Professional Documents
Culture Documents
Filipino: Tinig ng
Kalayaan
Sumigaw sa Balintawak, sumiklab ang himagsikan,Nagbangon ang ating
lahing nooy supil ng dayuhan;Ang sedula ay pinunit, gumawa
ng kasunduan,Dugo nila ang siyang tintang lumagda sa kasulatan;At sila
ay nagsandugo, tinatag ang katipunangAng mithi ay ipagtanggol ang
laya n gating bayan.Nagwagi ang ating mithi, bandila ay winagaywayDoon
sa Kawit, Cavite, Hunyo dose yaong araw;Katipuneroy nagbunyi at ang
lahat ay sumigaw:Mabuhay ang Republikang nilikha ng
Katipunan!Pilipinas ay lumaya, nakamtan ang kalayaangHanggang
ngayon ay paglayang hawak nating buongdangal.Ngunit walang Republika
kung iyon ay walang wika,Kaya naman pinagtibay ang wika nating
pambansa;Filipinong wika natiy siyang Tinig ng Paglaya.Itoy wika ng
damdaming may dangal ng isang diwa;Isang bansa, isang diwa, isang wika
at bandila,Filipino ay lalaging nagniningning at malaya.Bilang mga magaaral, lahat tayoy may tungkulingMahalin ang Filipino, ito ay ating
linangin:Huwag nating ikahiya kahit sino ang dumating,Filipino ang syang
dapat na lagi nating gamitin:Pagkat itoy ating wika na
walang makakahambing,Lalo pat tayoy narito sa bayan tang
ginigiliw.Ngayon ay Linggo ng Wika, dapat na pasalamatan
Si Miss Phathupats
isinulat ni Juan Crisostomo Sotto
isinalin ni Lourdes H. Vidal
Punong puno ng kolorete ang mukha ng dalagang si Miss Yeyeng. Sabi nila
ipinanganak ang kanyang mga magulang sa sulok ng Pampanga, sa pinakamaliliit na
bayan nito. Dahil dito Pilipina si Miss Yeyeng mula ulo hanggang paa, at kahit sa
kadulu-duluhan ng kanyang buhok, Kapampangan siya.
Dahil mahirap lang sila, pagtitinda ang ikinabubuhay. Nakikita si Miss Yeyeng na
sunong ang ginataan o kaya bitso-bitso ang inilalako niya sa mga sugalan.
Nagdalagang walang pagbabago sa buhay nitong binibini.
Natapos ang rebolusyon. Nagbukas ng paaralan ang pamahalaang militar ng
Amerika at dito pinagturo ang mga sundalong Amerikano. Nangyaring si Miss Yeyeng
Dito sa iilang salitang binigkas niya, sumama lahat ng ibat ibang wika na
talasalitaang bulgar ng Ingles, Kastila. Tagalog na pinaghalu-halo niya nang walang
kawawaan. Hindi na nakapagpigil ang mga nakarinig; napatawa sila ng malakas.
Nagalit si Miss Phathupats, hinarap ang mga tumatawa at sabi niya:
Por qu rer?
Por el tsampurado, Miss, sabi ng unang sumagot.
Lalong lumakas ang halakhak ng mga nakikinig at nag-init ang pakiramdam ni
Miss Phathupats.
Isa sa mga nakatayo ang nagsabi ng ganito.
Hindi kayo dapat magtaka kung hindi na marunong ng Kapampangan si Miss
Phathupats: Una, dahil matagal na siyang nakisama sa mga kawal na Americano:
pangalawa, hindi na siya Kapampangan, katunayan Miss Phathupats ang kanyang
pangalan.
Noon na sumabog ang bulkan. Putok na ubod nang lakas, sumabog ang kaldero
ni Miss Phathupats at mula sa bunganga niyang naglalawa lumabas ang lagablab ng
Vesubiyo o ang lahat ng maruming salita sa Kapampangan, bigla niyang pinagsamasama sa nag-aapoy na bunganga.
Walang hiya! Magnanakaw! Taga-lason! Anak-! sabi sa tinurang wikang
Kapampangan.
Aba, Kapampangan pala siya! sabi ng mga nakarinig.
Oo, hindi ba ninyo alam? sabi ng nakakakilala sa kanya. Anak siya ni
matandang Godiung Kakbung na aking kanayon.
Napahalakhak nang malakas ang mga nanonood. Napaiyak na si Miss
Phathupats at sa pagpupunas sa kanyang tumutulong luha sumama ang makapal
niyang pulbos sa pisngi. Lumitaw ang likas niyang kulay, maitim pa siya sa duhat. Nang
Makita ito ng mga nanonood lalo na silang napatawa at nagsabi:
Aba! Maitim pala siya!
Oo, Americanang negra siya!
Sigawan, palakpak, halakhakan ang narinig noon. Hindi na nakatiis si Miss
Phathupats. Nagkandarapa sa paglabas sa daan at sabi niya: