You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF URDANETA CITY
Urdaneta City, Pangasinan
OLTAMA ELEMENTARY SCHOOL

FOURTH QUARTER EXAMINATION


EPP VI

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Itiman ang bilog ng titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga gawain sa pamayanan na maaaring pagkakitaan ay dapat nating


_____________.
A.
B. ikahiya D. pabayaan
C. ipasara E. tangkilikin

2. Alin ang naglalarawan sa isang pamayanang may mga masisipag na


mamamayan?
A. marami ang naghihirap
B. maraming walang hanapbuhay
C. maunlad na pamumuhay sa pamayanan
D. naglipana ang mga sugapa sa bawal na gamot

3. Ano ang kabutihang naidudulot ng may kasanayan sa pananahi?


A. pagiging mainisin C. pagiging mayabang
B. pagiging malikhain D. pagiging matipid

4. Ang pagrerecycle ng lumang damit ay ______________.


A. pagsusunog C. pagtatastas
B. pagtatapon D. pagaayos upang maisuot muli

5. Ang malayang oras ay magiging makabuluhan kung gagamitin natin sa ___.


A. pananahi C. panonood ng TV
B. pagtulog D. pakikipagkaibigan

6. May proyekto kayong walking short, anong uri ng tela ang dapat ninyong
gamitin?
A. Dacron C. Nylon
B. Koton D. Sintetiko

7. Malamig sa bansang Korea, kaya’t naka-jacket ang mga tao doon. Anong
tela ang dapat gawing jacket?
A. Koton C. Linen
B. Lana D. Seda
8. Ikaw ay isang mananahi at alam mong pumili ng mahusay na tela. Anong
uri ng tela ang pipiliin mo para sa school uniform?
A. Koton C. Seda
B. Lana D. Sintetiko

9. Anong tela ang nakilala na ginawa ng mga Tsino?


A. Koton C. Seda
B. Lana D. Sintetiko

10.Kukunin ang sukat ng katawan ng magpapatahi sa modista. Ang


gagamiting panukat ay:
A. metro C. tali
B. ruler D. medida o tape measure

11.Kapag kayo’y mananahi, ano ang dapat ilagay sa gitna ng daliri upang
hindi matusok? Yari ito sa metal o plastic.
A. aspili C. didal
B. karayom D. tracing wheel

12.Ginagamit itong pangmarka o pangguhit sa tatahiin.


A. colored chalk C. pentel pen
B. gauge D. tailor’s chalk

13.Nakita mong may kalawang na ang mga aspili at karayom. Saan mo ito
itutusok?
A. sa bulak C. sa kandila
B. sa tela D. sa emery bag o hasaan

14.Ang gunting ay may iba’t-ibang laki. Nais mong gupitin ang sinulid na
nakalawit sa laylayan ng iyong damit, ano ang iyong gagamitin?
A. kutsilyo C. pinking shear
B. maliit na gunting D. shears

15.Ito ay ginagamit bilang gabay sa paggawa ng proyekto


A. gamit ng proyekto C. plano ng proyekto
B. halaga ng proyekto D. kagamitan ng proyekto

16.Bahagi ito ng plano ng proyekto na nais makamit upang mabuo ang


proyekto
A. layunin C. pamamaraan
B. kagamitan D. pangalan ng proyekto

17.Ano ang tawag sa gilid ng telang hindi naghihimulmol?


A. raw edge B. woof
C. warp D. uriya o selvage

18.Ito ay hibla ng tela na paayon o pahaba tulad sa uriya.


A. warp C. tuwid
B. gilid D. uriya

19.Ang paraan ng pagpapaurong ng tela upang hindi mabago ang sukat o


laki ng damit bago tabasin.
A. Pagkukula C. Pagbababad sa tubig
B. Paglalaba sa tela D. Pagpapakulo ng tela

20.Ito ay tuwid na tahi na nagkakabit sa 2 piraso ng tela.


A. burdahan C. sulsihan
B. dugtungan D. tahian

21.Dugtong na ginamit sa punda ng unan upang maging matibay ngunit


makinis o malinis tingnan.
A. dugtong na dapa C. dugtong balensyana
B. dugtong na payak D. dugtong bugtong

22.Ang kaalaman sa pagbuburda ay isa sa mga itinuro sa atin ng ____________.


A. Amerikano C. Hapon
B. Arabo D. Espanyol

23.Si Carla ay Grade VI, siya ay tumutulong sa nanay niya sa pagbuburda. Sila
ay taga Laguna, anong bayan sa Laguna kilala ang pagbuburda?
A. Calamba C. Lumban
B. Liliw D. Sta Rosa

24.Isang kahon, lata o bag na pinagtataguan ng kagamitan sa pananahi at


pagbuburda.
A. sewing box C. jewelry box
B. shoe box D. tool box

25.Tahing burda na katulad ng tahi sa makina.


A. tahing buto C. tahing baynika
B. tahing balangkas D. tahing pabalik

26.Tahing burda na ginagamit pamuno sa mga puwang ng disenyo.


A. Burdang buto C. Hinating satin
B. Burdang eyelet D. Tahing blanket

27.Isang uri ng satin na hinahati sa dalawang bahagi pahaba bago burdahan.


A. burdang buto C. hinating satin
B. burdang eyelet D. tahing baynika
28.Tahing burda na pinaiikot ang sinulid ng maraming ulit sa karayom
A. buhol pranses C. tahing herringbone
B. buhol-buhol D. tahing ohales

29.Ang salitang “crochet” ay hango sa salitang Pranses, ano ang ibig sabihin
nito?
A. baluktot o crooked C. pahalang
B. ekis D. tuwid

30. Ito ang batayang tahi sa panggagantsilyo.


A. burda C. tahing balensyana
B. kadena o chain D. tahing pabalik

31.Ang sumusunod ay pangkalusugang gawi sa paggagantsilyo. Alin ang


hindi kasali?
A. maghugas ng kamay bago gumawa
B. umupo ng tuwid
C. gumamit ng gunting sa pagputol ng sinulid
D. manggantsilyo sa madilim na lugar

32.Isang samahan kung saan ang may-ari ay ang mga kasapi nito.
A. carenderia C. shopping mall
B. kooperatiba D. Sari-sari store

33.Ang nagmamay-ari nito ay isang tao lamang o pamilya at ang tubo ay para
sa kanila lamang.
A. kooperatiba C. tindahan sa Divisoria
B. tingiang tindahan D. natatanging tindahan

34.Ang mga kasapi ng tindahang kooperatiba ay kailangang kumuha ng


permiso sa City Hall upang magtinda. Anong kaukulang papeles ang
kanilang ibinibigay?
A. Driver’s license
B. lisensya sa lupa
C. lisensya sa pagtitinda
D. papel de ahensya

35.Alin sa mga salik ang dapat isaalang-alang sa pagtatatag ng tindahang


kooperatiba?
A. dami ng paninda C. lugar at puhunan
B. halaga ng paninda D. pagbabayad ng buwis
36.Ang mga paninda ay mabili at madaling maubos kung ito ay may taglay na
katangiang
A. Galing sa Amerika C. Maganda ang pagkakabalot
B. Ipapautang D. Katamtamang halaga o presyo

37.Ilang porsyento ang itinalaga ng pamahalaan na dapat ipatong sa mga


paninda?
A. 12% C. 10%
B. 15% D. 14%

38.Saan ka dapat mamili ng maramihan at mura pa?


A. Divisoria C. Palengke
B. Grocery D. Talipapa

39.Matapos maitakda ang mga batas at alituntunin ng kooperatiba


kinakailngang ipatala ito sa _________________.
A. Bank Development Authority
B. Cooperative Development Authority
C. Land Development Authority
D. Metro Manila Development Authority

40.Ang kawili-wiling mga salita sa pamimili ay ginagamitan ng mga salitang


_____________.
A. Ang bagal mo C. Hoy, Dalian mo
B. Ayoko nga D. Pakisuyo nga po

41.Ang bawat kasapi ng Kooperatiba ay may karapatang tumanggap ng


_____________.
A. Bonus C. Dibidendo
B. Boto D. Sahod

42.Ang mga paninda ay maaaring ipagbili ng maramihan (wholesale) at


maaari namang _________________.
A. Madalian C. Pana-panahon
B. Pangtustos D. Paunti-unti (retail)

43.Ang pagtatala sa mga nabili at natirang paninda ay tinatawag na:


A. Pamimili C. Pagtatanghal
B. Pagtitinda D. Pagiimbentaryo

44.Hinahati-hati ang tubo ng tindahang kooperatiba sa mga kasapi bilang


_______________.
A. Kita C. Puhunan
B. Sosyo D. Dibidendo
45.Si Gng. Salvador ay tumubo ng Php 200.00 sa kanyang tindahan. Ilang
porsiyento ang tubo kung ang puhunan ay Php 2,000.00?
A. 10% C. 20%
B. 12% D. 30%

46.Ano ang lalabas na tubo kung ikaw ay namumuhunan ng Php 800.00 na


15% dagdag sa mga paninda?
A. Php 12.00 C. Php 815.00
B. Php 120.00 D. Php 1,200.00

47.“Sale” ngayon sa Marikina kung ang halaga ay Php 950.00 at 50% ang
discount. Magkano ang ibabayad mo?
A. Php 47.50 C. Php 500.00
B. Php 475.00 D. Php 1,200.00

(48-50.) Pinagsama-sama nina Carlo, Jose, Alex at Danny ang kanilang pera
upang gawing puhunan sa isang kaing ng mangang hinog.

Carlo – Php 150.00


Jose – Php 150.00
Alex – Php 300.00
Danny – Php 150.00

Ang isang kaing ng manggang hinog ay nagkakahalaga ng Php


750.00. Ang napagbilhan nila ay Php 1,000.00

48. Magkano ang kanilang tubo?


A. Php 25.00 C. Php 1,000.00
B. Php 250.00 D. Php 2,500.00

49.Sa ilan hahatiin ang tubo?


A. 3 C. 5
B. 4 D. 6

50. Magkano ang dibidendo ni Alex?


A. Php 50.00 C. Php 100.00
B. Php 75.00 D. Php 150.00

You might also like