Professional Documents
Culture Documents
Bilang isang manunulat, ginamit ni Sotto ang sagisag panulat na Crissot. Siya ay
sumulat ng mga tula, drama, sanaysay, dulang katatawanan, at nagsasalin din siya ng mga
literaturang nasusulat sa wikang Espanyol, ang isa rito ay ang Lovers of Teruel
Faust at Nero and the Gladiators. Nagsusulat din siya sa La Indepencia. At nang sumiklab
ang Rebolusyon sa Filipinas, noong 1896, si Soto ay tumulong kay Maximo Hizon sa
pagpapalaganap ng mga ideyolohiya ng mga kapampangan. Kasama si Sotto sa grupo
ni Tomas Mascardo na nakipaglaban noong 1898, sa mga Amerikano. Binawian siya ng
buhay noong 12 Hulyo 1918 dahil sa sakit sa puso.
MORO-MORO
Ang Sultana
Perla
Zapre
SARSUELA
Alang Dios
TULA
Crisot
Rubi
Natis Belen
Vitaliano
ARTIKULO
Julio Setiembre
Lacan Batbat
DULA
Ing Pamanguisama Ning Mete (The Marriage of the Dead)
Sigalot
Nanutang Male Cu (Katatawanang Dula)
ENGLISH SPANISH PAMPANGO DICTIONARY
MAIKLING KWENTO
Larawang Itim
NOBELA
Lidia
Matagal nang magkasintahan sina Lidia at Hector, ngunit biglang nanlamig ang
pag-ibig ng dalaga sa katipan. Maging ang mga kaibigan na kanilang nakasalamuha sa mga
pagtitipon ay nakahalata na. Minsan dumalo sila sa bahay ni Miling, isang kaibigan ng
magkasintahan, sa isang pamaskong salusalo ay nakita ang panlalamig ng dalaga.
Nasundan pa ito nang dumalo sila sa pagdiriwang sa Naval sa Angeles.
Labis-labis ang pag-ibig ng binate sa dalaga. Lumikha ito isang liham para sa
dalaga. Ngunit bago pa man ito dumating kay lidia ay nakapanaginip ito ng isang
nakakatakot na pangitain. Sa kanyang panaginip namatay si Hector.
Nang dumalaw ang kaibigang matalik ni Hector sa bahay ni Lidia, pilit na pinaamin
ng dalaga kung totoo ang mga isinusumbong nito tungkol sa kaibigan. Dahil sa labis na
pagkahabag ng kanyang konsensya, ipinagtapat ng binata na umiibig ito sa dalaga.
Ginawa niya ang paninira sa nasirang kaibigan upang mabaling sa kanyang ang pag-ibig ng
dalaga. Sa Labis na galit ng dalaga ay pinaluhod niya ang binata sa harap ng puntod ni
Hector upang humingi ito ng kapatawaran.
Inang, Inang, kain!
Tumatawag ang isang anak sa kanyang ina. Dumaloy ang luha ng kawawang ina. Di
umiimik.
Di makaimik ang ina. Nakatitig lamang sa anak niya. Hirap siya sa paghinga. Halos
mabiyak ang dibdib.
Tignan mo, bundo ko, wala nang tumutulong gatas. Gutom din ako!
Kay sarap ng tulog sa taong gutom napapawi kahit kaunti ang hapdi ng sikmura.
Nang tulog na ang anak, hinalikan ito ng ina. Di makapagigil ang inang nagsilang
ngunit wala maipakian sa bunso niya. Ang maputiang mukha sanggol ay natigmak ng
luhaang umaagos.
Maganda pa ang ina ngunit aanhin niya ang ganda kung di makalulunas sa gutom
ng anak.
Nasabi tuloy, Binigyan ako ng Diyos ng ganda. Maitim na parang gabi ang aking
buhok. Maganda at makalaglag-tingin ang aking mga mata. Kulay rosas ang pisngi at kutis
ko. Garing ang kawangis ng ngipin ko. Ngunit ano ang halaga sa akin ng lahat .
Namamatay ako sa gutom. Kaya kong magtiis ngunit paano ang aking anak? Kawawang
sanggol! Ang tatay mo Diyos ko! Bakit diko maiwaksi sa aking puso ang walang utang na
loob. Ipinagkatiwala ko sa kanya ang lahat: ang ganda kong sinamba nila at ang puri kong
hinahangaan ng lahat. Ibinigay ko pati na aking karangalan ?
Isang karwahe ang pagdating na hila ng dalawang malusog na kabayo. Sumilip ang
kawawang ina sa wakwak na puwang sa dingding ng bahay nila. Napatingin siy sa
nakasakay sa karwahe.
Hihingi ka sa akin ng pagkain kahit wala akong maibigay. Tuyo na ang dibdib.
Mamatay ka! Oo mamatay ka sa aking mga kamay nang di kana naghiirap na gaya ko.
Nangingitim na nang bitiwan ang sanggol nang makita ang pinatay, humalakhak
nang kakila-kilabot ang baliw.
Ang kawawang babae, nasiraan ng bait.
Punong puno ng kolorete ang mukha ng dalagang si Miss Yeyeng. Sabi nila
ipinanganak ang kanyang mga magulang sa sulok ng Pampanga, sa pinakamaliliit na bayan
nito. Dahil dito Pilipina si Miss Yeyeng mula ulo hanggang paa, at kahit sa kadulu-duluhan
ng kanyang buhok, kapampangan siya.
Dahil mahirap lang sila, pagtitinda ang ikinabubuhay. Nakikita si Miss Yeyeng na
sunong ang ginataan o kaya bitso-bitso na inilalako niya sa mga sugalan. Nagdalagang
walang pagbabago sa buhay nitong binibini.
Mi no entiende el Pampango
Mi no entiende ese Castellano, Miss, sabi naman ng isang sutsut, ginagad ang
kanyang tono.
Napangiti lahat ng nasa umpukan: at sapagkat may pinag aralan sila, hindi na nila
ipinakita ang pagkakaali nila sa binibini. At ito namang babae kahit alam na parang
tinutukso na siya ay nagpatuloy din at nagsabi:
Dito sa iilang salitang binigkas niya, sumama lahat ng ibat ibang wika na
talasalitaang bulgar ng Ingles, Kastila. Tagalog na pinaghalu-halo niya ang walang
kawawaan. Hindi na nakapagpigil ang mga nakarinig; napatawa sila ng malakas. Nagalit si
Miss Phathupats, hinarap ang mga tumatawa at sabi niya:
Porque reir?
Lalong lumakas ang halakhak ng mga nakikinig at nag-init ang pakiramdam ni Miss
Phathupats.
Isa sa mga nakatayo ang nagsabi ng ganito.