You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
ILALIM ELEMENTARY SCHOOL
14th Macaraeg St., New Ilalim, Olongapo City, Zambales

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EPP 5
Agrikultura

Pangalan: ________________________________________ Baitang: _________________ Petsa_______

Panuto: Piliin ang titik ng pinaka-wastong sagot. Isulat ang sagot bago ang bilang.

_____1. Ito ay mga hayop na kumakain ng damo na mainam gamitin ang dumi sa compost.
Alin dito ang hindi maaring gamitin sa compost?
a. dumi ng kabayo. b. dumi ng aso c. dumi ng kambing d. dumi ng baka

_____ 2. Ito ay isang uri ng lupa na kung saan matigas at nagkakaroon ng bitak kung tuyo,
at malagkit na putik naman kung kung ito ay basa.
a. clay b. loam c. sand d. silt

_____ 3. Maliban sa pagbuhos ng likidong abono sa lupa, paano pa ito maaaring ilagay
upang mamulaklak ang mga tanim?
a. gamit ang side dressing c. gamit ang basal application
b. gamit ang spray o foliar method d. gamit ang placement method

_____ 4. Si Gabriel ay may alagang manok sa likod bahay nila, ano ang kabutihang
dulot nito sa kanyang pamilya?
a. dagdag kita sa pamilya c. nakapagdulot ng kalat sa bakuran
b. dagdag gastos sa araw – araw d. lahat ng nabanggit

_____ 5. Sa paanong paraan ipinagsasapamilihanl/ibinibenta ng mga produkto?


a. Pagpapautang c. Barter
b. Tingian/pakyawan d. Wala sa nabanggit

_____ 6. Nakapagbenta ng gulay si agnes. Nagkaroon siya ng kabuuang benta na P 1,500.00.


karamihan ng kanyang tinda ay galing sa kanyang taniman. Mayroon siyang puhunan na
P700.00. Magkano ang tinubo ni agnes sa pagtitinda ng gulay?
a. P330.00 b. P 700.00 c. P 800.00 d. P 1,200.00

_____ 7. Mas madaling mabulok ng mga nakalagay sa compost kung wasto ang pagkakagawa
nito. Ito ay ilan sa mga wastong hakbang sa paggawa ng compost, maliban sa isa.
a. diligan paminsan-minsan ang compost.
b. maglagay ng kaunting lupa tuwing maglalagay ng panibagong materyal.
c. maglagay lamang ng mga mainam sa compost.
d. ihalo ang mga karne at mantika sa compost.
_____ 8. Nagkaroon ng fish kill sa isang lawa. Ano ang maaaring dahilan nito na may
kinalaman sa paglalagay ng chemical fertilizer?
a. nagkulang sa pagkain ang mga isda.
d. sobra ang dami ng isda sa lawa.
c. dumami ang lumot sa tubig na naging sanhi ng kakulangan sa oxygen ng mga isda.
d. hinuli ng mga tao ang mga isda.

_____ 9. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, alin sa mga sumusunod ang
maaari mong gamitin bilang compost o isang lalagyan ng mga tuyong dahon, balat ng prutas
at gulay?
a. Lumang kariton c. Pinagpatong-patong na mga lumang gulong ng sasakyan.
b. Maliit na balde. d. Lahat ng nabanggit

_____ 10. Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko
maliban sa isa.
a. Maganda ang tekstura c. Hindi mabilis matuyo
b. Malambot d. Matigas

_____ 11. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang dagdagan ng abonong
organiko ang lupang taniman, maliban sa isa? Alin ang ito?
a. Upang bigyan ng pagkain at sustansiya ang mga halaman.
b. Upang lumaking malusog at mamunga ng husto ang mga gulay.
c. Upang mapalitan ang mga nawawalang sustansiya ng lupa.
d. Upang dumami ang mga insekto sa lupa.

_____ 12. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng tilapia sa isang pamilya?
a. napagkukunan ng pagkain c. dagdag gastos
b. nakadagdag stress sa pamilya d. wala sa nabanggit

_____ 13. Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng
hayop na inaalagaan?
a. Magasin b. Aklat c. Internet d. Dyaryo

_____ 14. Ito ay tawag sa halaga ng iyong binibiling gulay o isda


a. Presyo b. Tubo c. Kita d. Puhunan

_____ 15. Ito ang pagtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at halamang gulay na
nagbibigay ganda sa bakuran at makakakuha ka pa ng sariwang gulay na makakain.
a. marcotting b. intercropping c. inarching d. landscaping

_____ 16. Natural or artipisyal na sangkap na may mga elementong kemikal na


nagpapaganda sa pagtubo, paglaki, pagpapayabong, at pagpapabunga ng mga halaman at
puno.
a. abono b. foliar c. manure d. suloy

_____ 17. Isa sa pahiwatig na maganda ang compost ay naglalabas ng usok ang organikong
pataba dahil sa init nitong dala. Bakit nagkakaroon ng init ito?
a. dahil ito ay nakatakip. c. nilagyan ng usok sa ilalim.
b. may apoy sa ilalim d. maraming buhay na organismo sa loob.

_____ 18. Nilalagay ang abono o organic fertilizer sa ilalim ng lupa bago ito taniman ng
halaman. Anong proseso ito?
a. broadcasting b. placement c. basal application d. side – top dressing
_____ 19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng
abonong organiko?
a. Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.
b. Malusog na paglaki ng mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong
komersiyal.
c. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
d. Lahat nang nabanggit.

_____ 20. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa abonong organiko?
a. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong urea at sabon.
b. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong asin, asukal at gatas.
c. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong nabubulok na dahon, tirang
pagkain, balat ng prutas, gulay at dumi ng hayop.
d. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong karne ng baboy at gulay.

_____ 21. Isa sa mga paraan ng paggawa ng abonong organiko ay tinatawag na fermented
fruit juice. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito?
a. Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na
hindi maasim.
b. Ito ay mula sa mga nabubulok na mga dahon, tirang pagkain at dumi ng mga
hayop.
c. Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda.
d. Lahat na nabanggit.

_____ 22. May palaisdaan ang iyong pamilya, ano ang kabutihang dulot nito sa inyo?
a. ulam ng pamilya c. pagkapagod sa pag-aalaga
b. dagdag gastos d. lahat ng nabanggit

_____ 23. Bakit kailangang may sapat na butas ang paso o lata na tataniman?
a. upang magkaroon ng sapat na bulaklak ang halaman.
b. upang hindi malunod ang halaman.
c. mas mabilis ang paglaki ng itatanim dito.
d. wala sa nabanggit.

_____ 24. Ilang lingo bago maaaring gamitin ang organikong pataba ang galing sa compost?
a. isang linggo c. dalawang linggo
b. anim hanggang walong linggo d. isang taon

_____ 25. Bakit itinuturing na pinaka-magandang gamitin ang loam soil sa pagtatanim ng
halaman.
a. ito ay kumpleto sa organikong mineral na kailangan ng halaman.
b. hindi lamang ang halaman, pati na rin ang lupa ay pinapaganda nito.
c. mas ligtas itong gamitin dahil walang halong kemikal na nakakasama sa kalusugan.
d. lahat ng nabanggit.

_____ 26. Si Nene ay nagtitinda sa palengke. Ano ang dapat niyang gawin upang
maging maayos at matagumpay ang kaniyang pagtitinda?
a. Bilanging mabuti ang bayad ng mamimili
b. Magsuot ng lumang damit
c. Makipagtalo sa mamimili
d. Bawalan ang mamimili na hawakan ang paninda
_____ 27. Ang basket composting ay:
a. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.
b. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan.
c. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.
d. Wala sa nabanggit.

_____ 28. Ano ang maaring mangyari kung masyadong malapit ang pagkakalagay ng abono
sa puno ng halaman?
a. lalago at mamumung marami.
b. malalanta at matutuyo ang halaman.
c. maraming kulisap ang masayang lilibot dito.
d. iinit at uusok ang lupa.

_____ 29. Medyo may kamahalan ang presyo ng organikong pataba kung ito ay bibilhin.
Bakit?
a. matagal itong gawin. c. marami sa palengke
b. kinukuha pa sa ibang bansa d. maaring mabili sa online market.

_____ 30. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang
nauunang gawin?
a. Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain.
b. Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anumang pantakip.
c. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
d. Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay.

_____ 31. Gaano katagal bago magamit bilang pataba ang mga nabubulok na basura?
a. Limang araw c. Isang buwan
b. Dalawang linggo d. anim hanggang walong linggo

_____ 32. Alin ang iyong gagamitin upang matukoy na ikaw ay kumita o nalugi?
a. Talaan ng ginastos at kinita
b. Talaan ng materyales
c. Talaan ng bibilhin
d. Talaan ng budget

_____ 33. Ano ang tawag sa isang hukay o isang lalagyan kung saan pinagsamasama ang
mga nabubulok na mga dahon, prutas at gulay?
a. Compost pit b. soil holder c. nitrogen d. rainwater collector

_____ 34. Isang natural na proseso ng pag-recycle ng mga nabubulok na bagay tulad ng mga
dahon, sanga ng puno, mga pinagbalatan ng pagkain. Upang maging pataba sa lupa.
a. composting b. composing c. biodegradable d. organiko

_____ 35. Ano ang maaaring gawin sa mga dumi ng iyong alagang kuneho?
a. Patuyuin at ilagay sa compost. c. sunigin
b. itatapon sa gilid ng daan. d. hayaan sa kulungan
II. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sa iyong palagay, dito sa siyudad o lungsod kung saan karamihan ng mga bahay ay
magkakadikit an di tulad ng probinsya maaari pa rin bang mag-alaga ng mga manok, baboy
at isda? Ipaliwanag ang iyong sagot.

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan na naibibigay ng pagcocompost sa ating kapaligiran?

__________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

3. Paano nakatutulong ang makabagong teknolohiya at internet sa pagsasapamilihan ng


mga halaman?
___________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

4. Anong kahalagan ng pagsasagawa ng marcotting sa isang halaman o puno?

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

5. Ano ang kahalagan ng wastong paggamit ng mga personal protective equipment o PPE sa
paghahalaman?

__________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

Inihandan ni:

Ralph Fael P. Lucas


Guro

You might also like