Professional Documents
Culture Documents
PANDIWA
Ito ay bahagi ng pananalita na
nagpapahayag ng kilos, gawa o
kalagayan.
Aspekto ng Pandiwa
Ito ay nagsasaad ng kalagayan ng kilos
nangyari na nagsulat
nangyayari na nagsusulat
mangyayari na magsusulat
1. Naganap o Perpektibo
Ito ay nagsasaad kung ang kilos ay tapos o
nangyari na.
Halimbawa:
Naglaba ng maaga si Nenita.
Dahil sa kakulitan, nasabihan si Kokoy ng
kanyang ina.
Perpektibong Katatapos
Ito ay nagsasaad ng kilos na kayayari o katatapos
lamang bago nagsimula ang pananalita.
Halimbawa:
• Kalilibot lang namin sa parke kanina.
• Gusto kong matulog ng maaga subalit
kakakain ko lang.
2. Nagaganap o Imperpektibo
Halimbawa:
• Niluluto pa ang ulam para sa tanghalian.
• Ang bata ay naghuhugas ng pinggan.
3. Magaganap o Kontemplatibo
Ito ay nagsasaad kung ang kilos ay magaganap o
mangyayari pa lamang.
Halimbawa:
• Magsasaliksik ako ng aralin sa silid-
aklatan.
• Ang ating kaalaman ay uunlad kung tayo
ay magbabasa.
Naganap/ Aspektong Nagaganap/ Magaganap/
Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo