You are on page 1of 3

BANGHAY- ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng gawaing
pantahanan at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na
makatutulong sa pangangalagang pansarili at sa sariling tahanan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nasasabi ang mga kagamitan sa pananahi.
EPP4HE-0b-3
II. NILALAMAN
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
EPP 4: Gabay ng Guro pp. 76-77
2. Mga pahina sa Teksbuk
EPP4: Kagamitang Pang Mag-aaral pp. 227-231
B. Iba pang kagamitang Panturo
puzzle pieces, mga larawan at aktwal na bagay ng mga kagamitan sa pananahi
(medida, karayom, sinulid, gunting, aspile, pin cushion, emery bag, tailored chalk,
sewing box, didal) nakarolyong papel at powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Balik-aral
Itanong: Ano-ano ang mga paraan ng pag-aayos ng kasuotan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Magbibigay ang guro ng mga puzzle pieces na larawan at ipapabuo ito sa
klase. (Pangkatang Gawain)

Pagkatapos nito ay itatanong ng guro kung anu-ano ang kanilang nabuong


larawan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng powerpoint
presentation.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan#1

Pahulaan:
Tatawag ang guro ng 2 bata upang bumunot sa nakarolyong papel
at ang isa ay manghuhula. Ang unang bata ang siyang bubunot at babasa
ng nakasaad sa papel at ang ikalawa naman ang huhula ng sagot ayon sa
tinalakay tungkol sa mga kagamitan sa pananahi.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2

Upang higit na makilala ng mga mag-aaral ang bawat kagamitan sa pananahi,muling


tatawag ang guro ng bata at maghahanap ng aktwal na bagay (real objects) ng kagamitan
sa pananahi na tinukoy sa pahulaan at ipapakita ito sa klase. (Indibidwal na Gawain)

F. Paglinang sa Kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)
Bakit mahalagang malaman ang mga kagamitan sa pananahi gamit ang
kamay?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa mga kagamitan sa pananahi sa
pag-aayos ng mga sirang damit?

H. Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang mga kagamitan sa pananahi?

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa mga tanong mula sa Hanay A.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa papel.

Hanay A
_____ 1. Matibay at hindi nangungupas. May iba’t ibang kulay, uri at laki.
Inaangkop ang kulay sa telang tatahiin.
_____ 2. Matalas, matulis at may butas sa dulo para sa sinulid.
_____ 3. Panggupit ng tela at sinulid.
_____ 4. Matulis at ginagamit na pansamantalang pang-hawak sa
telang tatahiin.
_____ 5. Hasaan ng karayom at aspili na ang laman ay buhangin o
durog na plato.
_____ 6. Panukat ng tela at ng bahagi ng katawan.
_____ 7. Tusukan ng karayom at aspili. Ang laman ay kusot, buhok o bulak.
_____ 8. Lalagyan ng mga kasangkapan sa pananahi.
_____ 9. Nilalagay sa panggitnang daliri upang itulak ang karayom.
_____ 10. Pananda sa sukat bago gupitin ang tela.

Hanay B

a. aspili f. medida
b. didal g. pin cusion
c. emery bag h. sewing box
d. gunting i. sinulid
e. karayom j. tailored chalk

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation


Magdala bukas ng tela at mga kagamitan sa pananahi.

Inihanda ni: Binigyan Pansin;

RAMONCITO J. GULINAO REAGAN N. CABUHAT


Guro I Punong Guro II

You might also like