You are on page 1of 21

Nakapagbibigay ng hinuha sa

kalalabasan ng mga pangyayari sa


kuwentong napakinggan
F6PN-1d-e-12
MARITES P. ADAYO
DAVID P. JIMENEZ ELEM. SCHOOL
TEACHER III
• Anak ng Pasig

• Ayon sa napakinggang awit, ano


ang malaking suliranin ng ilog
Pasig?
• Bilang isang mag-aaral, paano ka
makatutulong upang mabawasan
ang suliranin sa basura?
Gawain Gawain 2

Bigyan ng pagkakataon ang mga bata tuklasin at


pangkatin ang nasa loob ng kahon.

Tanong:
• Ano ang laman ng kahon,at paano mo pinangkat
ang mga ito?
Palagay mo ba tama ang iyong
ginawa?Pangatwiranan
Sa palagay mo ba ay may pakinabang sa mga
basurang ating itinatapon?
Lahat ba ng basura ay may pakinabang?
Tatambak pa kaya ang basura?
Ang
Ang Tambakan
Tambakan NiniGaudencio
GaudencioLuis
LuisN.
N. Serrano
Serrano
• “ Umalis nga kayo sa daraanan ko! Gusto mo
gulungan kita diyan?,” sigaw ni Tembong Gulong
kay Teta Bakal . “Nariyan na naman ang siga ng
tambakan. Ang yabang mo talaga Tembong!”
sigaw ni Mariang bote. “ Huwag na kayong
umangal pa mas matagal ako sa inyo rito sa
tambakan, di hamak na may pakinabang ako sa
inyo,” sagot ni Tembong gulong habang itinataas
ang nangingitim na mga braso. Biglang napalinga
siya sa isang bagong kasama sa tambakan.
“Hoy! Bata, ako si Tembong Gulong, anong
pangalan mo?” buong yabang niyang tanong.
“Tata Lata po,” sagot niya.
• Anong nangyari sa iyo at narito ka?” tanong ni Tembong
gulong. “Pagkatapos akong gamitin sa softdrinks eto
itinapon na lang ng basta” sagot ni Tata Lata. “Nako pare-
parehas lang tayo rito sa tambakan, pagkatapos gamitin
ibinasura na lang at mananatili rito habambuhay.” “Basta
ako may pakinabang pa Teta, ibahin mo kaming mga
gulong.” “Nako! Tembong wala ka ng pakinabang”,
pambubuyo ni Teta, kaya ikaw Tata matutulad ka na lang
sa amin dito,” saad ni Teta Supot. Nagpagulong-gulong si
Tembong. Nagpalaboy-laboy si Teta, Habang tahimik sa
isang sulok si Tata. Napansin siya ni Tandang Palara,
“Huwag kayong makinig sa dalawang ‘yan. May pag-asa
pang makaalis sa tambakang ito. May pakinabang ka pa .
Maghintay ka lang.”
• Araw-araw ito ang eksena sa tambakan na
matatagpuan ang maraming basura mula sa iba’t-
ibang panig ng kalunsuran. “Oh, hayan na may iba
na namang trak ng basura” sigaw ni Teta Supot.
Sa isang iglap, bumuhos ang maraming basura sa
tambakan. Dumagsa ang maraming
mangangalakal ng basura kaya’t nagpapansin ang
mga basura. May pumosing. May nagpapogi. May
nagkislapan. Para lang mapansin ng mga
mangangalakal. Halukay. Kalahig. Bungkal.
“Tumabi ka nga diyan Lata, huwag kang humarang
hindi ako makita,” pamimilit ni Tembong habang
hinaharangan ni Tata Lata.
• Nakaisip ng maitim na balak si Teta Supot. “Hoy!
Tembong, tambakan natin si Lata para hindi
mapansin.” Pinagtulungan nina Tembong at Teta
si tata para hindi mapansin ng mangangalakal.
Halukay. Kalahig. Bungkal. Naramdaman ni Tata
Lata na umangat siya, paangat ng paangat.
Kinabukasan, “Hindi ko na nakikita si Tata.,”
pagtataka ni Tembong. “Naku! Nandiyan lang,
baka tinataguan lang tayo.” sagot ni Teta. Sa di
kalayuan, dumating ang isang matanda sa
wheelchair, mapapansin na ito ay gawa sa latang
kumikinang at tiyak na may pakinabang.
• 1. Ano- ano ang katangiang taglay ng mga tauhan sa
kuwento?
• 2. Bakit nagpapapansin ang mga basura sa basurero?
• 3. Nagtagumpay ba si Tembong sa kaniyang balak?
• 4. Ano ang posibleng nangyari kinaTembong at Tata
Lata?
• 5. Ano kaya ang dahilan kung bakit ganoon ang
katangiang ipinakita ng mga tauhan sa kuwento?
• 6. Alin sa mga tauhan ang labis na nakapukaw ng iyong
atensiyon? Bakit ito ang iyong napiili? Patunayan.
• 7. Sa iyong palagay, bago makarating sa tambakan ang
mga
• Gawin Mo
• Tukuyin ang mga salitang
magkasingkahulugan sa sumusunod na mga
pangungusap.
• 1. Iwasan ang pambubuyo sa kapwa dahil lahat
tayo ay may pagkukulang. Humingi ng tawad sa
kapwang naasar upang maging maganda relasyon
ng bawat isa.
• Maraming programa ang pamahalaan upang
mabawasan ang mga kababayan nating
nagpapalaboy laboy sa lansangan dahil hindi ligtas
ang lansangan tuwing gabi at maaaring silang
maaksidente kapag nagpatuloy silang magpakalat
kalat.
• 2. Sabay sabay na nagbungkal ng lupa ang
mga mag-aaral para sa pagtatanim ng mga
halaman sa kanilang mga paaralan. Mataba
ang lupang kanilang hinukay kaya’t
nasisigurado ang malulusog na halaman na
tutubo rito
• 3.Tila mga diyamante ang mga nagkikislapang
bituin sa kalangitan tuwing gabi kaya’t
tuwang tuwa ang mga batang pagmasadan
ang kanilang makikinang sa kulay.
Gawain
Gawain.
• Ibigay ang maaaring maganap sa
sumusunod na pangyayari.
• Sitwasyon 1 Dula-dualaan Hindi
natutong magresiklo ang mga Pilipino
• Sitwasyon 2 Awit. Kung saan saan
tinatapon ang mga basura
• Sitwasyon 3 Pag-uulat o Reporting
Patuloy na pagdagsa ng mga tao sa
kalunsuran
• Sitwasyon 4 Patalastas Nagkaroon
ng initiyatibo ang bawat
mamamayan sa tamang
pagreresikulo

• Sitwasyon 5 Interbyu Walang


siyentista ang umalis sa bansa at
patuloy na tumuklas ng panibagong
kaalaman
Isapuso
Isapuso mo Mo
• Sa paanong paraan ka
makatutulong upang luminis ang
ating kapaligiran
Isulat Mo
Isulat mo
• Tuwing pauwi ka galing sa inyong
paaralan nakita mo ang tambak ng
basura sa iyong dinaraanan. Bawat
araw hindi ito nababawasan bagkus
lalo pa itong nadaragdagan. Naisip
mong bumuo ng isang patalastas
upang hikayatin ang iyong mga
kabarangay sa isang kampanya sa
kalinisan. Simulang punan ang poster
upang mabuo ang Panata ng Kalinisan.
Babasahin ang maikling kuwento at
Pagtataya
pagkatapos ibigay ang maaring kalabasan
ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
agsagot sa mga tanong.Piliin ang titik na
tamang sagot.
1.Ano kaya ang nararapat gawin ng ina?
a..Maghanap ng trabaho
B.Umasa sa tulong ng kamag-anak
C.Ipamigay ang mga anak sa kamag-anak
• 2.Ano kaya ang pinakamabuti nilang
gawin sa ari-ariang naiwan ng
kanilang ama?
• a.ipagbili ito at gawing puhunan sa
negosyo
• b.Ipagbili at gastahin ng walang
patumangga
• c.Mahalin ito at mangutang na
lamang sa mga tindahan.
• 3.Kung kanilang pupuhunanin sa negosyo ang
mapagbibilhanng naiwang ari-arian ,ano kaya
ang mangyayari sa kanila?
• a.malulugi sila
• b.Lalo silang maghihirap
• c.Maaring umunlad ang kanilang buhay.
• 4.Ano pa kaya ang maaari nilang gawin upang
mabuhay sa mundo?
• A.magkanya kanya sila upang mabuhay
• B.magtulungan at magkaisa upang mabuhay
• C.mamalimos upang mas malaki ang kita.
• Para sa Guro..
• Pagsasanay mula sa Pagpapaunlad ng kasanayan sa
Pagbasa.
• Ang Mga Naulila
• Pitong magkakapatid sina Lito .Maaga silang naulila
sa ama.Labing isang taon lamang ang pinakamatanda
sa kanila at anim na buwan pa lamang ang
pinakabunso . Walang hanapbuhay ang kanilang
ina .May kaunting kabuhayang naiwan ang kanilang
ama.

You might also like