You are on page 1of 43

PANDIWA

-ay salitang nagbibigay-


buhay sa pangungusap
dahil nagsasaad ito ng kilos
o galaw ng isang tao,
hayop, o bagay.
Matatagpuan sa panaguri
ng pangungusap.
Ang mga pandiwa ay
binubuo ng salitang-
ugat at mga panlapi.
Aspekto ng
Pandiwa
Ang aspekto ng pandiwa
ay nagpapakita kung
kailan nangyari,
nangyayari, o
ipagpapatuloy pa ang
kilos.
Mga Aspekto ng
Pandiwa
1.Perpektibo

Ito’y nagsasaad ng kilos


na natapos na o
naganap na.
2.Imperpektibo
Ang kilos ay nasimulan na
ngunit di pa natatapos o
kasalukuyang ginagawa.
3. Kontemplatibo
Ang kilos ay hindi pa
nasisimulan, ito’y
gaganapin pa lamang.
Uri ng Pandiwa
1. Palipat o Transitive
Ang uri ng pandiwang ito
ay nangangailangan ng
tuwirang layon na
tatanggap sa kilos upang
mabuo ang kaisipang nais
nitong ipahayag.
Ang tuwirang layon ay
ang bagay na
tumatanggap sa aksiyon
at ang sagot sa,
“(pandiwa) ng ano?”
Hal. Si James ay naglalaro
ng baraha.
2. Katawanin o Intransitive
Hindi na ito
nangangailangan ng
tuwirang layon na tatanggap
ng kilos dahil ito ay ganap o
buo na ang diwang
ipinahahayag at nakatatayo
na itong mag- isa.
Hal. Si James ay naglalaro
tuwing umaga.
Pokus ng Pandiwa
Ang pokus ay ang relasyon ng
pandiwa sa paksa.
1. Pokus sa Tagaganap o
Aktor
Kapag ang simuno o paksa ang
gumaganap ng kilos sa
pangungusap.
2. Pokus sa Layon
Kung ang layon ay ang paksa o
ang binibigyang diin sa
pangungusap.
3. Pokus sa Ganapan o Lugar

kung ang paksa o pokus ng


pangungusap ay ang lugar o
pinangyarihan ng kilos.
4. Pokus sa Tagatanggap

kung ang pinaglaanan ng kilos


ang siyang pokus ng
pangungusap.
5. Pokus ng Gamit
- kung ang pokus ay
ang kagamitang
ginamit sa kilos.
6. Pokus sa sanhi
kung ang pokus ay
ang sanhi o dahilan
ng kilos.
7. Pokus sa Direksyon
- kung ang paksa ay
nagsasaad ng
direksyon ng kilos ng
pandiwa
Kaganapan ng
Pandiwa
Ang kaganapan ay
ang relasyon ng
pandiwa sa panaguri
ng pangungusap.
1. KAGANAPANG
TAGAGANAP
Ito ang bahagi ng panaguri na
gumaganap ng kilos ng pandiwa.
Ang pananda na ginagamit dito
ay ni at ng.
Halimbawa: Kinakausap ni Itay
ang batang makulit.
2. KAGANAPANG LAYON
Bahagi ito ng panaguri na
nagsasaad ng bagay o mga bagay
na tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa: Tumanggap ng
parangal ang ale.
3. KAGANAPANG
TAGATANGGAP
Bahagi ito ng panaguri na
nagpapahayag kung sino ang
tumatanggap ng kilos ng pandiwa.
Ang panandang para sa ang
kalimitang ginagamit dito.
Halimbawa: Nagtatrabaho ang
mga magulang para sa kanilang mga
anak.
4. KAGANAPANG GANAPAN
Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad
ng lugar na ginaganapan ng kilos ng
pandiwa.
Panandang sa ang ginagamit dito.
Halimbawa: Naglalako siya sa
lansangan ng mga kakanin.
5. KAGANAPANG KAGAMITAN
Nagsasaad ang bahaging ito ng
panaguri ng bagay o instrumentong
ginagamit upang maisagawa ang
kilos ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang sa
pamamagitan ng sa bahaging ito.
Halimbawa: Nagbigti siya sa
pamamagitan ng isang matibay na
kumot.
6. KAGANAPANG SANHI
Ang bahaging ito ng panaguri ay
nagsasaad ng dahilan ng
pagkakaganap ng kilos ng
pandiwa. Ginagamit na pananda
ang pariralang dahil sa.
Halimbawa: Napaiyak si Jose
dahil sa matinding pagkadismaya
.
7. KAGANAPANG
DIREKSYUNAL
Ang bahaging ito ng panaguri na
nagtuturo sa direksyon ng kilos na
taglay ng pandiwa. Ginagamit na
pananda ang pang-ukol na sa.
Halimbawa: Ang mga pagkain
ay inilagay sa ilalim ng aparador.
Salamat!!!!!

You might also like