You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

EPP-SINING PANTAHANAN 5

Pangalan: ______________________________________ Iskor: _______

1. Masakit ang puson ni Mae dahil siya ay may regla. Alin ang mabuti niyang gawain?
A. Maligo C. Maglinis ng bahay
B. Maglaro D. Magpatong ng hot water bag sa ibabaw ng puson
2. Alin ang nagpapatunay na si Alden ay binata na?
A.Lumiliit ang braso C. Lumalaki ang baywang
B.Lumalapad ang balakang D.Pumipiyok at lumalaki at tumutubo ang buhok sa kilikili
3. Bakit tinutuli ang isang lalaki?
A. Upang maging macho C. Upang maging matangkad
B. Upang mabago ang kilos D. Upang manatiling malinis ang dulo ng tunod.
4. Ano ang nararamdaman mo kung ikaw ay nagkaroon ng buwanang daloy?
A.Ikahiya B.Masaya C.Malungkot D. Tanggapin
5. Anong mangyayari kapag ang nagbibinata at nagdadalaga ay pabaya sa sarili?
A. Hindi kaakit-akit C. Madaling kapitan ng sakit
B. Maaliwalas tingnan D. Magkakaroon ng masamang amoy
6. Si Lanie ay gumagamit ng malisis, angkop at sariling hairbrush at bimpo. Siya ay isang _____________.
A. batang malinis B. batang madungis C. batang sakitin D. batang pabaya sa sarili
7. Ilang beses dapat tayo maligo?
A.Araw-araw C. Isang beses sa isang lingo
B. Paminsan-minsan D. Dalawang beses sa isang buwan
8. Paano natin mapananatiling malinis ang ating buhok?
A. Lagyan ng spray net araw-araw.
B. Suklayin ang buhok ng madalas
C. Magpagupit isang beses sa isang buwan.
. D. Magshampoo dalawa o tatlong beses sa isang lingo
9. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan sa paglilinis at pangangalaga maliban sa isa?
A. Magpalit ng damit panloob at medyas minsan sa isang linggo.
B. Maligo sa araw upang mapanatili ang malinis at kanais-nais na amoy.
B. Magsipilyo ng ngipin tatlong beses sa isang araw pagkatapos kumain.
D. Linisin at putulin ang mga kuko sa kamay at paa gamit ang nail cutter kapag mahaba
na ang mga ito.
10. Ang mantsa ng damit ay dapat alisin _______________.
A. matapos labhan C. habang bago pa ito
B. kapag tuyo na ito D. kapag marami na ang mantsa ng damit
11. Ito ay ang pagdurugtong ng mga sinulid na naputol sa bahagi ng damit sa pamamagitan ng pagtahi na gumagamit
ng pinong sinulid, matulis at matalas na karayom at pagtututos ng dalawang magkahiwalay na bahagi ng nasirang
damit.
A. Pananahi B. Pagsusulsi C. Pagbuburda D. Pagtatastas
12. Sa pagsusulsi sa tatlong sulok nap unit, ano ang unang hakbang sa pagkukumpuni nito?
A.Ssulsihan ang tuwid na punit
B. Pagdikitin ang napunit na bahagi
C. Pagdikitin ang dalawang gilid ng punit.
D.Ibuhol ang sinulid sa kabaliktarang bahagi ng damit
13. Ito ang unang hakbang sa paglalaba ng mga damit.
A. Pag-alis ng mantsa.
B. Pagbababad ng mga damit.
C. Paghihiwalay ng puti at di-kulay.
D. Paglalagay ng fabric conditioner.
14. Paano inaalis ang mantsa ng dugo sa damit?
A.Ibabad sa mainit na tubig C. Ibabad sa malamig na tubig.
B. Kuskusin ng sabong panligo D. Lagyan ng asin at katas ng kalamansi kuskusin ng sabong panligo
15. Ano ang tamang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme?
A. Ipagpag muna ang palda. C. Paminsan-minsan lang uupo.
B. Ayusin ang pleats ng palda. D. Ibaba ang palda bago umupo.
16. Ayusin ang hakbang sa pamamalantsa ng blusa o polo.
1. Isunod ang manggas
2. Plantsahin ang kuwelyo
3. Harapan at ang ibang bahagi
4. Bahagi ng balikat sa likuran at unahan ng blusa o polo
A. 4, 2, 1, 3 B. 4, 1, 2, 3 C. 2, 4, 1, 3 D. 2, 1, 3, 4
17. Mapapanatili ang maayos na tindig kung maisasagawa ang mga pangkalusugang gawi.
A. Kumain ng sapat at masustansiyang pagkain.
B. Panatilihin ang maayos na tindig sa lahat ng oras.
C. Magkaroon ng sapat na oras sa pagtulog at pahinga.
D. Lahat ng nabanggit.
18. Anong sustansiya ang makukuha mula sa karne , keso, itlog at gatas?
A.Taba B. Protina C. Bitamina A D. Bitamina B
19. Kanino nakasalalay ang kaayusan ng tahanan?
A.Sa mga pinsan. C. Sa mga magulang lamang.
B. Sa mga anak lamang. D. Sa bawat kasapi ng pamilya.
20. Saang bahagi ng tahanan tinatanggap ang mga bisita o panauhin?
A.Sala B. Palikuran C. Silid-kainan D. Silid tulugan
21. Ano-ano ang mga paraan ng pag-aayos ng tahanan?
A. Paglilinis ng kanal. C.Pagtatanim ng halaman. .
B. Pagtatanim ng halaman. D. . Paglagay ng kurtina sa bintana sa silid at bedsheet ng kama..
22. Bakit mahalaga ang pag-aayos ng tahanan?
A. Upang maging kaaya-aya sa paningin
B. Ang pag-aayos ng tahanan ay nakababagot na gawain
C. Ang pag-aayos ng tahanan ay nagdudulot ng kalungkutan
D. Mahalaga ang pag-aayos ng tahanan dahil isa itong gawain.
23. Ano ang unang hakbang sa pag-aayos?
A. Pagpaplano C. Pagtatakda ng tungkulin
B. Pagpapahalaga D. Pagsasagawa at Pagsubaybay
24. Ito ay isang kagamitang ginagamit na panlinis at pampakintab ng sahig.
A.Mop B. Bunot C. Floor polisher D. Walis tambo
25. Upang lubos at tiyak na malinis ang pagsasaayos at pagbabahagi, ano ang dapat isagawa?
A. Ibayong pag-iingat C. Mabilisang pagsasagawa
B.Matagalang gawain D Mahinahong pagtatrabaho
26. Inatasan kayo ng inyong guro na gumawa ng kagamitang panghalili mula sa iba’t ibang uri ng materyales na
magagamit sa pag-aayos ng tahanan. Anong uri ng kagamitan ang gagawin mo?
A. Kaakit-akit ngunit mahirap gawin
B. Maganda ngunit mahirap gawin
C. Madaling gawin ngunit madaling masira
D. May kagandahan ngunit kapaki-pakinabang
27. Upang malaman ang kasalukuyang kalakalan ng merkado, maging mapamaraan sa pagsangguni ng mga
sumusunod maliban sa isa. Alin ito?
A. Aklat at magasin C. Paghahanap sa internet
B. Mga iba pang babasahin D. Pagtatanong-tanong sa kahit sino
28. Anong kagamitang pambahay ang maaaring magawa ng isang batang katulad mo?
A. kalan B. kaldero C. kutsara D. sandok
29. Bakit kailangang makagawa muna ng plano para sa pagbuo ng mga kagamitang pambahay?
A.Upang makagawa ng isang proyekto.
B.Upang makatipid ng oras, pagod at gastusin.
C.Upang magkaroon ng kahandaan sa anumang gawaing sisimulan
D.Upang magsilbing alituntunin upang matapos nang maaga ang proyekto
30.Anong bahagi ng makinang de-padyak ang nasa ilalim ng presser foot na nag-uusod ng tela habang tinatahi ito?
A. Bed B.Treadle C. . Feed dog D. . Needle bar
31. Ang mga sumusunod ay mga wasto at maingat na paraan ng paggamit ng makina maliban sa isa. Alin ito?
A . Ilagay nang maayos ang kaha ng bobina sa ilalim ng makina.
B. Tiyaking walang aspileng ginagamit upang hindi matamaan ang karayom.
C. Isuot ang dulo ng sinulid sa magkasunod na dalawang panggabay na sinulid.
D. Gumamit ng angkop na laki ng karayom para sa uri at kapal ng telang tatahiin.
32. Tumutukoy sa sunud-sunod na detalye sa pagbuo ng proyekto tulad ng apron.
A. Sketch B.Hakbang sa Paggawa. C. Talaan ng kasangkapan D. Talaan ng mga materyales
33. Ito’y talaan ng mga panindang napamili at mga panindang lagging binibili.
A. Talaan ng pagbibili C. Talaan ng panindang hindi nabili.
B. Talaan ng mga biniling paninda. D. Talaan ng mga panindang bibilhin pa lamang.
34. Dito makikita ang kompletong listahan ng materyales at halaga ng kakailanganin sa pagbuo ng proyekto.
A.Layunin B. Sketch C. Hakbang sa paggawa D. Talaan ng materyales
35. Si Karen ay nagtahi ng 10 pot holder at ibenenta niya sa halagang Php 60.00. Ang kabuuan ng kaniyang ginastos
ay Php.40.00. Magkano ang kaniyang kita?
A. Php. 15 B. Php. 20 C. Php. 25 D. Php. 30
36 .Kung nais mong mas malawak ang sakop ng pagsasapamilihan ng iyong proyekto/produkto gamit ang internet,
maaari mo itong ipasok sa ______________.
A. Kooperatiba B. Online selling C. Tingiang pagtitinda D. Maramihang pagtitinda
37. Ito ay pagpapakita ng matalinong pamamahala sa kinita mula sa ibinentang produkto.
A. Gastusin lahat C. Ibili ng mga bagay na hindi mahalaga
B. Ipanlibre sa barkada D. Ipunin upang may magamit sa hinaharap
38. Malaki ang kinita ni Mang Alex sa kanyang proyekto. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Ipautang sa kapwa B. Pantaya sa lotto B. Panlibre sa kaibigan D. Gamitin sa paggawa ng proyekto
39. Ito ay talaan ng mga pagkain at inuming ihahain s oras ng kainan.
A. Menu B. Resipi C. Panahon D. Talaan ng Putahe
40. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasang ihanda o iluto sa isang kainan?
A . Pancit at macaroni salad B. Adobong manok at fried chicken
B. Spaghetti at baked macaroni D. Pritong isda at sinigang na baboy
41. Ano ang dapat isagawa sa pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain?
A. Bumili ng mamahaling sangkap sa pagluluto.
B. Gumamit ng mga imported na sangkap para sa lulutuin.
C. Isaalang-alang ang bilang, edad at kasarian ng bawat kasapi ng mag-anak
D. Magplano sa pamamagitan ng pagsaalang- alang sa kakayahan ng bawat miyembro ng mag-anak.
42. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng pagkain?
A. Badyet B. Sustansiya C. Laki ng mag-anak DLahat ng nabanggit
43. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng menu?
A. Itala ang mga sangkap na kakailanganin
B. Isagawa ang paghahanda ng kasangkapan at kagamitan
C. Ihain ang mga pagkain
D. Sundin ang mga pamamaraan ng menu
44. Sa pagtatala ng sangkap, ano ang unang itatala?
A. Bilang B. Kulay C.Rresipe D. Pamamaraan
45. Anong sangkap ang dapat iwasang gamitin sa pagluluto ng pagkain?
A.Trans fat C. Potassium bromate
B. Artificial sweeteners D. Food artificial additives
46. Ang mga sumusunod ay dapat isalang-alang para maging kaakit-akit ang paghahanda ng pagkain maliban sa isa,
alin ito?
A. Lasa B. Amoy C. . Kulay D. Texture
47. Ano ang dapat isaalang-alang sa paghahanda ng pagkain at hapag kainan?
A.Maging burara B. Maging maaksaya C. Maging malikhain D. Maging magastos
48. Ano ang paraan ng paghahain ng hapagkainan na kung saan ang lahat ng pagkain ay nakahanda sa isang mesa at
ang mga kakain ang kukuha sa kanilang gusting kainin?
A. Buffet style B.Family style C.Individual cover D. Russian style
49. Paano ang paghahanda ng nalutong pagkain sa mesa?
A. Kaakit-akit C. Dapat tumutugma sa sukat at hugis ng plato.
B.Ssimple lamang D.Lahat ng nabanggit
50. Ang mga sumusunod ay tuntunin sa pagsasaayos ng kagamitan sa pagkain, maliban sa isa, alin ito ?
A. Ilagay ang platito at tasa sa kaliwa sa tabi ng kutsarita.
B. ilagay ang tinidor sa kaliwa ng plato katabi ang serbilyeta.
C. Iharap ang kutsilyo sa plato sa tabi ng kutsara at kutsarita.
D. Ilagay ang plato nang nakatihiya sa gitna ng placement na may isang pulgada ang layo mula sa gilid nito.

You might also like