You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Mindanao State University

Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos (082) 302-9608
___________________________________________________________________________________

Paksa: Idyomatikong Pahayag

Ito ang aming paksa na napili sapagkat nais naming pagtuunan ng pansin
at mabigyang halaga ang mga idyomatikong pahayag na kasasalaminan ng mga
kultura at kaugalian ng mga Pilipino. At hindi maipagkakaila na bahagi na rin
ito ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa bawat indibidwal. Nais
din naming mabigyang linaw ang mga pahayag na hindi lantad o may
nakatagong kahulugan nang sa gayon ay maiwasan ang maling interpretasyon
sa bawat pahayag.

Ang kagamitang ito ay may malaking maiaambag sa mas madaling


pagkatuto ng mga mag-aaral at upang mabigyan din nila ito ng mas malalim na
pagpapahalaga.

Layunin:

Matapos mapanood ng mga mag-aaral ang Video presentation na ito ay:

1. Nalalaman ang kahulugan ng Idyomatikong Pahayag at kung ano ang ibig


ipahiwatig ng bawat pahayag.
2. Naiuugnay ang mga pahayag na ito sa mga kultura at kaugalian ng mga
Pilipino.
3. Nagagamit ang mga Idyomatikong Pahayag sa pagbuo ng mga
pangungusap.

Nilalaman

Ang Video Presentation na ito ay naglalaman ng limang (5) eksena na


ginagamitan ng mga idyomatikong pahayag subalit dito ay binibigyan ng maling
pagkakahulugan kaya hindi nagkakaintindihan ang mga kasangkot sa usapan
na humahantong sa nakatatawang sitwasyon.
Republika ng Pilipinas
Mindanao State University

Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos (082) 302-9608
___________________________________________________________________________________

Matapos maipakita ang limang (5) eksenang ito ay tutungo na sa


pagbibigay ng wastong kahulugan ng mga idyomatikong pahayag na ginamit sa
bawat eksena. Sa huling bahagi ng presentasyon ay ibinigay ang ilan pa sa mga
halimbawa ng mga Idyomatikong Pahayag at ang mga kahulugan nito.

Proseso sa Paggawa ng Video Presentation

Upang maisakatuparan ang presentasyon na ito ay nagsagawa ang buong


grupo ng mga sumusunod na hakbang:

Una, ay nagkaroon ng pagpupulong ang buong grupo upang makapili ng


paksa para sa gagawing Instructional Video. Upang makapili ng paksa ay
nagkaroon ng brainstorming ang bawat miyembro hanggang sa humantong sa
iisang desisyon na ang magiging paksa n gaming gagawing proyekto ay ang
Idyomatikong Pahayag.

Pangalawa, ay naghanap ang bawat miyembro ng mga Idyomatikong


Pahayag na maaring gamitin, at ginawan kaagad ito ng iskrip.

Pangatlo, ay pinag-aralan at isinaulo ng mga aktor at aktres ang kanilang


mga diyalogo upang magkaroon ito ng maayos at mabuting pagganap.

Pang-apat, ay inihanda ng bawat miyembro ang mga kakailanganing


kagamitan para sa gagawing taping, gaya ng kamera, cellphone, recorder at higit
sa lahat ang lugar na gaganapan ng eksena.

Ang panlimang proseso na ginawa ay ang aktwal na pagteteyping ng mga


nagsiganap sa bawat eksena. Nang matapos na ito ay kusang nagpresenta ang
isa sa aming kagrupo na siya ang bahala sa pag- edit nito.
Republika ng Pilipinas
Mindanao State University

Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos (082) 302-9608
___________________________________________________________________________________

At ang panghuli ay pinanood ng buong grupo ang faynal na resulta ng


ginawang Instructional Video at sinuri ng bawat isa kung sapat na ba o
kailangan pang dagdagan at idebelop nang maging kaaya- aya ang presentasyon
nito.

Dokumentasyon

Habang nagbrainstorming ang grupo sa magiging paksa ng kanilang


Instructional Video.
Republika ng Pilipinas
Mindanao State University

Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos (082) 302-9608
___________________________________________________________________________________

Nilalaman ng Instructional Video:

Ang unang Eksena:


Republika ng Pilipinas
Mindanao State University

Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos (082) 302-9608
___________________________________________________________________________________

Ikalawang Eksena

Ikatlong Eksena:
Republika ng Pilipinas
Mindanao State University

Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos (082) 302-9608
___________________________________________________________________________________

Ikaapat na Eksena:

Ikalimang Pahayag
Republika ng Pilipinas
Mindanao State University

Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos (082) 302-9608
___________________________________________________________________________________
Republika ng Pilipinas
Mindanao State University

Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral Santos (082) 302-9608
___________________________________________________________________________________

Iba pang Idyomatikong Pahayag:

1. Mapaglubid ng buhangin 1. Sinungaling


2. Butot balat 2. Payat na payat
3. Butas ang bulsa 3. Walang pera
4. Dibdiban 4. Totohanan
5. Kisapmata 5. Iglap
6. May sinasabi 6. Mayaman
7. Isang kahig, isang tuka 7. Husto lamang ang kinikita sa pagkain
8. Matandang tinali 8. Matandang binata/ dalaga
9. Bulanggugo 9. Galante sa gastahan
10. Bukambibig 10. Laging sinasabi
11. Bukas ang dibdib 11. Maawain
12. Buwayang lubog 12. Taksil
13. Kaibigang karnal 13. Matalik na kaibigan
14. Hawak sa leeg 14. Sunud-sunuran
15. Pusong mammon 15. Mabait
16. Tuyo ang papel 16.Gumagawa ng hindi maganda
17. Humalik sa yapak 17. Labis na humahanga
18. Kumukulo ang tiyan 18. Gutom
19. Matalim ang dila 19. Masakit magsalita
20. Agaw buhay 20. Naghihingalo
21. Anghel ng tahan 21. Anak
22. Binuksan ang dibdib 22. Ipinagtapat angnararamdaman
23. Kabagang 23. Kaibigan/ kasundo
24. Kabatakan 24. Kaibigan/ tropa
25. Di mahapayang gating 25. hindi magpatalo
26. Di mahulugang karayom 26. maraming tao
27. Durugin ang puso 27. Pasakitan
28. Guhit ng Palad 28. Kapalaran
29. Haharap sa magaling 29. mag-aasawa
30. Hubad sa katotohanan 30. hindi totoo
31. I-krus sa noo 31. Tandaan
32. lumaki ang ulo 32. naging mayabang
33. Humanap ng batong ipinukpok sa ulo 33. naghahanap ng gulo, away o problema
34. Ibong mababaw ang lipad 34. babaeng bayaran
35. Iguhit sa tubig 35. Kalimutan
36. Mabubulaklak na Landas 36. kabuhayang maginhawa
37. Magaan ang dugo 37. Magiliw
38. Magdilat ng mata 38. nag-iisip ng mabuti
39. Magsagap ng Alimuom 39. paghahanap ng tsimis
40. May uod sa katawan 40. Malikot

You might also like