You are on page 1of 3

Gonosan Elementary School

Ikalawang Markahang Pagsusulit


EPP 5 - Agrikultura

Pangalan:_________________________________________ Iskor:_________

_______1. Ang mga sumusunod ay mga bagay na mabubulok na gagamitin sa paggawa ng abonong organiko,
alin ang hind kabilang?
A. Plastik at bote C. Nabubulok na gulay
B. Tuyong dahon D. Mga tirang pagkain
_______2. Nakita mong matamlay at kulang sa pataba ang mga pananim na gulay ng iyong kapit-bahay, alin
ang pinaka una mong gagawin sa sumusunod?
A. Turuan siya sa paggawa ng abonong organiko
B. Bigyan siya ng mga natitira momg pataba
C. Pagtawanan ang mga pananim niya
D. Bigyan siya ng mga bagong binhi
_______3. Alin sa sumusunod ang una mong gagawin kung gagawa ka ng abonong organiko?
A. Ilatag ang mga mabubulok na bagay sa hukay.
B. Pagsama-samahin ang mga natuyong dahon, nabubulok na gulay.
C. Paulit-ulit gawin ang pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay.
D. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag at malayo-layo sa bahay. Humukay ng
may isang metro ang lalim
_______4. Gusto ring matuto ang kaibigan mo sa tamang paggawa ng organikong abono, ano ang gagawin mo?
A. Humingi ng kapalit o bayad bago siya turuan
B. Bigyan na lang siya ng mga pataba na gawa mo
C. Huwag siyang turuan sa paggawa sa mga hakbang nito.
D. Turuan siya sa tamang hakbang sa paggawa para hindi na siya aasa sa iyo.
_______5. Pagsunod sunorin ang hakbang sa paggawa ng basket composting
I. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba.
II. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patung na tuyong dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at
prutas, dumi ng hayop, at lupa.
III. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang mga
basura.
IV. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi pamahayan ng langaw at
iba pang peste
V. haluin ang laman ng sisidlan para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng
isang buwan
A. I, II, III, IV, V B. II, V, I, III, IV C. V, IV, III, II, I D. II, I, IV, III, V
_______6. Bakit mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halamang gulay?
A. Upang mabawasan ang labis na ugat
B. Upang makasagap ng sariwang hangin ang ugat
C. Upang maging buhaghag ang lupa sa paligid nito
D. Upang makita palagi ang mga ugat ng mga pananim
_______7. Ano ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng abono ng mga halamang gulay?
A. Kapag maliit pa ang tanim at bago ito mamunga
B. Bago magsimulang magtanim ay ihalo na sa lupa
C. Kapag nakapamunga na ng isang beses upang mamunga ito ulit
D. Habang nagtatanim ay isabay na ang abono sa pagpupunla pa lamang ng binhi
_______8. Ito ang paglikha ng organikong pamuksa ng peste at kulisap mula sa katas ng iba’t-ibang uri ng
halaman.
A. Intercropping C. Mixed Intercropping
B. Organikong Pestisidyo D. Row Intercropping
_______9. Bakit mahalaga ang intercropping sa pagtatanim ng mga halamang gulay?
A. Makatitipid sa pagbili ng pamatay peste
B. Natural lamang ang pamamaraan na ito at walang kemikal
C. Upang hindi malapitan ng peste at kulisap ang mga pananim
D. Lahat ng nabanggit ay tama
_______10. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa at pakpak o isda?
A. Mabisang gawing pataba sa mga tanim ang dumi ng hayop
B. Nagdudulot ng kasiyahan sa pamilya ang pag-aalaga ng hayop.
C. Nagbibigay ng stress sa tao ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at
pakpak o isda
D. nakapagdagdag ng kita ng mag-anak ang pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa at pakpak o isda
_______11. Ang mga bakanteng lugar sa bakuran ay maaaring pag-aalagaan ng iba’t ibang hayop na
makatutulong upang magkaroon ng______________.
A. stress sa pamilya
B. ginhawa sa pamilya
C. solusyon sa problema
D. libangan o mapagkakakitaan kung labis ang pangangailangan ng mag- anak
_______12. Anong hayop na nagpaparami at lalangoy sa ilalim ng tubig na makukuha sa dagat at matabang na
tubigan tulad ng lawa?
A.Pato B. Pugo C. Manok D. Tilapia

Ang bilang ng magiging itlog nito ay nakasalalay sa dami ng kanyang pagkain.


_______13. Tukuyin kung anong hayop ang isinasaad sa pahayag sa loob kahon.
A. Bibe B. Pato C. Pugo D. Manok
_______14. Anong hayop ang Broiler, Australop, at Whiteleghorn na pangunahing pinagkukunan ng itlog at
karne?
A. Bibe B. Pato C. Pugo D. Manok
_______15. Ang sumusunod ay talaan ng kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng manok maliban sa isa.
A. paliguan B. patukaan C. dapuan D. starter mash

Basahin at unawaing Mabuti ang salaysay sa ibaba.


Habang maliliit pa ang sisiw,dapat mapanatili nito ang init ng kanilang katawan sa pamamagitan ng artipisyal
na paraan. Brooding priod ang tawag dito.
_______16. Tukuyin kung anong kagamitan o kasangkapan sa pag-aalaga ng sisiw kinakailangan sa sitwasyon.
A. lampara o bombilya B.flashlight C.kandila D. lighter
_______17. Saan dinadala ang mga naaning produktong isda?
A. dagat B. pamilihan/palengke C. ilog D. kapitbahay
_______18. Ilan ang kabuuang kita mo kung ikaw ay may 2 kilong tilapya na nagkakahalaga ng ₱150.00 bawat
kilo at may patong na 20%?
A. ₱60.00 B. ₱30.00 C. ₱40.00 D. ₱50.00
_______19. Kung ikaw ay umani ng 5 kilong isda, magkano ang iyong magiging kitakung ang kabuuang halaga
ay 160 bawat kilo?
A.165 pesos B. 500 pesos   C. 700 pesos D. 800 pesos
_______20. Ang puhunan mo sa isda 200 pesos kung dadagdagan mo ito ng 15%bahagdan, magkano mo
ipasasapamilihan ang iyong paninda?
A.230 pesos B.300 pesos   C. 250 pesos D. 330 pesos

Basahin at unawaing Mabuti ang salaysay sa ibaba.


Habang maliliit pa ang sisiw,dapat mapanatili nito ang init ng kanilang katawan sa pamamagitan ng artipisyal
na paraan. Brooding priod ang tawag dito.
_______16. Tukuyin kung anong kagamitan o kasangkapan sa pag-aalaga ng sisiw kinakailangan sa sitwasyon.
A. lampara o bombilya B.flashlight C.kandila D. lighter
_______17. Saan dinadala ang mga naaning produktong isda?
A. dagat B. pamilihan/palengke C. ilog D. kapitbahay
_______18. Ilan ang kabuuang kita mo kung ikaw ay may 2 kilong tilapya na nagkakahalaga ng ₱150.00 bawat
kilo at may patong na 20%?
A. ₱60.00 B. ₱30.00 C. ₱40.00 D. ₱50.00
_______19. Kung ikaw ay umani ng 5 kilong isda, magkano ang iyong magiging kitakung ang kabuuang halaga
ay 160 bawat kilo?
A.165 pesos B. 500 pesos   C. 700 pesos D. 800 pesos
_______20. Ang puhunan mo sa isda 200 pesos kung dadagdagan mo ito ng 15%bahagdan, magkano mo
ipasasapamilihan ang iyong paninda?
A.230 pesos B.300 pesos   C. 250 pesos D. 330 pesos

You might also like