.4 Wastong Gamit ng
Salita
Morpema
- pinakamaliit na yunit ng isang
salita na nagtataglay ng kahulugan
Morpolohiya
- ito ang pag-aaral ng morpema ng
isang wika at pagsasama ng mga
ito upang makabuo ng salita.
PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
Tumutukoy sa anumang
pagbabago sa karaniwang
anyo ng isang morpema
dahil sa impluwensya ng
kaligiran nito.
Asimilasyon
Sakop nito ang pagbabagong /ŋ/ sa
pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng
ponema.
TUNTUNIN:
pang/ mang/ sing + p/b = pam/ mam/ sim
pang/ mang/ sing+ d/ l/ r/ s/ t = pan/ man/
sin
DALAWANG URI:
1. Asimilasyong Parsyal/ Di-ganap
- buo pa ang salitang-ugat
2. Asimilasyong Ganap
- ‘di na buo ang salitang-ugat
pang + bansa = pambansa
mang + daya = mandaya
pang + tukoy = pantukoy
mang + dukot = mandukot
pang + talo = panalo
mang + kuha = manguha
Pagpapalit ng
Ponema
May mga ponemang
nagbabago o
nagpapalitan sa
pagbubuo ng mga salita.
1. /d/ /r/
2. /h/ /n/
3. /o/ /u/
ma + dama = marami
ma + dapat = marapat
tamad + in = tamarin;
lipad + in = liparin
Metasis/
Paglilipat
Nagpapalitan ng
pusisyon ang mga
panlapi tulad ng
–in o –an.
y + in + akap
= yinakap = niyakap
lipad + in
= linipad = nilipad
yaya + in
= yinaya = niyaya
Pagkakaltas ng
Ponema
Nagaganap ito kung
ang huling ponemang
patinig ng salitang-
ugat ay nawawala sa
paghuhulapi nito.
bili + han
= bilihan = bilhan
dakip + in
= dakipin = dakpin
tirah + an
= tirahan = tirhan
sarah + an
= sarahan = sarhan
Paglilipat-
diin
Nagbabago ang diin
kapag nilalapian.
Ilaw+an= ilawan
Ka+ sama+ an= kasamaan
Reduplikasyon
Pag-uulit ng pantig ng
salita. Ang pag-uulit ay
maaring nagsasaad ng kilos
na ginagawa o gagawin pa
lamang, tagagawa ng kilos o
pagpaparami.
a+ alis = aalis
ma+ ta+ taas = matataas
pu+ punta = pupunta
ma+ sa+ saya= masasaya
nag+ la+ lakad= naglalakad
Anyo ng Morpema:
1. Payak
2. Maylapi
3. Morpemang Ponema (a)
Morpemang Payak
- binubuo lamang ng salitang ugat.
- ito ay mga salitang-hubad dahil sa
hinubaran ang salita ng panlapi o walang
kasamang panlapi.
- malayang morpema, ito ay maaaring
makapag-isa o may taglay na
kahulugan kahit walang kasamang
panlapi.
Halimbawa: itlog, langit, bahay, yaman,
talino, diwa, sulat
Morpemang Panlapi
- ang mga panlapi, kahit hindi buong salita,
ay mayroon parin kahulugan dahil sa
dumadagdag ito sa kahulugan ng salitang
ugat.
- di-malayang morpema; hindi makikita ang
tiyak na taglay na kahulugan hanggang
hindi naisasama sa ibang morpema.
Halimbawa:
ma- + bait= mabait, ma- + talino+ matalino
Mga Panlaping
Ginagamit sa
Pagbuo ng
Pangngalan
-an
1. lalagyan ng maraming bagay
Hal: atisan, manggahan, aklatan
2. pook na ginagampanan ng kilos
Hal: saingan, katayan, laruan
3. panahon o maramihang pagganap
Hal: binyagan, anihan, taniman
4. gantihang kilos
Hal: tulakan, tulungan, kuwentuhan
5. maramihan o sabayang kilos
Hal: suguran, bilihan, sigawan
-in
1. relasyong isinasaad ng
salitang-ugat
Hal: pininsan, inale, inapo
2. nagsasaad ng karaniwang
gamit o tungkulin ayon sa
salitang-ugat
Hal: salain, saluki, pakutin
ka-
1. kasama sa pangkat, katulong sa
gawain
Hal: kabayan, kalahi, kaklase
2. nagsasaad ng relasyon ayon sa
isinasaad ng salitang-ugat.
Hal: kalaro, kausap, kamag-anak
tag-
1. nagsasaad ng panahon
Hal: tag-init, tag-ulan, tag-araw
Mga Panlaping
Ginagamit sa
Pagbuo ng
Pang-uri
ma- + su : mahusay, maganda
mapag- + su : mapagbigay,
mapagtanong
-al : emosyonal
uwal/-wal : aktuwal/aktwal
-ante : importante, bastante
Morpemang
Ponemang (a)
maipakita ang nasyonalidad o rehiyong
pinagmulan, pati sekswalidad
-o/a : Amerikano/Amerokana,
Australyano/a
-es/esa : Hapones/
Haponesa
-ano/a : Ilokano/a,
Bikolano/a
-ense : Pangasinense
-enyo/enya : Batangenyo/a
Dalawang Uri ng
Morpema:
1. Salitang Pangnilalaman
2. Salitang Pangkayarian
Salitang Pangnilalaman o
Leksikal
- mga morpemang may natatanging
kahulugan na madaling malaman.
- Content-morphemes
- Open class, dahil sa maari itong
madagdagan ng mga bagong salita.
Salitang Pangkayarian
- Mga morpemang nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa gramatikal na
gamit sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
mga salita sa pangungusap.
- Ito ay nakapagpapalinaw ng kahulugan ng
buong pangungusap.
- Function-morphemes
- Close class, dahil sa hindi ito
nadadagdagan ng mga bagong miyembro
Salitang Pangnilalaman o Leksikal:
•Pangngalan
•Panghalip
•Pandiwa
•Pang-Uri
•Pang-abay
Salitang Pangkayarian:
•Pang-angkop
•Pangatnig
•Pang-ukol
•Pananda
MGA BAHAGI NG PANANALITA
LEKSIKAL PANGKAYARIAN
O PANGNILALAMAN (content words)
PANGNGALAN PANGATNIG
(Noun) NOMIN (Conjunction)
AL
PANGHALIP PANG-ANGKOP PANG-
UGNAY
(Pronoun)
PANDIWA PANG-UKOL
(Action Verb) (Prepisitiom)
Kaukulan
Panauhan
/
Kailanan Palagyo Paukol Paari
Isahan
Una Ako Ko Akin
Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo
Ikatlo Siya niya Kanya
Dalawaha
n
Una Kami, tayo Natin Atin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
Maramiha
Pandiwa
- salitang nagpapakilos
o nagbibigay sa isang
lipon ng mga
implikasyon nito
Dalawang Uri ng Pandiwa
1. Katawanin (intransitive)
– pandiwang ganap o buo na ang
diwang ipinahahayag sa ganang
sarili at di nangangailangan ng
layon
2. Palipat (transitive)
– pandiwang hindi ganap o buo at
nangangailangan ng layon
Dalawang Tinig ng Pandiwa
1. Tukuyan o tahasan (active)
– simuno ng pangungusap
ang gumagawa ng kilos ng
pandiwa
2. Balintiyak (passive)
– simuno ang tumatanggap
sa kilos ng pandiwa
PANDIWA (Action Verb)
ASPEKT
O
PERPEKT PERPEKTIB IMPERPEKT KONTEMPLA
IBO ONG IBO TIBO
kilos na KATATAPO kilos na
nasimulan
kilos na hindi
S katatapos nasimulan
at natapos pa nasimulan
palamang ang ngunit hindi
na pa tapos o mangyayari
kilos
pa lamang.
PAWATAS PERPEKTIBO KATATAPOS IMPERPEKTIBO KONTEMPLATI
BO
Halimbawa:
Ang pangulo ay dumating kahapon.
Masaya kagabi ang tatay.
SINA/ NINA
- Mga pantukoy na marahil na
sinusundan ng pangngalan
Hal: Sina Joan at Carol ay lalakad papuntang
simbahan
PINTO at PINTUAN
PINTO
- door
- isinasara o binubuksan
Hal: Isinara niya ang pinto upang
hindi makapasok ang lamok.
PINTUAN
- doorway
daanan
Hal: Nakaharang sa pintuan ang
paso ng halaman kung kaya’t hindi
niya maisara ang pinto.
PAHIRIN at PAHIRAN
PAHIRIN
- Wipe out
Hal: Pahirin mo ang iyong pawis sa
noo.
PAHIRAN
- To put something
Hal: Pahiran mo ng Vicks ang likod
ng bata.
PUNASIN at PUNASAN
Punasin mo ang alikabok sa mesa.
Punasan mo ang mesa.
OPERAHIN at OPERAHAN
Ooperahin bukas ang mga mata ni
Geelyn.
Ooperahan na ng doktor ang naghihirap
na bulag.
WALISIN at WALISAN
Walisin ang mga nahulog dahon na sa
bakuran.
Wawalisan ang bakuran.
HAGDAN at HAGDANAN
HAGDAN
- steps
Hal: Mabilis niyang inakyat ang hagdan
upang marating ang klinika.
HAGDANAN
- staircase
Hal: Matitibay ang hagdanan ng
kanilang bahay kaya hindi gumuho ang
hagdan niyon matapos ang lindol.
SUNDIN at SUNDAN
SUNDIN
- Follow the advice
Hal: Sundin mo ang mga payo ng iyong
mga magulang kung ayaw mong
maligaw sa landas.
SUNDAN
- Follow the way
Hal: Sundan mo agad ang umalis mong
kaibigan at baka tuluyan na iyong
magtampo.
IWAN at IWANAN
IWAN
- Hindi sinasama
Hal: Iwan mo na ang anak mo sa
bahay ninyo.
IWANAN
- May bagay na iiwan
Hal: Iwanan mo’ko ng perang
pambili ng pananghalian.
IKA at IKA-
Gamit ng IKA
- bilang panlapi sa bilang na
isinusulat bilang salita
Hal: Ikatlong taon
Ikaapat na araw
Gamit ng IKA-
- ginitliiang “ika” bilang panlapi kung
mismong bilang ang isusulat
Hal: Ika-21 ng Febrero
Ika-3 taon
MAKA at MAKA-
Gamit ng MAKA
- ginagamit na walang gitling kung
pangngalang pambalana and kasunod
na salita
Hal: Naglunsad na naman ng kilos
protesta ang mga makamasa.
Gamit ng MAKA-
- ginagamit kapag sinusundan ng
pangnglang pantangi
Hal: Maka-Erap lagi ang pasimuno sa
kilos protesta
3. SINTAKSIS
3.1 Ayos ng Pangungusap
3.2 Uri ng Pangungusap ayon sa
Kayarian
3.4 Uri ng Pangungusap ayon sa
Gamit
3.5 Pangungusap na Walang Paksa
Sintaksis
Ito ay pagsasama-
sama o pag-uugnay ng
mga salita upang
makabuo ng
pangungusap.
Pangungusap
– salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng
diwa
Parirala
– lipon ng salita na walang diwa
Sugnay
– lipon ng mga salita na may paksa at
panaguri subalit hindi buo ang diwa.
- ito’y bahagi lamang ng pangungusap.
Dalawang uri ng sugnay:
1. sugnay na makapag-iisa
2. sugnay na di-makapag-iisa
1. Sugnay na Makapag-iisa
- kung sa loob ng pangungusap ay
nabuo itong may paksa at panag-uri na
may buong diwa.
- maari itong gawing buong pangungusap
kung aalisin sa isang pangungusap at
lalagyan ng bantas
Hal:
Binubuhay nilang muli ang kagubatan dahil
kailangan nila ito.
Kung iisipin ng tao ang kapwa nila ay
maiiwasan ang pagiging sakim.
2. Sugnay na Di- makapag-iisa
- di-nakapag-iisa kung ito ay
pinangungunahan ng pangatnig
- may paksa at panag-uri ngunit hindi
buo ang kaisipang ipinapahayag
Hal:
kung iispin lang ng tao ang kapwa nila
dahil kailnagan nila ang tao
kaya hindi ako nakapasok
Bahagi ng
Pangungusap
1. Paksa
- ang pinag-uusapan sa isang
paksa.
2. Panag-uri
- naglalarawan o ideya tungkol sa
paksa
Hal:
Ang mga bata ay naglalakad.
Si Joan ay kumakain.
Nagsasayaw ang mga bata.
Ayos ng
Pangungusap
1. Karaniwang ayos
- nauuna ang panag-uri kaysa sa paksa.
2. Di-Karaniwang ayos
- nauuna ang paksa kaysa sa panag-uri
- may pangawing na “ay”
Hal:
Ako ay isa sa marami.
Masayahin ang mga Pilipino.
Si Napoles at Arroyo ay may kuto.
Si Anne ay tumatakbo.
Sila ay naglalakad sa parke.
Umiiyak ang bata dahil iniwan ng nanay sa
kanyang ate.
Uri ng
Pangungusap
ayon sa
Kayarian
1.Payak
1S+1P
- nagpapahayag ng isang
kaisipan lamang.
Hal: Si Ana ay kumakain.
Masipag si Janine
2. Tambalan
1SM+1SM/2SM+2SM
- Nagpapahayag ng dalawang
magkaugnay na kaisipan.
Hal:
• Ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng
edukasyon at ipinakilala niya sa kanila
ang kahalagahan ng edukasyon.
• Hindi nakatiis ang mga Pilipino at
sila’y nagtipon ng lakas.
3. Hugnayan
1SM+1SDM/1SM+2or3SDM
- 1 sugnay na makapag-iisa at 1 sugnay na
di-makapag-iisa.
Hal:
• Kung hindi kikilos nang maaga ang
pamahalaan, maraming walang muwang na
mamamayan ang mamamatay.
• Magiting na ipinagtanggol ng mga gerilya
ang kanilang baryo nang lumusob ang mga
dayuhan.
4. Langkapan
2SM+1SDM/3SM+2or3SDM
- 2 o higit pang sugnay na makapag-
iisa at 1 o higit pang pantulong na
sugnay.
Hal:
• Kung ang Agila ay kinikilalang hari ng mga ibon
sa Pilipinas at ito’y sumasagisag sa
pagmamahal ng Pilipinas sa kalayaan, ang
pinakamataas naman sa lahat ng ibon ay Moa.
• Magiging malaya ang bayan at makakamit
natin ang kapayapaan kung isasabuhay lamang
natin ang tunay na pagkamakabayan.
Uri ng
Pangungusap
ayon sa
Gamit
1. Paturol/
Pasalaysay
- pangungusap na naglalahad
ng katotohanan
- nagtatapos sa isang tuldok
(.)
Hal:
Tumatakbo ang bata
Nagsasayaw ang lolo at lola.
2. Patanong
-nagtatanong
- nagtatapos sa tandang
pananong (?)
Hal:
Sino ang kasama mo?
Nasaan ang pinabili ko sa iyo?
Kaya mo bang buhatin iyan?
3. Pautos
- naghahayag ng obligasyong
dapat gawin o isagawa.
- nagtatapos sa tuldok (.)
Hal:
Magdilig ka ng halaman.
Pakainin mo ang iyong alaga
Umalis ka muna sa kwarto ko.
Pakikuha mo nga ako ng isang baso
ng tubig.
4. Padamdam
- nagsasaad ng matinding damdamin
tulad ng tuwa, takot, o pagkagulat.
- nagtatapos sa tandang padamdam
(!) o tandang pananong (?)
Hal:
Aray! Ang sakit ng paa ko naipit sa
upuan.
Hala! Paano na ako makakapasok nito
sa bahay?
Mga
Pangungusap
na Walang
Paksa
EKSISTENSYAL
MODAL
PADAMDAM
MAIKLING
SAMBITLA
PANAWAG
PAMANAHON
(Penomenal)
PAMANAHON
(Temporall)
PORMULARYONG
PANLIPUNAN
Paggamit ng Gitling
1. Kapag ang salita ay inuulit
Hal: araw-araw, gabi-gabi
2. Ang unlapi ay nagtatapos sa katinig
at ang salitang-ugat ay nagsismula sa
patinig
Hal: pang-ugnay, pag-umulan
3. May katawagang nawawala sa pagitan
ng dalawang salitang pinagsama
Hal: bahay na kubo = bahay-kubo
4. Panlapi + Ngalang Pantangi
Hal: Maka-Nora
5. Ika + tambilan/ pamilang
Hal: ika-7 ikapito
6. Binabaybay ang yunit ng
praksiyon
Hal: isang-kapat
7. Nanatili ang dalawang kahulugan
ng dalawang salitang pinagsama
Hal: dalagang-bukid
Paggamit ng
Kudlit
•May nawawalang letra o titik sa
dalawang salitang pinag-ugnay
Hal: pag-asa’t pagmamahal
•WALANG KUDLIT: mga salitang
namatay na dahil wala na ang
daglit na at
Halimbawa: subalit, datapwat
Pagpapalawak
ng
Pangungusap
1.Paningit
-o ingklitik na mga
katagang isinasama sa
pangungusap
ba, na, ho, po, sana, kasi, naman,
lamang/lang, kaya, nga, man, tuloy,
daw/raw, pa, muna, yata, din/rin, pala
2. Panuring
-dalawang kategorya:
pang-uri at pang-abay
Hal:
Ang mag-aaral ay iskolar
Ang matalinong mag-aaral ay iskolar
Ang matalinong mag-aaral s klase ko
ay iskolar
3. Kaganapan
-kaganapan ng pandiwa
na gumagamit na rin ng
tungkulin ng pang-abay.
Hal: Nagpiknik ang mag-anak
sa tabing-dagat.