You are on page 1of 3

DIAGNOSTIC TEST SA FILIPINO 6

SECOND QUARTER
SY 2022-2023

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksiyon:__________Petsa:____________ Score:____________


Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.


A. Pandiwa B. Pang-abay C. Pang-uri D. Pangatnig
2-4. Alamin ang kayarian ng mga pang-uring may salungguhit na ginamit sa bawat pangungusap.
2. Ang ginawang pagtulong ng mga mag-aaral ay taos-puso.
A. Inuulit B. Maylapi C. Payak D. Tambalan
3. Inip na inip na ang mga manlalaro.
A. Inuulit B. Maylapi C. Payak D. Tambalan
4. Abot-kamay ang mga pangarap ng mga bata.
A. Inuulit B. Maylapi C. Payak D. Tambalan
5-6. Alamin ang kailanan ng pang-uri sa mga salitang may salungguhit na ginamit sa bawat pangungusap.
5. Ang mga mag-aaral ni Ginang Romero ay magagalang.
A. Dalawahan B. Isahan C. Maramihan D. Payak
6. Kapwa malikhain ang kambal na sina Lauren at Louise.
A. Dalawahan B. Isahan C. Maramihan D. Maylap
7. Naglakad, kakain, lumuluha at kaaalis ay mga halimbawang salita ng ________.
A. Pandiwa B. Panghalip C. Pangngalan D. Pang-uri
8. Ang mga aspekto ng pandiwa ay _________.
A. Imperpektibo, Perpektibo, Perpektibong Katatapus, Kontemplatibo
B. Patakaran, Patakda, Pahalaga, Pamahagi
C. Pamatlig, Pananong, Panao, Pamaraan
D. Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan
9. Gagamit ako ang diksiyonaryo para malaman ko ang kahulugan ng salitang iyon. Sa anong aspekto ng pandiwa ang salitang may
salungguhit?
A. Kontemplatibo B. Imperpektibo C. Perpektibo D. Pawatas
10. Hinahatid kami ni Kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok. Ang sinalungguhitang salita ay nasa anong aspekto ng pandiwa?
A. Kontemplatibo B. Imperpektibo C. Perpektibo D. Pawatas
11. _______ ako nang mabuti mamayang gabi para sa pagsusulit.
A. Aral B. Mag-aaral C. Nag-aral D. Nag-aaral
12. Si Tita Bea ang ______ng keyk na ito.
A. kagagawa B. gagawa C. gumawa D. gumagawa
13. Ito ay pokus ng pandiwa kapag ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos sa pangungusap.
A. Aktor B. Ganapan C. Layon D. Tagatanggap
14. Ano ang binigyang diin sa pokus na tagatanggap?
A. Gumagawa ng kilos C. Bagay na tinutukoy ng kilos
B. Pinaglalaan ng kilos D. Lugar kung saan ginawa ang kilos
15. Kung ang binigyang diin sa pokus ng ganapan ay ang lugar kung saan ginagawa ang kilos, ano naman ang binigyang diin sa
pokus
ng sanhi?
A. Gumagawa ng kilos B. Bagay na tinutukoy ng kilos C. Pinaglalaan ng kilos D. Dahilan sa bunga ng pangungusap
16. Pinasyalan namin ang Fort San Pedro. Ano ang pokus ng pandiwang pinasyalan sa pangungusap?
A. Aktor B. Direksiyon C. Gamit D. Sanhi
17. Ipinanungkit nila ng hilaw na mangga ang patpat. Ang salitang may salungguhit ay nasa anong pokus ng pandiwa?
A. Direksiyon B. Gamit C. Sanhi D. Tagatanggap
18. Si Jumong ay ipinaghain ng almusal ng kanyang ina bago siya pumasok sa paaralan. Anong pokus ng pandiwa ang salitang may
salungguhit sa pangungusap?
A. Aktor B. Ganapan C. Layon D. Tagatanggap
19. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin ng kwento.
A. Banghay B. Kaisipan C. Tagpuan D. Tauhan
20. Ito ay tumutukoy kung saan nagaganap ang kwento.
A. Banghay B. Kaisipan C. Tagpuan D. Tauhan
21. Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.
A. Kaisipan B. Suliranin C. Tagpuan D. Tauhan
22. Ito ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-abay D. Panlunan
23. Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang pandiwa.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-abay D. Panlunan
24. Nagsasaad ito kung kailan naganap o magaganap ang kilos na isinasaad ng Pandiwa.
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-abay D. Panlunan
25. Isa sa mga uri ng Pang-abay na Pamanahon na ginagamit ang panandang nang,sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa at hanggang.
A. May pananda B. Pamaraan C. Panlunan D. Walang pananda
26. Ang tumatakbong kabayong itim ay matulin.
A. Pang-uri B. Pang-abay C. Pangngalan D. Pandiwa
27. Matulin tumakbo ang kabayong itim.
A. Pang-uri B. Pang-abay C. Pangngalan D. Pandiwa
28. Masigla ang mga tao tuwing piyesta.
A. Pang-uri B. Pang-abay C. Pangngalan D. Pandiwa
29. Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.
A. Pang-uri B. Pang-abay C. Pangngalan D. Pandiwa
30. Magaling magsulat ng mga kwentong pambata si Flor.
A. Pang-uri B. Pang-abay C. Pangngalan D. Pandiwa
31. Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga kwentong pambata.
A. Pang-uri B. Pang-abay C. Pangngalan D. Pandiwa
32. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
A. Bunga B. Katotohanan C. Opinyon D. Sanhi
33. Ang __________ ay ang resulta o kinalabasan o epekto ng kadahilanan ng pangyayari.
A. Bunga B. Katotohanan C. Opinyon D. Sanhi
34. Ano ang tawag natin sa dahilan at resulta ng mga pangyayri?
A. Tama o Mali B. Sanhi at Bunga C. Opinyon o Katotohanan D. Konotasyon at Denotasyon
35. Tukuyin ang maaaring bunga ng sitwasyong ito. “Isang gabi habang naiidlip ang mag-asawa, dalawang estranghero ang
dumating
at naghanap ng masisilungan sa gabing iyon.”
A. Nabusog naman ang mga panauhin. C. Buong-pusong tinanggap ng mag-asawa ang mga panauhin.
B. Ayaw niyang makita ang puntod ng kanyang asawa. D. Nagulat ang mag-asawa dahil hindi sila nauubusan ng alak.
36. Dahil sa malinis, mabango at malinaw na tubig, marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog Pasig. Ano ang BUNGA ng
pangyayari?
A. sa Ilog Pasig C. marami ang namamasyal at naliligo
B. dahil malinis, mabango at malinaw D. naging malinis, mabango at malinaw ang tubig
37. Kaya nasira ang kagandahan ng ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Ano ang SANHI sa pangungusap?
A. kaya nasira B. pinabayaan ang basura C. pinabayaan ito ng mga tao D. kaya nasira ang kagandahan ng ilog
38. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw, ang pinaikling salita ng pagtatala ng mga pangyayari __________________.
A. araw-araw B. buwanan C. kapag may araw D. lingguhan
39. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunod-sunod ang mga ____________.
A. pangyayari B. tagpuan C. tauhan D. usapan
40. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng ____________.
A. bagay B. kulay C. pangalan D. petsa
41. Ang mga pangyayaring isinulat sa talaarawan ay dapat na maging ____________.
A. di-kapani-paniwala B. makatotohanan C. pamalagian D. pansamantala
42. Sa pagsulat ng talaarawan ay kinakailangang maayos ang mga _____________.
A. detalye B. pananaw C. panimula D. wakas
43. Ito ay isang maikling salaysay ng isang tanging pangyayari na lubhang kawili-wili.
A. aklat B. anekdota C. listahan D. talaarawan
44. Personal ang talaarawan kaya _____________.
A. dapat ipabasa sa iba B. ipamahagi sa ibang tao C. huwag ipabasa sa iba D. sa gabi lang sulatan
45. Ito ay isang uri ng liham na pormal, maikli, tiyak, at malinaw na ipinapadala sa isang tanggapan o bahay kalakal.
A. Pangangalakal B. Pangkaibigan C. Pangungumusta D. Pasasalamat
46. Ito ay bahagi ng liham kung saan nakasulat ang pinanggalingan ng liham at ang petsa kung kailan ito isinulat.
A. Bating Panimula B. Bating Pangwakas C. Katawan ng Liham D. Pamuhatan
47. Dito isinusulat ang dahilan ng pagsulat ng liham. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham.
A. Pamuhatan B. Katawan ng Liham C. Bating Panimula D. Bating Pangwakas
48. Lubos na gumagalang, anong bahagi ng liham ito?
A. Bating Pangwakas B. Bating Panimula C. Katawan ng Liham D. Pamuhatan
49. Anong bahagi ng liham ang nasa ibaba?
123 Bayabas Street, Mambaling,
Cebu City
Ika-7 ng Nobyembre, 2020
A. Bating Panimula B. Lagda C. Pamuhatan D. Patutunguhan
50. Dito isinusulat ang pangalan ng taong sumulat ng liham.
A. Bating Panimula B. Lagda C. Pamuhatan D. Patutunguhan

You might also like