You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

DIAGNOSTIC ASSESSMENT TOOL IN EPP- AGRICULTURE 5

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa


patlang ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ano ang tawag sa isang hukay o isang lalagyan kung saan pinagsasama-sama ang
mga nabubulok na mga dahon, prutas, gulay at mga tira-tirang pagkain?
A. Compost pit B.Nitrogen C. Rainwater collectorD. Soil holder

_____2. Gaano katagal dapat imbakin ang mga inipon na mga basurang nabubulok upang
magamit na pataba?
A. Dalawang Buwan B. Dalawang Linggo C. Isang Buwan D. Limang
araw

_____3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang organikong pamuksa ng peste?


A. Dinurog na bawang
B. Dinurog na sili, sibuyas at luya
C. Dinurog na carrots at singkamas
D. Dinurog na paminta na may suka

_____4. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng kalapati sa tao?


A. Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip C. Nakadagdag stress sa pamilya
B. Nakasisira ng kagamitan D. Nagiging madumi ang kapaligiran

_____5. Sa paanong paraan natin mapapakinabangan ang balahibo ng alagang manok?


A. Gawing pagkain C. Itago sa loob ng bahay
B. Sunugin na lamang D. Gawing palamuti sa bahay at kasuotan sa mga
paligsahan

_____6. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng tilapya?


A. Dagdag gastos
B. Dagdag trabaho
C. Palamuti sa bakuran
D. Dagdag kita at pagkain ng pamilya

_____7. Anong paraan ng paglalagay ng abonong organiko ang ginagawa sa pamamagitan ng


paghahalo ng pataba sa lupa bago itanim ang halaman?
A. Basal Application Method
B. Broadcasting Method
C. Foliar Application Method
D. Side Dressing Method

______8. Anong uri ng masistemang paglalagay ng abonong organiko ang ginagawa sa


pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray nito sa mga dahon ng halaman?
A. Basal B. Broadcasting C. Foliar D. Sili

_____9.Anong lahi ng mga pugo ang mahusay mangitlog at malaman pa?


A. Broiler B. Japanese Seattle C. Plymouth Rock D. Rhode
Island Red

_____10.Anong uri ng isda ang madaling alagaan sa palaisdaan sa likod ng ating bahay na
masarap kainin at nagtataglay ng bitamina na kailangan ng ating katawan
gaya ng protina?
A. Bangus B. Dalagang bukid C. Hito D. galunggong
_____11. Anong uri ng hayop ang magandang pagkakitaan dahil sa maraming mga produkto
ang makukuha rito tulad ng balut, penoy at itlog na pula.
A. Itik at pato B. Kalapati C. Manok D. Pugo
_____12. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamitin upang mabilis makahanap ng
impormasyon sa pagpili ng hayop na aalagaan?
A. Dyaryo B. Internet C. Libro D. Magasin

_____13.Ano ang tawag sa halaga ng iyong binibiling gulay o isda?


A. Kita B. Puhunan C. Presyo D. Tubo

_____14. Naisipan ni Ben na hakutin ang mga lupang nakatambak sa kaniyang gulayan, ano
ang kagamitan ang dapat niyang gamitin?
A. asarol B. karmatilya C. bareta D. Pala

_____15. Ano-ano ang mga dapat nating tandaan para sa ligtas na paggamit o paggawa ng
organikong abono?
I.Pagkatapos ng paggawa, maghugas ng kamay at maligo.
II.Gumamit ng mga kasangkapang mahal at dekalidad.
III. Ligpitin ang mga kagamitan at siguraduhing nalinis ang lugar na pinaggawaan

IV. Iwasan ang pagkakamot o kaya’y pagkukusot ng mga mata habang ginagawa ang
abonong organiko.
A. I,II,III B. I,III,IV C. I, II,IV D. II,III,IV

_____16. Anong pamamaraan sa paghahalaman ang ginagawa sa pamamagitan ng dahan-


dahan na pagbuhos ng tubig sa tanim upang maiwasang biglain ito at matapon ang
lupa na siyang sinisipsipan ng ugat?
A. Hand trowel B. Hand watering C. Rake D. Tabo

_____17. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ginagamit upang pinuhin ang mga
malalaking tipak na lupa sa halaman?
A. Dulos B. Kalaykay C. Regadera D. Tabo

_____18. Ang kulungan nito ay may sapat na bentilasyon at malayo dapat sa ingay, may
patukaan , painuman at salalayan ng dumi.
A. Baboy B. Kalapati C. Layer D. Tilapia

_____19. Ang FFJ o Fermented Fruit Juice ay nagbibigay ng __________ para sa pagpapalaki
ng bunga.
A. Calcium B. Potassium C. Oxygen D. Zinc

_____20. Ano ang mabuting maidudulot sa magsasaka ng paggamit ng abonong organiko?


A. Abala sa pagsasaka
B. Dagdag gastos at nakasisira ng lupa.
C. Nakababagal ng paglaki ng pananim.
D. Nakatitipid sa gastos at maiiwasan ang tuluyang pagkasira ng lupa.

_____21. Kailan natin dapat anihin ang inalagaang hayop/isda?


A. Kapag naubos na ang pagkain nito.
B. Kapag madami na ang mga ito.
C. Kapag walang pera ang mag-anak.
D. Kapag ang mga ito ay nasa tamang timbang,gulang at walang sakit.

_____22.Nakapagbenta si Kiel ng halagang P 9,300.00 mula sa karne ng baboy at ang


nagastos lamang niya rito ay halagang P 4,700.00. Magkano ang kinita ni Kiel sa kanyang
paninda?
A. P 1,500.00 B. P 3,200.00 C. P 4,600.00 D. P 5,000.00

_____23. Ito ang nakukuha sa pamamagitan ng pagdadagdag ng bahagdang patong sa halaga


ng puhunan.
A. Kapital B. Halaga ng pagbebenta C. Puhunan D. Tubo o Kita

_____24. Ang puhunan ni Kylie sa isang kilong hinog na mangga ay P78.00 at may patong na
P15.00, magkano na ang halaga ng pagbebenta ng hinog na mangga ?
A. P 83.00 B. P 93.00 C. P 96.00 D. P 103.00

_____25. Paano kwentahin ang tinubo o kinita?


A. Puhunan + patong C. Kabuuang binenta - kapital
B. Puhunan x kapital D. Halaga ng pagbebenta x dami ng ibebenta
Susi sa pagwawasto:
1.A 6.D 11.A 16.B 21.D
2.A 7.A 12.B 17.B 22.C
3.B 8.C 13.C 18.C 23.B
4.A 9.B 14.B 19.B 24.C
5.D 10.C 15.B 20.D 25.C

You might also like