You are on page 1of 21

Panitikan: Tula

Ang blogsite na ito ay naglalaman ng mga pagtalakay sa kahulugan, anyo, bahagi, elemento,
at uri ng tula. Nagsisilbi ang blogsite na ito na gabay sa mga mag-aaral tungo sa malalim na
pag-unawa ukol sa pagkakabuo ng isang tula.
Lunes, Pebrero 6, 2017

Uri ng Tula
Mga Uri Ng Tula
Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng
tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa
ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)

 Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata.
Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang
Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter
at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at
persepsyon.

Uri ng Tulang Liriko

Awit

 Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat
saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma
ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad
love songs kumbaga.

Soneto

 Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na


kabatiran sa likas na pagkatao.

Oda

 Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o
isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.
Elehiya

 Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

Dalit

 Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri,
pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag
na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry)

 Isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may
kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama,
nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.

Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko

 Isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga
detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa.

b. Awit at kurido

 Isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay
kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya
at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay

 Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry)

 Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

a. Balagtasan

 Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan

 Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang
itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na
nahulog sa dagat.

c. Duplo

 Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

4. Tulang Pantanghalan o Padula

 Karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng


ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring
makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

http://arkongbatopanitikantula.blogspot.com/2017/02/uri-ng-tula.html

Oda at ang “Manggagawa” ni Jose Corazon de Jesus


Posted on August 2, 2015 by Blogadag

Ano ba ang Oda?

⇒ Isang uri ng tulang liriko na nagpaparangal sa isang tao o pangkat para sa pambihira nilang
tagumpay sa buhay ng kanilang kapuwa.

⇒ Maaaring bigkasin bilang pagdakila sa isang bagay.

⇒ Walang tiyak na haba.

Manggagawa
ni Jose Corazon de Jesus

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday


alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral


nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,


kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamay mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal


pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,


at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

Ang tula ay nagbibigay-pugay sa mga manggagawa. Tinalakay rito ang malaking utang na loob
sa mga manggagawa na siyang pinagmulan ng lahat ng bagay na mayroon sa mundo. Kinikilala
nito ang sakripisyong pinapasan ng mga manggagawa upang guminhawa ang buhay ng kanilang
kapuwa. HInihikayat nito ang mambabasa na dakilain sila sapagkat kapag nawala sila, titigil din
ang buhay ng tao.
Si Jose Corazon de Jesus ay kilala rin bilang si
“Huseng Batute”. Siya ay isang Pilipinong manunula na gumamit ng wikang Tagalog para sa
kanyang mga tula upang maipahayag niya ang hangarin ng mga Pilipinong makalaya sa
panahong sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas.

Advertisements
https://blogadagdps.wordpress.com/2015/08/02/oda/

TULA
Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay
binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at
sining ng kariktan.

Mga Uri Ng Tula


Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang
bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang
Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o
Padula.

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)


.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na
naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang
kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

URI NG TULANG LIRIKO


A. Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang
bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na
dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may
malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.
B. Soneto – Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
MAGSAYA TAYO
Sonet Na Malagkit
Fermin S. Salvador

Alay ko'y soneto na waring


kakanin,
Gawa sa galapong na may
kakanggata,
May konting asukal at saka
ininin
Sa minana-mana pang aserong
kawa -
Bagaman ang uso ay mga
rakenrol,
Tinitimpla'y tipa sa gitarang
buhay
Nilang maiingay, may bajo at
tambol,
Kumbaga sa fastfood: burger at
pitsapay.
Alay ko'y soneto, tula at di hip-
hop
Na katerno'y mga damit na
maluwag;
Aking talinghaga, kahit ka
maghubad
Ay sasamahan ka ngunit
nakadilat.
Kahit pa ang rima sa kalye'y
magkalat,
Inuyat kong sonet, didikit sa
utak.

C. Oda – Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa
isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para
sa oda.

Oda para kay Mang Johny


ni bernardumali

Itong larawan mo
waring aklat ng kasaysayan,
gumuhit sa alaala
malinaw sa’king balintataw.
Tila naririnig ko ang mga bomba,
ang eroplanong pandigma ng Hapon na nag-iitsa
ng dinamitang mumuntik ng humuhukay ng
libingan mo.
Waring nakita kitang umiiwas.
Sa iyong pagsasalaysay
nahagip ko ang sugat
na lumuray at muntik ng pumilay sa iyong paa.
Narinig ko ang usal mo sa Maykapal
ang pagpapaubaya sa kanya
ng iyong kaluluwa.
Subalit hindi pa wakas
bagkus ay rekado lamang ng
mala-chopseuy mong buhay.
Sa Taft Avenue,
hindi ko nakikita ang Pan Pacific
ni ang Landbank;
tinatagos ng mga mata,
tinatanaw ang dagat.
Sa iyong masayang kwento
nakikita ko ang mga mongha
sa beaterio;
ang mga mag-aaral ng altasesyodad.
Nalilimot ko ang malagkit na lamyos
bagkus ramdam ko ang masuyong hangin.
Ang busina ng jeep ay napapalitan
ng malalakas na hampas ng along
sumasampa sa aplaya’t sabik sumuson
sa mga kaibigang alon.
Sa sinehan ng Robinson
boudavil ang bumibida sa akin.
Tila ang Clover Theater ay buhay na buhay
waring nakipagkamay ako kay Pilita,
habang iyong ipinakikilala sa akin;
habang inaayos mo ang kanyang buhok.
Malambot at maiinit ang kanyang kamay.
Tama ka. Mabuti siya’t sinsero.
Walang sinabi si Markova,
humahanga ako sa iyong pag-ibig,
humahagikgik sa iyong kapilyuhan.

Kung paanong pinaiikot sa iyong


palad ang mga dayuhang Hapon at Amerikano.
Gayunman, hindi ko maiiwasang maluha
sa miminsang kwento mo patungkol sa iyong anak.
Kabiguan marahil,
narinig ko ang iyong hikbi
isang hapon, sa altar.
Naramdaman ko ang bigat ng
loob mo at pangungulila.
Narinig ko ang iyong sumbong
sa kanya at sa kapatid mo sa Maryland.
Nauunawaan ko ang kahulugan ng
panalangin sa iyong binabatang pagdaramdam.
Paumanhin, Mang Johny
Kung hindi ko natupad ang
bayograpi na iyong pinasusulat sa ingles.
Alam mong mahina ako rito
at walang sapat na oras.
Subalit maniwala ka,
nagbalik ako taong 2002.
Wala ka, maysakit ka raw.
Sa wakas ay nasa piling ng
iyong anak, marahil inaaruga,
Hindi ko nagawang hanapin pa
ang iyong kinaroroonan.
Mas kailangan mong magpalakas.
Nakarating sa akin
ang balita,
sumakabilang buhay ka na raw.
Nanghihinayang ako’t di na muling nagkita
at sa kwentong sana’y narinig o nabasa madla.
Panatag ang loob kong payapa ka na,
hindi ko man nagawang isulat
buhay pa rin ang iyong alaala.
Hindi ko rin tinunton ang iyong hukay
pagkat sapat ng maalala kita sa aking isipan.
Narito ang iyong hantungan
buhay ka rito.
Walang pagtangis,
gaya ng madalas mong salubong
sa aming nangupahan,
nakinig sa iyong mga salaysay,
sa aming alaala
masigla ka…
maligaya.
Buhay na Buhay!

D. Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

ELEHIYA KAY INAY


Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay aking Inay
Sa iyong pagtawid ala-ala nami’y baunin
Pagmamahal mo, pagkalinga,
mga pagtitiis at pagdurusa
Ngayo’y nakatakas ka na
Habang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwan
sa mga ibong nakasama mo,
sa mga talangka at sigay na naging laruan mo
sa mga along kahabulan mo
at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo
Nawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo
Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan
habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong ina
sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,
sapagkat ika’y maagang naulila
Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang
Tanging kaibigan naging takbuhan
Inulila pa ng kapatid na turan
animo’y isang sadlak sa dusang nilalang
Pagkat ang isang kaibiga’y lumisan

Tuluyan nang humalik sa lupa


ang sarangolang dinagit ng hangin,
Tanging pumpon ng bulaklak
sa malamig na bato ang tangan mo
Nakaukit na ang pangalan mo
Ang naiwan sa ami’y mga ala-ala mo
Nang isang inang kasabay kong nangarap,
lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko.
Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga mo
isang munting kaluluwang pinanabikan mo
Konting sulyap lamang sana anak ko
Kahit ako’y malamig ng tila yelo
Ngunit ito’y ipinagkait mo
Ngayon aking ina sa iyong paglalakbay
Baunin mo ang aming pagmamahal
Ihalik sa hangin aming mga pagmamahal
Ibulong sa Diyos na kami’y bantayan
Yakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip lang
Nawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhay
masilayan mo ang kaginhawahang
di natikman sa palad ko

E. Dalit – isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng
papuri,
pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang
pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

-Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na
taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

(Talagang nakagigimbal ang Maguindanao massacre na naganap noong Nobyembre 23,


2009. Kalunos-lunos ang sinapit ng limampu’t pitong taong walang awang pinaslang. Itong
abang tula ay alay ko sa kanila at sa kanilang mga pamilya…)

Ang panaghoy ng damdamin


Mga buhay nang kitilin
Parang hayop ang kahambing.
Sila’y makabagong Cain…

Panginoon, sana’y dinggin


Itong munting panalangin
Katarunga’y aming hiling
Salarin ay panagutin.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring
maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o
kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga
epiko, ballad, idylls at lays.

URI NG TULANG PASALAYSAY


A. Epiko – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na
naglalaman ng mga
detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa.
HAL. BIAG NI LAM-ANG

B. Awit - Ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig


- Mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito kaya madamdamin
- Higit itong makatotohanan dahil ang paksa ay malapit sa kasaysayan
-Higit na buhay at masigla ang damdamin nito
HAL.. FLORANTE AT LAURA
C. Korido -Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing pantig
- Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa mabilis na pagsasalaysay
- Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang supernatural ang tauhan kung
minsan
- May malalim na damdaming relihiyoso
HALIMBAWA…..IBONG ADARNA
D. PASYON
Ang Pasyon ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na nagsasaad ng buhay ni Kristo, mula
kapanganakan hanggang sa pagkapako niya sa krus.
Ang unang Pilipinong sumulat at kumanta ng pasyon sa Tagalog ay si Padre Gaspar Aquilino
de Belen, isang katutubo ng Rosario, Batangas.

E. BALADA

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-
araw na buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

A. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang


paksang
pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

B. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na
“libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing
ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

D. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran
nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

4. Tulang Pantanghalan o Padula – karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang


ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan
ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa
nagaganap sa pang-araw-araw na buhay
A.MORO-MORO
Ang moro-moro ay isang dula noong panahon ng mga kastila. Ito ay pagsasadula ng
paglalaban ng mga moro laban sa kristiyano.
B.KOMEDYA
Ang Komedya (Comedy) ay isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung
saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang
mamumutawi sa kanyang bibig.

C. BALAGTASAN
Ang balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong
panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng
makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang pinagmulan ng
pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil
ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan.
Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa
isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing.
May gumaganap nafiscal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging dibate o
sinasabing tagisan ng katwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba
ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na dibate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na
magbigay aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang
mga aktor sa isang dula. Ang balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig
ang kanilang palagay sa aspetong politika at mga napapanahong pangyayari at usapan.

D. BATUTIAN
Ang “batutian” na hinango naman sa pangalan ni “Huseng Batute,” ang alyas ni De Jesus.

Bambu Inglis vs. Wikang Pambansa (Batutian)

Lakambini (kay Huwan):


Namamanaag na sa dakong silangan
Ang kulay ng iyong magandang liwayway;
Bukas, sa pagsikat ng palalong araw,
Isa kang watawat na mamamagayway!
Mula sa Kanluran: dinala ng alon
Sa iyong pasigan ang tapat na layon;
Sa buton ng abo: ikaw ay babangon
Na malayang bayan sa habang panahon.
Paulo:
Huwan,tanggapin mo ang pakikilugod
Ng isang kasama sa tuwa at lungkot,
Binabati kita: ang tapat na loob
Ay madarama mong laging naglilingkod.
Huwan:
Tapat na dibdib ay iyong damahin
At pasasalamat ang tibok na angkin
Ako’y sasaiyong gunita’t panimdim
Habang ang silangan ay silangan pa rin.
Paulo:
Kaya, nang malubos ang pagkabanas mo,
Ako ay may isang mungkahi sa iyo:
Tagolog na ingles ang panukala ko
Na wikang gamitin-du yu get mi ako?
Huwan:
Ano, mister Paul, nalalaman mo ba
Kung ano ang iyong tinuran kanina?
Paulo:
Wat is rong may pren Wan, sa nasyonal langweds
Kung ito’y gagawing Pilipinais Ingles?
Huwan:
Sa iyong sarili’y manainga ka nga,
Kung ano ang iyong dinalit na wika;
Kung ganyan, katoto, ang wikang pambansa:
Anong wika iyan-mestisong baluga?
Paulo:
Huwag kang magtawa-do yu nat anderstan
Ang ingles na wika ay pangyunibersal;
Bilang isang nesyon: kinakailangan
Na maanderstan ka ng iba pang bayan.
Ang Tagalog langweds ay pang Pi Ay lamang,
Di maikukumper sa Ingles, mister Wan;
At sa diplomatik na mga usapan,
Magagamit mo ba ang langweds mong iyan?
Huwan:
Dapat mong mabatid na ang pagkabansa
Ay makikilala sa sariling wika,
Bakit pipiliting ako’y magsalita
Ng wikang di akin-hiram at banyaga?
Paulo:
Tingnan mo nga kami-bakit ang inadap
Ay wikang mula pa sa ibayong dagat?
Tulad ng Bretanya: kami ay umunlad
Gayong wikang hiram ang aming binigkas!
Huwan:
Kung iyan ang iyong wikang sinasabi,
Wikang pinagmula’y higit na mabuti.
Paulo:
Tingnan ang Hapon sa klos dor palisi
Ang ginamit lamang ay wikang sarili;
En wat is di risolt op dat pangyayari,
Natutong sulatin ay magulong kandyi.
Huwan:
Nakakatawa ka, hindi naging hadlang
Sa bayan ng Hapon ang wikang minahal;
Ang simula”t dulo ng ganyang dahilan
Ay dala ng kanyang mga kaimbutan.
Paulo:
Kaya tingnan natin kung saan hahantong
Ang nasyonal langweds na onli por pinoy.
Huwan:
Ang nakakatulad nitong pagtatalo:
Pork tsap at hambardyer ang wikang Ingles mo;
Ang wikang Tagalog naman ay adobong
Masarap sa akin nguni’t di mo gusto.
Dapat mong malamang ang wikang pambansa
Ay kinamulatan mulang pagkabata;
Ito ay ang buhay, kaluluwa at diwa. . .
Ng pagkalahi ko sa balat ng lupa!
(Wakas)
http://akoyanakniapat.blogspot.com/2012/06/mga-uri-ng-tula.html

Asignaturang Filipino
Tuesday, 16 December 2014

Ang Tunggalian
Ito ay ang laban sa pagitan ng dalawang magkasalungat ng pwersa.

Mga Tunggalian:

1. Tao laban sa Kalikasan

Ang sobrang init o lamig ng panahon ay dapat na labanan ng tao upang siya'y mabuhay ng
maayos at makaiwas sa sakit.

2. Tao laban sa Kalamidad

Maramig kalamidad ang kalaban ng tao tulad ng baha, lindol at sunog na kadalasan ay
pinagbubuwisan niya ng buhay.
3. Tao laban sa Kapwa

Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng tao at ng kanyang kapwa na ang


kalimitang resulta ay gulo at patayan.

4. Tao laban sa Sarili

Ito ang tunggaliang nagaganap sa isipan ng tao.

Halimbawa:

Nilalabanan ng anak ang takot na mawala o mamatay na maaring mangyari sa kanyang


magulang na may sakit.

http://proyektosasignaturangfilipino.blogspot.com/2014/12/ang-tunggalian.html

Ang Tunggalian ay ang tinatawag nating "Conflict" sa ingles. Sa tunggalian nangyayari ang pakikipagtuos
ng pangunahing tauhan sa kanyang sarili o sa isa pang tauhan na sumasalungat sa kanya.

May apat itong uri:

Tao laban sa tao

- ang pagtutuos ng pangunahing tauhan sa iba pang tauhan.

Halimbawa: Hinarap ni Wonder Woman si Sir Patrick Morgan na naibunyag bilang si Ares, ang
pangunahing kalaban sa storya.

Tao laban sa kalikasan

- ang pagtutuos ng pangunahing tauhan sa puwersa ng kalikasan (lindol, bagyo, pagsabog ng bulkan at
iba pang sakuna).

Halimbawa: Madaming namatay, nasugatan, at nawala dahil sa bagyo na halos umabot sa signal #4.

Tao laban sa lipunan

- ang pagtutuos ng pangunahing tauhan sa ginagalawan niyang lipunan (kahirapan at iba pang suliraning
panlipunan).
Halimbawa: Ang tatay ni Anna ay nasuri na may kanser. Ngunit dahil sa kahirapan, kailangang gumawa
ng paraan si Anna para maipagamot ang kanyang tatay.

Tao laban sa sarili

- ang paglaban ng pangunahing tauhan sa kanyang sarili (pagdedesisyon, paniniwala, prinsipyo at iba
pa).

Halimbawa: Nagdadalawang-isip si Amir kung dapat ba niyang tulungan ang kaibigan niyang si Hassan o
tumakbo nalang paalis dahil ito'y duwag.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/665505#readmore

https://brainly.ph/question/665505

ANO ANG
DOKUMENTARYONG PANTELEBIS
YON?
Posted on Nobyembre 5, 2014 by hgbanawan

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at
mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad,
pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang
nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring
maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo
at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.
BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT
TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG
DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON
1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM
*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
*Kilalanin ang taong kakapanayamin

*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site

http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
Teknik sa Pakikipanayam

Bago Magpanayam

1. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang

*Magtanong nang maayos.

*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.

*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.

1. PAGKATAPOS NG PANAYAM
*Magpasalamat.

*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam

Failon Ngayon is a 45- minuter news magazine TV show hosted by the multi-awarded and
seasoned Broadcast Journalist, Ted Failon.
Failon Ngayon is a weekly news magazine on ABS-CBN Channel 2 that continuous to offer
investigative reports, public service, features and stories of national importance taken from the
viewpoint of individual/s involved with or in conflict with issues.
Every Saturday night, Ted Failon brings his wit, humor and intelligent analysis to national issues
that greatly affect the Filipinos such as fare hike, raising basic charges on our water bills,
excessively high electic bills, mismanage government funds, corruption and many others.
With the mantra “Sa mga isyu ng bayan, lahat tayo may pakialam!” in mind.
Host

Mario Teodoro “Ted” Failon Etong (born on March 29, 1962) is an award-winning Filipino
broadcast journalist both on radio and television. On radio, he is heard in the morning delivering
the news for dzMM Radyo Patrol Balita alongside former Philippine Vice President Noli de
Castro and making his signature sharp and witty commentaries about relevant national issues
affecting his countrymen on his own program, Failon Ngayon sa dzMM. On TV, he can be seen
co-anchoring his network’s flagship nightly news program TV Patrol and hosting his own
investigative program Failon Ngayon every Saturday night.
∞ I Witness (GMA)
∞ SOCO (ABS-CBN)
∞ Ted Failon Ngayon (ABS-CBN)
Kapuso Mo, Jessica Soho (International title: One at Heart, Jessica Soho / lit. Your One in Heart,
Jessica Soho), also known as KMJS, is a Philippine television news magazine show broadcast
by GMA Network. Hosted by Jessica Soho, it premiered on November 7, 2004.

Former logo from 2010 to 2014, with the host's signature.

Contents

 1Overview
 2Accolades
 3References
 4External links

Overview[edit]
Kapuso Mo, Jessica Soho is an award-winning weekly news and lifestyle magazine program
developed by GMA News and Public Affairs. Hosted by multi-awarded broadcast journalist, Jessica
Soho, the show presents different fun and fascinating stories on classic and current events, pop
culture, foods, celebrities, health, and internet trends.
KMJS airs every Sunday on GMA Network's primetime block and is also aired on GMA Pinoy
TV wherein the episodes were a week behind but has caught up in 2011 and is now up-to-date.
The show was extended with an additional 30 minutes on August 4, 2012. On December 2 of the
same year, it was moved back to Sunday timeslot back-to-back with Imbestigador.[1]
As KMJS celebrates its 10th anniversary on November 9, 2014, incidentally, this celebration falls on
the same week that commemorates those who experienced Typhoon Yolanda a year ago, the show
revisited the provinces that were heavily affected by Yolanda.[2]

Broadcast media telebisyon


1. 1. Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino Maricar
Francia manunulat TELEBISYON
2. 2. • Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang
bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga
sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa
paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga
prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong
pantelebisyon.
3. 3. • Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Martial Law,
sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang
gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang
midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa
pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang
mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino,
Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David. .
4. 4. Mga dokumentaryong Pantelebisyon Matanglawin i - Witness Rated K Weekend Getaway
Reporters’ Notebook Pinoy Meets World Motorcycle diaries Jessica Soho
5. 5. Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng
komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
6. 6. Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng
sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y
mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal, pangkultura,
pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa
katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha
ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mga programa sa telebisyon.
7. 7. MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG
PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON: 1.PAGHAHANDA PARA SA
PANAYAM *Magpaalam sa taong gustong kapanayamin *Kilalanin ang taong
kakapanayamin *Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/inter view_checklist.htm Things to do before an
interview Interview Technique Pre-Interview
8. 8. 2. PAKIKIPANAYAM *Maging magalang *Magtanong nang maayos. *Itanong ang lahat na
ibig malalam kaugnay ng paksa. *Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.co m/interview_checklist.htm Interview Technique
Interviewing Success
9. 9. 3.PAGKATAPOS NG PANAYAM *Magpasalamat. *Iulat nang maayos ang nakuhang
impormasyon sa panayam http://www.careerandjobsearch.com/post_i nterview.htm Post
Interview
10. 10. Magsaliksik tungkol sa : MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL

You might also like