You are on page 1of 23

ANG PANDIWA

PANDIWA
◦ -ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlaping makadiwa.

◦ Ang salitang-ugat ay nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.

◦ Ang panlapi naman ang nagpapakilala ng iba’t ibang panahunan, kailanan, at


tinig ng pandiwa.

◦ Mga Panlaping makadiwa:

◦ Mag-, um, I, ma, maka, hin, -han/-in, pa mang, maki at iba pa.
Halimbawa:
◦ PANLAPI SALITANG-UGAT PAWATAS
◦ um- lakad lumakad
◦ mag- laro maglaro
◦ i- luto iluto
◦ ma- sabi masabi
◦ pa- hula pahula
Mga Aspeto ng Pandiwa

◦ Tatlong aspeto ng Pandiwa:

◦ 1. perpektibo – ginanap na o natapos na

◦ 2. imperpektibo- ginaganap at hindi pa natatapos

◦ 3. kontemplatibo- gaganapin o hindi pa nasisimulan ang kilos


A. Aspetong Perpektibo o Pangnakaraan
◦ Ito ay nagsasaad ng kilos na nasimulan at natapos na.
◦ Halimbawa:
◦ ANYONG PAWATAS ASPETONG PERPEKTIBO
◦ Umalis umalis
◦ Kumain kumain
◦ Maglaro naglaro
◦ Magpaganda nagpaganda
A.1 Aspetong Perpektibong Katatapos

◦ Ito ay aspetong nagsasaad ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula ang

pagsasalita.

◦ Ang kayarian ng aspetong ito ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng

unlaping ka at ang pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat. Ngunit hindi

lahat ng pandiwa ay may aspektong perpektibong katatapos.


Halimbawa:

◦ PAWATAS PERPEKTIBONG KATATAPOS

◦ Sumulat kasusulat

◦ Kumain kakakain

◦ Maglaro kalalaro
B. Aspetong Imperpektibo o
Pangkasalukuyan
◦ Sa aspetong imperpektibo, ang kilos ay nasimulan na ngunit di pa natatapos.
Kasalukuyan pang ipinagpapatuloy ang kilos.

◦ Dalawang Uri ng Kilos na Imperpektibo

◦ 1. Kilos na nasimulan ngunit hindi pa natatapos, nagaganap o ipinagpapatuloy

◦ 2. kilos na paulit-ulit na ginagawa


Halimbawa

◦ 1. Sumusulat ng tula ang mag-aaral. (nagsimula nang sumulat at sumusulat pa,

hindi pa tapos ang kilos)

◦ 2. Parati siyang umaawit. (ang kilos ay paulit-ulit na ginagawa)


◦ PAWATAS/PAUTOS PERPEKTIBO KATATAPOS

IMPERPEKTIBO

◦ Maglaro naglaro kalalaro naglalaro

◦ Kumain kumain kakakain kumakain

◦ Sumulat sumulat kasusulat sumusulat

◦ Umalis umalis kaaalis umaalis


C. Aspetong Kontemplatibo o
Panghinaharap
◦ Ang kilos ay hindi pa nasisimulan, ito ay gaganapin pa lamang.

◦ Halimbawa:

◦ Pawatas Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo

◦ Maglaro naglarokalalaro naglalaro maglalaro

◦ Kumain kumainkakakain kumakain kakain

◦ Sumulat sumulat kasusulat sumusulat susulat


◦ NEUTRAL BANGHAY SA UM

Anyong Pawatas sumulat

Perpektibo sumulat

Perpektibong Katatapos kasusulat

Imperpektibo sumusulat

Kontemplatibo susulat
URI NG PANDIWA
◦ 1. PANDIWANG KATAWANIN
◦ Ang pandiwang katawanin ay nagtataglay ng kahulugang buo na hindi
nangangailangan ng tagaganap o tagatanggap ng kilos.
◦ Halimbawa:
◦ Umalis na ang panauhin.
◦ Lumipad sa himpapawid ang ibon.
◦ Ang mga panauhin ay pumunta sa ilog.
2. Pandiwang Palipat
◦ Ang pandiwang palipat ay nagtataglay ng kilos at nangangailangan ng tuwirang layon.
Ang tuwirang layon ay pinangungunahan ng pang-ukol na sa o kay at layon na maaaring
pangngalan o panghalip na karaniwan.

◦ Halimbawa:

◦ Ang magsasaka ay nagtanim ng mga gulay.

◦ Siya ay kumatha ng isang kuwento.

◦ Sumusuri siya ng isang payak na pangungusap.


TINIG NG PANDIWA
◦ 1. Tinig na tahasan o tukuyan

◦ Ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na sinasabi ng pandiwa at may layong
tagatanggap ng kilos na tinatawag na tuwirang layon.

◦ Halimbawa:

◦ Bumili ng sariwang gulay ang ina ni Karl.

◦ Bumabalangkas ng isang talata si Cesar.

◦ Ang bata ay nagpalit ng damit.


◦ 2. Tinig na Balintiyak

◦ Ang paksa ay hindi gumaganap ng kilos manapa, ito ang tumatanggap ng kilos na sinasabi

ng pandiwa, samakatuwid, tagatanggap ng kilos ng paksa.

◦ Halimbawa:

◦ Ang tula ay isinulat ng batikang manunulat.

◦ Pinulot ng bata ang aklat.

◦ Nabili ni Grace ang bagong Van.


POKUS NG PANDIWA
◦ Ang pokus ay ang pinakapaksa ng pangungusap.

◦ 1. Aktor Pokus

◦ Kapag ang paksa ang tagaganap ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. May mga panlaping ginagamit gaya ng
um, mag-, maka-, mang at ilang ma-.

◦ Halimbawa:

◦ Sumungkit ng mga atis ang mga mag-aaral.

◦ Nagdala ng radyo si Trixy.

◦ Mangunguha si Cris ng maraming prutas.


2. Gol Pokus
◦ Kapag ang paksa ang siyang tagatanggap ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa at may
layon tagaganap. Ang mga panlaping ginagamit sa pokus na ito ay i-, in, -an/-han, ma-,
ipa. Pinangungunahan ng marker na ng/ni ang actor o ang kahalili nitong mga panghalip.

◦ Halimbawa:

◦ Kinuha ni Joe ang susi.

◦ Binali ng bata ang lapis.

◦ Binasa ng pulis ang pahayagan.


3. Lokatib Pokus
◦ Nasa lokatib pokus kapag ang tinutukoy ay ang pook na pinagganapan ng kilos.Ang
mga panlaping ginagamit ay –an/-han, pag- an/-han, -an/-han, pang… -an/-han

◦ Halimbawa:

◦ Pinaghukayan ni Pedro ang kanilang bakuran.

◦ Pinaglutuan ng kakanin ang bagong kawali.

◦ Napagtamnan ni Joe ang mga malalaking paso.


4. Kosatib Pokus
◦ Kapag tinutukoy ang kadahilanan ng kilos sa pangungusap. Ang panlaping ginagamit
ay i-, ika- at ikapag- pinangungunahan ng ng/ni ang actor o panghalili rito.

◦ Halimbawa:

◦ Iniluha niya ang pag-alis mo.

◦ Ininainis nila ang pagsisinungaling mo.

◦ Ikinagalit ko ang iyong pagtataksil.


5. Instrumental Pokus
◦ Nasa instrumental pokus kapag ang paksa ay ang kagamitang ginamit sa pagkilos ng
pandiwa sa pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay ipang- at pinagungunahan ng
ng/ni ang aktor.

◦ Halimbawa:

◦ Ipinangguhit ng bata ang lapis na iyan.

◦ Ipinamunas ni Ging-ging ang bagong tuwalya.

◦ Ipinanghiwa ni Abie ng sibuyas ang kutsilyo.


6. Direksyunal Pokus
◦ Kapag tinutukoy ang direksyon o tatanggap ng kilos sa pangungusap. Ang mga
panlaping ginagamit sa ganitong pokus –an/-han, at pinangungunahan ng ng/ni marker
ang aktor o mga panghalili nito.

◦ Halimbawa:

◦ Pinasyalan namin ang Banaue Rice Terraces.

◦ Pinuntahan ng mga pulis ang kanilang bahay.

◦ Tinabihan niya ang kanyang kaibigan.


7. Benepaktib Pokus
◦ Nasa benepaktib pokus kapag ang paksa ay pinaglalaanan o di-tuwirang layon
ng kilos ng pandiwa. Ang mga panlaping ginagamit sa ganitong pokus ay i-,
ipang- at ipag-. Pinangungnahan ng ng/ni ang marker ng aktor.
◦ Halimbawa:
◦ Ikinuha ng inumin ng katulong ang panauhin.
◦ Ipinaghugas ni Ana ng pinggan ang bata.
◦ Ipinagluto ng ina ng masarap na ulam ang maysakit.

You might also like