You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
San Manuel District
IKATLONG MARKAHAN
1 SUMMATIVE TEST EPP 4 (Agriculture)
st

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: _______________

I.Piliin ang titik ng dapat gawin na angkop sa bawat sitwasyon.

_____1. Nakahanda ng magtanim ang mag-anak ni Aling Lenie, nalinis na nila ang lupang pagtataniman.
Ano ang susunod nilang hakbang na gagawin?
a. didiligan ang mga tanim .
b. ibabaon ang halaman
c. bubungkalin ang lupa
d. lahat ay tama

_____2. May dala-dala si Amy na sanga ng mga halamang namumulaklak. Ano kaya ang kanyang
gagawin sa mga halaman?
a. ilalaga
b. itatanim
c. gugulayin
d. itatago sa loob ng bahay

_____3. Binabasa ni Alberto ang listahan ng pakinabang sa paghahalaman. Ang lahat ay tama. maliban sa
isa alin ito?
a. . mapagkakakitaan
b. nakalilibang na gawain
c. nagpapaganda sa kapaligiran
d. nasasayang ang oras at panahon

_____4. Pumipili si Jovelyn ng halamang ornamental na madaling buhayin at mapalago. Alin ang kanyang
pipiliin?
a. calalily b. santan c. tulips d. orchids

_____5. Bubungkalin at aalisan ni Jed ng damo ang lupang tataniman ng halaman. Aling kagamitan ang
nararapat niyang gamitin?
a. pala b. bareta c. dulos d. kalaykay

_____6. Si Reymar ay sampung taong gulang na at gusto niyang matutuhan ang pagtatanim ng halamang
ornamental. Kanino siya magpapaturo?
a. kay bunso b. kay nanay c. sa kapitbahay d. sa kanyang kaibigan

_____7. Natapos ng magtanim si Kardo. saan dapat ilagay ang mga kagamitang ginamit niya sa pagtatanim?
a. sa kusina
b. isasabit sa kisame
c. isasandal sa likod bahay
d. ilalagay sa bodega o lalagyanan ng mga kagamitan sa pagtatanim

_____8. Si Sally ay magtatanim ng halaman, anong kasuotan ang dapat niyang isuot para ma proteksyunan
siya sa init ng araw?
a. kapote b.pantulog c. pang--alis d. damit na may manggas

_____9. Naiinip si Sandra sa bahay dahil walang pasok. Anong kapakipakinabang na gawain ang maari niyang
gawin para sa pamilya at pamayanan?
a. pagtatanim ng halaman
b.paglalaro sa labas ng bahay
c..matulog na lang ng matulog
d. panunuod ng T. V. maghapon

_____10. Pinagmamasdan ni Joy ang kanilang kapaligiran, harap at likod ng kanilang bahay. Maya- maya
pa ay napangiti siya sa kanyang nakita. Ano ang nagpangiti kay Joy?
a. mga nabubulok na prutas
b.mga basura sa tabing daan
c. mga asong dumudumi sa daan
d. mga namumulaklak na halaman

______11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naidudulot na pakinabang sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental?
a. Napagkakakitaan.
b. Nagbibigay liwanag
c. Nagpapaganda ng kapaligiran
d. Naglilinis ng maruming hangin.

_____12. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at


pamayanan?
a. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan.
b. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.
c. Nagpapaunlad ng pamayanan.
d. Lahat ng mga sagot sa itaas.

_____13. Paano nakatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng halamang ornamental?


a. Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
b. Naiiwaas nito na malanghap ng pamilya at pamayanan ang maruming hangin sa kapaligiran.
c. A at b
d. Walang tamang sagot.

_____14. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI kapakipakinabang na gawain sa pagtatanim ng mga
halamang ornamental?
a. Iinggitin ko ang aming kapitbahay sa aking mga tanim na halamang ornamental.
b. Pararamihin ko ito at ipagbibili upang pagkakitaan ng aming pamilya
c. Mamamahagi ako ng mga tanim kong halamang ornamental.
d. Gagawin ko itong isang libangan.
_____15. Sa iyong palagay, ang pagtatanim ba ng mga halamang ornamental ay magbibigay ng pakinabang sa
pamilya at pamayanan? Bakit?
a. Oo, dahil ito ay isang gawaing kapaki-pakinabang.
b. Hindi, sapagkat maaari itong magdulot ng sakit sa pamilya.
c. Hindi, sapagakat nakapagpaparumi lamang ito ng kapaligiran
d..Hindi, sapagkat nasasayang lamang ang oras sa pagtatanim ng mga halamang ornamental

Inihanda ni:

REY C. GALERA
Teacher 3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
San Manuel District
IKATLONG MARKAHAN
2nd
SUMMATIVE TEST EPP 4 (Agriculture)

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: _______________

I. Basahin ang mga sumusunod at isulat ang titik tamang sagot:

_____ 1. Ang mga sumusunod ay mga magagandang katangian na maaari natin makuha sa pagtatanim ng
halamang ornmental maliban sa isa.
a.. Ang mga halamang ornamental ay maaari ding pagkakitaan.
b. Ang mga halamang ornamental ay nakakaganda ng kapaligiran
c. Ang mga halamang ornamental ay perwisyo sa mga miyembro ng pamilya.
d. Ang mga halamang ornamental ay maaaring gawing pananggalang sa sikat ng araw.

_____ 2. Ano ang mga magagandang naidudulot ng pagtatanim ng halamang ornamental?


a. Nagdudulot ito ng kaligayahan sa ibang tao
b. Nagsisilbi itong palamuti sa bakuran
c. Nagbibigay ng lilim sa ating tahanan
d. Lahat ng nabanggit

_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang uri ng halamang ornamental?


a. namumulaklak o di namumulaklak
b. maaaring ito ay mababa o mataas
c. maaaring ito ay mdaling tumubo
d. lahat ng nabanggit

_____ 4. Kung gusto mong magtanim ng halamang ornamental na magsisilbing lilim na rin sa iyong
tahanan ano ang maaari mong itanim?
a. lotus
b. cactus
c. santan
d. ilang-ilang

_____ 5. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag ang bawat mag-anak ay magtatanim ng iba’t-ibang
halamang ornamental sa kanilang bakuran.
a. magkakaroon ng magandang pamayanan
b. magkakaroon ng kompetisyon at awayan
c. magkaka-inggitan ang bawat pamilya
d. wala sa nabanggit

_____ 6. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakakapagbigay ng malinis at sariwang hangin sa ating
pamayanan.
a. Tama b. Mali c. Maaari d. hindi sang-ayon

_____ 7. Si Marlon ay may maliit na fishpond sa kanilang tahanan. Anong halamang ornamental ang maaari
niyang ilagay sa kanyang fishpond.
a. gumamela b. rosas c. orchids d. waterlilies

_____ 8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng halamang ornamental?


a. cosmos c. santan
b. pine tree d. lahat ng nabanggit

_____ 9. Kapag nais mong pagandahin ang iyong bakuran ano ang maaari mong piliing itanim dito?
a. halamang baging c. halamang gulay
b. halamang gamot d. halamang ornamental

_____ 10. Sino sa mga sumusunod na pamilya ang may mithiing mapaganda ang kanilang bakuran?
a. Ang Pamilya delos Reyes ay pinutol lahat ang kanilang mga punong ilangilang.
b. Ang Pamilya Ringor ay hinayaan lamang na matuyo ang mga orchids sa kanilang bakuran.
c. Ang Pamilya Dela Cuesta ay walang pakialam kung kainin ng alagang kambing ang mga
halamang nakatanim sa kanilang bakuran.
d. Ang Pamilya Dela Cruz ay tulong tulong sa pagtatanim ng mga namumulaklak na halaman gaya
ng rosal at santan sa kanilang bakuran.

II. Isulat ang TAMA kung ang payag ay nagsasaad ng wastong pamamaraan sa paghahanda ng lupang
taniman at MALI naman kung hindi.

_____1. Mahalagang masuri muna ang lupa bago ito tamnan.


_____2. Ang loam ay uri ng lupang angkop tamnan sa paghahalaman.
_____3. Ginagamit ang asarol sa pagpatag ng lupang pagtataniman.
_____4. Piliin ang lugar na hindi nasisikatan ng araw sa paghahanda ng taniman.
_____5. Ang paglalagay ng pataba ay isang paraan upang pagyamanin ang lupang pagtataman.
_____16. Diligin ang naihandang lupang taniman gamit ang regadera.
_____17. Ang pala ay mainam gamitin sa pagdurog ng matitigas at malalaking tipak na lupa at sa
paghuhukay ng mga ugat at batong malalaki.
_____18. Sa pagbubungkal ng lupa, ginagamit ang asarol upang ito ay mabuhaghag.
_____19. Ang pangunahing kagamitan sa paghahalo ng lupa, dumi ng hayop at patabang ornganiko ay ang
piko.
_____20. Lagyan ng pataba ang lupa at diligin ito matapos itong ihanda.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
San Manuel District
IKATLONG MARKAHAN
3 rd
SUMMATIVE TEST EPP 4 (Agriculture)

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: _______________

I. Piliin sa loob ng kahon ang mga paraan sa paghahanda ng mga halamang itatanim o papatubuin na
tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ang pagpapasibol ng buto bago ito itanim.


_____2. Maaaring halamang namumulaklak o malalapad ang mga dahon ang itanim.
_____3. Ang paglalagay ng pataba sa halaman ay makatutulong na ito ay mabuhay.
_____4. Piliin ang magandang klase ng lupa.
_____5. Hardin ay makatitiyak na ang halaman ay nasa tamang lugar
_____6. Ang halamang madaling tumubo ay maaring itanim sa paligid ng hardin.
_____7. Sa paggawa nito ang mga magkakauring halaman ay magkakasama sa iisang lugar laman.
_____8. Bungkalin muna ang lupang pagtataniman.
_____9. Ang trowel ay ginagamit sa paglipat ng halaman galin sa kahong punlaan.
_____10. Ang sanga ng halaman ay maari munang paugatin bago ito itanim

II. A. Hanapin sa Hanay B ang wastong gamit ng kagamitan sa paghahalaman na nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

______11. asarol a. ginagamit sa paglilipat ng lupa


______12. itak b. ginagamit sa pagbubungkal ng lupa
______13. pala c. panghukay ng matitigas na lupa
______14. bareta d. ginagamit na pamutol sa mga sanga
______15. piko e. panghukay ng malalaking bato

B. Isulat kung araw-araw, minsan o tatlong beses sa isang linggo didiligan ang mga sumusunod na halaman.

_____16. carrots _____19. sili


_____17. letsugas _____20. malunggay
_____18. kamote
IKATLONG MARKAHAN
1 -3
st rd
SUMMATIVE TEST EPP 4 (Agriculture)

ANSWER KEY: SUMMATIVE TEST NO.3

SUMMATIVE TEST NO.1 1. D


2. E
1. C 3. A
2. B 4. C
3. D 5. B
4. B 6. E
5. C 7. B
6. B 8. D
7. D 9. A
8. D 10. C
9. A
10. D 11. B
11. B
12. D 12. D
13. C 13. A
14. A 14. E
15. A 15. C
16. 3 BESES
17. ARAW-ARAW
SUMMATIVE TEST NO.2 18. MINSAN
19.3 BESES
1. C 20. ARAW-ARAW
2. D
3. D
4. D
5. A
6. B
7. B
8. D
9. D
10. C
11. TAMA
12. TAMA
13. MALI
14. MALI
15. TAMA
16. TAMA
17. MALI
18. TAMA
19. MALI
20. TAMA

You might also like