You are on page 1of 5

BAGUMBAYAN ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP (HOME ECONOMICS) IV


S.Y. 2023-2024

Pangalan: _________________________________________________ Iskor:______________


Pangkat: __________________________________________________ Petsa:_____________

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ay karaniwang gawa sa malambot na tela, maluwag at malayang nakagagalaw ang may
suot nito.
A. damit pamasok B. damit pambahay C. damit pansimba D. damit pang-okasyon
_____2. Si Gng. Deloraso ay isang guro, alin kaya sa mga kasuotang ito ang gagamitin niya sa
paaralan?
A. daster B. kaswal C. T-shirt D. uniporme
_____3. Pagkagaling sa paaralan, nagpalit agad ng damit si Cathal. Saan niya dapat ilagay ang
unipormeng hinubad?
A. sa kama B. sa sulok C. sa upuan D. sa ropero
_____4. Paano mo maipakikitang ikaw ay may pag-iingat sa sariling kasuotan.
A. Isinabit sa pako ang hinubad na damit.
B. Ginawang panlaro ang uniporme pagkauwi galing paaralan.
C. Ibinabad agad ang damit na puti at nilagyan ng bleach ang namantsahan.
D. Umupo sa kung saan-saang lugar na hindi tiningnan kung malinis o marumi.
_____5. Bakit kailangang ibukod ang puti sa mga may kulay na damit kung labhan?
A. Upang piliin ang mga ibibilad sa araw.
B. Upang madaling labhan ang mga damit.
C. Upang madaling tukuyin ang mga damit.
D. Upang hindi mahawa sa mga may kulay na damit ang mga puti.
_____6. Si nanay ay tumatanggap ng tahiin. Kasalukuyan siyang nagsusukat ng tela. Ano ang
ginagagamit niyang panukat?
A. didal B. emery bag C. gunting D. medida
_____7. Nagtaka si Kris kung bakit kinalawang ang karayom. Saan niya dapat itusok upang maiwasan
ang pangangalawang?
A. didal B. emery bag C. pin cushion D. sewing box
_____8. Para sa kaligtasan, kailangan natin iligpit nang maayos ang mga kagamitan sa pananahi. Saan
dapat ilagay ang karayom pagkatapos gamitin?
A. sinulid B. pin cushion C. emery bag D. sewing box
_____9. Paano maipakikita ang ligtas na paggamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay?
A. Iniwan ang karayom at sinulid sa upuan.
B. Walang sewing box para sa mga kagamitan.
C. Hinayaan na maabot ng bata ang gunting panahi.
D. Iligpit ang mga kagamitan sa sewing box at ilagay sa hindi maaabot ng bata.
_____10. Ito ay uri ng panara ng damit na may nakaalsa sa likod.
A. flat button B. four-hole button C. shank button D. two-hole button
_____11. Ang butones ng polo ni Lino ay may dalawang butas. Anong uri ng butones ang ito?
A. flat button B. four-hole button C. shank button D. two-hole button
_____12. Napunit ng bahagya ang blusa ni Ela. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Lagyan ng aspile ang may punit. C. Susulsihin ang bahaging may punit.
B. Itago na muna ang blusa na punit. D. Itapon sa basurahan ang punit na blusa.
_____13. Sumabit ang palda ni Gina sa pako ng upuan. Pag-uwi niya ng bahay ay naghanap agad siya
ng mga gamit sa pananahi para susulsihan ito. Paano niya isasagawa ang tamang pagsusulsi
ng tuwid na punit?
A. Tahiin ang unang hanay na sasalubong sa sira o punit.
B. Tahiin ang magkabilaang gilid ng punit nang hindi pantay.
C. Magsimula at magtapos ng dalawang sentimetro mula sa dulo ng mga punit.
D. Baliktarin ang tela o damit at pagdikitin ang punit na bahagi sa pamamagitan ng mga
pinong tutos.
_____14. Napansin ni Christela na nawalan ng isang butones ang kanyang uniporme. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Kabitan ng aspile. C. Tatahiin na lamang ang bahagi na walang butones.
B. Kabitang muli ng butones. D. Lagyan na lang ng perdible ang bahaging walang butones.
_____15. Paano isasagawa ang tamang hakbang sa pagkabit ng two-hole button?
I. Gupitin ang isang parte ng tela.
II. Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit.
III. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones.
IV. Itusok ang karayom sa butas ng butones at ilabas sa likuran ng tela.
A. III,I,IV,II C. II,III,IV,I
B. I,II,III,IV D. IV,III,II,I
_____16. Ito ay kagamitan sa paglilinis na ginagamit na pantanggal ng alikabok at pamunas ng
kasangkapan.
A. mop B. basahang tuyo C. iskoba o brush D. vacuum cleaner
_____17. Maraming nagkalat na tuyong dahon sa bakuran nila Kristel. Alin ang dapat niyang gamitin
para madakot ang mga dumi o basura?
A. dust pan B. vacuum cleaner C. walis tambo D. walis tingting
_____18. Ikaw ay maglilinis ng kisame. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tumuntong sa bintana. C. Gamitin ang kabinet para maabot ang kisame.
B. Lumundag para walisin ang agiw. D. Gamitin ang walis na may mahabang tangkay.
_____19. Nakatakda kang magpunas ng mga muwebles, ano ang dapat mong isuot para sa iyong
proteksiyon?
A. apron B. gloves C. hairnet D. face mask
_____20. Ikaw ay nautusan ng iyong nanay na maglinis sa bahay, paano mo maipakikita ang tamang
paglilinis?
A. Gumamit ng walis tingting sa pagwawalis ng sahig.
B. Simulan sa mataas na bahagi ng bahay ang paglilinis.
C. Bunutan agad ang sahig pagkatapos malagyan ng floorwax.
D. Ang paglalampaso ng sahig ay ginagawa bago walisan ang sahig.
_____21. Bakit kailangang sundin ang pangkaligtasan at pangkalusugang gawi sa paglilinis ng bahay at
bakuran?
A. Upang makaiwas sa iba pang gawain.
B. Upang makagawa ng mga nakatakdang gawain.
C. Upang makapaglaro agad pagkatapos ng gawain.
D. Upang makaiwas sa anumang disgrasya at sakuna.
_____22. Bilang isang mamamayan, paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa ating kalikasan?
A. Lilinisin ko ang daanan ng tubig o kanal.
B. Itatapon ko ang balat ng kendi sa kalsada.
C. Susunugin ko ang mga nawalis na tuyong dahon at plastik.
D. Hahayaan ko ang mga tumubong ligaw na damo sa aming bakuran.
_____23. Nakita mo si Francis na nagtapon ng balat ng saging sa sahig, ano ang iyong gagawin?
A. Pagsasabihan ko siya na pulutin ang balat ng saging at huwag ng uulitin pa.
B. Pupulutin ko ang balat ng saging at itatapon sa tamang tapunan.
C. Ituturo ko ang posibleng mangyayaring aksidente.
D. Lahat ng nabanggit ay gagawin ko.
_____24. May nabasag na baso at kailangang itapon. Ano ang gagawin mo?
A. Ibabaon sa lupa.
B. Pupulutin isa-isa ang bubog.
C. Dadakutin at ilagay sa basurahan.
D. Babalutin ng lumang diyaryo at ilalagay sa basurahang may takip.
_____25. Walang trak na kumuha ng nabubulok na basura sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
A. Susunugin
B. Ibabaon sa lupa
C. Itatapon sa bakanteng lote
D. Itatapon sa pinakamalapit na ilog
_____26. Suliranin natin ngayon ang basura. Paano ka makatutulong upang mabawasan ang problema
ng basura sa iyong pamamaraan?
A. Itambak ang basura sa likod-bahay.
B. Walisin ang basura tungo sa kalsada.
C. Magbulag-bulagan sa mga kalat sa paligid.
D. Susundin ang tamang pagtatapon ng basura.
_____27. Anong pangkat ng pagkain ang nagbibigay enerhiya, lakas at sigla sa katawan?
A. Go Foods B. Glow Foods C. Grow Foods D. Junk Foods
_____28. Anong pangkat ng pagkain ang tumutulong sa paglaki ng katawan.
A. Mga pagkaing sagana sa protina.
B. Mga pagkaing mula sa gulay at prutas.
C. Pagkaing sagana sa bitamina at mineral.
D. Pagkaing sagana sa carbohydrates, taba at langis.
_____29. Bakit kailangan nating maghanda ng masustansiyang pagkain?
A. Upang maging malakas at malusog nang sa gayon ay magampanan ang araw-araw na
gawain.
B. Upang mas makatipid ang mag-anak.
C. Upang hindi magkasakit.
D. Lahat ng nabanggit.
_____30. Ikaw ay inutusan ng iyong nanay na magluto ng hapunan. Ano ang iyong gagawin?
A. Magkunware akong maysakit at matulog na lang.
B. Magluluto na lang ako ng noodles dahil tinatamad na ako.
C. Magluluto ako ng pakbet dahil ito ay sagana sa bitamina at mineral.
D. Hindi ko papakinggan ang utos ni nanay at magsarado ako ng kwarto.
_____31. Sa paghahanda ng hapag-kainan, ano ang ilalagay sa kanang bahagi ng plato sa bandang
itaas?
A. baso B. kutsara C. tinidor D. serbilyeta
_____32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kagandahang asal sa hapag-kainan?
A. Hipan ang mainit na pagkain at isubo agad.
B. Huwag magsalita kung may laman ang bibig.
C. Umupo ng nakaangat ang tuhod sa hapag-kainan.
D. Magkuwento ng mga nakalulungkot na pangyayari.
_____33. Paano mo maipakikita ang tamang paghahanda ng hapag-kainan?
A. Punuin ang baso ng tubig.
B. Ilagay sa gilid ng mesa ang tray ng prutas.
C. Ilapag ang plato nang nakataob at walang placemat.
D. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor at sa kanang bahagi ng plato
ang kutsara.
_____34. Bakit mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay na pagkain sa hapag-kainan?
I. Maipakikita dito ang pagkakaisa at pagmamahalan.
II. Mas nagiging masaya ang samahan ng buong pamilya.
III. Maipakikita dito ang pagiging responsable ng bawat isa.
IV. Magandang pagkakataon upang makapag-usap at malaman ang nararamdaman ng bawat
isa.
A. I, II at III B. I, II at IV C. I, III at IV D. I, II, III at IV
_____35. Sa paghuhugas ng pinagkainan, alin ang unang huhugasan?
A. baso B. kubyertos C. mangkok D. plato
_____36. Bakit kailangan sundin ang wastong paglilinis at pagliligpit ng pinagkainan?
A. Para maipagmayabang sa mga kaibigan.
B. Para matuto sa mga responsibilidad na iniatas.
C. Para madapuan ng ipis ang mga kasangkapan.
D. Para maging malinis ang mga kasangkapan at maiwasan ang anumang aksidente.
_____37. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, papaano mo maipakikita ang pagtulong sa paglilinis
ng bahay at bakuran?
A. Maglinis ng bahay at bakuran isang beses sa isang linggo.
B. Magyaya ng mga kaklase sa bahay at magpatulong sa paglilinis.
C. Maglaan ng oras para sa paglilinis bago pumasok at pagkauwi mula sa paaralan.
D. Makipaglaro sa mga kaibigan sa labas at hahayaan ang mga kalat na nakikita sa bahay at
bakuran.
_____38. Paano isasagawa ang tamang pagliligpit ng pinagkainan?
A. Hayaan muna sa mesa ang mga pinagkainan.
B. Iwanan sa mesa ang mga pagkaing hindi naubos.
C. Pagpatong-patungin ang mga platong may tirang pagkain.
D. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan at ilagay sa tray.
_____39. Paano isagawa ang wastong pagliligpit ng pinaglutuan?
A. Ilagay sa lababo ang mga kaldero, kawali at palayok.
B. Ilagay agad sa kabinet ang mga kagamitan pagkatapos mahugasan.
C. Ilagay sa patuyuan o dish rack at hayaang tumulo ang tubig bago iligpit sa kabinet.
D. Ilagay sa likurang bahagi ng kabinet ang mga kasangkapang karaniwang ginagamit.
_____40. Bilang isang responsableng miyembro ng pamilya, paano mo mapananatiling ligtas at maayos
ang inyong tahanan?
A. Ilalagay ko ang mga matutulis na bagay sa lugar na kayang abutin ng bata.
B. Susundin ko ang tamang hakbang sa pagliligpit ng pinagkainan at pinaglutuan.
C. Babanlawan ko ang mga kasangkapang may mantika gamit ang malamig na tubig.
D. Pagpatong-patungin ko ang mga babasaging gamit tulad ng baso, mangkok at plato sa
lababo.
Answer Key
1. B
2. D
3. D
4. C
5. D
6. D
7. B
8. B
9. D
10. C
11. D
12. C
13. D
14. B
15. A
16. B
17. A
18. D
19. D
20. B
21. D
22. A
23. D
24. D
25. B
26. D
27. A
28. A
29. D
30. C
31. A
32. B
33. D
34. D
35. A
36. D
37. C
38. D
39. C
40. B

You might also like