You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
Reina Mercedes District
REINA MERCEDES CENTRAL SCHOOL
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa EPP-Home Economics 5
SY 2019-2020

Pangalan:_____________________________________________Baitang at Pangkat _______________ Iskor_______


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at itiman ang titik ng tamang sagot na nasa kaliwang bahagi.
1. Ito ay yugto ng buhay na nagsisimula sa 10 taong gulang hanggang 16 na taon na kung kalian
maraming pagbabagong magaganap sa pangangatawan at pag-iisip.
a. pagdadalaga b. pagbibinata c. puberty d. pagreregla
2. Ito ang glandulang nangangasiwa sa mga pagbabago sa ating katawan upang maging ganap na dalaga
at binata. Matatagpuan ito sa likod ng ulo sa may gawing ilalim ng utak.
a. Salivary gland b. Pituitary gland. c. Endocrine gland d. Thyroid gland
3. Ito ay simpleng operasyon na kung saan inaalis ang sobrang balat sa dulo ng tunod ng lalaki.
a. pagtutuli b. pagreregla c. pagtatali d. caesarian
4. Dumating ang buwanang dalaw ni Ana, alin sa mga payong ito ang dapat niyang sundin?
a. Huwag maligo c. panatilihin ang kalinisan ng katawan
b. Iwasang kumain ng maasim d. Huwag gagamit ng pasador
5. Ang isang nagdadalaga at nagbibinata ay____________.
a. nagiging masungit c. nagiging pasaway
b. umiwas sa barkada d. nagiging palaayos sa sarili
6. Napansin ni Ric na parang pumipiyok at lumalakas ang kanyang boses. Naisip niya na ang
pagbabagong ito ay dahil sa__________.
a. sinisipon siya b. nagbibinata na siya c. nadapa siya d. sobrang kain ng ice cream
7. Ang nagdadalaga at nagbibinata ay karaniwang _______.
a. lumalapad ang binti c. sumusulong ang timbang o sukat ng iba’t-ibang bahagi ng katawan
b. pumuputi ang buhok d. bumababa ang timbang ng katawan
8. Papasok sa paaralan si Alona, ano ang dapat niyang isusuot?
a. night gown c. uniporme at sapatos na itim
b. pantalong maong at t-shirt d. short at t-shirt
9. Ang damit pambahay at pantulog ay dapat na___________.
a. yari sa pinong urng tela c. maluwag,maginhawang at payak ang pagkayari
b. makapal at mainit sa katawan d. seda at makislap
10. Dapat______ ang umiporme na hinubad upang mahanginan.
a. ilagay sa ropero b. isabit sa hanger c. iwanan sa kama o silya d. ilagay kahit saan
11. Ang pagsusulsi ng punit ng damit ay dapat gawin ________.
a. pagkatapos labhan b. bago labhan c. bago plantsahin d. pagkatapos plantsahin
12. Paraan ito ng pagkukumpuni sa butas ng ating kasuotan.
a. pagsusulsi b. paglilip c. pagtatagpi d. paghihilbana
13. Paplantsahin ni Lanie ang kanyang polong uniporme na isusuot bukas. Anong bahagi ang kanyang
uunahing hahagurin? a. Manggas b. harapan c. kuwelyo d.likuran
14. Bilang magulang dapat nilang ituro sa kanilang mga anak ang mga kanais-nais na kaugalian at huwag
ang mga maling gawain upang lumaki silang mabubuting mamamayan. Ito ay maituturo nila ng
matagumpay sa pamamagitan ng ________________.
a. pangangaral lamang b. pagpalo sa anak c. pagkalong sa anak d. kilos at gawa
15. May mga tungkulin din ang mga anak na dapat gampanan sa kanilang magulang. Ito ay maaari nilang
ipakita sa pamamagitan ng __________.
a. pagsunod sa lahat ng kanilang inuutos
b. pagsagot ng “po at opo” kung kinakausap
c.pagtulong sa mga gawaing bahay na kaya nilang gawin
d. lahat ng nabanggit
16. Magandang pagmasdan ang mga mag-anak na masaya,maunlad ,di nag-aaway at pagmamahalan. Ito
ay makakamit kung ang bawat kasapi ng mag-anak ay______.
a. may mabuting samahan c. walang pakialaman
b. walang pagkakaisa d. bihirang magkita-kita
17. Lagi mong napupuna na laging kulang kayo sa perang pambili ng inyong pagkain. Ano ang iyong
gagawin upang ikaw ay makatulong?
a. magtipid sa paggasta ng iyong baon sa mga di- gaanong kailangan tulad ng laruan
b. magtanin ng mga gulay sa inyong bakuran
c. tumulong sa iyong ina sa pagtitinda
d. lahat ng nabanggit
18. Mahalaga ang pagkuha ng pulso ng maysakit upang malaman kung bumubuti o hindi ang kondisyon
niya. Aling daliri ang ginagamit sa pagbilang ng pulso?
a. hintuturo at gitnang daliri c. palasingsingan at hinliliit
b. gitnang daliri at palasingsingan d. hinlalaki at hintuturo
19. Ang uri ng pagkain na dapat ibigay sa maysakit ay nababatay sa uri ng sakit niya. Kung mahina-
mahina siya at tiyan ang diprensiya, anong uri ng pagkain ang idudulot sa kanya?
a. likido o sabaw lamang c. matigas na pagkain
b.mamantikang pagkain d.maasim na pagkain
20. Ang may edad na tulad ng iyong lola at lolo o may kapansanan ay nangangailangan ng higit na_____.
a. perang gagastahin c. gatas
b. pagmamahal,atensyon at pag-aalaga d. pagkaing papapakin
21. Mahalagang magkaroon ng talatakdaan ng mga gawain sa loob ng tahanan upang mapaghati-hatian
ang mga gawain ng bawat kasapi ng mag-anak. Sa pagpaplano nito, dapat isaalang-alang ang____.
a. kung sino ang kasapi na nasa bahay
b. kulang sa kakayahan sa paggawa upang matuto
c. gulang,kakayahan at karanasan
d. kung sino ang matatanda siya lamang ang gagawa.
22. Walang pasok sa paaralan kaya’t si Aiza ay maglilinis ng bahay, ano ang dapat niyang unahin upang
ang paglilinis ay maging madali at maayos?
a. maunang magwalis ng sahig at magpunas ng mga kasangkapan at mag-aayos
b. simulang maglinis sa itaas patungong ibaba
c. simula sa ibaba,sa mga dingding at itaas
d. mga muwebles at kasangkapan ang unahin
23. Ang cabinet, mga palamuti at aklat, telebisyon, sala set, piyano at radio ay mga kasangkapang
karaniwang inaayos sa_______.
a. silid tulugan b. kusina c. balkonahe d. silid-tanggapan o sala
24. Sa maayos na pangangasiwa ng tahanan, ang mahahalagang malalaking muwebles sa silid
ay dapat ___________sa dingding.
a. nakaharap b.nakaayon c.nakatalikod d. nakaharang
25. Nakapitas si Myra ng mga pula,dilaw at puting rosas sa kanilang hardin kumuha siya ng plorera at
inayos na ang mga pulang rosas ay nasa_____.
a. nasa gawing itaas b. nasa gitna
c.nasa gawing ibaba o ilalim ng ayos d.sentro sa ibabaw o gitna
26. Pagkatapos mong maglinis ng bahay, ang nararapat mong gawin sa mga kasangkapang ginamit
ay___.
a.ilagay ang mga gamit sa isang sulok
b. iutos ito sa kapatid na iligpit
c. iayos sa taguan upang maging handa sa susunod na paggamit
d. iwanan kung saang lugar
27. Ang mga sumusunod ay mga saligan na dapat tandaan sa pagbabalak at paghahanda ng pagkain ng
mag-anak maliban sa isa, alin ito?
a. gulang,kalusugan at katawan ng kasapi ng mag-anak
b.kagustuhan ng bunsong anak
c. kaugalian at pananampalataya
d. panahon at lugar ng paghahanda
28. Ang mag-anak na Delos Santos ay pawang masisigla at malulusog ang pangangatawan dahil sa
kasiya-siyang pagkain ng mag-anak. Laging may mga masustansiya at mabitaminang pagkain na
kasama sa pang-araw-araw na hain sa hapag.
a. karne, manok, alimango, lechon at isda c. ice cream cake at softdrinks
b. gulay, isda at bungangkahoy o prutas d. mga de-lata at imported na pagkain
29. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng pagkain ang nagiging pananggalang sa sakit at impeksyon ng
ating katawan? a. malunggay, saluyot, petsay b. kamote, mais, gabi
c. isda, tinapa, karne ng baboy d. ice cream, softdrinks, hamburger
30. Bago maghanda o magluto ng pagkain, ang mga sumusunod na kaugalian ay ating susundin.
a. aalisin muna ang relos at alahas c. magsusuot ng apron at headband
b. maghugas ng kamay bago humawak ng pagkain d. lahat ng nabanggit
31. Upang ang paghahanda ng pagkain ay mapabilis,dapat na gumamit ng mga angkop na kagamitan
para sa gagawin tulad ng maliit na kutsilyo sa pagtatalop at______ sa pagdikdik o pagdurog ng
pagkain o sangkap. a. parilya b. salaan c. sandok d. almires
32. Kapag nag-aayos ng cover, inilalagay ang serbilyeta o table napkin sa_____.
a. kanan ng plato b. ibabaw ng baso c. kaliwa ng plato d. ibabaw ng plato
33. Ang mga kagamitan sa pagluluto, pagkatapos gamitin ay kaagad linisin. Ang paraang gagamitin ay__.
a. sasabunin,iisisan,babanlawan at itago c. sasabunin,iisisan,babanlawan,patuyuin at itago
b. sasabunin,patutuyuin at itatago d. sasabunin,babanlawan at itatago
34. Nagkakatipon-tipon ang mga mag-anak na Luna. Naisip ni Gng. Luna na magluto ng kakaning
matamis. Bumili siya ng niyog, ube, saging, kamote, sago at asukal. Anong resipe ang tinutukoy dito?
a. palitaw b.espasol c. ginataang halu-halo d. suman
35. Namili ang pangkat ni Rita ng hipon,kalabasa at atswete. Anong kakanin ang kanilang iluluto?
a. puto b. kutsinta c. butse d.okoy
36. Ang butse ang paboritong meryendang inihahanda ni Mila sa kanyang pamilya.Anong pamamaraan
sa pagluluto ang ginagamit dito?
a. pagpiprito b. pagpapasingaw c. paglalaga d. paggigisa
37. Isa sa pinakauna at pinakamurang paraan ng pag-iimbak ng pagkain ay ang pagbibilad sa sikat ng
araw. Ito ay isang paraan na madaling gawin at magagamit sa maraming uri ng pagkain.
a. pagmamatamis b. pagpapalamig c. pagpapatuyo d. pagpapausok
38. Ang mga gulay at prutas ay maaaring imbakin sa iba’t ibang pamamaraan.Paano mo iimbakin ang
hilaw na papaya,labanos,sayote at pipino?
a. pagmamatamis b. pag-aatsara c.pagpapausok d.pag-aasin
39. Sa pag-iimbak ng pagkain dapat bumili ng mga pagkaing_____upang makuha ang pinakamataas na
uri nito. a. wala sa panahon b. napapanahon c. imported d. mahirap hanapin
40. Si ate Susan ay mag-iimbak ng kamatis, napansin niya na binanlawan pa ang mga kasangkapang
gagamitin tulad ng garapon, bakit kaya? a. Upang maalis ang alikabok
b. upang mamatay ang mikrobyo c. upang luminaw d. upang uminit
41. Sa pagsasalata at paggagarapon ng pagkaing iimbakin,ano ang tinatanggal sa loob nito bago isara
upang maiwasan ang maagang pagkasira? a. katas b.singaw c.bula d.amoy
42. Ang pagkakaimbento ni ________ ng makinang panahi noong 1846 ay nagbigay ng malaking tulong
sa mga mananahi. a. Elias Howe b.Elias Home c. Elias Howard d.Elias Hase
43. Ito ay nasa ilalim ng presser bar na pumipigil at gumagabay sa tela habang nananahi.
a. Feed dog b. stop motion screw c.presser foot d.spool pin
44. Pinaglalagyan ng sinulid sa ilalim ng makina.
a. balance wheel b. bobbin case c. stitch regulator d. needle bar
45. Ito ang nagtataas at nagbababa ng presser foot.
a. presser bar lifter b. bobbin case c. spool pin d. sewing head
46. Si Merlyn ay mananahi ng apron, bilang paghahanda sa tela bago ito tabasin at tahiin, ito ay
kanyang__. a. ibinilad sa araw b. binabad ng 3 oras,pinatuyo at pinalantsa
c. itinupi ng maganda d. isinampay sa lilim na lugar
47. Ang laki at haba ng telang bibilhin ay nababatay sa_______ ng batang magsusuot.
a. laki at timbang b. kakayahan c.ganda d. taas at pangangatawan
48. Si Lorna ay magpapatahi ng bestida para sa kanyang kaarawan . Siya ay sinukatan ng modista upang
makuha ang tamang sukat ng kanyang katawan gamit ang_____.
a. ruler b. metro c. medida d. meter stick
49. Si Mang Reynaldo ay isang mananahi. Sa isang araw nakapagtatahi siya ng 10 walking shorts na may
puhunang 42.00 bawat isa. Magkano ang kanyang tutubuin kung ipagbili niya ito ng 60.00 bawat isa?
a. 150.00 b.200.00 c. 180.00 d. 100.00
50. Si Aling Rosa ay mahilig manahi ng mga kagamitang pangkusina tulad ng apron. Bumibili siya ng 5 na
yarda ng katsa sa halagang 50.00. Nakagawa siya ng 8 na pirasong apron. Magkano ang kanyang
mapagbibilhan kung ibebenta nya ito ng 25.00 kada piraso?
a. 200.00 b.250.00 c. 150.00 d. 100.00
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
Reina Mercedes District
REINA MERCEDES CENTRAL SCHOOL
Turod, Reina Mercedes, Isabela 3303 School ID: 500076
turodis16@gmail.com

TALAAN NG ISPESIPIKASYON sa EPP-HE 5


Ikalawang Markahang Pagsusulit

Kinalalagy
Bahagdan
Bilang Ng

Bilang ng
BLOOMS TAXONOMY

Aytem

aytem
an ng
Araw
LAYUNIN
R U A A E C

Nagagampanan ang tungkulin sa sarili sa panahon ng


4 8% 4 3 1 4-7
pagdadalaga o pagbibinata. EPP5HE0a-1
Naipaliliwanag ang mga pagbabagong pisikal na
nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at 3 6% 3 3 1-3
pagbibinata. EPP5HE0a-2
Nasasabi ang mga kagamitan at wastong paraan sa
3 6% 3 3 8-10
paglilinis at pag-aayos ng sarili. EPP5HE0c-5
Naisasa-ayos ang payak na sira ng damit sa
pamamagitan ng pananahi sa kamay (hal., pagsusulsi ng 2 4% 2 2 11-12
punit sa damit o pagtatahi ng tastas). EPP5HE0c-6
Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa.
1 2% 1 1 13
EPP5HE0d-8
Naisasaugali ang pagkain ngmasusustansyang pagkain,
pag-iwas sa sakit at di- mabuting mga gawain sa 1 2% 1 1 18
kalusugan. EPP5HE0d-9
Natutupad ang mga tungkullin sa pag-aayos ng tahanan.
4 8% 4 4 14-17
EPP5HE0d-10
Natutukoy ang mga bahagi ng tahanan at mga gawain
1 2% 1 1 22
dito. EPP5HE0d-11
Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pagsasaayos ng
4 8% 4 1 2 1 23-26
tahanan. EPP5HE0e-12
Nakagagawa ng plano para sa pagbuo ng mga
2 4% 2 2 46-47
kagamitang pambahay. EPP5HE0f-16
Natutukoy ang mga bahagi ng makinang de-padyak.
4 8% 4 4 42-45
EPP5HE0f-17
Nakabubuo ng kagamitang pambahay na maaaring
pagkakitaan. EPP5HE0g-18 1 2% 1 1 48

napapamahalaan ang kinita sa pagbebenta ayon sa mga


2 4% 2 2 49-50
paraang natutunan. EPP5HE0h-22
Naisasagawa ang pagpaplano at pagluluto ng 19-20,
masustansiyang pagkain (almusal, tanghalian, at 6 14% 7 2 3 1 1 32-33,
hapunan) ayon sa badyet ng pamilya. EPP5HE0i-24 39-41
Natutukoy ang mga salik sa pagpaplano ng pagkain ng
21, 27,
pamilya badyet, bilang ng kasapi, gulang, atbp. 4 8% 4 3 1 37-38
EPP5HE0i-25
Naitatala ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto
3 6% 3 2 1 34-36
ayon sa napiling resipe. EPP5HE0i-27
Nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paghahanda at pagluluto ng pagkain. 4 8% 4 1 2 1 28-31
EPP5HE0j-29

TOTAL 48 100% 50 10 20 8 7 5
ANSWER KEY

1. C 26. C
2. B 27. A
3. A 28. B
4. C 29. A
5. D 30. D
6. B 31. D
7. C 32. D
8. C 33. C
9. C 34. C
10. B 35. D
11. B 36. A
12. C 37. C
13. C 38. B
14. D 39. B
15. D 40. B
16. A 41. C
17. A 42. A
18. A 43. C
19. A 44. B
20. B 45 . A
21. C 46. B
22. B 47. D
23. D 48. C
24. B 49. C
25. D 50. A

You might also like