You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Isabela
103130-CULLALABO ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 5


AGRIKULTURA
S.Y. 2022-2023

Pangalan ___________________________________________ Baitang at Pangkat ______________

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.

______1. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga halamang gulay?


a. ito ay nakalilibang at dagdag na kita
b. ito ay dagdag na gawain
c. ito ay dagdag nahirap sa mag-anak
d. dagdag na gastos
______2. Sa paghahanda ng lupa ang unang hakbang na gagawin ay pagbubungkal ng lupang taniman. Alin
sa mga kasangkapan ang nararapat gamitin?
a. asarol
b. pala
c. kalaykay
d. trowel o dulos
______3. Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagpapatag ng kamang taniman matapos itong bungkalin?
a. piko
b. trowel o dulos
c. kalaykay
d. asarol
______4. Ang halamang gulay ay nangangailangan ng mga bagay upang tumubo ng mahusay. Alin sa mga
sumusunod ang mga pangunahing pangangailangan ng halaman?
a. lupang loam
b. tubig
c. pataba
d. lahat ng nabanggit
______5. Para sa wastong panahon ng pagtatanim ng halamang gulay, dapat tayo ay sumangguni sa
______.?
a. kalendaryo ng pagtatanim
b. imbentaryo ng kagamitan
c. talaan ng paghahalaman
d. listahan ng mga gulay
______6. Alin sa mga sumusunod na halamang gulay ang tinatanim sa tuluyan o direct planting?
a. petsay
b. repolyo
c. okra
d. kamatis
______7. Paano itinatanim ang mga gulay na upo, sitaw at patola?
a. Ipinupunla
b. itinatanim ng direkta
c. isinasabog
d. pagmamarkot
______8. Mahalaga ang ________ sa halaman upang madagdagan ang sustansya nito. Alin sa mga ito ang
kailangan ng halaman?
a. pataba
b. mga damo
c. tubig
d. compost pit
______9. Ang ________ ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang sisidlan.
a. recycling
b. compost pit
c. hukay
d. basket composting
______10. Kailan dapat ilipat ang punla sa kamang taniman?
a. hapon
b. tanghali
c. gabi
d. umaga
______11. Mahalaga ang paglaki ng mga halaman. Ano ang gagawin mo para tumaba ito?
a. lagyan ng langis
b. lagyan ng buhangin
c. lagyan ng damo
d. lagyan ng pataba
______12. Mas maraming gulay ang maitatanim kung ilalagay ito ng maayos sa ______.
a. kamang taniman
b. kamang punlaan
c. bukid
d. tumana
______13. Paano inaani ang petsay?
a. paghuhukay
b. pagbubunot
c. paggugupit
d. pagpipitas
______14. Nais ni Lito na magtanim ng mga halamang ugat dahil mayaman ito sa kaloriya at
karbohyrdrato. Alin sa mga ito ang dapat piliin?
a. gabi at kamote
b. sitaw at bataw
c. upo at patola
d. rambutan at lansones
______15. Alin ang iyong gagamitin upang matukoy kung ikaw ay kumita o nalugi?
a. talaan ng ginastos at kinita
b. talaan ng materyales
c. talaan ng bibilhin
d. talaan ng budget

______16. Aling hayop ang mainam pagkunan ng gatas?


a. baboy
b. baka
c. bibe
d. manok
______17. Nais mong kumalap ng impormasyon tungkol sa aalagaang hayop, alin sa mga ito ang iyong
gagamitin?
a. TV
b. radio
c. magasin
d. internet
______18. Paano natin malalaman kung ang pananim ay malapit ng anihin?
a. ito ay mabango
b. ito ay dilaw
c. ito ay may tamang laki
d. wala sa nabanggit
______19. Nagbabalak mag-alaga ng kambing si Carlito, ano ang dapat niyang gawin?
a. piliin ang kambing na malaki
b. piliin ang kambing na walang sungay
c. piliin ang kambing na may magandang lahi
d. piliin ang kambing na maliit
______20. Nais mong mag-alaga ng manok, ano ang dapat mong ihanda?
a. buto ng mais
b. kagamitan at kasangkapan
c. lugar
d. patuka
______21. Alin sa mga uri ng manok ang mainam sa pangingitlog?
a. cobb
b. white leghorn
c. new hampshire
d. hubbard
______22. Alin sa mga uri ng manok ang mainam sa karne?
a. cobb
b. white leghorn
c. new hampshire
d. Minorca
______23. Bakit maraming mangingisda ang nawiwiling mag alaga ng tilapia?
a. dahil madaling hulihin ito
b. dahil madaling pakainin at paramihin
c. dahil malaki ito
d. dahil maraming naguulam nito
______24. Si Sharon ay nagtitinda sa palengke, ano ang dapat niyang gawin upang maging maayos at
matagumpay ang kanyang pagtitinda?
a. bilanging mabuti ang bayad ng mamimili
b. magsuot ng lumang damit
c. makipagtalo sa mamimili
d. bawalan ang bumibili na huwag hawakan ang paninda
______25. Nais mong magtanim ng gulay sa inyong lugar, ano ang iyong dapat isagawa?
a. gumawa ng survey ng itatanim
b. gumawa ng listahan ng bibilhin sa palengke
c. gumawa ng listahan ng buto
d. gumawa ng listahan ng kagamitan
______26. Nakita mo ang malaking sanga ng puno na sumasagabal, ano ang iyong gagamiting pamutol?
a. kartilya
b. itak
c. bareta
d. pala
______27. Aling hayop ang mainam pagkunan ng karne?
a. bibe
b. baka
c. itik
d. pugo
______28. Ito ay ang tawag sa perang iyong kinita sa pagbenta ng iyong produkto
a. ginastos
b. puhunan
c. utang
d. tubo
______29. Napansin mong mabagal lumaki ang iyong mga alagang manok, ano ang dapat mong gawin?
a. pakainin ng labis
b. pabayaan ito
c. bigyan ng bitamina at mineral
d. painumin ng tubig
______30. Sa paggawa ng balak sa pagpaparami ng hayop, ano ang dapat alamin?
a. Tukuyin kung anong uri ng hayop ang pararamihin.
b. Bilang ng hayop na sisimulan
c. Lugar na paglalagyan
d. Lahat ng nabanggit
______31. Naisipan ni Ben na hakutin ang mga lupang nakatambak sa kanyang gulayan, ano ang kagamitan
ang dapat niyang gamitin?
a. kartilya
b. itak
c. bareta
d. kartilya
______32. Aling uri ng isda ang mainam alagaan sa likod ng bakuran?
a. tilapia
b. bangus
c. karpa
d. galunggong
______33. Anong lugar ang angkop sa pag-aalaga ng itik?
a. malapit sa tubig
b. tuyong lugar
c. damuhan
d. wala sa nabanggit
______34. Ito ay uri ng isdang maitim ang balat, madulas at may balbas
a. hito
b. bangus
c. karpa
d. galunggong

______35. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang manatiling malusog ang mga manok?
a. maaliwalas na kulungan
b. kalinisan
c. tamang pangangasiwa
d. lahat ng nabanggit
______36. Alin sa mga sumusunod ang HINDI alituntunin sa pag-aalaga ng hayop?
a. Ilagay sa oras ang pagpapakain sa kanila.
b. Lagyan ng kanal na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan
c. Biglaing hawakan ang mga hayop
d. Magsuot ng angkop na damit sa pagpapakain
______37. Ano ang gagawin mo pagkatapos gamitin ang mga kagamitan sa paghahalaman?
a. iwanan
b. pabayaan
c. linisin
d. wala sa nabanggit
______38. Ano ang mga inilalagay sa isang compost?
a. dumi ng hayop, balat ng prutas, balat ng gulay
b. diyaryo, papel, bote
c. dayami, damo, sanga
d. papel, sanga, plastic
______39. Ano ang kailangan ng isang kulungan ng manok?
a. malamig at presko
b. masikip
c. mainit
d. marumi
______40. Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng hayop na
aalagaan?
a. magasin
b. aklat
c. internet
d. diyaryo
______41. Saan dapat itayo ang palaisdaan?
a. sa mainit na lugar
b. sa malayong lugar
c. sa mayroong sapat na pagkukunan ng tubig
d. sa malayo sa tirahan
______42. Saang lugar mainam na mag alaga ng baka?
a. sa malawak na damuhan
b. sa mainit na lugar
c. sa masikip na bakuran
d. sa masikip na kulungan
______43. Ano ang ginagamit sa paglilipat ng lupa?
a. pala
b. kalaykay
c. asarol
d. tinidor

______44. Ano ang gagamitin mo sa pagdidilig ng halaman?


a. regadera
b. piko
c. asarol
d. tinidor
______45. Ano ang ginagamit sa paglilipat ng punla?
a. asarol
b. piko
c. dulos
d. tinidor
______46. Anong hayop ang inaalagaan upang makagawa ng balut?
a. pugo
b. sisiw
c. itik
d. wala sa nabanggit
______47. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat gawin upang ang mamimili ay patuloy na bibili ng iyong
produktong gulay maliban sa isa.
a. maging magalang
b. kausapin ng nakangiti
c. mali ang pagsukli
d. tama ang timbangan
______48. Kailan dapat nag-aani ng gulay?
a. tanghali
b. hapon
c. umaga bago sumikat ang araw
d. paglubog ng araw
______49. Ito ay ang tawag sa halaga ng iyong binibiling gulay o isda
a. presyo
b. tubo
c. kita
d. puhunan
______50. Bukod sa kambing, anong hayop ang maaring mapagkunan ng gatas?
a. kalabaw
b. baboy
c. manok
d. kabayo

Republic of the Philippines


Department of education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Isabela
103130-CULLALABO ELEMENTARY SCHOOL

TALAAN NG ISPESIPIKASYON SA EPP 5 (AGRIKULTURA)


UNANG MARKAHAN
BILANG
KINALALAGYAN NG
LAYUNIN NG BAHAGDAN
AYTEM
AYTEM

 Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang 2 4% 1,31


gulay sa sarili, pamilya, at pamayanan
 Nakapagsasagawa ng survey upang malaman ang mga 2 4% 5,25
halamang gulay na maaaring itanim
2,3,4,6,7,8,9,10,11,12,13,14,
 Naipakikita ang mga pamamaraan sa pagtatanim ng 18 36%
gulay 26,37,38,43,44,45

 Naipakikita ang masistemang pag-aani ng tanim


natatalakay ang mga palatandaan ng tanim na maaari
2 4% 18,48
nang anihin.
Naipakikita ang wastong paraan ng pag-aani

 Paraan ng pagtitinda 5 10% 15,24,28,47,49


 Naipakikita ang kaalaman, kasanayan, at kawilihan sa
10 16,19,23,29,35,36,39,41,42,5
pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak o 20%
0
isda bilang mapagkakakitaang gawain
 Nagagamit ang teknolohiya (Internet)sa pagkalap ng
6 12% 17,20,27,30,32,40
impormasyon at sa pagpili ng hayop/isdang aalagaan
 Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan gaya ng
5 10% 21,22,33,34,46
manok, pato, itik, pugo/ tilapia
KABUUAN 50 100% 1-50

Inihanda ni:

EDWIN L. CORDOVA
Teacher 3

Iwinasto nina:

MAGGIE C. AGTARAP MARIVIC L. MATEO


Master Teacher 1 Master Teacher 2

Binigyang pansin ni:

EDMUND B. RICO
Principal 2
ANSWER KEY

1.a 26.b
2.a 27.b
3.c 28.d
4.d 29.c
5.c 30.d
6.c 31.d
7.b 32.a
8.a 33.a
9.d 34.a
10.d 35.d
11.d 36.c
12.a 37.c
13.b 38.a
14.a 39.a
15.a 40.c
16.b 41.c
17.d 42.a
18.c 43.a
19.c 44.a
20.b 45.c
21.b 46.c
22.a 47.c
23.b 48.c
24.a 49.a
25.a 50.a

You might also like