You are on page 1of 8

THIRD QUARTER EXAMINATION

EPP 5
SY 2018-2019

Pangalan: ________________________________________________________ Grado: ___________

Panuto: Basahin ang mga tanong nang mabuti. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang gagamitin kung ang isang babae ay may regla upang hindi tumagos sa kasuotan?
A. damit
B. lampin
C. pasador o sanitary napkin
D. tuwalya

2. Sino/ Sino-sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pangangalaga ng katawan


habang may regla?
Cathy: Naliligo araw-araw.
Edna: Nagpapahinga at natutulog nang sapat.
Grace: Nag-eehersisyo araw-araw.
Hanna: Iniiwasan ang mabasa sa tubig.

A. Cathy at Edna
B. Cathy, Edna at Grace
C. Edna
D. Hanna

3. Alin ang dapat suotin ng lalaking bagong tuli?


A. mahabang bahag
B. maluwag na short/padyama
C. masikip na pantalon
D. damit pambabae tulad ng bestida

4. Masakit ang puson ni Rose dahil siya ay may regla. Alin ang mabuti niyang gawin?
A. maligo nang maaga
B. maglinis ng bahay
C. magpatong ng hot water bag sa ibabaw ng puson
D. matulog buong maghapon

5. Bagong tuli si Lito. Dahil dito, iniiwasan niyang kumain ng malalansang pagkain tulad ng bagoong
at malasadong itlog. Tama ba ang kaniyang ginagawa?
A. Oo, dahil nagiging sanhi ang mga ito ng pangangati ng sugat.
B. Oo, dahil matagal gagaling ang sugat kung kakain ng mga ito.
C. Hindi, dahil nagpapadali ang mga ito sa paghilom ng sugat.
D. Hindi, dahil hindi na siya nakakakain ng masustansiyang pagkain.
6. Ito ang yugto ng buhay kung kailan maraming pagbabagong nagaganap sa iyong pangangatawan
at pag-iisip.
A. adulthood
B. midlife crisis
C. infancy
D. puberty

7. Nagdadalaga na si Risa. Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong pisikal na nararanasan niya
MALIBAN sa isa? Alin ang naiiba?
A. Bumaba ang kanyang boses.
B. Lumalapad ang kaniyang balakang.
C. Pinamumukulan ang kaniyang dibdib.
D. Tinutubuan siya ng buhok sa kilikili at paligid ng ari.

8. Nagbibinata na si Christian. Anu-anong pagbabagong pisikal ang kaniyang nararanasan?


EPP 5. 3rd Quarter Examination. SY 2018-19. Page 1 of 4
I. Lumapad ang kaniyang balikat.
II. Lumaki at pumiyok ang kanyang boses.
III. Lumapad ang kaniyang balakang.
IV. Tibutubuan ng bigote, balbas, buhok sa kilikili at paligid ng ari.
V. Lumitaw ang kaniyang gulunggulungan.

A. I at II
B. IV at V
C. I, II, IV at V
D. III, IV at V

9. Si Dan ay mahilig maglaro ng basketbol. Napapansin niyang iba na ang amoy ng kaniyang
pawisang kilikili. Ano ang mainam niyang gawin?
A. Buhusan ang bahaging ito ng baby powder.
B. Gumamit ng tawas/deodorant.
C. Lagyan ng cologne ang kilikili.
D. Maligo pagkatapos maglaro.

10. Aling pagbabago sa ugali ang HINDI angkop sa isang nagdadalaga/nagbibinata?


A. Naging palaayos sa sarili at sa kasuotan si Maria.
B. Si Dina ay humahanga sa kaniyang guwapong kaklase.
C. Nakikihalubilo si Samantha sa mga kabataang nasa kanilang lugar.
D. Umiiyak nang malakas si Danny tuwing hindi nasusunod ang kaniyang gusto.

11. Anong kabutihan ang naidudulot kung pinangangalagaan ang pansariling kaayusan at kalinisan?
A. Magiging kaaya-ayang tingnan
B. Magiging paborito ng mga guro
C. Magiging tanyag sa buong paaralan
D. Magkakaroon ng maraming tagahanga

12. Sino/Sino-sino sa mga sumusunod ang napananatiling malinis at maayos ang sarili?
Jonna: Nagsisipilyo dalawang beses sa isang araw.
Liza: Naliligo araw-araw.
May: Pinuputol ang mahabang kuko.
Nora: Nagpapagupit minsan sa isang buwan.

A. Jonna at Liza
B. Liza at May
C. May at Nora
D. Liza, May at Nora

13. Laging nangangati ang buhok ni Leah dahil sa kuto. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Gumamit ng mamahaling shampoo at conditioner.
B. Gumamit ng sulod upang matanggal ang kuto/lisa.
C. Lagyan ng baby oil ang buhok upang maluto ang mga kuto.
D. Lagyan ng coconut milk ang buhok upang mawal ang mga lisa.

14. Mahaba na ang mga kuko ni Sharon sa kamay. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Putulin gamit ang nailcutter.
B. Kitkitin ang mga kuko hanggang mapudpod.
C. Lagyan ng nail polish upang maging maganda.
D. Hayaang humaba upang agaw-pansin ang mga kuko.

15. Pagkatapos maglaro ng holen kasama ang barkada, diretsong pumunta sa hapag-kainan si Boyet
at agad kumain. Tama ba ang kaniyang ginawa?
A. Oo, upang hindi lumamig ang pagkain.
B. Oo, upang hindi siya malipasan ng gutom.
C. Hindi, dahil marumi pa ang kaniyang mga kamay.
D. Hindi, dahil kakalat ang dumi sa mga pagkian.

EPP 5. 3rd Quarter Examination. SY 2018-19. Page 2 of 4


Para sa 16-17, tingnan ang larawan at tukuyin ang pangangalaga ng kasuotang ipinakita nito.

16. ________________

17. _________________

18. Namantsahan ng kalawang ang damit ni Pina. Ano ang dapat niyang gawin upang matanggal ito?
A. Buhusan ng mainit na tubig bago sabunin at labhan.
B. Lagyan ng katas ng kalamansi at asin at ibilad sa araw
C. Kaskasin ng mapurol na kustilyo hanggang matanggal.
D. Sabunin sa tubig na may suka hanggang maalis ang mantsa

19. Napansin ni Mona na may punit ang suot niyang blusa. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Huwag na itong suotin.
B. Ipamigay ito sa kapatid.
C. Tahiin ang napunit na bahagi.
D. Takpan ng retasong tela ang punit.

20. Bago sinimulan ni Aling Tina ang paglalaba, binukod niya muna ang mga de-kolor at puti. Tama
ba ang kaniyang ginawa?
A. Oo, upang hindi makulayan ang maputing damit.
B. Oo, upang mas madali ang paglalaba at pagsampay.
C. Hindi, dahil dagdag trabaho ito.
D. Hindi, dahil lalong matatagalan ang paglalaba.

Para sa 21-23, lagyan ng tsek ( ) kung ang larawan ay nagpapakita nang maayos na tindig at
ekis ( ) kung hindi.

21. ____

22. ____

23. ____

24. Alin ang HINDI dapat gawin upang maging maiwasan ang pagbaluktot ng ating spinal cord?
A. Iwasan ang mabibigat na gawaing hindi angkop sa edad o kakayahan.
B. Magbitbit ng mabibigat na bagay.
C. Kumain ng masustansiyang pagkain.
D. Umupo at maglakad nang tuwid ang likod.

25. Alin ang HINDI kabilang sa dahilan kung bakit kailangan maging maayos ang tindig?
A. Kaaya-ayang tingnan ang taong maayos ang tindig.
B. Mananalo tayo bilang Health Icon sa ating paaralan.
C. Maiiwasan natin ang sakit sa katawan lalo na sa likod.
D. Nagpapamalas ito nang maayos na pangangatawan.

26. Aling pag-aayos ng tahanan ang dapat gawin araw-araw?


A. pag-aalis ng mga agiw sa kisame
B. paghuhugas ng mga pinagkainan
C. paglalagay ng plorwaks
D. pagpapalit ng kurtina

27. Anong kagamitang panlinis ang ginagamit upang pakintabin ang sahig?
A. basurahan
EPP 5. 3rd Quarter Examination. SY 2018-19. Page 3 of 4
B. bunot
C. eskoba
D. pandakot

28. Gustong linisin ni Jelian ang duming nakakapit na sa kanilang dingding. Anong kasangkapan ang
dapat niyang gamitin?
A. eskoba
B. lampaso
C. pandakot
D. walis

29. Alin ang dapat isaalang-alang kung nag-aayos ng kasangkapan sa sala?


A. Gawa sa narra ang mga muwebles at kasangkapan
B. Palitan ang mga lumang kagamitan.
C. Mamahalin dapat ang mga gamit na ilalagay
D. Pagpapangkat-pangkatin ayon sa laki, uri at gamit

30. Bakit mahalagang magtulungan ang lahat sa pag-aayos ng tahanan?


A. upang hindi mapagalitan ng magulang
B. upang madaling matapos ang trabaho
C. upang lahat ay may ginagawa
D. upang maiwasan ang pag-aaway

Para sa 31-33, lagyang ng tsek ( ) kung kagamitang pambahay na maaaring gawin/likhain at


pagkakitaan at ekis ( ) kung hindi.

31. _____

32. _____

33. _____

34. Anong katangian ang ipinapakita ng isang taong lumilikha/gumagawa ng kagamitang pambahay
na mapagkakakitaan?
A. malikhain B. matipid
C. matiyaga D. masigla

35. Ano ang mabuting naidudulot ng paggawa ng mga kagamitang pambahay na mapagkakakitaan?
A. Ang kita ay maaaring panustos sa pangangailangan ng mag-anak.
B. Ipinapakita nito ang pagiging malikhain ng pamilya.
C. Magdadala ito ng suwerte at katanyagansa pamilya.
D. Makatitipid ang pamilya sa pambili ng mga gamit sa bahay.

36. Alin sa mga sumusunod na panukat ang ginagamit na panukat o pangmarka ng mahahaba at
tuwid na guhit sa tela
A. Curve stick
B. Medida
C. Meter stick
D. Sewing gauge

37. Ang pinalalagyan ng sinulid sa ilalim ng makina ay tinatawag na ______


A. Bobina
B. Treadle
C. Tension Regulator
D. Stitch Regulator

EPP 5. 3rd Quarter Examination. SY 2018-19. Page 4 of 4


38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng wastong pag-alaga ng makinang panahi?
A. Nilalagyan ng langis minsan sa isang buwan.
B. Tinitiklop ang makina kapag hindi ginagamit.
C. Nilalagyan ng kapirasong tela ang presser foot.
D. Inaalis ang bobina at isinara ang slide plate bago itiklop ang makina.

39. Sino/Sino-sino sa mga sumusunod na mag-aaral ang nakagagamit ng kanyang kaalaman sa


pananahi?
Irene: Gumawa ng mga kagamitang pambahay gaya ng punda, place mat at iba pa.
Jason: Tinatahi ang mga napupunit niyang damit upang mapakinabangan.
Lorna: Pinatatahi sa kaniyang ina ang damit niyang napunit.
Mely: Pinagagawa sa kaniyang ate ang gawaing tatahiin sa EPP
A. Irene
B. Jason
C. Irene at Jason
D. Lorna at Mely

Para sa 40-41, isulat ang tsek ( ) kung nagpapakita ng tamang paghahanda ng pagkain at
ekis ( ) kung hindi.

40. Gumamit ng mababang temperature sa pagpapakulo ng karne upang lumambot nang maayos.
41. Hugasan ang mga prutas at gulay bago balatan o hiwain.

42. Magluluto ng adobong manok si Aling Eunice. Paano niya malalaman na presko ang napili niyang
manok?
A. Malinaw at naka-umbok ang mga mata.
B. Malarosas ang kulay ng laman at maputi ang taba.
C. Matingkad ang pagkaluntian at madaling putulin ang dulo.
D. Siksik sa laman at manilaw-nilaw sa taba ang balat.

43. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng talatakdaan sa paghahanda ng pagkain?


A. upang maging matipid sa mga gastusin.
B. upang masigurong presko ang inihandang pagkain.
C. upang maiwasan ang pag-aaksaya ng lakas at panahon
D. upang siguradong masarap ang inihindang pagkain.

44. Ang mga sumusunod mga dapat na isinasaalang-alang sa paghahanda ng kaakit-akit na pagkain
MALIBAN sa isa. Alin dito ang naiiba?
A. Halaga
B. Hugis at anyo
C. Kulay at lasa
D. Texture at Temperature
45. Nagdiriwang ng kaniyang kaarawan si Mona. Inaasahang marami ang kaniyang mga panauhin.
Iminungkahi na ang mga panauhin na ang bahala sa kanilang sarili na kumuha ng kubyertos at pumili
ng kakainin. Anong estilo ng pagdudulot ng pagkain ang naangkop?
A. Estilong Buffet
B. Estilong English
C. Estilong Filipino
D. Estilong Plate

Bilang 46-48. Isulat ang titik na nagsasaad ng wastong paghahanda ng nilutong pagkain.
A. Ilagay ang iba’t ibang uri ng ulam sa isang lalagyan.
B. Gawing kaaya-aya ang pagkakalagay ng pagkain sa plato.
C. Tanggalin ang mga alahas sa kamay kapag nagluluto

Bilang 49-50. Pag-aralang mabuti ang “Food pyramid”. Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung
nakakasusunod sa food pyramid ang inihahandang pagkain at ekis ( ) kung hindi.
EPP 5. 3rd Quarter Examination. SY 2018-19. Page 5 of 4
EPP 5. 3rd Quarter Examination. SY 2018-19. Page 6 of 4
EPP 5 ANSWER KEY
1 C
2 B
3 B
4 C
5 A
6 D
7 A
8 C
9 B
10 D
11 A
12 D
13 B
14 A
15 C
16 PAMAMALAN
TSA
17 PAGLALABA
18 B
19 C
20 A
21 ×
22 √
23 √
24 B
25 B

EPP 5. 3rd Quarter Examination. SY 2018-19. Page 7 of 4


26 B
27 B
28 A
29 D
30 B
31 X
32 
33 
34 A
35 A
36 C
37 A
38 A
39 C
40 
41 
42 D
43 C
44 A
45 A
46 X
47 
48 
49 X
50 

EPP 5. 3rd Quarter Examination. SY 2018-19. Page 8 of 4

You might also like