Professional Documents
Culture Documents
AP 10 Diagnostic Test Ap10
AP 10 Diagnostic Test Ap10
I. Panuto: Piliin ang wastong sagot mula sa pagpipilian. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pamahalaan.
A. Bansa B. Lipunan C. Pamayanan D. Pook
2. Ito ay batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap o hindi.
A. Norms B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D. Simbolo
3. Ano ang dalawang uri ng Kulturang panlipunan?
A. Materyal at Di- material C. Norms at Simbolo
B. Paniniwala at Simbolo D. Mores at Norms
4. Ano ang tawag sa isyung tumutukoy sa krisis at mga institusyon?
A. Isyung Personal C. Isyung Kontemporaryo
B. Isyung Kultural D. Isyung Panlipunan
5. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas?
A. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
B. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
C. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
D. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
6. Alin ang hindi sanhi ng climate change?
A. Matinding Polusyon
B. Labis na paggamit ng enerhiya
C. Pagkamatay ng mga halaman at hayop
D. Paggamit ng mga produkto at mga gawaing nagpaparami sa mga greenhouse gases
7. Ano ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan.
A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran
B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon
C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
D. Lahat ng nabanggit
8. Alin ang hindi masamang epekto ng solid waste?
A. Nagiging sanhi ng pagbaha
B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera
C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito
D. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito
9. Bakit ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na deforestation?
A. Napeperwisyo ang mga kapos sa buhay ng mga illegal na gawain ng tao.
B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan.
C. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers.
D. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng pangangailangan.
10. Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay nagdudulot ng mga sakuna gaya ng heatwave, baha, at tagtuyot. Alin ang
maaaring maging epekto nito?
A. Pagkakaroon ng tinatawag na global warming
B. Pagkakaroon ng marami at malalakas na bagyo
C. Pagdami ng sakit gaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa
D. Pag-iral ng mga pangklimang penomena gaya ng La Nina at El Nino
11. Ano ang implikasyon ng climate change sa pamumuhay ng mga Pilipino?
A. Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa
B. Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain
C. Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad
D. Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa
12. Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
A. Disaster Preparedness C. Disaster Response
B. Disaster Prevention and Mitigation D. Recovery and Facility
13. Alin ang hindi bahagi ng unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
A. Capacity Assessment C. Loss Assessment
B. Hazard Assessment D.Vulnerability Assessment
14. Nagpagawa ang Alkalde ng San Juan ng dike dahil laging umaapaw ang ilog malapit sa mga kabahayan tuwing umuulan ng
malakas. Ang ginawa ng Alkalde ay halimbawa ng ____________.
A. Disaster Prevention C. Non-Structural Mitigation
B. Hazard Assessment D. Structural Mitigation
15. Alin ang sanhi ng mga hamon sa paggawa na nararanasan ng mga manggagawa at empleyado sa iba’t ibang sektor .
16. Si Jun ay isang construction worker. Kamakailan, ay naaksidente siya at nahulog mula sa ikatlong palapag ng gusaling
kanilang itinatayo dahil wala siyang harness o tali sa katawan. Anong pang-aabuso sa mga manggagawa ang ipinapakita
sa pangyayaring ito?
A. Mababang pasahod.
B. Mahabang oras sa paggawa.
C. Kawalan ng sapat na seguridad sa paggawa.
D. Hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado.
17. Halos mapudpod na ang sapatos ni Armando sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi pa rin siya natatanggap. Maraming
job fair ang kanyang pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit ito nangyari kay Armando?
21. Sa mahabang panahon ng pamamasukan ng iyong ama sa isang pabrika, kailanman man ay hindi siya nabigyan ng
pagkakataon na maging regular sa kanyang trabaho. Sa sitwasyong ito, paano ka mas higit na makatutulong sa iyong
pamilya para makaraos sa kahirapan? Ano ang gagawin para makatulong ka sa pamilya.
27. Sa wikang Filipino ang salitang ay ginagamit upang bigyan ng kahulugan ang sex at
gender.
A. Kasarian C. Estado sa buhay
B. Edad D. Wala sa mga nabanggit
28. Ang ibig sabihin ng akronim na SOGI ay
A. Sexual Orientation and Gender Inequality
B. Sexual Order and Gender Identity
C. Sexual Orientation and Gender Innovations
D. Sexual Orientation and Gender Identity
29. Ito ay panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. Sex B. Age C. Gender D. Status
30. Sila ay mga babaeng ang kilos at damdamin ay panlalaki.
A. Lesbian B. Asexual C. Transgender D. Gay
31. Ano ang tawag sa tao na kung saan ang pag-iisip, kilos at pag-uugali ay taliwas sa kaniyang natural na
kasarian. Halimbawa ang isang babae na ay maaring mag-isip, kumilos at magbihis bilang isang lalaki or
vice versa.
A. Gay B. Transgender C. Lesbian D. Bisexual
32. Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
A. Sex B. Status C. Gender Identity D. Relationship
33. Ang pagkakaroon ng mga katangian o hitsura ayon sa kaugalian na nauugnay sa mga kababaihan,
na nagtataglay ng mga katangian ng kayumian, pagkabanayad, kalumyasan, empatiya, at
sensitibidad.
A. Feminine B. Lesbian C. Gay D. Bisexual
34. Ito ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho.
A. Orentasyong sekswal c. LGBT
B. Gender d. Homosexual
35. Layunin ng batas na ito na tugunan ang laganap na pang-aabuso sa kababaihan ng kanilang mga intimate
partners, kabilang ang dati o kasalukuyang asawa, live-in partner o boyfriend.
A. Anti-Bullying Act of 2012
B. Republic Act 10911 Anti-Age Discrimination in Employment Act
C. Republic Act 9262“Anti-Violence Against Women and their Children”
D. Republic Act No. 7192"Women in Development and Nation-Building Act"
36. Ang sumusunod ay maaaring maging biktima ng Violence Against Women and their Children o VAWC
maliban sa isa.
A. Asawang babae C. Mga anak na babae
B. Asawang lalaki D. Mga anak na lalaki
37. Si Darwin ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtrabaho sa ibang bansa upang matustusan nito
ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Ngunit, pagkalipas ng isang taon ay hindi na ito nagpadala
ng pera sa kaniyang pamilya. Anong Act of Violence Against Women and their Children ang nilabag ni
Darwin?
A. Pinansiyal B. Pisikal C. Sikolohikal D. Seksuwal
38. Si Juan ay isang negosyante na nagkaroon ng anak sa kaniyang live-in partner na isang mahirap lamang.
Nagpasya siyang ilayo ang kanilang anak sapagkat naniniwala siya na hindi kayang buhayin ng kaniyang
live-in partner ang bata. Anong Act of Violence Against Women and their Children ang nilabag ni Juan?
A. Pinansiyal B. Pisikal C. Sekolohikal D. Sekswal
39. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan
at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.
A. Marginalized Women
B. Women in Especially Difficult Circumstances.
C. Women and their Children
D. Women with disabilities
40. Noong panahon ni Haring Cyrus pinalaya ang mga alipin at ipinahayag na malaya na silang pumili ng
relihiyon at magiging pantay na ang lahat ng lahi. Anong dokumento ito?
A. Human Rights Declaration C. Human Rights Commission
B. World’s first charter of Human Rights D. Univerasal Declaration of Human Rights
41. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang
mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasiya sa mga proyektong dapat isagawa sa
kanilang komunidad.
49. Ang lokal na pamahalaan ay nagpatupad ng mga programang mas nagpalakas sa mekanismo ng
participatory governance sa lungsod ng Naga. Ang isa rito ay ang productivity improvement program.
Ano ang layunin nito?
A. nag-aayos sa benepisyong nakukuha ng mga kawani sa lokal na pamahalaan.
B. upang maalis ang patronage system o padrino.
C. mas mapaayos ang serbisyong kanilang ibibigay sa mamamayan ng Naga.
D. Isang gabay na aklat na nagbibigay-impormasyon sa mamamayan tungkol sa serbisyong
pinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.
50. Kinikilala ang napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala. Alin dito ang magpapatunay dito?
A.Tama ang pahayag dahil kung walang mamamayan, walang pamahalaan.
B. Mali dahil nakakaya ng pamahalaan ang pamamahala sa bansa na mag-isa.
C. Tama dahil ang tagumpay ng isang programa o proyekto ay responsibilidad ng mamamayan at
pamahalaan.
D. Mali dahil mamamayan lamang ang dapat na gumawa at magpatupad sa programa ng
pamahalaan.
1. B
2. B
3. A
4. D
5. C
6. C
7. D
8. D
9. D
10. C
11. B
12. B
13. C
14. D
15. D
16. C
17. D
18. C
19. C
20. C
21. C
22. A
23. C
24. A
25. D
26. A
27. C
28. D
29. C
30. B
31. C
32. C
33. A
34. A
35. C
36. B
37. A
38. C
39. B
40. B
41. B
42. C
43. D
44. C
45. B
46. B
47. C
48. A
49. A
50. C