You are on page 1of 41

Bulong at Awiting Bayan

Subtitle
Biskuwit
ni Asuncion B. Bola
Isang blockbuster ang pelikula n’on. Maraming manonood. ‘Yan ang Pinoy.
Kabilang na kami ng utol kong manonood. Unta adlaw kami manonood kaya lang
wala ang titser namin ngayon kaya maaga pa ay nasa lobby na ako ng sinehan,
naghihintay sa aking utol na sinundo pa ng aking ina sa aming tahanan. Mas
maganda kasing manood sa sinehan kaysa sa mga PC, tablet o TV.
Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad at tumabi
ako sa nakaupong lespu na abala sa kaniyang cp sa pag-tetext. Mayamaya
nakaramdam ako ng pagkalam ng aking sikmura kaya kumuha ako ng isang piraso
ng biskuwit na nasa aking tabi. Nilingon ako ng lespu at kumuha rin siya. Diri
naman sanang problema kung ginhatag ko sa kaniya o kumuha siya. Kaya lang
napansin ko na sa bawat pagkuha ko ng biskuwitkumukuha rin siya hanggang isa
na lang ang natira. Aba, gusto pa niyang
kunin. Inunahan ko nga siya, sabay tayo at irap ang ginawa ko. Ngumiti lang ang
lespu. “Infairness” sabi ko sa sarili, mabait, din naman siya.
Sa wakas natanaw ko na rin sina utol at kasama pa ni Ina ang kaniyang
mga kaututang-dila. Ang mga gurangers talaga nakikiuso ring manood kina
Piolo at Sarah. Ikinuwento ko sa aking utol ang nangyari habang papasok kami
sa loob. Inginuso ko sa kaniya ang alaws hiyang lespu na abala pa rin sa
pagtetext.
Natawa ang utol ko dahil sa aking sambakol na mukha at alam na niya
ang kasunod na sasabihin ko ng bilmoko. Di niya pinansin ang aking
paglalambing kaya pumasok na kami. Ang inis at galit ko ay nawala nang
magsimula ang palabas. Ang lahat ay natahimik.
Hanggang sa humantong ang usapan sa pagbabalik ni Gino kay Trixie.
“Puwede ba wag mo na akong pataying muli…” Naluluha ako sa
usapang ito kaya naisipan kong kunin ang dala kong panyo ngunit iba ang
nakapa ko sa aking bag. OMG! Ang biskuwit na pinagtripan ng lespu kanina ay
nasa bag ko pala. Napatawa ako nang malakas na ikinagulat ng aking mga
katabi.
Sa gitna ng drama ako’y tumatawa. Hiyang-hiya ako sa aking sarili.
Alam mo ba na...
ang mga salita ay maaaring gamitin nang ayon sa sitwasyon at layunin
na
kakikitaan kung paano epektibong magagamit nang ayon sa antas nito.
Narito
ang antas ng wika.
1) Balbal – Wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang
pinakamababang antas ng wika. Itinuturing na ang mga salitang ito ay
karaniwang likha
Mga Halimbawa: lespu, ermat, erpat boga, puga, toma.
Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad at
tumabi ako sa nakaupong lespu na abala sa kaniyang cp sa pagtetext.
Ang gurangers talaga nakikiuso ring manood kina Piolo at Sarah.
Pansinin ang salitang lespu ay mula sa salitang pulis na
binaligtad lamang samantalang ang “gurangers” ay mula sa
salitang gurang na ang ibig sabihin ay matatanda.
2) Kolokyal – Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang
usapan at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
Karaniwang may palit koda (code switching) o halong koda
(mixed switching) na ibig sabihin pinaghahalo sa pagsasalita
o pagsulat ang Filipino at Ingles.
Mga Halimbawa: pinoy, titser, p’re, te’na
Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa
wattpad
Maaga pa ay nasa lobby na ako ng sinehan.
3) Lalawiganin o Diyalektal– Wikang ginagamit sa
isang rehiyon o isang
lalawigan. May pagkakataon o sitwasyon na hinihiram
ang salitang
lalawiganin na nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Mga Halimbawa:
Mga Salita sa Luzon na Ginagamit sa Ibang
Rehiyon/Lugar
 kaunin (sunduin) – Batangas
 mabanas (mainit ang panahon) – Laguna
 abiarin (asikasuhin) – Quezon
 balaw (alamang) – Aurora
Mga Salita sa Visayas na Ginagamit sa Ibang
Rehiyon/Lugar
bana – asawang lalaki
onse – labing-isa
sugba – ihaw
kadyot – sandali lang
Mga Salita sa Mindanao na Ginagamit sa Ibang
Rehiyon/Lugar
malong –kasuotan ng mga kapatid na Muslim
kulintang – instrumentong pangmusika
4) Teknikal- Ginagamit sa isang tiyak na disiplina
o sitwasyon.
Mga Halimbawa:
Disiplina: Information technology Google
Internet Basher
Mouse Instagram
Windows Chat
Facebook Yahoo
4) Teknikal- Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o
sitwasyon.
Mga Halimbawa:
Disiplina: Information technology Google
Internet Basher
Mouse Instagram
Windows Chat
Facebook Yahoo
Ilang Salitang Ginagamit sa Bangko Kaugnay ng
SitwasyongPag-iipon
Account Current
Savings Checking
ATM Withdrawal
5) Pampanitikan – Ang pinakamataas na antas ng
wika na karaniwang
ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan
kabilang dito ang
matatalinghagang salita at pahayag na nagbibigay ng
pahiwatig, simbolismo
at larawang diwa.
Mga Halimbawa:
mahal na tao mahabang dulang
nakabibinging katahimikan kisap mata
nalalagas ang dahon nagpupuyos sa galit
Add a Slide Title -
3
Add a Slide
Title - 4
Add a Slide
Title - 5

You might also like