You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY MINDANAO


The National Center for Teacher Education
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

TEPP IV – SUMMATIVE EXAM


Pangalan: ___________________________________________________ Petsa___________
Baitang: __________________ Iskor: ___________

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa katawan?


a. Ang paliligo araw-araw.
b. Ang hindi pagpalit ng malinis na damit pagkatapos maligo.
c. Ang pagsipilyo lamang kapag sira na ang ngipin.

2. Bakit kailangang panatilihin ang kalinisan sa katawan?


a. para hindi magkaroon ng mga kaibigan
b. upang makaiwas sa mga sakit
c. dahil hindi ito nakakaginhawa sa pakiramdam

3. Si Ana ay madalas na nanghihiram ng suklay sa kaibigan niyang may lisa at kuto?Ano ang
maaring mangyari sa buhok ni Ana?
a. Mahahawa at magkaroon din ng lisa at kuto.
b. Mabilis hahaba ang kanyang buhok.
c. Kikintab at gaganda ang buhok ni Ana.

4. Kailan dapat maghugas ng kamay?


a. pagkatapos lang kumain
b. bago gumamit ng palikuran
c. bago humawak ng pagkain , mata, ilong at bibig

5. Ano ano ang mga paraan sa paglilinis ng kuko?


a. gupitin ang kuko sa kamay at paa isang beses sa isang linggo.
b. lagyan ng iba’t ibang kulay ang kuko sa kamay at paa.
c. gupitin ang kuko gamit ang gunting.

6. Alin sa kagamitan ang gagamitin para sa ngipin?


a. suklay
b. sipilyo
c. gunting
7. May pagkaing sumingit sa pagitan ng mga ngipin ni Bryan. Ano ang dapat niyang gamitin para
matanggal ito?
a. toothpaste
b. mouthwash
c. toothpick o dental floss

8. Ginagamit sa kilikili upang maalis ang hindi kanais-nais na amoy nito.


a. perfume
b. sabon at shampoo
c. tawas o deodorant

9. Sa anong bahagi ng katawan ginagamit ang panyo?


a. kamay
b. dila
c. tenga

10. Si Cassy ay papasok sa school, alin sa mga sumusunod na kasoutan ang dapat niyang isout?
a. damit pambahay
b. uniporme
c. damit pansimba

11. Si Belinda ay matutulog na. Anong kasoutan ang dapat niyang isout?
a. pajama
b. gown
c. swimsuit

12. Sa pagpili ng kasoutan, alin ang dapat ikonsidera?


a. malinis at angkop sa okasyong dadaluhan o gagawin.
b. maikli at sexy kung tingnan.
c. soutin ang na-aayon sa mood kahit hindi angkop sa pupuntahan.

13. Ito ay isang paraan ng pangangalaga ng kasuotan kung saan inaalis ang gusot ng damit.
a. paglalaba
b. pamamalantsa
c. pag-aalis ng mantsa

14. Kung may punit ang iyong damit, ano ang dapat mong gawin?
a. labhan ito
b. itapon ito
c. tahiin ito

15. Anong gawain ang pagtatanggal ng dumi sa damit?


a. Paglalgay sa tamang lagayan
b. Pamamalantsa
c. Paglalaba

16. Ginagamit itong panukat ng tela bago gupitin.

a. didal b. pin cushion c. medida

17. Isa sa pinakamahalagang bagay sa pananahi sa kamay. Ito ay may maliit, maliit,matulis at may
butas sa dulo kung saan ipinapasok ang sinulid.

a. sinulid b. karayom c. gunting

18. Gawa ito sa metal na manipis. Mapabibilis ang pagsusuot ng sinulid sa butas ng karayom sa
tulong nito.

a. taylors chalk
b. didal
c. threader

19. Lalagyan ng kagamitan sa pananahi.

a. aspile
b. sewing box
c. emery bag
20. Napunit ang palda ni Sandra nang siya ay naglaro. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Sulsihin kaagad ang nasirang bahagi bago labhan upang hindi lumaki ang punit nito.
b. Punitin ng mas malaki at gawing basahan.
c. Hayaan lamang ang punit na bahagi at soutin muli.

21. Ito ay tinatawag na tahing pansamantala upang maging patnubay sa pagtahi ng tela o damit.
a. running stitch ( tahing patutos)
b. basting stich ( paghihilbana)
c. slip stitch

22. Ginagamit ito sa pagtutupi ng laylayan ng damit.


a. running stitch ( tahing patutos)
b. basting stich ( paghihilbana)
c. slip stitch

23. Maihahantulad ito sa tahing makina. Ginagamit ito sa mga natatastas na damit o sa pagdurog
ng dalawang tela na malapad.
a. running stitch ( tahing patutos)
b. back stitch ( tahing pabalik-balik)
c. slip stitch

24. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagsusulsi?


a. Ang sinulid ay dapat katulad ng kulay ng damit na susulsihin.
b. Ang pagsusulsi ay dapat simulan sa gawing kanan ng tela para mas medaling
Makita ang telang susulsihan.
c. Sulsihin ang boung parte ng damit kahit na walang punit.

25. Anu-ano ang tatlong uri ng punit o sira ng damit?


a. tuwid na punit, pahilis na punit, tatlong sulok na punit
b. bilog na punit, mataas na punit, mababang punit
c. lahat na punit, maliit na punit, malaking punit

You might also like