You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
San Manuel District
IKATLONG MARKAHAN
1 SUMMATIVE TEST EPP 5 (Agriculture)
st

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: ______________________

I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

______ 1. Isang paraan ng pagpapabulok ng basura sa isang lalagyan.


a. Basket composting b. compost pit c. compost heap

______2. Isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo o dahon, mga balat ng mga prutas at gulay at dumi ng
hayop na binubulok sa isang hukay o isang lalagyan.
a. Triple katorse (14 14 14) b. compost o abonong organiko c. di-organiko

______3. Ito ay isang uri ng pataba mula sa dahon o damo na ginagawa kung walang masyadong malawak na
ispasyo.
a. Compost pit b. Basket composting c. Dustbin

______4. Ang paggawa ng _______________ ay malaking tulong upang tayo ay makatipid.


a. Organikong abono b. artificial organic c. di-organiko

______5. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng organikong abono sa mga dahoon ng
halaman.
a. Foliar application method b. Side – dressing method c. Broadcasting method

II. Panuto: Isulat ng T kung ang isinasaad ng mga pangungusap sa wastong pangangalaga sa halaman at
M naman kung hindi.
________ 6. Alisin ang mga tuyong dahon sa mga halaman.

________ 7. Gumamit ng organikong pataba sa mga halaman.

________ 8. Ang paggawa ng basket composting ay maaring yari sa kahoy o yero.

________ 9. Gumamit ng kahit na anong kasangkapan sa paggawa ng abonong organiko.

________ 10. Hindi na kailangan maghugas ng kamay pagkatapos gumawa ng abonong organiko.

_______ _11. Gumamit ng sombrero o anumang pantakip sa ulo lalo na kung matindi ang sikat ng araw.

________ 12. Paulit-ulit na lagyan ng nabubulok na basura, lupa o apog ang hukay hanggat mapuno ito.

________13. Itago ang mga kasangkapan sa permanenteng lugar upang hindi ito madaanan at maging sanhi
ng aksidente.
________14. Maglagay ng pasingawang kawayan at diligan ito araw-araw upang maging mabilis ang
pagkabulok.

________15. Gumamit ng gwantes, mask, bota, plastic na pampatong sa damit at kasuotang may mahabang
manggas habang nagtatanim o naglilinis sa lugar.

III. Panuto :Pagsunud sunurin ang mga paraan sa paggawa ng compost pit. Ilagay ang numerong 1 - 5 sa
nakalaang espasyo.
________ 16. Pagsamasamahin ang mga tuyong dahon, nabubulok na gulay, prutas, pagkain, at iba pang
nabubulok na bagay.

________ 17. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo layo sa bahay. Humukay ng may isang
metro ang lalim.

________ 18. Ilatag ang nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 30 sm ang taas nito.

________ 19. Patungan ito ng dumi ng hayop at patungan din ito muli ng lupa, abono o apog.

________ 20. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay.

GOODLUCK ! ! !

Inihanda ni:

REY C. GALERA

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
San Manuel District
IKATLONG MARKAHAN
2nd SUMMATIVE TEST EPP 5 (Agriculture)

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: ______________________

I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

______1. Nakita mong tuyong-tuyo na ang iyong mga halaman. Ano sa palagay mo maari mong gawin?
a. Bubungkalin b. lalagyan ng abono c. didiligin

______2. Nagdadala ng regadera si Edena pupunta sa kanilang halamanan. Ano sa palagay mo ang kanyang
gagawin?
a. Magdidilig b. magbubungkal c. maglalagay ng abono

______3. Alin sa mga sumusunod ang masistemang pangangalaga ng halaman?


a. Pagdidilig b. paglalagay ng abono c. lahat ng nabanggit

______4. Gumawa ng organikong abono na mga pinagbalatan ng prutas at gulay si Brian. Sa iyong palagay
saan kaya niya ito ilalagay?
a. Ipapakain sa mga aso. b. iaabono sa mga halaman para tumaba. c. Itatapon sa ilog.

______5. Naninirahan ang kulisap na ito sa ilalim ng mga dahon na nagiging sanhi ng pagkakulot ng mga ito.ito
ay mapupuksa sa pamamagitan ng pag-wiwisik ng Edrin, Malathion at Serin.
a. Melon aphid b. ring borer c. ladybug

______6. Gumawa ng organikong abono na mga pinagbalatan ng prutas at gulay si Jed. Sa iyong palagay saan
kaya niya ito ilalagay?
a. Itatapon saa ilog. b. Ipapakain sa mga aso. c. Gagamitin para sa mga alagang isda

______7. Sa palagay mo bakit mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa halaman?


a. Dahil maiiwasan ang pagtubo nito
b. Magkakaroon ng maraming buto ang halaman
c. Upang maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman

______8. Kailangang gumamit ng panghuling ilaw upang mahuli at mapuksa ang mga ito. Linisin lagi ang
paligid ng halaman alisin ang dahong tuyo na at bahaging may sakit at sunugin.
a. Ring borer b. ladybug c. webworm

______9. Pinapalakas nito ang kahinaan ng halaman at nakatutulong na gumaling sa mga sakit ang mga
halaman.
a. Fermented Fruit Juice (FFJ) b. Fermented Plant Juice (FPJ) c.Fish Amino Acid (FFA)

_____10. Ito ay dinadagdagan nito ang nutrisyon ng halaman sa pamamagitan ng mga dahoon at ugat na may
potassium factor.
a. Fermented Fruit Juice (FFJ) b. Fermented Plant Juice (FPJ) c. Fish Amino Acid (FFA)
I. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salita na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.

Regadera Abono Ring Borer Plant Hoppers Ladybug


Webworm

_______________________11. Gamit sa pagdidilig ng mga halaman.

_______________________12. Patabang inilalagay sa lupang taniman.

_______________________13. Kailangang gumamit ng ilaw upang mahuli at mapuksa ang mga ito.

_______________________14. Gumagapang mga ito sa damuhan at nangingitlog sa malagong tanim.

_______________________15. Ito ay dapat puksain sa pamamagitan ng pagsunog ng sapot na kasama ang


uod.

III. Panuto: Isulat ng TAMA kung ang isinasaad ng mga pangungusap sa wastong pangangalaga sa halaman
at MALI naman kung hindi.
________ 16. Alisin ang mga tuyong dahon sa mga halaman.

________ 17. Gumamit ng organikong pataba sa mga halaman.

________ 18. Ang mga kulisap at peste ay mapaminsala sa mga halaman.

________ 19. Huwag pansinin ang mga kulisap at peste na dumadapo sa mga halaman.

________ 20. Gumamit ng organikong fertilizer upang puksain ang mga kulisap sa mga halaman.

GOODLUCK!!!

Inihanda ni :
REY C. GALERA

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
San Manuel District
IKATLONG MARKAHAN
3 SUMMATIVE TEST EPP 5 (Agriculture)
rd

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: ______________________

I. Panuto: Unawain ang bawat tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
_______1. Ito ang nagsisilbing tirahan ng manok upang maging ligtas sa init at lamig ng panahon.
a. kulungan b. dropping board c. artificial brooder

_______2. Ito ay ilaw na nagbibigay init sa mga sisiw mula unang araw hanggang ika-apat na lingo.
a. Kandila b. artificial brooder c. flashlight

_______3. Ito ay pagkain para sa bagong pisang sisiw hanggang 6 na lingo.


a. starting mash b. growing mash c. laying mash

_______4. Ito ay pagkain para sa anim na lingo hanggang sa maipabili o mangitlog ang inahin.
a. Starting mash b. growing mash c. laying mash

_______5. Ito ay pagkain para sa manok na nagsisimulang mangitlog.


a. Starting mash b. growing mash c. laying mash

_______6. Ang mga paninda ay nasa tamang presyo at timbang. Ang isang tindera ay dapat maging
___________________.
a. Tapat b. magalang c. magulo

_______7. Masayahing tao at palaging may ngiti sa labi. Taglay ito ng tinderang____________.
a. Malinis b. magiliw c. malungkot

_______8. Paggalang at maayos na pakikitungo sa iba, suki man o hindi kapwa-tao ay palaging bigyan ng
______________.
a. Respeto b. tinda c. pagkain

_______9. Nagtatrabaho ng buong puso, puhunan ang sipag at _____________.


a. Ganda b. linis c. tiyaga
_______10. Pinakamagastos na panganagilangan sa pag-aalaga ng hayop.
a. Pagkain b. tubig c. ilaw

_______11. Dito gawa ang limliman ng bibe kapag mangingitlog.


a. Lupa b. basket c. dayami
_______12. Paglalagyan ng aalagaang isda na gawa sa semento.
a. Aquarium b. fishpond c. swimming pool

_______13. Inilalagay sa kulungan ng pugo na ginagamitan sa pangingitlog.


a. Buhangin b. dayami c. basket

_______14. Ito ay kaya-ayang tingnan para sa mga mamimili ang panindang nakasalansan nang maayos at
nakabukod ayon sa uri nito.
a. Pag-akit sa mga Mamimili
b. Pagsasaayos ng Paninda
c. Pagtatakda ng Presyo

______15. Ang sariwang produkto ay makakahikayat ng mga mamimili.


a. Kasariwaan ng mga Produkto
b. Pag-akit sa mga Mamimili
c. Pagsasaayos ng Paninda

II. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tamang kasagutan na mula sa Hanay A.


A B
____16. Pakain para sa bagong pisang sisiw hanggang 6 na lingo a. kulungan

____17. Pagkain para sa manok na nagsisimulang mangitlog b. Tilapya

____18. Ito ay nagpipisa sa loob ng 33 araw c. Laying Mash

____19. Isang uri ng isdang makakain na nabubuhay ito sa d. Starting mash

tubig tabang. e. Pato at Bibe

____20. Nagsisilbing tirahan ng manok upang maging ligtas

sa init at lamig ng panahom

GOODLUCK!!!

Inihanda ni :
REY C. GALERA

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
San Manuel District
IKATLONG MARKAHAN
4 th
SUMMATIVE TEST EPP 5 (Agriculture)
Pangalan: ___________________________________________ Iskor: ______________________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

_______1. Ito ay ang mga bagay na puwedeng itinda upang pagkakitaan.


a. Gastos b. Puhunan c. kita

_______2. Ano ang perang nakukuha mula sa pagtitinda ng iyong produkto?


a. Puhunan b. kita c. presyo

_______3. Ano ang tawag sa halaga na itinatakda sa produktong ibebenta sa pamilihan?


a. Puhunan b. kita c. presyo

_______4. Ano ang salapi o perang ginagamit upang gugulin sa pagpapatakbo ng negosyo?
a. Gastos b. puhunan c. produkto

_______5. Ito ay ang pera na inilaan mo para sap ag uumpisa ng isang negosyo at maari ring tawaging capital.
a. Puhunan b. presyo c. kita

_______6. Huwag basta ____________ sa kung saan saan ang pinagpaguran naa pera.
a. aksayahin b. ibili c. ipunin

_______7. Pinakamagastos na panganagilangan sa pag-aalaga ng hayop.


a. Pagkain b. tubig c. ilaw

_______8. Dito gawa ang limliman ng bibe kapag mangingitlog.


a. Lupa b. basket c. dayami

_______9. Paglalagyan ng aalagaang isda na gawa sa semento.


a. Aquarium b. fishpond c. swimingpool

_______10. Inilalagay sa kulungan ng pugo na ginagamitan sa pangingitlog.


a. Buhangin b. dayami c. basket

_______ 11. Ang pagbebenta ng isda ay isang gawaing ______________.


a. Marangal b. matipid c. mahal

_______ 12. Marapat na ______________ bawat salaping pinagpaguran.


a. Ipagwalang bahala b. pahalagahan c. wala lang

_______ 13. Ito ay porsiyentong idinadagdag sa kabuuang puhunan upang magkaroon ng kikitain sa isa sa
pamilihang produkto.
a. Patong na Bahagdan b. produkto c. kita
_______14. Ang simbolo ng Php ay nangangahulugan ng ______________________ na siyang ginagamit sa
mga pamilihan upang ipakita ang presyo ng isang produkto.
a. Philippine peso b. Philippine cost c. Philippine bill

_______ 15. Ito ay ang mga bagay na puwedeng itinda tulad ng isda upang kumita.
a. Puhunan b. Produkto c. Kita

_______16. Ang puhunan mo sa isda ay 200 pesos kung dagdagan mo ito ng 15 % bahagdan, magkano mo
ipasasapamilihan ang iyong paninda?
a. 230 pesos b. 300 pesos c. 250 pesos

_______17. Ang bawat kilo ng isda 160 pesos, mayroon kang 25 kilos, magkano lahat ang iyong
mapagbebentahan?
a. 4,000 b. 2,500 c. 5,000

_______18. Nakabenta si Aling Lulu ng halagang 750 pesos sa kaniyang panindang isda, mayroon siyang
gastos na 280 pesos, magkano ang kabuang tinubo ni Aling Lulu?
a. Php 470 b. Php 740 c. Php 704

_______19. Gustong malaman ni Michelle ang kabuuang halaga ng kanyang puhunan sa 20 kilos na tilapiyang
binili niya ng P75.00 kada kilo. Paano niya ito tutuusin?
a. 20 % x P75.00 b. P75.00 + 20 kilos c. 20 kilos x P75.00

_______20. Tindero ng isda si Mang Diego. Bumili siya ng ibebentang bangus sa halagang P80.00 kada kilo.
Kung nais niyang magkaroon ng 25% na bahagdan ng kita sa bawat kilo, magkano niya dapat ibenta ang bawat
kilo ng bangus?
a. P100.00 b. P120.00 c. P140.00

GOODLUCK ! ! !
Inihanda ni:
REY C. GALERA

You might also like