You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
Tel. Number: (036) 620-2371-73, Fax: (036) 621-0974
Website: http://depedcapiz.ph

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN


EPP 5

ICT at Entrepreneurship 5

PANUTO: Basahin ang mga pangungusap. Piliin at ITIMAN ANG TITIK ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel o lagyan ng tsek (√) ang tamang bilog sa bawat aytem o pahina ng
inyong “computer screen”.

1. Si Aling Milagros ay isang mananahi. Buong araw siyang nananahi ng damit para ibenta
pagdating ng Linggo. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang produkto at serbisyo?
A. Nagbabasa si Miguel ng aklat.
B. Naglalaro si Charity sa cell phone.
C. Nanonood ng palabas sa telebisyon si Diana.
D. Nagtatahi ng damit si Aling Milagros buong araw.

2. Sino sa mga sumusunod ang nangangailangan ng sapat na gamit pampaaralan?


A. Doktor C. Mag-aaral
B. Guro D. Sanggol

3. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa mga mungkahing dapat tandaan sa


pagsisimula ng isang negosyo?

A. Maaaring dumulog sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga


karagdagang konsepto sa pagdidisenyo at pagbuo ng mga produkto (product
development) kung nais makapagbenta ng maramihan o makakuha ng paunang
puhunan.
B. Iwasan ang mga negatibong komento sa iyong produkto dahil
sagabal ito sa pag-unlad.
C. Maaaring magtanong at humingi ng mga suhestiyon mula sa mga kakilala at mamimili
para lalong mapaganda at masiguro ang kalidad ng disenyo ng iyong produkto.
D. Piliin at suriing mabuti ang produktong nais ibenta.

1
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng responsableng pamamaraan sa pagsali sa
discussion forum at chat?

A. Hindi paggamit ng kilalang chat application.


B. Gumagamit ng tamang pananalita sa pakikipag-chat.
C. Hindi pag-log-out ng account pagkatapos makipag-chat.
D. Hindi pinag-iisipang mabuti bago rumehistro sa mga kahina-hinalang website.

5. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang upang maging ligtas sa pagsali sa


discussion forum at chat maliban sa isa. Ano ito?
A. Igalang ang mga kausap sa chat at parehong gumamit ng web
cam o web camera para parehong makita ang hitsura ng taong mag-uusap.
B. Gamitin ang chat sa maling paraan at pag-usapan ang mga
walang kwentang bagay.
C. Iwasang mag-post ng kahit na anong media file o
impormasyong hindi mo pag-aari, o kung hindi man maiiwasan ay ilagay ang
pangalan ng may-ari nito bilang pagkilala.
D. Iwasang mag-post ng mga sensitibong bagay o impormasyon lalo na kung
nakapampublikong gamit at huwag magpasa ng mga dokumentong hindi
nabubuksan at maaaring magdala ng computer virus na pwedeng makasira ng mga
files at computer units.

6. Ito ay ang pinakasikat na search engine sa ngayon at madalas na ginagamit ng mga tao
sa buong mundo. Maliban sa search engine, marami pa itong mga serbisyo gaya ng
mail, drive at iba pa.
A. Ask.com C. Google
B. Bing D. Yahoo Search

7. Ito ay isang search engine ng Microsoft na kumakatawan sa 10% ng mga paghahanap


sa internet.

A. Bing C. AOL Search


B. Google D. Yahoo Search

8. Nais mong gumamit ng Google para magsaliksik tungkol sa mga naging pangulo ng
bansa. Ano ang dapat na iwasan mong gawin?
A. Piliin ang tamang wika na nais hanapin sa napiling search engine.
B. Siguraduhing tama at angkop ang mga terminong lumilitaw
upang maiwasan ang pagkalap ng mga maling impormasyon.
C. Maaaring maglagay ng domain o site kung saan gustong hanapin ang iyong
hinahanap.
D.Gumamit ng mga salitang nakalilito

9. Upang makatiyak na hindi fake news ang impormasyon, ano ang nararapat mong gawin?
A. Kilalanin ang awtor at ang kanyang mga artikulong nailathala.
B. Paniwalaan ang lahat ng nababasa.
2
C. Huwag basahin ang bawat detalye ng impormasyon.
D. Iwasang alamin ang kahalagahan ng impormasyon.

10. Napadadali ang iyong pagkuha ng kabuoang bilang ng numerical na datos sa iyong
napiling cells sa electronic spreadsheet dahil sa basic function at formula na ito.
A. Max C. Average
B. Sum D. Count

11. Nais mong iugnay ang dalawa o higit pang mga cell. Ano ang iyong gagamitin?
A. Formula Box C. Mail Box
B. Cell Adress D. Merge Cell

12. Ito ay uri ng diagram gamit ang Word Processor na nagpapahayag ng pagkakaiba-iba at
pagkakatulad ng iba’t ibang uri ng mga bagay.
A. Fishbone Diagram C. Venn Diagram
B. Cycle Diagram D. Flowchart

13. Si Lesly ay gagawa ng isang diagram o plano sa Word Processing Tool. Ano ang
kailangan niyang gamitin?
A. Clip Art C. Graph
B. Diagram D. Smart

Edukasyong Pantahanan 5

14. Nagkabutas ang damit ni Monica. Ano ang kailangan niyang gawin upang maayos ito?
A. Isuot at gamitin ang damit.
B. Ipamigay ang damit sa kapitbahay.
C. Ihanger ang damit sa cabinet.
D. Sulsihan o kumpunihin ang butas sa damit.

15. Maglalaba ng mga damit si Maya. Ano ang una niyang gagawin?
A. Unang sabunin ang mga puti at bigyang-pansin ang kuwelyo.
B. Basain isa-isa ang mga damit.
C. Ihiwalay ang pinakamaruming damit at mga puti sa de-kolor.
D. Ihanda ang sabon, palanggana, tubig, eskoba, at mga hanger o sipit.

16. Gustong plantsahin ni Miguel ang kanyang polo. Ano ang tamang paraan na dapat
niyang gawin sa pagpaplantsa ng kanyang polo?
A. Unahing plantsahin ang mga bulsa, bahagi ng baywang at zipper.
B. Unahing plantsahin ang kuwelyo sa likuran at unahan.
C. Unahing plantsahin ang mga bulsa at isunod ang bahagi ng tahi sa zipper.

3
D. Unahing plantsahin ang laylayan ng damit.

17. Ito ay bahagi ng makina na nagluluwag o naghihigpit ng tahi.


A. Tension Regulator
B. Balance wheel
C. Belt
D. Presser foot

18. Ito ang bahagi na nagpapaandar at nagpapahinto sa makina. Ano ito?


A. Drive wheel
B. Pitman rod
C. Balance wheel
D. Treadle

19. Ano-ano ang mga kagamitang pambahay na maaaring buoin at mapagkakitaan ng


isang batang tulad mo?
A. Damit at pantalon
B. Apron at pot holder
C. Pantalon at padyama
D. Palda at blusa

20. Ikaw ay magluluto ng tanghalian, upang matiyak mo ang dami at wasto ang sangkap,
alin sa mga sumusunod ang gagamitin mo sa pagluluto ng pagkain?
A. Meal plan
B. Talaan ng paninda
C. Talaan ng putahe
D. Resipe

21. Alin ang hindi maaaring ipagpaliban, dahil sa mahabang oras na walang pagkain sa loob
ng tiyan?
A. Meryenda
B. Agahan
C. Tanghalian
D. Hapunan

22. Ano ang dapat gawin upang walang makalimutang sangkap o mahalagang bagay
kapag namamalengke?
A. Hayaang may makalimutan upang makabalik muli sa palengke.
B. Huwag mamalengke.
C. Pagsikapang maalaala ang mga bilihin.
D. Gumawa ng listahan ng mga bibilhin bago mamalengke.

23. Ang mga sumusunod ay palatandaan na sariwa ang karne ng baboy, maliban sa isa.
Ano ito?
4
A. Mala-rosas ang kulay ng laman, hindi mapulang-mapula o
nangingitim, at maputi ang taba.
B. May tatak na nagpapatunay na nasuri ito sa pamahalaan.
C. May ‘di kanais-nais na amoy
D. Malambot kapag hinawakan ngunit bumabalik sa dating anyo
kapag pinisil.

24. Alin sa mga sumusunod ang gawaing pangkaligtasan sa pag-hahanda ng pagkain?


A. Hugasan ang mga gulay pagkatapos hiwain.
B. Iwanan ang pinagbalatan sa lababo.
C. Gumamit ng potholder sa paghawak ng maiinit na kaldero.
D. Gumamit ng artipisyal na matamis sa pagluluto.

25. Ang mga sumusunod ay mga gawaing pangkalusugan maliban sa isa. Ano ito?
A. Huwag ng hugasan ang mga sangkap sa pagluluto dahil lulutuin
naman ang mga ito.
B. Huwag ibabad sa tubig ang mga sangkap nang matagal.
C. Takpan ang mga pagkain pagkatapos maluto.
D. Iwasang madurog o malamog ang niluluto upang ‘di mawala ang sustansiya.

Agriculture 5

26. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa abonong organiko?


A. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong urea at sabon.
B. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong asin, asukal at
gatas.
C. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong nabubulok na
dahon, tirang pagkain, balat ng prutas, gulay at dumi ng hayop.
D. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong karne ng baboy at gulay.

27. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, ano ang maaaring gawin upang
makagawa ng compost?
A. I-recycle ang mga lumang gulong ng sasakyan sa pamamagitan
ng pagpapatong-patong ng mga ito para magsilbing hukay.
B. Bumili ng lupa sa kapitbahay.
C. Gamitin ang batyang ginagamit ng iyong nanay sa paglalaba.
D. Maghanap ng malaking karton para gawing compost.

28. Isa sa mga halimbawa ng abonong organiko ay tinatawag na fermented fruit juice.
Alin sa mga sumusunod na pahayag naglalarawan dito?

A. Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at


hinog na mga prutas na hindi maasim.
B. Ito ay mula sa mga nabubulok na mga dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop.
5
C. Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda.
D. Lahat ng nabanggit.

29. Naghahalo ka ng mga sangkap sa paggawa ng abono gamit ang isang sandok nang
malaman mong medyo maluwang sa hawakan ito, ano ang pwede mong gawin bago mo
ipagpatuloy ang iyong gawain?
A. Ayusin at higpitan muna ang hawakan ng sandok bago
ipagpatuloy ang ginagawa.
B. Hintayin munang matanggal ang hawakan nito bago ayusin.
C. Gamitin na lamang ang kamay sa paghalo ng mga sangkap.
D. Huwag ng ipagpatuloy ang ginagawa.

30. Nakita mong nakalapag sa madadaanan ang isang timba na ginamit mo sa paggawa
ng abono, ano ang gagawin mo?

A. Pabayaan na lamang ito.


B. Magpanggap na hindi ito nakita.
C. Iligpit ito at ilagay sa tamang lagayan upang makaiwas sa
sakuna.
D. Hayaan na lamang ito at hintaying ligpitin ng iba.

31. Nakita ni Anna na may insektong kumakain ng mga dahon sa


kanilang pananim, ano ang dapat niyang gawin?
A. Puksain agad ang mga ito.
B. Hayaan na kusang umalis ang mga insekto.
C. Tumakbo palayo upang hindi makagat ng mga ito.
D. Ipakain na lang ang mga ito sa insekto.

32. Anong uri ng pamamaraan sa pagpuksa ng peste ang ginagamitan ng mga kamay?

A. Attractants
B. Insect repellent
C. Kemikal
D. Mekanikal

33. Si Mang Ben ay may alagang manok sa likod ng bahay nila. Ano ang kabutihang dulot
nito sa kanyang pamilya?
A. dagdag abala sa pamilya
B. nakapagdudulot ng kalat sa bakuran
C. dagdag gastos, wala namang pera
D. dagdag kita sa pamilya

34.May palaisdaan ang inyong pamilya. Ano ang kabutihang dulot nito sa inyo?
A. dagdag gastos C. palamuti sa bahay
B. ulam ng pamilya D. dagdag abala sa pamilya

6
35. Bakit mahalaga ang paggawa ng tala bago mag-alaga ng hayop na mapagkakakitaan?
A. Upang maayos at matagumpay ang iyong minimithing gawain
B. Upang masiguro ang kanilang pagliit
C. Upang hindi masiguro ang kaligtasan nila sa bawat araw
D. Lahat ng nabanggit

36. Ang mga sumusunod ay estratehiya sa pagbebenta ng hayop, maliban sa isa.


A. Pagbebenta sa palengke
B. Pagbebenta sa online na tindahan
C. Pagbibigay ng mga produkto
D. Pagpapalathala sa mga dyaryo, TV at radyo.

37. Alin ang sa mga talaan ang angkop gamitin upang malaman kung
ikaw ay kumita o nalugi?
A. Talaan ng badyet
B. Talaan ng bibilhin
C. Talaan ng ginastos at kinita
D. Talaan ng materyales

Industrial Arts 5

38. Si Mang Alvin ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa kanilang barangay.


Sa anong gawaing pang-industriya nahahanay ang kaniyang propesyon.
A. Gawaing-Metal C. Gawaing-elektrisidad
B. Gawaing-kahoy D. Lahat na nabanggit

39. Ano-ano ang dapat nating isaalang-alang sa pagbuo ng isang produkto?


A. sipag at tiyaga C. interes sa gagawing proyekto
B. pagkamalikhain D. lahat ng nabanggit

40. Hirap na hirap si Mang Kanor na putulin ang kawayan na gagawin niyang hagdan dahil
sa mapurol na ang mga ngipin ng lagaring kaniyang ginagamit. Nagmamadali pa naman
din siya dahil malapit na ang kanilang pista. Paano mo matutulungan si Mang Kanor?

A. Hasain ang kaniyang lagari gamit ang bato.


B. Hasain ang kaniyang lagari gamit ang kikil.
C. Hasain ang kaniyang lagari gamit ang oilstone.
D. Hasain ang kaniyang lagari gamit ang buhangin.

7
41. Si Tata ay nagwe-welding ng gate sa paaralan. Sa anong gawaing
pang-industriya siya nabibilang?
A. Gawaing pang-elektrisidad
B. Gawaing-kahoy
C. Gawaing-metal
D. Lahat ng nabanggit

42. Gusto mong higpitan o luwagan ang turnilyo, alin sa sumusunod


na kagamitan ang iyong gagamitin?
A. martilyo C. bato
B. maso D. Disturnilyador

43. Ang mga sumusunod ay kasanayan sa paggawa ng matagumpay


na proyekto, maliban sa isa.
A. Pagbubuo C. Pagsasayaw
B. Pagpaplano D. Pagsusukat

44. Ginagamit upang luwagan o higpitan ang turnilyo na ang dulo ay


hugis krus.
A. Combination plier C. Pipe bender
B. Hand drill D. Screwdriver

45. Ano ang dapat tandaan sa pagsasagawa nang ligtas at epektibo ng gawaing- elektrikal?
A. Isaksak ang male plug sa outlet habang gumagawa.
B. Patayin ang ilaw habang gumagawa ng extension cord.
C. Tiyaking nasa maayos na kalagayan ang mga gagamiting gamit pang elektrikal at
gumamit ng personal na kagamitang pangkaligtasan.
D. Wala sa nabanggit

46. Ang mga sumusunod ay kasangkapan at materyales na ginagamit sa gawaing


pang-elektrisidad, maliban sa?
A. Fish wire C. Pliers
B. Pala D. Screwdriver

47. Ito ay ginagamit sa pagbabalat ng wire o kable ng kuryente.


A. Electrician’s knife C. Wire puller
B. Pipe bender D. Wire stripper

48. Bakit kailangang sundin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa


paggawa ng proyekto?
A. Para mabilis na matapos ang proyekto
B. Para masaya ang paggawa ng proyekto
8
C. Para matapos ang proyekto nang maayos, ligtas at iwas sa anumang sakuna
D. Para walang gulo

49. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng proyekto?


A. Alamin ang mga kailangang materyales at mga kagamitang gagamitin.
B. Bigyang halaga ang mga materyales na madaling makita sa pamayanan at mga
kagamitang hindi mahirap hanapin.
C. Gawing simple ngunit maganda ang proyekto.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

50.Ito ay ang nais mong maisakatuparan kung bakit mo ginawa ang


planong proyekto.
A. Kagamitan C. Mga hakbang
B. Layunin D. Pangalan ng proyekto

You might also like