You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
DIAGNOSTIC ASSESSMENT TOOL IN
EPP 5 (Home Economics)

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Anong pamamaraan ng pangangalaga sa kasuotan ang isinasagawa sa mga damit upang matanggal ang
mga dumi, pawis at alikabok na nakakapit dito?
A. pagtutupi
B. paglalaba
C. pagpapaplantsa
D. pagtatanggal ng mantsa
2. Anong pamamaraan ng pangangalaga sa kasuotan ang isinasagawa sa mga damit na may nakakapit na
mantsa?
A. pagtutupi
B. paglalaba
C. pagpapaplantsa
D. pagtatanggal ng mantsa
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng pangangalaga sa kasuotan?
A. pabayaan ang mantsa na dumikit sa damit
B. ihanger ang malilinis na damit panlakad
C. pahanginan ang mga damit na basa ng pawis
D. punasan ang mga uupuang lugar bago umupo
4. Namantsahan ng kalawang ang iyong damit habang ikaw ay naglalaro. Alin sa sumusunod ang mabisang
pang – alis ng kalawang sa damit?
A. kalamansi at asin
B. langis
C. mainit na tubig
D. pulbos
5. Bakit mahalaga ang wastong pangangalaga ng ating kasuotan?
A. upang maging maganda
B. upang maging marami ang damit
C. upang gawing basahan ang mga ito
D. upang mapakinabangan ito sa mahabang panahon
6. Mayroon kayong proyekto sa EPP sa paggawa ng apron. Ano-ano ang mga bahagi ng katawan ang
kailangan mong kuhanan ng sukat?
A. hita, braso, ulo, leeg,
B. balikat, baywang ulo, paa
C. ulo, dibdib, baywang, paa
D. balakang, dibdib, ulo, baywang
7. Ano ang tawag sa bahagi ng makinang panahi na pinaglalagyan ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng
ulo ng makina?
A. cabinet C. needle bar
B. feed dog D. spool pin

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
8.Anong bahagi ng makinang panahi ang pumipigil o umiipit sa tela habang tinatahi?
A. balance wheel C. presser foot
B. belt D. shuttle
9. Anong bahagi ang nasa ibaba ng ikutan ng sinulid sa bobina na nag-aayos ng haba o ikli ng mga tahi?
A. needle bar C. bobbin winder
B. treadle D. stitch regulator
10. Sa paggawa ng malikhaing proyekto gaya ng apron, ano ang huling hakbang sa pagsasagawa nito?
A. Gumawa ng tupi sa gilid ng laylayan.
B. Lagyan ng mga palamuti o kakaibang disenyo upang maging kaakit-akit ang iyong ginawang apron.
C. Tahiin ang bulsa, sukatin nang pantay-pantay ang mga gilid nito at ihilbana bago tahiin sa makina.
D. Piliin ang pinakamahusay na lugar na paglalagyan ng bulsa, iaspile, ihilbana, tahiin sa makina at
tanggalin ang hilbana.
11. Ano ang tawag sa pinakamahalagang bahagi sa paggawa ng proyekto kung saan nakasulat ang binabalak
gawing proyekto?
A. Layunin
B. Hakbang sa paggawa
C. Pangalan ng Proyekto
D. Talaan ng Materyales
12. Saang bahagi ng paggawa ng proyekto makikita ang kumpletong listahan ng mga materyales at halaga sa
pagbuo ng plano?
A. Layunin
B. Hakbang sa paggawa
C. Pangalan ng Proyekto
D. Talaan ng Materyales
13. Ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa pagbuo ng proyekto ay matatagpuan sa anong bahagi ng
plano ng proyekto?
A. Layunin
B. Hakbang sa paggawa
C. Pangalan ng Proyekto
D. Talaan ng Materyales
14. Anong bahagi ng proyekto ang nagsasaad ng dahilan o pakay kung bakit gagawin ang proyekto?
A.Layunin
B.Pangalan ng proyekto
C.Talaan ng Materyales
D.Hakbang sa paggawa
15. Ano-ano ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng padron?
A. gunting, tela, lapis
B. aspile, butones, zipper, gunting
C. tela, karayom, sinulid, gunting
D. gunting, aspile, pattern paper, tracing wheel
16. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan.
A. bitamina C
B. madadahong gulay
C. protina
D. taba
17. Ano ang sustansiyang makukuha sa mga pagkaing tulad ng kanin, tinapay,mais, patatas, at ube na
nagbibigay init ng katawan?
A. bitamina
B. carbohydrates
C. mineral
D. taba at langis

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
18. Alin ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na gagamitin sa pagluluto ng pagkain?
A. meal plan
B. resipi
C. talaan ng paninda
D. talaan ng putahe
19. Pagkatapos mong mag-ehersisyo, ano ang nararapat mong gawin sa mga damit na basa ng pawis upang
hindi ito mangamoy?
A. plantsahin
B. pahanginan
C. ilagay sa labahan
D. tiklupin at ilagay sa cabinet
20.Nais mong panatilihing maayos ang iyong suot na paldang uniporme. Ano ang dapat mong gawin bago
umupo?
A. ibuka ang palda
B. basta nalang umupo
C. ipagpag muna ang palda
D. ayusin ang pleats ng palda
21. Alin sa mga sumusunod na katauhan ang HINDI nagpapamalas ng wastong pangangalaga sa kasuotan?
A. Pinipunasan muna ni Kathryn ang uupuang lugar bago siya umupo.
B. Hinahayaan lamang ni Daniel na nakakalat ang mga hinuhubad niyang damit
C.Si James na pinapahanginan ang mga damit na basa ng pawis pagkatapos niyang maglaro ng
basketball.
D. Bago labhan ang mga damit, tinatahi muna ni Nadine ang mga sira nito tulad ng may tanggal na
butones at tastas.
22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tamang batayan sa
pamamalantsa ng damit?
A. Ihanda ang mga gamit para sa pamamalantsa.
B. Plantsahin lamang ang mga damit na isusuot na.
C. Magplantsa sa lugar na walang maaabala at maliwanag.
D. Ilagay sa tamang temperatura ang control ng plantsa ayon sa uri ng damit na
paplantsahin.
23. Alin sa mga sumusunod na uri ng tela ng damit ang nangangailangan lamang ng
mababang temperatura sa pamamalantsa?
A. cotton B. linen C. seda D. maong
24.Ang wastong pagkain sa tamang oras ay mabuti sa ating pangangatawan, alin sa mga sumusunod ang
pinakamahalagang pagkain sa buong araw?

A. Agahan B. Hapunan C. Miryenda D. Tanghalian


25.Ang mga sumusunod ay pangkat ng pagkain, alin ang wastong pagkain para sa tulad mong kabataan?

A. Karne, gulay, isda at prutas


B. Matatabang karne at matamis na panghimagas
C. Milktea at mga inuming matatamis
D. Tinapay, candy at softdrinks

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Susi sa Pagwawasto

1.B 11.C 21.B

2.D 12.D 22.B

3.A 13.B 23.C

4.A 14.A 24.A

5.D 15.D 25.A

6.D 16.C

7.D 17.B

8.C 18.A

9.C 19.B

10.B 20.D

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like