Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Lanao del Norte
Pigcarangan, Tubod Lanao del Norte
(063)227-663, (063)341-5109
lanao.norte@deped.gove.ph
___________________________________________________________________
DIVISION ACHIEVEMENT TEST
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
Pangalan: ____________________________________Baitang/Pangkat: _____
Paaralan: ____________________________________ Iskor: _______
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Ang Pilipinas ay may mainam na klimang _________ na angkop sa
agrikultura
A. Grid
B. Tagsibol
C. Tagyelo
D. Tropikal
2. Paano nakatutulong sa mag-anak ang pagtatanim ng gulay?
A. para may maibigay sa mga kapitbahay
B. para may maipagmayabang sa mga kamag-anak
C. para magkaroon ng dagdag na kita ang mag-anak
D. para may maipakain sa mga taong pupunta sa bahay
3. Paano higit na makakatulong sa pamilya ang pagtatanim ng halamang gulay?
A. Kawili-wiling paraan ng pagpapalipas ng malayang oras
B. Nakakatulong sa pagbili ng mga kasangkapan sa bahay.
C. Magandang tingnan ang bahay na may maraming halamang gulay.
D. Mapagkukunan ng libreng pagkain at magkakapera kapag naibenta na ang
naaning gulay.
4. Alin sa mga ito ang ang nagbigay ng magandang dahilan sa paggawa ng
talaan ng puhunan at gastos?
A.Malalaman kung kanino ka may utang
B.Makikita kung sino ang mga pinagbentahan
C.Malalaman kung saan napunta ang pera
D.Malalaman kung ang negosyo ay kumikita o nalulugi
5. Alin sa mga kasangkapang paghahalaman ang ginagamit sa pagdidilig?
A.piko
B.asarol
C.tinidor
D.regadera
6. Alin dito ang tamang paraan ng paggawa ng compost?
A. Tipunin ang lahat na plastik.
B. Tipunin ang mga lumang dyaryo.
C. Tipunin ang lahat na basag na bote
D. Tipunin lahat na nabubulok na basura gaya ng dumi ng hayop,tuyong
dahon at balat ng prutas at gulay
7. Pinaka-angkop na lupa sa paghahalaman dahil ito ay buhaghag.
A. Sandy
B. Banlik o Loam
C. Clay o luwad
D. Black Cinder
8. Ang mga bungang -ugat ay karaniwang inaani sa_________.
A. pagkaraan ng isang taon
B. pagkaraan ng isang linggo
C. pagkaraan ng isang buwan
D. pagkaraan ng sapat na bilang ng araw mula sa pagtatanim at batay sa uri
ng gulay.
9. Ito ay pagkain para sa alagang manok para sa bagong pisang sisiw hanggang
anim na linggo.
A. Laying Mash
B. Starting Mash
C. Growing Mash
D. Finishing Mash
10. Paano nakatutulong sa pamilya ang pag-aalaga ng isda o pagkakaroon ng
palaisdaan?
A. Magkaroon ng pagkakitaan ang pamilya.
B. Gawing paliguan ng pamilya ang palaisdaan.
C. Magkakaroon ng pagtatapunan ng basura ang pamilya
D. Magkaroon ng paliguan ang mga taong nakatira malapit sa palaisdaan.
11. Ito ay tawag sa buwanang dalaw ng isang batang babae o tinedyer.
A. Fertilization
B. Menopausal
C. Menstruation
D. Adams Apple
12. Alin ang nagpapatunay na ang batang lalaki ay binata na?
A. Lumiliit ang braso
B. Lumalaki ang baywang
C. Lumalapad ang balakang
D. Pumipiyok ang boses at magkakaroon ng Adams’ apple
13. Ito ay isang paraan ng pagtanggal ng sobrang balat na bumabalot sa gland o
ulo ng penis ng lalaki .
A. Infiltration
B. Fertilization
C. Menstruation
D. Circumcision
14. Ang pajama, daster at nighties ay halimbawa ng mga damit_______.
A.Panlaro
B.Pamasok
C.Pantulog
D.Pang Simba.
15. Ang mga sumusunod ay wastong hakbang sa paglilinis ng tahanan.
Alin sa mga ito ang may wastong pagkakasunod-sunod.
1. Isunod ang dingding
2. Magsimula sa kisame
3. Walisan ang gilid-gilid ng bahay papunta sa gitna
4. Ilabas ang mga naipong dumi at ilagay sa basurahan
5. Walisan ang ilalim ng cabinet, mesa kama at mga upuan
A. 21534
B. 12345
C. 54321
D. 54132
16. Ito ay kasangkapang gamit sa pagpapakintab ng sahig ng tahanan.
A. Bunot
B. Walis tambo
C. Screw Driver
D. Walis Tingting
17. Isa sa mga bahagi ng makinang de pedal na nagpapaandar at nagpapahinto
sa makina katulong ang gulong sa ilalim nito.
A. Bobina
B. Spool pin
C. Needle Bar
D. Balance Wheel
18. Mga produktong pananahi na pwedeng mapagkakakitaan ay ang pagtatahi ng
_______.
A. walis
B. basket
C. dustpan
D. apron at headband
19. Isa sa makatatanggal ng kalawang na mantsa sa damit ay ________
A. Asin
B. Gas
C. Brush
D. Alcohol
20. Ito ay gawaing kamay na inaalisan ang balat ng pagkain gamit ang isang
kutsilyo.
A. Paghihiwa
B. Pagtatalop
C. Pagbabalat
D. Paghihimay
21. Ang kawayan ay isang uri ng kahoy na maraming pakinabang sa mga
mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian nito?
A. ilang uri nito ay nakakain
B. ito ay malapad, mataas at marupok
C. ito ay makulay at magandang tingnan
D. ito ay may maraming gamit mula sa ugat hanggang sa mga dahon nito.
22. Anong kahoy ang tinaguriang ‘Tree of Life”.
A. Niyog
B. Molave
C. Rattan
D. Mahogany
23. Ito ay mga materyal na ginagamit sa pagsusuplay ng kuryente, sa pag-iinit at
pag-iilaw .
A.Metal
B.Kahoy
C.Rattan
D.Elektrisidad
24 Kasangkapan na ginagamit na pamutol ng alambre o kawad ng kuryente?
A.Plais
B.Martilyo
C.Disturnilyador
D. Lyabe de tubo
25. Alin sa mga sumusunod na kagamitang elektrisidad ang ginagamit upang
makakuha ka ng daloy ng kuryente para isang aparato na hindi abot maabot
ng mga outlet ng kuryente.
A.Tester
B.Insulator
C.Long Nose
D.Extension Wire
26. Ito ay kasangkapang paggawa na gamit sa panukat ng mga bagay.Ito ay
may mga linya sa gilid at karaniwang sukat ay sentimetro at pulgada.
A.Ruler
B.Iskwala
C.Zigzag Rule
D.Wala sa nabanggit
27. Paano mo kumpunihin ang sirang paa ng mesa na gamit ang martlyo?
A. Gamit ang martilyo, puputulin ang paa ng mesa.
B. Gamit ang martilyo, higpitan ang maluwag na turnilyo.
C. Gamit ang martilyo, iipitin ang pako upang humigpit muli.
D. Gamit ang martilyo, pukpukin ang pako sa bawat hugpungan ng mesa.
28. Ito ang huli at panlabas na proteksyon ng kahoy gamit ang pintura at barnis.
A. Pagliliha
B. Pagtatapal
C. Pag bleach or stain.
D. Pagpipintura ar pagbabarnis
29. Alin sa mga bagay na ito ay mga halimbawa ng produkto ng tao.
A. bato
B. bag
C. bahaghari
D. aso at pusa
30. May pabrika na malapit sa inyong bahay at tuwing tanghali ay lumalabas ang
mga manggagawa rito ang pananghalian. Anong negosyo ang maari mong
itayo?
A. Karinderya
B. Internet café
C. Grocery store
D. Construction supply
31. Ang netiquette ay isang magandang katangian na ibig sabihin na ikaw ay
______________.
A.mahusay sa pagsusulit
B.mas mahusay sa iyong kaibigan
C.responsable sa paggamit ng internet
D.responsable sa paggamit ng computer shop
32. Sa pamamagitan ng ______ ay maging ligtas na maibabahagi ang mga
dokumento sa internet.
A. Email
B. Forum
C. Group chat
D. Facebook
33. Alin sa mga sumusunod ang tamang nagpapakita ng responsableng
pamamaraan sa pagsali sa discussion forum at chat?
A.Gumagamit ng tamang pananalita sa pakikipag chat.
B.Paggamit ng mga salitang pagmumura at mga slang.
C.Hindi pag-log-out ng account pagkatapos makipag chat
D.Gumagamit ng malaking titik o all caps sa pakikipag chat.
34. Ito ay isang search engine window kung saan dito maghahanap ng mga
impormasyon o mga larawan.
A. Google
B. Top link
C. I’m feeling lucky
D. Search field on search box
35. Itoy mga kilalang gamit sa pakikipag chat ngayon.
A. Bookmark
B. Powerpoint
C. Microsoft Word
D. FB Messenger,Skype at Viber
36. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na document,
sa pag-edit at pag-save ng mga ito sa computer file system.
A. Processing Tools
B. Spread Processor
C. Computer Aided Design
D. Word Processing Application
37. Ito ay pakikipag-usap sa impormal na paraan ng dalawa o higit pang tao sa
pamamagitan ng internet. ____.
A. Chat
B. Telling
C. Promote
D. Gaming
38. Ang lakas o bilis ng komunikasyon sa pakikipag-chat at paggamit ng computer
ay nakasalalay sa lakas o bilis ng _____ na ginagamit.
A. mb
B. web cam
C. paglakad
D. network no internet
39. Ang paggamit ng smiley – faces sa isang mensahe ay________.
A. Ganap na katanggap-tanggap
B. Pampalibang sa sa makakatanggap ng email
C. Parang bata at hindi kailanman dapat gawin
D. Gumamit lang nito kung kailangan o angkop sa pinag-uusapan
40. Ginagamit ito kung nais burahin ang isang bahagi ng iyong drawing.
A. Pencil
B. Eraser
C. Color
D. Text
DIAGNOSTIC EXAM
EPP 5
ANSWER KEY
1. D 11. C 21. D 31. C
2. C 12. D 22. A 32. A
3. D 13. D 23. D 33. A
4. D 14. C 24. A 34. A
5. D 15. A 25. D 35. D
6. D 16. A 26. A 36. D
7. B 17. D 27. D 37. A
8. D 18. D 28. D 38. D
9. B 19. A 29. B 39. D
10. A 20. B 30. A 40. B