You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
SUB-OFFICE OF TERESA

PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 5 – Home Economics HE


SY 2022-2023

Pangalan: _____________________________________________________ Iskor: ________________


Pangkat at Baitang: ___________________________________________ Petsa: ________________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin at bilugan ang titik nang
wastong sagot.

1. Pagkagaling sa paaralan ni Leo ay agad itong nagpalit ng pambahay, ang damit na kanyang hinubad ay inilagay
niya sa____.
A. kama B. ropero C. silya D. kahon

2. Ang pagsusulsi ay isang paraan ng pangngalaga sa kasuotan, ito ay isinasagawa ______labhan.


A. bago B. habang C. matapos D. sa katawan

3. Ang _______ ay isinasagawa sa kasuotan kapag ito ay nabutas


A. Paglililip B. Pagsusulsi C. Pagtatagpi D. Paglalagay ng perdible

4. Bakit kailangang kasingkulay ng tela ang sinulid na gagamitin sa pagsasaayos ng payak


na sira ng kasuotan?
A. Upang makatipid C. Upang maayos tingnan
B. Upang di halata D. Upang maging mas matibay

5. Maglalaba si Kardo ng kanyang maruruming damit. Ano ang dapat niyang gawin upang
hindi makahawa ang damit na may kulay?
A. Labhan lamang ang mga puting damit.
B. Ihiwalay ang mga puti sa may kulay na damit.
C. Labhan lamang ang mga may kulay na damit.
D. Palabhan ang damit sa nakatatandang kapatid.

6. Ang mga damit na natuyo pagkatapos labhan ay isinusunod ang gawain na ___________.
A. Tupiin ng maayos at ilagay sa cabinet.
B. Ihanger sa loob at kunin lamang ang kailangan isuot.
C. Itambak sa lagayan para hindi marumihan.
D. Hayaan ito sa sampayan hanggang sa maubos ito.

7. Si Theo ay maalaga sa kanyang kasuotan, iniingatan niya ito.


A. Kapag bago itong bili.
B. Simula ng isuot hanggang sa ito ay kanyang huhubarin.
C. Dahil magagalit ang kanyang nanay.
D. Para maging maayos ito tingnan.

8. Sadyang pawisin ang batang si Nilo ang kanyang pawis ay dapat punasan gamit ang ______.
A. Suot niyang damit para tuloy lamang ang kanyang paglalaro.
B. Gamit ang pamunas ng kanyang kalaro.
C. Ang panyo o kaya bimpo.
D. Hayaan na lamang niya na mabasa siya ng pawis.

9. Si Lyka ay naatasan ng kanyang nanay na maglaba dahil may lakad ito, ano ang kanyang unang dapat gawin?
A. Ipunin ang mga damit na labahin bago ito labhan.
B. Ihiwalay ang puti sa damit na de-kolor.
C. Labhan lamang ang gusto niya.
D. Pagsama-samahin ang mga damit sa plangganang may tubig saka ito sabunin.
10. Maglalaba si Kardo ng kanyang maruruming damit. Ano ang dapat niyang gawin upang
hindi makahawa ang damit na may kulay?
A. Labhan lamang ang mga puting damit.
B. Ihiwalay ang mga puti sa may kulay na damit.
C. Labhan lamang ang mga may kulay na damit.
D. Palabhan ang damit sa nakatatandang kapatid.
11. Ang mga damit na pinaghiwalay ay dapat na _________________ para lumambot ang mga duming kumapit sa
damit.
A. Sabunin ito agad C. Ibabad sa tubig na may sabon.
B. Lagyan ng bleach D. Ibabad sa plangganang may tubig
12. Sa proseso ng paglalaba, ang mga damit na unang sinasabon ay _____
A. Puti B. May Kulay C. Di gaanong madumi D. Maduming madumi
13. Pagkatapos sabunin ang mga puting damit ito ay _______ para mas lalo itong pumuti.
A. Lagyan ng bleach C. Ikinukula
B. Banlawan ng maraming beses D. Sinasabon ng mabuti
14. Ang damit na nadikitan ng bubble gam ay nakatutulong ang ______ para maalis ito
A. Yelo B. Gaas C. alcohol D. Kalamansi
15. Alin sa mga sumusunod na pagpipiliaan ang hindi kabilang sa paghihiwalay ng damit na lalabhan gamit ang
washing machine?
A. Puti sa De-kolor C. Nangungupas at Panloob na kasuotan
B. Marumi sa di-gaanong marumi D. Lahat ng pagpipilian ay tama
16. Ang mga damit na may mantsa ay dapat na _________ bago ito labhan.
A. Ikula C. ibabad
B. Kumpunihin D. Sulsihan
17. Ang mga sumusunod na kagamitan sa ibaba ay ginagamit sa pamamalansta maliban sa isa
A. Kabayo B. Plantsa C. Basahan D. Kumot
18. Ang plantsang gagamitin ay dapat na alamin ang __________ bago ito gamitin.
A. Temperatura C. Kung umiilaw
B. brand D. Lahat ng pagpipilian ay tama
19. Para mabilis na plantsahin ang mga damit, gumagamit ng ________ para madulas ito ihagod sa mga damit.
A. Dahon ng saging C. Spray sa damit
B. Basahang basa D. Lahat ng pagpipilian ay tama
20. Ang mga sumusunod na pagpipilian ay ang paraan ng pamamalantasa maliban sa isa.
A. Ihanda ang lahat ng kakailanganin.
B. Pagbukod-bukurin ang mga damit
C. Subukin ang init ng plantsa sa isang basahan
D. Lahat ng pagpipilian ay tama
21. Sa blusa at polo na paplanstahin ay inuuna ang bahagi ng _______
A. Manggas C. likod at balikat
B. Kwelyo at butones D. Paikot na bahagi ng damit
22. Sa pamamalantsa ng Palda ay huling pinaplantsa ang bahagi ng ______
A. Sinturera B. Bulsa C. Bahagi ng baywang D. Pleats
23. Sa pamamalantsa ng Pantalon, alin ang hindi kabilang sa paraan ng pamamalantsa?
A. Baliktarin at unang plantsahin ang bulsa
B. Plantsahin ang bahagi ng sinturera at balakang
C. Plantsahin ng may dobleng piston
D. Mula sa balakang patungo sa hita
24. Maaring pag-aralan plantsahin muna ang mga kasuotan na________
A. Panloob na kasuotan at panyo C. Damit pambahay
B. Damit na Pamasok D. Damit na pang-alis
25. Kung mananahi sa makina ang unang paandarin ay ang balance wheel, kasabay ang
gulong sa ilalim. Paano ito paandarin?
A. Paandarin papalayo sa iyo. C. Paandarin malapit sa iyo.
B. Paandarin pabalik sa iyo. D. Paandarin patungo sa iyo.
26. Kung mananahi sa makina kailangan ang upuan. Anong uri ng upuan ang gagamitin
upang hindi mahirapan sa pananahi.
A. May sapat na haba ang sukat. C. May sapat na laki ang sukat.
B. May sapat na taas ang sukat. D. May sapat na liit ang sukat.
27. Bakit mahalagang magsanay sa pagpadyak sa makina?
A. Upang maging tuloy-tuloy ang takbo ng makina.
B. Upang isang direksiyon lamang ang takbo ng makina.
C. Upang tuwid ang tahi ng makina.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
28. Nakaiiwas na matusok ang kamay habang nananahi gamit ang ________
A. Emery bag B. Didal C. Medida D. Spool pin
29. Binubuo ito ng tatlong kalawit na pumapatnubay sa sinulid mula sa spool pin hanggang
sa karayom.
A. shuttle B. thread guide C. spool pin D. balance wheel
30. Pinaglalagyan ito ng sinulid sa ilalim ng makina.
A. treadle B. needle clamp C. bobina D. drive wheel
31. Pinaglalagyan ito ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng ulo ng makina.
A. spool pin B. needle clampC. bobina D. treadle o tapakan
32. Anong bahagi ng makina ang nagdudugtong sa balance wheel at sa band wheel?
A. Belt o kulindang C. Presser foot
B. Needle bar D. Slide plate
33. Ang mga kagamitang pambahay sa ibaba ay itinuturing na soft funishing, alin sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Punda B. Table Cloth C. Apron D. Sofa
34. Sa pagbuo ng kagamitang pambahay alin sa mga sumusunod ang nasa tamang pagsasagawa?
A. Isipin kung anong uri ng kagamitan at laki ang nais gawin
B. Pag-isipan kung gaano kadaming tela ang kakailanganin
C. Gupitin at tahini sa nais na disenyo.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
35. Ang Apron ay isa sa proyektong isinagawa ng V-Bonifacio sa EPP, bago nila gupitin ang telang gagamitin ay una
nilang isinagawa ang paggawa ng _______ para sa pattern ng tatahiing tela.
A. Padron C. Sketch
B. Plano ng proyekto D. Drawing
36. Ano ang tawag sa pahiran ng kamay habang gumagawa sa kusina?
A. Apron B. Headband C. Pot holder D. Basahang bilog
37. Ang grupo nila Kael ay gagawa ng proyekto sa EPP, inuna nilang isagawa ang pagbuo ng ______bago simulan ito.
A. Sketch ng gagawing proyekto C. Listahan ng mga materyales na gagamitin
B. Plano D. Lahat ng nabanggit ay tama.
38. Ang mga kagamitang pambahay na nasa ibaba ay maaaring gamitin sa kusina, alin sa mga ito ang hindi kabilang.
A. Pot Holder B. Apron C. Punda D. Punasan ng Kamay
39. Anong uri ng tela ang maaring gamitin ng mga mag-aaral na baguhan pa lamang sa
pananahi?
A. Katsa B. koton C. satin D. Seda
40. Sa pagpili ng telang gagamitin sa pananahi mahalagang malaman ang mga katangian
ng telang gagamitin. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng tela na dapat gamitin.
Alin ang hindi kabilang?
A. Madaling labhan C. Mamahalin ang halaga
B. Hindi kumukupas D. Matibay ang hibla at habi
41. Ang ina ni Bea ay palaging isinasaalang-alang ang pagkaing ihahanda para sa kanyang pamilya, pinipili niya ang
mga pagkaing mayaman bitamina at mineral panlaban sa mga sakit. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang
isinasaalang-alang niya.
A. Pagkain mula sa Go Foods C. Pagkain mula sa Glow Foods
B. Pagkain mula sa Grow Foods D. Pagkain mula sa Grow at Glow Foods
42. Alin dito ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na gagamitin sa pagluluto ng pagkain?
A. Talaan ng paninda C, Meal Plan
B. Resipe D. Talaan ng putahe
43. Mahilig sa sinigang na bangus si Gino, ano ang katangian ng sariwang isda?
A. Mapupula ang hasang C. Kapit na kapit sa balat ang mga kaliskis
B. Matigas ang laman D. May di-kanais-nais na amoy
44. Pagluluto ng sinigang ang gagawin nila Anthony, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga sangkap nito?
A. Kamatis, sibuyas C. Sitaw, talong
B. Kangkong, gabi D. repolyo at carrots
45. Kulay ng laman ng sariwang karne ng baboy.
A. Dilaw B. Mala-rosas C. itim D. Berde
46. Si Micah ay marunong ng magluto sa kanilang bahay, ang mga pinaggamitan niya ay palaging ____________ para
palaging malinis ito.
A. Itinatago sa isang sulok C. Pinagsasama-sama sa isang lagayan
B. itinatapon ang mga hindi na kailangan D. Lahat ng nabanggit ay tama
47. Ang mga sumusunod na pagpipilian ay mga dapat tandaan sa paghahanda ng pagluluto ng pagkain maliban sa isa.
A. Ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos magluto
B. Magsuot ng Apron para hindi marumihan.
C. Maging maingat sa paggamit ng kalan, kutsilyo o matutulis na bagay.
D. Lahat ng pagpipilian ay tama.
48. Sa pangkalusugan na paghahanda at pagluluto ng pagkain ay dapat na isaalang-alang ang mga sumusunod maliban
sa isa.
A. Hugasang mabuti ang mga sangkap sa pagluluto
B.Takpan ang mga pagkain pagkatapos maluto
C. Timplahan ng tama ang pagkain
D. Ang pagkadurog o lamog ng pagkain ay hindi nakawawala ng sustansya ng pagkain.
49. Paraan ng paghahanda ng pagkain na ang mga panauhin na ang siyang pipili at kukuha ng nais niyang pagkain.
A. Estilong Buffet C. Estilong English
B. Estilong Russioan D. Estilong Filipino
50. Paraan ng paghahanda ng pagkain na nakalagay sa bandehado o serving dishes at nakaayos sa gitna ng mesa ang
mga pagkain.
A. Estilong Buffet C. Estilong English
B. Estilong Russioan D. Estilong Filipino
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
SUB-OFFICE OF TERESA

PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 5 – Home Economics (HE)


SY 2022-2023

SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 33. D
2. A 34. D
3. C 35. A
4. C 36. D
5. B 37. B
6. A 38. C
7. B 39. A
8. C 40. B
9. B 41. C
10.B 42. B
11.C 43. A
12.A 44. D
13.C 45. B
14.A 46. B
15.D 47. D
16.B 48. D
17.D 49. A
18.A 50. D
19.A
20.D
21.A
22.D
23.C
24.A
25.D
26.B
27.D
28.B
29.B
30.C
31.A
32.A

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
SUB-OFFICE OF TERESA

PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 5 – Home Economics (HE)


SY 2022-2023

LEARNING COMPETENCIES BY LEARNING AREAS

Thinking
Most Essential Learning No. of No. % Know Unders (Applying, Item
Competencies Days Of ledge tanding Analyzing, Placement
Taught Items 50% 30% Evaluating,
Creating)
20%
Napangangalagaan ang sariling 7 8 8 1-8
kasuotan (EPP5HE-0-6)
Naisasagawa ang wastong paraan ng 7 8 8 9-16
paglalaba (EPP5HE-0c-7)
Naisasagawa ang wastong paraan ng 6 8 8 17-24
pamamalantsa ( EPP5HE-Od-8)
Nakagagamit ng makina at kamay sa 4 4 4 25-28
pagbuo ng mga kagamitang
pambahay(EPP5HE-0f-17)
Natutukoy ang mga bahagi ng 4 4 4 29-32
makinang de padyak (EPP5HE-0f-
17)
Nakabubuo ng kagamitang 4 4 4 33-36
pambahay na maaaring
pagkakakitaan ( EPP5HE-0g-18)
Nakalilikha ng isang malikhaing 3 4 4 37-40
proyekto( EPP5HE-0g-18)
Naisasagawa ang pagpaplano at 1 1 1 41
pagluluto ng masustansyang
pagkain (almusal, tanghalian at
hapunan)ayon sa badyet ng pamilya
(EPP5HE-0i-24)
Naisasagawa ang pamamalengke ng 1 1 1 42
mga sangkap sa pagluluto (EPP5HE-
0i-28)
Naipakikita ang husay sa pagpili ng 1 1 1 43
sariwa, mura at masustansyang
sangkap (EPP5HE-0i-28)
Naihahanda ang mga sangkap sa 2 2 2 44-45
pagluluto (EPP5HE-0j-29)
Nasusunod ang mga tuntuning 3 3 3 46-48
pangkalusugan at pangkaligtasan sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain
(EPP5HE-0j-29)
Naihahanda nang kaakit-akit ang 2 2 2 48-50
nilutong pagkain sa hapag kainan
(food presentation) (EPP5HE-0j-29)
50 25 15 10 50

You might also like