You are on page 1of 11

PANDIWA

Ano ang Pandiwa ?


 Mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw.
 Ang mga pandiwa ay binubuo ng salitang-ugat at
mga panlaping makadiwa.
 Ang salitang–ugat ay nagbibigay ng kahulugan
sa pandiwa.
 Ang panlapi naman ay nagpapakilala ng iba’t
ibang panahunan,kailanan, at tinig ng pandiwa.
 Ang salitang-ugat at panlapi ang bubuo sa
salitang pawatas na magiging batayang anyo ng
pandiwa.
- May mga panlaping makadiwa na
ginagamit gaya ng : mag-;um,i,ma,maka,hin,-
han/-in,pa mang,maki at iba pa.
Halimbawa :
Panlapi Salitang-ugat Pawatas
um- lakad lumakad
mag- laro maglaro
i- luto iluto
ma- sabi masabi
pa- hula pahula
Mga Aspekto ng Pandiwa
 Ang pandiwa ay may aspekto na nagpapakita ng
kilos o pangyayari na naganap, o katatapos pa
lamang, sisimulang ganapin at magaganap pa
lamang.
 May tatlong aspekto ang pandiwa :
1. Perpektibo o ginanap na o natapos na,
2. Imperpektibo o ginaganap o hindi pa natatapos, at
3. Kontemplatibo o gaganapin o hindi pa nasisimulan
ang kilos.
- May tinatawag na anyong neutral, ito ay ang pawatas
at ang pautos. Iisa lamang ang anyo nito.
Aspektong Perpektibo o Pangnakaraan

 - Ito’y nagsasaad ng kilos na nasimulan at


natapos na.
Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo

umalis :
Halimbawa umalis

kumain kumain

maglaro naglaro

magpaganda nagpaganda
Ang mga halimbawang ito ay ang mga
pandiwang nabanghay mula sa anyong
pawatas na maaaring manatili ang anyo ng
pawatas sa aspektong perpektibo.

Samantala, ang anyo ng pawatas na


“maglaro: sa aspektong perpektibo ay
nagiging “nag” ang “mag”.
Aspektong Perpektibong Katatapos

Ito ay ang aspektong nagsasaad ng kilos na


katatapos lamang bago nagsimula ang
pagsasalita. Maihahanay ito sa aspektong
perpektibo. Ang kayarian ng aspektong ito ay
nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng
unlaping ka at ang pag-uulit ng unang pantig ng
salitang-ugat. Ngunit hindi lahat ng pandiwa ay
may aspektong perpektibong katatapos.
Halimbawa :

Pawatas Perpektibong
Katatapos
sumulat kasusulat

kumain kakakain

maglaro kalalaro
Aspektong Imperpektibo o
Pangkasalukuyan
- Ang kilos ay nasimulan na ngunit di pa natatapos.

* May 2 uri ng kilos na imperpektibo :


Una – kilos na nasimulan ngunit hindi pa natatapos,
nagaganap o ipinagpapatuloy.
Ikalawa – kilos na paulit-ulit na ginagawa.
Halimbawa :
1. Sumusulat ng tula ang mag-aaral.
2. Parati siyang umaawit.
Pawatas/ Perpektibo Katatapos Imperpektib
Pautos o

maglaro maglaro kalalaro naglalaro

kumain kumain kakakain kumakain

sumulat sumulat kasusulat sumusulat

umalis umalis kaaalis umaalis


Aspektong Kontemplatibo o
Panghinaharap
- Ang kilos ay hindi pa nasisimulan, ito’y
gaganapin pa lamang.
Pawatas Perpektib
Halimbawa : Katatapos Imperpek Kontempl
o tibo atibo
maglaro naglaro kalalaro naglalaro maglalaro

kumain kumain kakakain kumakain kakain

sumulat sumulat kasusulat sumusulat sususlat

You might also like