You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

DIAGNOSTIC ASSESSMENT TOOL IN


EPP 5 (Home Economics)

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Anong pamamaraan ng pangangalaga sa kasuotan ang isinasagawa sa mga damit upang


matanggal ang mga dumi, pawis at alikabok na nakakapit dito?
A. pagtutupi
B. paglalaba
C. pagpapaplantsa
D. pagtatanggal ng mantsa
2. Anong pamamaraan ng pangangalaga sa kasuotan ang isinasagawa sa mga damit na may
nakakapit na mantsa?
A. pagtutupi
B. paglalaba
C. pagpapaplantsa
D. pagtatanggal ng mantsa
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng pangangalaga sa kasuotan?
A. pabayaan ang mantsa na dumikit sa damit
B. ihanger ang malilinis na damit panlakad
C. pahanginan ang mga damit na basa ng pawis
D. punasan ang mga uupuang lugar bago umupo
4. Namantsahan ng kalawang ang iyong damit habang ikaw ay naglalaro. Alin sa sumusunod ang
mabisang pang – alis ng kalawang sa damit?
A. kalamansi at asin
B. langis
C. mainit na tubig
D. pulbos
5. Bakit mahalaga ang wastong pangangalaga ng ating kasuotan?
A. upang maging maganda
B. upang maging marami ang damit
C. upang gawing basahan ang mga ito
D. upang mapakinabangan ito sa mahabang panahon

6. Mayroon kayong proyekto sa EPP sa paggawa ng apron. Ano-ano ang mga bahagi ng katawan
ang kailangan mong kuhanan ng sukat?
A. hita, braso, ulo, leeg,
B. balikat, baywang ulo, paa
C. ulo, dibdib, baywang, paa
D. balakang, dibdib, ulo, baywang

7. Ano ang tawag sa bahagi ng makinang panahi na pinaglalagyan ng karete ng sinulid sa itaas na
bahagi ng ulo ng makina?
A. cabinet C. needle bar
B. feed dog D. spool pin

8.Anong bahagi ng makinang panahi ang pumipigil o umiipit sa tela habang tinatahi?
A. balance wheel C. presser foot
B. belt D. shuttle

9. Anong bahagi ang nasa ibaba ng ikutan ng sinulid sa bobina na nag-aayos ng haba o ikli ng mga
tahi?
A. needle bar C. bobbin winder
B. treadle D. stitch regulator
10. Sa paggawa ng malikhaing proyekto gaya ng apron, ano ang huling hakbang sa pagsasagawa
nito?
A. Gumawa ng tupi sa gilid ng laylayan.
B. Lagyan ng mga palamuti o kakaibang disenyo upang maging kaakit-akit ang iyong
ginawang apron.
C. Tahiin ang bulsa, sukatin nang pantay-pantay ang mga gilid nito at ihilbana bago tahiin sa
makina.
D. Piliin ang pinakamahusay na lugar na paglalagyan ng bulsa, iaspile, ihilbana, tahiin sa
makina at tanggalin ang hilbana.
11. Ano ang tawag sa pinakamahalagang bahagi sa paggawa ng proyekto kung saan nakasulat ang
binabalak gawing proyekto?
A. Layunin
B. Hakbang sa paggawa
C. Pangalan ng Proyekto
D. Talaan ng Materyales
12. Saang bahagi ng paggawa ng proyekto makikita ang kumpletong listahan ng mga materyales at
halaga sa pagbuo ng plano?
A. Layunin
B. Hakbang sa paggawa
C. Pangalan ng Proyekto
D. Talaan ng Materyales
13. Ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa pagbuo ng proyekto ay matatagpuan sa anong
bahagi ng plano ng proyekto?
A. Layunin
B. Hakbang sa paggawa
C. Pangalan ng Proyekto
D. Talaan ng Materyales
14. Anong bahagi ng proyekto ang nagsasaad ng dahilan o pakay kung bakit gagawin ang proyekto?
A.Layunin
B.Pangalan ng proyekto
C.Talaan ng Materyales
D.Hakbang sa paggawa
15. Ano-ano ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng padron?
A. gunting, tela, lapis
B. aspile, butones, zipper, gunting
C. tela, karayom, sinulid, gunting
D. gunting, aspile, pattern paper, tracing wheel
16. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan.
A. bitamina C
B. madadahong gulay
C. protina
D. taba
17. Ano ang sustansiyang makukuha sa mga pagkaing tulad ng kanin, tinapay,mais, patatas, at ube
na nagbibigay init ng katawan?
A. bitamina
B. carbohydrates
C. mineral
D. taba at langis
18. Alin ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na gagamitin sa pagluluto ng
pagkain?
A. meal plan
B. resipi
C. talaan ng paninda
D. talaan ng putahe
19. Pagkatapos mong mag-ehersisyo, ano ang nararapat mong gawin sa mga damit na basa ng
pawis upang hindi ito mangamoy?
A. plantsahin
B. pahanginan
C. ilagay sa labahan
D. tiklupin at ilagay sa cabinet
20.Nais mong panatilihing maayos ang iyong suot na paldang uniporme. Ano ang dapat mong gawin
bago umupo?
A. ibuka ang palda
B. basta nalang umupo
C. ipagpag muna ang palda
D. ayusin ang pleats ng palda
21. Alin sa mga sumusunod na katauhan ang HINDI nagpapamalas ng wastong
pangangalaga sa kasuotan?
A. Pinipunasan muna ni Kathryn ang uupuang lugar bago siya umupo.
B. Hinahayaan lamang ni Daniel na nakakalat ang mga hinuhubad niyang damit
C.Si James na pinapahanginan ang mga damit na basa ng pawis pagkatapos niyang maglaro
ng basketball.
D. Bago labhan ang mga damit, tinatahi muna ni Nadine ang mga sira nito tulad ng may
tanggal na butones at tastas.
22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tamang batayan sa pamamalantsa ng damit?
A. Ihanda ang mga gamit para sa pamamalantsa.
B. Plantsahin lamang ang mga damit na isusuot na.
C. Magplantsa sa lugar na walang maaabala at maliwanag.
D. Ilagay sa tamang temperatura ang control ng plantsa ayon sa uri ng damit na paplantsahin.
23. Alin sa mga sumusunod na uri ng tela ng damit ang nangangailangan lamang ng
mababang temperatura sa pamamalantsa?
A. cotton B. linen C. seda D. maong
24.Ang wastong pagkain sa tamang oras ay mabuti sa ating pangangatawan, alin sa mga
sumusunod ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw?
A. Agahan B. Hapunan C. Miryenda D. Tanghalian
25.Ang mga sumusunod ay pangkat ng pagkain, alin ang wastong pagkain para sa tulad mong
kabataan?
A. Karne, gulay, isda at prutas
B. Matatabang karne at matamis na panghimagas
C. Milktea at mga inuming matatamis
D. Tinapay, candy at softdrinks

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

DIAGNOSTIC ASSESSMENT TOOL


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
(Sining Pang-Industriya)

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit upang ayusin at kumpunihin ang lumuwag na
turnilyo at wire sa extension cord outlet?
A. kikil C. long nose
B. disturnilyador D. pliers
2. Ang mga poste at haligi ng bahay-kubo ay karaniwang gawa sa___
A. galbanisadong yero C. plastik
B. bato D. kawayan
3. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan/kagamitan ang dapat mong gamitin sa
pagkukumpuni sa nasirang paa ng silya na gawa sa kahoy upang ibaon ang mga pako?
A. martilyo B. katam C. plais D. lagari
4. Alin sa mga sumusunod na materyales na gamit sa mga gawaing pang-industriya na kung
saan ito ay isang uri ng halamang baging?
A. rattan B. pinya C. kawayan D. pandan
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagawa ng elektrisidad?
A. Pagsusuplay ng kuryente.
B. Pagpapagana sa mga kagamitang de-kuryente.
C. Pagpapailaw ng mga pailaw katulad sa mga kalye.
D. Paggawa ng mga pamaypay, sandok, upuan, duyan, at marami pang iba.
6. Aling bahagi ng puno ng niyog ang kapaki-pakinabang sa gawaing pang-industriya?
A. bunga B. kahoy C. dahon D. lahat nang nabanggit
7. Si Mang Ambet ay mahusay na nagwewelding ng lalagyan ng mga halamang orkidyas ni Aling
Vangie. Saan gawaing pang-industriya napapabilang si Mang Ambet?
A. Gawaing Pang-metal C. Gawaing Pang-Elektrisidad
B. Gawaing Himaymay D. Gawaing-Kahoy
8. Ano ang gamit ng philip screwdriver?
A. Ginagamit ito upang balutan ang wires na nabalatan maging ang dugtungan ng wires.
B. Ginagamit upang luwagan o higpitan ang turnilyo na ang dulo ay hugis krus.
C. Ginagamit upang putulin ang mga kahoy.
D. Ginagamit upang putulin ang wire.
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin habang gumagawa ng extension cord?
A. Pilipitin ang apat na dulo ng copper wires.
B. Takpan pabalik ang male plug gamit ang philip screwdriver.
C. Balatan ang magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang philip
screwdriver upang makita ang copper wire.
D. Buksan ang convenience outlet o female outlet gamit ang at ikabit ang natitirang
magkatabing dalawang copper wires sa kabitan nito.
10. Ang nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente ay _____.
A. multi-tester B. male C. switch D. flat cord wire
11. Ano ang dapat mong gamitin upang malaman kung iskuwalado ang bahagi ng isang kahoy?
A. martilyo B. iskuwala C. katam D. martilyo
12. Sinusukat ni Mang Luis ang taas, lapad, at kapal ng materyales para makagawa siya ng isang
payak na lamesa. Ano ang dapat niyang gamitin na kagamitan?
A. zigzag rule B. rip saw C. katam D. coping saw
13. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kagamitang pambutas?
1. katam 2. barena 3. paet 4. brace 5. kikil
A. 1-3-4 B. 2-3-4 C. 1-3-4 D. 3-4-5
14. Alin sa mga sumusunod na kagamitang pang-industriya na kabilang sa pamutol ang ginagamit
na pambutas nang pabilog?
A. keyhole saw B. back saw C. coping saw D. rip saw
15. Kasalukuyang gumagawa ng bakod si Mang Ben para sa kanyang mga alagang bibe upang
kulungin ang mga ito. Ito ay yari sa buho at kawayan at gumamit din siya ng alambre dito. Sa
palagay mo, ano ang kagamitang pang-industriya ang gagamitin niya kung puputol siya ng
alambre?
A. liyabe B. disturnilyador C. plais D. C-clamp
16. Gumawa ng bangkito si Jansen para sa kanyang nanay upang gamitin sa oras ng paglalaba.
Nakita niya na hindi pantay ang dalawang pirasong tabla bilang paa nito. Ano sa palagay mo
ang kagamitang pang-industriya ang ginamit niyang pamutol sa dalawang pirasong tabla?
A. lagari B. katam C. maso D. disturnilyador
17. Napansin mong may nakausling pako sa study table ng iyong nakababatang kapatid.Anong
kagamitang pang-industriya ang iyong gagamitin upang maibaon ang pako na posibleng
makadisgrasya sa kapatid mo?
A. maso B. katam C. kikil D. martilyo
18. Nagpakitang-turo sa klase si G. Ferrer sa pagkukumpuni ng kagamitan sa naputol na kawad
ng plantsa. Ano ang kanyang ginamit na pambalot sa mga nabalatan at pinagdugtong na wire?
A. female outlet B. aluminum foil C. male plug D. electrical tape
19. Natapos mo nang gawin ang iyong proyekto na lampshade. Ano ang iyong gagamitin kung
gusto mong malaman na ito ay gumagana o dinadaluyan na ng kuryente?
A. female outlet B. multi-tester C. electrical tape D. male plug
20. Anong bahagi ng plano ng proyekto ang tumutukoy kung ano ang proyektong gagawin?
A. Pangalan ng proyekto C. Layunin
B. Krokis D. Kagamitan at Materyales
21. Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman at kasanayang elektrikal sa pamumuhay ng tao?
A. Maaari itong maging hanapbuhay.
B. Nakukumpuni ang mga sirang linya ng kuryente.
C. Naiiwasan ang pagkakaroon ng sunog dulot ng sirang linya ng kuryente.
D. Ang sapat na kaalaman at kasanayang elektrikal ay nagiging hanapbuhay at maaaring
kumpunihin ang sirang linya ng kuryente upang makaiwas sa sunog.

22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pamamaraan ng pagkukumpuni ng sirang
gripo?
A. Patayin ang suplay ng tubig.
B. Putulin ang tubo o pvc pipe habang ikinakabit ang gripo.
C. Ikabit ang bagong gripo sa tubo o pvc pipe at ikutin ng pakanan upang humigpit.
D. Buksan ang suplay ng tubig at hayaan munang tumulo ang tubig sa gripo ng ilang
minuto.
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa kahalagahan ng sining pang-industriya?
A. Ang kasanayan sa gawaing pang-industriya ay sadyang kapaki-pakinabang.
B. Ang may sapat na kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ay napapakinabangan sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
C. Hindi mahihirapan ang isang batang tulad mo pagdating ng araw kung ikaw ay may
sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing pang-industriya.
D. Ang sining pang-industriya ay para lamang sa mga mahihilig sa pagkukumpuni.
24. Ito ay isang uri ng lupa na tinatawag na luwad na ginagawa sa paraan ng paghuhurno upang
matuyo agad at maihulma sa nais na disenyo sa gagawing proyekto.
A. niyog B. seramika C. katad D. metal
25. Habang nagdidilig ng halaman si Czelly sa kanilang hardin, nakita niyang may tumatagas na
tubig sa gripo dahil maluwag na mismo ang pihitan nito. Anong kagamitan ang maaari niyang
gamitin upang tanggalin muna niya ang mismong gripo?
A. maso B. long nose C. liyabe D. martilyo

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

DIAGNOSTIC ASSESSMENT TOOL IN


EPP V (ICT and Entrepreneurship)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang serbisyo ay isang uri ng paglilingkod o pagsisilbi gamit ang mga kaalaman at kasanayan
sa lipunan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI uri ng serbisyo?
A. durable goods C. propesyonal
B. kasanayan D. teknikal
2. Si Mang Anton ay isang magaling na karpintero. Siya ang palaging natatawag sa kanilang
barangay upang mag-ayos ng bahay. Anong uri ng serbisyo ang kaniyang ibinibigay?
A. kasanayan C. propesyonal
B. manwal D. teknikal
3. Pagmamaneho ng traysikel ang ikinabubuhay ng pamilya ni Mang Andres. Siya ay isang
masipag na drayber na kinagigiliwan ng lahat. Sa anong serbisyo nabibilang ang
pagmamaneho?
A. kasanayan C. propesyonal
B. manwal D. teknikal
4. Magaling na abogado si Atty. Celeste Marcelo. Naipapanalo niya ang mga kasong kaniyang
hinahawakan. Sino ang mga taong nangangailangan ng angkop na serbisyo ni Atty. Marcelo?
A. may kapansanan C. taong nasasakdal
B. nasunugan D. mamimili
5. Upang hindi mainip o mahirapan ang mga kostumer, ikaw ay naglagay ng mga upuan, electric
fan at mga diyaryo o magasin na maaaring mabasa sa iyong itinayong negosyo. Anong
pangangailangan ng kostumer ang iyong naibigay?
A. ginhawa C. suporta
B. respeto D. tulong
6. Nagtayo si Aling Marina ng computer shop. Inayos niya ang lahat ng papeles upang maging
lehitimo at legal ang kaniyang negosyo. Anong kailangan niyang isabit o idikit sa lugar na
makikita bilang patunay na legal ang serbisyong iniaalok?
A. Business Permit C. Family Pictures
B. Certificate of Recognition D. Medals
7. Nais mong magtayo ng negosyo na nagbebenta ng mga kasangkapan na yari sa kahoy.
Anong ahensya ng pamahalaan ang kailangan mong kuhanan ng clearance upang matuloy
ang iyong negosyo?
A. National Food Authority
B. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
C. Department of Environment and Natural Resources
D. Technical Education and Skills Development Authority
8. Si Rosa ay mahilig makipagchat sa kaniyang mga kaklase ngunit madalas ay gumagamit siya
ng ALL CAPS sa kaniyang mga mensahe. Anong ibig sabihin o ipabatid sa paggamit ng
malalaking letra sa discussion forum?
A. mahinahon C. mahalaga
B. naninigaw D. nararapat
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng responsableng pamamaraan sa pagsali sa
mga discussion forum at chat?
A. paglalagay ng lahat ng detalye tungkol sa sarili
B. paggamit ng mga tamang pananalita sa pakikipagchat
C. paggamit ng emoticons kung angkop ang pinag-uusapan
D. pinag-iisipang mabuti ang pagsali sa kahina-hinalang website
10. Hindi kaagad nakasali si Mika sa kanilang talakayan sa discussion forum. Hindi niya
naintindihan ang mga naunang usapan. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Mag log-out na lang sa forum.
B. Huwag nang sumali sa discussion forum .
C. Magtanong muli sa forum upang maging paulit-ulit.
D. Basahin ang mga naunang post sa forum upang hindi paulit-ulit.
11. Huwag magpapadala ng mga files na hindi nababasa at maaaring may nilalaman na
_____________ na pwedeng maging sanhi ng pagkasira ng mga files at computer units.
A. post C. computer virus
B. chat D. smiley-face
12. Nais mong magsaliksik ukol sa iyong takdang-aralin sa EPP. Ano ang tamang hakbang sa
paggamit ng search engine?
I. Siguraduhing updated ang mga datos o impormasyong gagamitin.
II. Piliin ang tamang wika sa nais hanapin sa napiling search engine.
III. Maaaring maglagay ng domain o site kung saan gustong hanapin ang iyong hinahanap.
IV. Siguraduhing tama at angkop ang mga terminong lumilitaw upang maiwasan ang pagkalap
ng mga maling impormasyon.
A. IV-III-II-I C. II-I-III-IV
B. II-III-I-IV D. IV-I-III-II
13. Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang web browsers at
mga search engines. Anong search engine ang pinakasikat sa ngayon at madalas na
ginagamit ng mga tao sa buong mundo?
A. Ask.com C. Google
B. Bing D. Yahoo
14. Upang makatiyak ka na mapagkakatiwalaan at de-kalidad ang mga impormasyon, anong
website sa internet ang iyong hahanapin kung saan makukuha ang lahat ng mga datos at
impormasyon tungkol sa edukasyon sa buong Pilipinas?
A. www.bfar.gov.ph C. www.doh.gov.ph
B. www.deped.gov.ph D. www.dost.gov.ph
15. Isa sa iyong takdang-aralin ang pagkuha ng mga tamang datos ukol sa kalusugan. Anong
website ang iyong hahanapin upang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
COVID-19 sa buong bansa?
A. www.bfar.gov.ph C. www.doh.gov.ph
B. www.deped.gov.ph C. www.dost.gov.ph
16. Anong maaari mong gawin upang mapagsama-sama ang dalawa o higit pang magkatabing
cells para maging isang cell?
A. delete C. merge cell
B. insert D. wrap text
17. Kadalasan ginagamit ng mga negosyante ang electronic spreadsheet sa pagkwenta ng
kanilang kita sa negosyo. Anong bahagi ng electronic spreadsheet ang inyong magiging guide
sa pagsasaayos ng mga text tulad ng pagpili ng font, pagpapalaki ng letra at iba pa?
A. Formatting Toolbar C. Menu Bar
B. Formula Bar D. Task Pane
18. Negosyo ninyo ang hardware. Gumagamit kayo ng electronic spreadsheet upang mapabilis
ang pagtutuos ng inyong kita. Anong basic function ang iyong gagawin upang makuha ang
kabuuang bilang ng mga numerical na datos ng mga piniling cells?
A. Average Function C. Max Function
B. Count Function D. Sum Function
19. Sa paggawa ng formula sa electronic spreadsheet, sa anong simbolo nagsisimula ito?
A. + C. x
B. - D. =
20. Paano mo maipapakita ang =A5+A6+A7 sa pinaikling paraan ng pagtutuos gamit ang
electronic spreadsheet?
A. =A5(A6+A7) C. =SUM(A5:A7)
B. =SUM(A5+A6+A7) D. =SUM(A5,A7)

21. Ang iyong pamilya ay may negosyo na pagtitinda ng lutong ulam. Nais mong malaman kung
ano ang inyong kabuuang kita sa tatlong araw. Anong formula ang iyong gagawin upang
matuos ang average na kita ng ginataang kalabasa?

A. =(C6+D6+E6)/3 C. =(C6-E6)/3
B. =(E6-C6)/3 D. =(B6-C6:E6)/3

22. Mayroon kang proyektong gagawin ukol sa paggawa ng diagram. Anong uri ng diagram ang
iyong gagamitin kung gusto mong maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain batay
sa uri ng programa?
A. Cycle Diagram C. Flowchart
B. Fishbone Diagram D. Venn Diagram

23. Anong command sa menu bar ang iyong pipindutin upang makita ang sukat ng papel, margin
at orientation na maaaring gamitin sa paggawa ng dokumento?
A. Home C. Page Layout
B. Insert D. References

24. Gumagawa ka ng takdang-aralin ukol sa sanhi at bunga. Nais mong ipakita ito sa
pamamagitan ng diagram. Anong angkop na diagram ang iyong gagamitin na makatutulong sa
iyo sa pagsusuri ng problema?
A. Cycle Diagram C. Flowchart
B. Fishbone Diagram D. Venn Diagram

25. Isang dokumento ang iyong gagawin na naglalaman ng chart para sa iyong report. Alin ang
tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng dokumento na may chart?
I. I-save ang ginawang dokumento.
II. Hanapin ang Microsoft Word.
III. Piliin ang blank document at lagyan ng tamang sukat ng papel,
margin at orientation.
IV. I-click ang insert sa menu bar at piliin ang chart na nais gagamitin.

A. II-IV-III-I C. II-III-IV-I
B. III-IV-II-I D. II-IV-III-I
Susi sa Pagwawasto

1.B 11.C 21.B


2.D 12.D 22.B
3.A 13.B 23.C
4.A 14.A 24.A
5.D 15.D 25.A
6.D 16.C
7.D 17.B
8.C 18.A
9.C 19.B
10.B 20.D

You might also like