You are on page 1of 4

CONTEXTUALIZED ASSESSMENT TOOL IN EPP 5 (Home Economics)

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Anong pamamaraan ng pangangalaga sa kasuotan ang isinasagawa sa mga damit upang
matanggal ang mga dumi, pawis at alikabok na nakakapit dito?
A. pagtutupi
B. paglalaba
C. pagpapaplantsa
D. pagtatanggal ng mantsa
2. Anong pamamaraan ng pangangalaga sa kasuotan ang isinasagawa sa mga damit na may
nakakapit na mantsa?
A. pagtutupi
B. paglalaba
C. pagpapaplantsa
D. pagtatanggal ng mantsa
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng pangangalaga sa kasuotan?
A. pabayaan ang mantsa na dumikit sa damit
B. ihanger ang malilinis na damit panlakad
C. pahanginan ang mga damit na basa ng pawis
D. punasan ang mga uupuang lugar bago umupo
4. Namantsahan ng kalawang ang iyong damit habang ikaw ay naglalaro. Alin sa sumusunod ang
mabisang pang – alis ng kalawang sa damit?
A. kalamansi at asin
B. langis
C. mainit na tubig
D. pulbos
5. Bakit mahalaga ang wastong pangangalaga ng ating kasuotan?
A. upang maging maganda
B. upang maging marami ang damit
C. upang gawing basahan ang mga ito
D. upang mapakinabangan ito sa mahabang panahon
6. Mayroon kayong proyekto sa EPP sa paggawa ng apron. Ano-ano ang mga bahagi ng katawan
ang kailangan mong kuhanan ng sukat?
A. hita, braso, ulo, leeg,
B. balikat, baywang ulo, paa
C. ulo, dibdib, baywang, paa
D. balakang, dibdib, ulo, baywang

7. Ano ang tawag sa bahagi ng makinang panahi na pinaglalagyan ng karete ng sinulid sa itaas
na bahagi ng ulo ng makina?
A. cabinet C. needle bar
B. feed dog D. spool pin
8.Anong bahagi ng makinang panahi ang pumipigil o umiipit sa tela habang tinatahi?
A. balance wheel C. presser foot
B. belt D. shuttle
9. Anong bahagi ang nasa ibaba ng ikutan ng sinulid sa bobina na nag-aayos ng haba o ikli ng
mga…tahi?
A. needle bar C. bobbin winder
B. treadle D. stitch regulator
10. Sa paggawa ng malikhaing proyekto gaya ng apron, ano ang huling hakbang sa pagsasagawa
nito?
A. Gumawa ng tupi sa gilid ng laylayan.
B. Lagyan ng mga palamuti o kakaibang disenyo upang maging kaakit-akit ang iyong
ginawang apron.
C. Tahiin ang bulsa, sukatin nang pantay-pantay ang mga gilid nito at ihilbana bago tahiin
sa makina.
D. Piliin ang pinakamahusay na lugar na paglalagyan ng bulsa, iaspile, ihilbana, tahiin sa
makina at tanggalin ang hilbana.
11. Ano ang tawag sa pinakamahalagang bahagi sa paggawa ng proyekto kung saan nakasulat
ang binabalak gawing proyekto?
A. Layunin
B. Hakbang sa paggawa
C. Pangalan ng Proyekto
D. Talaan ng Materyales
12. Saang bahagi ng paggawa ng proyekto makikita ang kumpletong listahan ng mga materyales
at halaga sa pagbuo ng plano?
A. Layunin
B. Hakbang sa paggawa
C. Pangalan ng Proyekto
D. Talaan ng Materyales
13. Ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa pagbuo ng proyekto ay matatagpuan sa anong
bahagi ng plano ng proyekto?
A. Layunin
B. Hakbang sa paggawa
C. Pangalan ng Proyekto
D. Talaan ng Materyales
14. Anong bahagi ng proyekto ang nagsasaad ng dahilan o pakay kung bakit gagawin ang
proyekto?
A.Layunin
B.Pangalan ng proyekto
C.Talaan ng Materyales
D.Hakbang sa paggawa
15. Ano-ano ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng padron?
A. gunting, tela, lapis
B. aspile, butones, zipper, gunting
C. tela, karayom, sinulid, gunting
D. gunting, aspile, pattern paper, tracing wheel
16. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan.
A. bitamina C
B. madadahong gulay
C. protina
D. taba
17. Ano ang sustansiyang makukuha sa mga pagkaing tulad ng kanin, tinapay,mais, patatas, at
ube na nagbibigay init ng katawan?
A. bitamina
B. carbohydrates
C. mineral
D. taba at langis
18. Alin ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na gagamitin sa pagluluto
ng pagkain?
A. meal plan
B. resipi
C. talaan ng paninda
D. talaan ng putahe
19. Pagkatapos mong mag-ehersisyo, ano ang nararapat mong gawin sa mga damit na basa ng
pawis upang hindi ito mangamoy?
A. plantsahin
B. pahanginan
C. ilagay sa labahan
D. tiklupin at ilagay sa cabinet
20.Nais mong panatilihing maayos ang iyong suot na paldang uniporme. Ano ang dapat mong
gawin bago umupo?
A. ibuka ang palda
B. basta nalang umupo
C. ipagpag muna ang palda
D. ayusin ang pleats ng palda

21. Alin sa mga sumusunod na katauhan ang HINDI nagpapamalas ng wastong pangangalaga sa
kasuotan?
A. Pinipunasan muna ni Kathryn ang uupuang lugar bago siya umupo.
B. Hinahayaan lamang ni Daniel na nakakalat ang mga hinuhubad niyang damit
C.Si James na pinapahanginan ang mga damit na basa ng pawis pagkatapos niyang
maglaro ng basketball.
D. Bago labhan ang mga damit, tinatahi muna ni Nadine ang mga sira nito tulad ng may
tanggal na butones at tastas.
22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tamang batayan sa
pamamalantsa ng damit?
A. Ihanda ang mga gamit para sa pamamalantsa.
B. Plantsahin lamang ang mga damit na isusuot na.
C. Magplantsa sa lugar na walang maaabala at maliwanag.
D. Ilagay sa tamang temperatura ang control ng plantsa ayon sa uri ng
damit na paplantsahin.
23. Alin sa mga sumusunod na uri ng tela ng damit ang nangangailangan lamang ng
mababang temperatura sa pamamalantsa?
A. cotton B. linen C. seda D. maong
24.Ang wastong pagkain sa tamang oras ay mabuti sa ating pangangatawan, alin sa mga
sumusunod ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw?
A. Agahan B. Hapunan C. Miryenda D. Tanghalian
25.Ang mga sumusunod ay pangkat ng pagkain, alin ang wastong pagkain para sa tulad mong
kabataan?
A. Karne, gulay, isda at prutas
B. Matatabang karne at matamis na panghimagas
C. Milktea at mga inuming matatamis
D. Tinapay, candy at softdrinks
Susi sa Pagwawasto

1.B 11.C 21.B


2.D 12.D 22.B
3.A 13.B 23.C
4.A 14.A 24.A
5.D 15.D 25.A
6.D 16.C
7.D 17.B
8.C 18.A
9.C 19.B
10.B 20.D

You might also like