You are on page 1of 4

Republic ot he Philippines

Department of Education

REGIONAL MID-YEAR ASSESSMENT


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
Elementary Agriculture

Name: _________________________________ Grade Level: _______________


Date: __________________________________ Score: ______________________

I. Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin and letra ng tamang sagot at
ilagay sa linya bago ang numero.

_____1. Si Mang Karlo ay may bakanteng lote. Nagtanim siya ng mga


halamang gulay sa kanyang malayang oras. Ano ang kabutihang naidulot sa
kanya ng pagtatanim ng halamang gulay?
A. ito ay dagdag na gastos
B. ito ay dagdag na gawain
C. ito ay dagdag na hirap sa mag-anak
D. ito ay nakalilibang at dagdag na kita

_____2. Si Ben ay magtatanim ng upo, sitaw at patola. Ano ang angkop na


paraan ng pagtatanim ng mga nabanggit na gulay?
A. Ipinupunla C. itinatanim ng direkta
B. isinasabog D. pagmamarkot

_____3. Napansin ni Denmark na payat ang mga tinanim niyang gulay. Ano ang
dapat niyang gawin?
A. lagyan ng buhangin C. lagyan ng langis
B. lagyan ng damo D. lagyan ng pataba

_____4. Ang mga halamang gulay ni Lino ay magaganda at malalaki dahil


nilalagyan niya ito ng organikong abono. Anong kabutihan ang naibibigay ng
paggamit ng organikong abono?
A. ligtas na pamamaraan sa pangangalaga at pagpaparami ng
halaman
B. matipid at epektibo
C. nakatutulong sa paglago at pagtaba ng halaman
D. tama ang lahat ng nabanggit

_____5. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga halimbawa ng kabutihang


dulot ng paggamit ng abonong pataba, maliban sa isa. Alin ito?
A. pinabubuti ang hilatsa ng lupa
B. pinalalambot ang lupa
C. pinapababa ang kalidad ng mga gulay at halaman
D. pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani

_____6. Si Mario ay mag-aani na sa kanyang mga itinanim na petsay. Anong


paraan ang kanyang gagawin sa pag-aani?
A. pagbubunot C. paghuhukay
B. paggugupit D. pagpipitas

_____7. Ano ang mga palatandaan na ang pananim ay malapit ng anihin?


A. ito ay dilaw C. ito ay may tamang laki
B. ito ay mabango D. wala sa nabanggit

_____8. Nagbabalak mag-alaga ng kambing si Carlito, ano ang dapat niyang


tandaan?
A. piliin ang kambing na malaki at may magandang lahi
B. piliin ang kambing na maliit na may magandang lahi
C. piliin ang kambing na may magandang lahi
D. piliin ang kambing na walang sungay

_____9. Bakit maraming mangingisda sa Concepcion ang nawiwiling mag-alaga


ng tilapia?
A. dahil madaling hulihin ito
B. dahil madaling pakainin at paramihin
C. dahil malaki ito
D. dahil maraming nag-uulam nito

_____10. Isa sa mga libangan ay ang pagkawili sa pag-aalaga ng isda. Bakit


kasiya-siya ang pag-aalaga ng isda?
A. dahil mahal ang mga ito
B. ito nakatatanggal ng stress
C. malakas silang kumain
D. mayaman ito sa mineral

_____11. Si Sharon ay nagtitinda sa palengke, ano ang dapat niyang gawin


upang maging maayos at matagumpay ang kanyang pagtitinda?
A. bawalan ang bumibili na hawakan ang paninda
B. bilanging mabuti ang bayad ng mamimili
C. magsuot ng lumang damit
D. makipagtalo sa mamimili

_____12. Nais magtanim ng gulay ang mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang.


Ano ang kailangang gawin upang maisagawa ito?
A. gumawa ng listahan ng bibilhin sa palengke
B. gumawa ng listahan ng buto
C. gumawa ng listahan ng kagamitan
D. gumawa ng survey ng itatanim

_____13. Napansin ni Mang Tonyo na mabagal lumaki ang kanyang mga


alagang manok. Ano ang marapat niyang gawin?
A. bigyan ng bitamina at mineral C. painumin ng tubig
B. pabayaan ito D. pakainin ng labis

_____14. Si Efren ay nagbabalak na magparami ng alagang hayop. Ano ang


dapat niyang isagawa sa pagpaplano?
A. Alamin ang uri ng hayop na pararamihin.
B. Bilang ng hayop na sisimulan
C. Lugar na paglalagyan
D. Tama ang lahat ng nabanggit
_____15. Mahilig mag-alaga ng hayop si Tatay Kanor, alin sa mga alituntunin
sa pag-aalaga ng hayop ang hindi niya dapat gawin?
A. Biglain ang paghawak sa mga hayop
B. Ilagay sa oras ang pagpapakain sa kanila.
C. Lagyan ng kanal na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan
D. Magsuot ng angkop na damit sa pagpapakain

_____16. Ang pangkat Galileo ay naatasang magtanim sa kanilang kamang


taniman. Ano ang gagwin nila pagkatapos gamitin ang mga kasangkapan sa
paghahalaman?
A. iwanan C. pabayaan
B. linisin D. wala sa nabanggit

_____17. Si G. Andal ay bumili ng 10 pirasong binhi ng petsay sa halagang


₱5.00 ang isa. Magkano niya dapat ipagbili ang isang piraso na may dagdag na
15%?
A. ₱5.25 C. ₱5.75
B. ₱5.50 D. ₱7.25

_____18. Si Ana ay bumili ng 20 piraso ng papaya sa halagang ₱300.00, ang


bawat isa ng papaya ay binenta niya ng ₱ 18.00. Magkano ang kinita
ni Ana?
A. ₱50.00 C. ₱65.00
B. ₱60.00 D. ₱75.00

_____19. Ang dalawang dosenang itlog ay nabili ni Karla sa halagang ₱192.00.


Ibinenta niya ang bawat isa ng itlog sa halagang ₱ 9.00. Magkano ang
kanyang kinita?
A. ₱14.00 C. ₱22.50
B. ₱19.00 D. ₱24.00

_____20. Bumili ng paninda si Toni sa kanyang tindahan. 50 kilo ng bigas sa


halagang ₱1,500.00, 25 na kilo ng asukal sa halagang ₱625.00, at 100
na piraso ng plastik sa halagang ₱42.00. Magkano lahat ang ginastos
ni Toni?
A. ₱1,267.00 C. ₱2,167.00
B. ₱1,672.00 D. ₱2,716.00

You might also like