You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 6

Panuto: Basahin nang mabuti. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.

_____ 1. Nagkaroon ng malalaking oportunidad sa edukasyon at pakikisalamuha sa mga


dayuhang mangangalakal ang mga cacique o tinatawag ring ______.

A. Panggitnang uri C. Mataas na uri


B. Mababang uri D. Mas mababang uri

_____ 2. Ito ang nagpaayos at nagpabilis ang pagdala ng mga kalakal sa mga lugar sa iba’t
ibang lugar.
A. Komunikasyon C. Elektrisidad
B. Transportasyon D. Pagpapautang

_____ 3. Ang COVID-19 ay lumaganap sa buong mundo. Ang mga sintomas nito ay
respiratory symptoms, lagnat, pag-iksi ng paghinga, ubo’t sipon at hirap sa paghinga. Saan ito
nagmula?
A. Wuhan, China C. Tokyo, Japan
B. New York, USA D. Venice, Italy

_____ 4. Ito ay artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red


Sea na lalo pang nagpabilis sa Paglalakbay.
A. Panama Canal C. West Philippine Sea
B. Daang Suez D. Egypt Canal

_____ 5. Kaisipang itinuring na mahalagang bagay ang kalayaan at pagkapantay-pantay ng


tao sa lipunan.
A. Nasyonalismo C. Liberalismo
B. Pagkakaisa D. Ilustrado

_____6. Sino ang hindi kabilang sa tatlong paring martir.


A. Carlos Mria de la Torre C. Jacinto Zamora
B. Mariano Gomez D. Jose Burgos

_____7. Ano ang tawag sa paraan kung paano pinatay ang GOMBURZA?
A. Pagbigti C. pagbaril
B. Pag-garote D. paglason

_____8. Ano ang damdaming nagpapakita ng lubos na pagmamahal sa bansa?


A. Nasyonalismo C. kilusan
B. Liberalismo D. pag-aalsa

_____9. Sino ang gobernador-heneral na namuno sa Pilipinas na may liberal na kaisipan kaya
siya ang minahal ng mga Pilipino?
A. Rafael Izquierdo C. Andres Bonifacio
B. Carlos Maria De La Torre D. Jose Rizal

_____10. Paano ipinakita ng tatlong pari ang kanilang kabayanihan?


A. Sila ay nakipaglaban gamit ang armas.
B. Hinarap ang parusang kamatayan kahit na sila ay pinagbintangan.
C. Nagsulat sila ng mga babasahing kumakalaban sa España.
D. Tinulungan ang mga rebelled sa paglaban.

You might also like