You are on page 1of 3

Pangalan at Seksyon : _______________________________________________ Petsa: _______________

Unang Pang – Yunit na Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9


I. Maramihang Pagpili: Bilugan ang titik ng tamang kasagutan:

1. Ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman ngunit nakakaranas ito kakapusan sa mga pinagkukunang-
yaman.Upang malutas ito, ano ang magandang solusyon na maari mong maiambag?
A. wastong pag-uugali ng tao C. paggamit ng angkop na teknolohiya
B. magandandang likas na yaman D.wastong paggamit at pangangalaga ng likas na yaman
2. Nagbabago ang kagustuhan ng isang bata habang ito ay lumalaki sapagkat _________________.
A. nagbabago ang kagustuhan ng tao C. nagbabago ang kapaligirang panlipunan
B. nagbabago ang kagustuhang ekonomiks D. nagbabago ang pangangailangan ng tao
3. Bilang isang mag-aaral , paano ka makakatulong para mapangalagaan ang kalikasan?
A. magtinda ng mga binhi ng punong-kahoy upang may maitanim sa bakuran.
B. sumama sa environmental rally ukol sa pangangalaga sa kalikasan.
C. matutong isagawa ang 3 R’s (reduce, reuse, recycle)
D. bakuran mo , linis mo
4. Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal na pagdedesisyon.
B. Tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
sa kabila ng suliraning dulot ng kakapusan.
C. Isang masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanyang
kinakaharap.
D. Ito ay ang pag-aaral ng tao at lipunan kung papaano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
5. Maaaring umiral ang kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang-likas, yamang-tao at yamang-
kapital.Ano ang dahilan ng kakapusan sa mga ito?
A. Dahil may limitasyon ang maraming pinagkukunang-yaman at walang katapusan sa mga ito.
B. Dahil sa malalakas na bagyo at iba pang kalamidad na sumisira sa mga likas na yaman.
C. Dahil sa hoarding o pagtatago ng produktong ibinibenta sa pamilihan upang mapataas ang presyo ng
produkto.
D. Dahilan sa kawalan ng disiplina ng mga tao.
6.Ito ay isang salik na nagsasabi na ang pangangailangan ng mga bata ay iba sa pangangailangan ng mga
matatanda.
A. panlasa C. edad
B. katayuan sa lipunan D. antas ng edukasyon
7. Noong una ang bata ay naghahangad ng laruan, nang lumaki, mga magagandang damit, alahas at sasakyan
naman dahil sa __________?
A. nagbabago ang kagustuhan ng tao C. nagbabago ang kagustuhan sa Ekonomiks
B. nagbabago ang kapaligirang panlipunan D. nagbabago ang pangangailangan ng tao
8. Ang pagkakaroon o paghahangad ng IPhone6 at Samsung Galaxy S6edge ay maituturing na __________
A. pangangailangan C. kagustuhan
B. gusto at kailangan D.. lahat ng nabanggit
9. Kung patuloy na lumalaki ang populasyon sa isang lugar maaari itong magdulot ng kakapusan sa
pinagkukunang-yaman.Alin sa mga ss. ang maaring bunga ng suliraning ito?
A. Malawakang kahirapan C. pagkakasakit ng mamamayan
B. Pag aaway-away at kompetisyon D. lahat ng nabanggit
10. Nakapagtapos ng kursong nursing si Clara noong nakaraang taon. Bilang isang membro ng lakas-paggawa,
ninanais niyang makapasok sa isang white-collar-job.Saan maaring mag-apply ng trabaho si Clara?
A.Sa isang Call Center
B.Sa isang kantina ng kanyang ina bilang serbidora
C.Sa isang kilalang hospital sa kanilang lugar.
D.Sa isang eskwelahan upang makapag-turo
11. Ang kakapusan ay maaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa sumusunod ang hindi
nagpapakita ng suliraning ito?
A. Maari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga mamimili na bumili
ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
C. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño at La Niña.
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
12. Pagkatapos maghugas ng plato ni Lany, ginamit niya ang pinagbanlawang tubig upang linisin ang kanilang
lababo .Dahil dito, masasabi natin na si Lany ay mapanagutan sa kanyang pagkonsumo dahil
siya ay mayroong ________________ ?
A. Pagkakaisa C. pagmamalasakit sa kapaligiran
B. Mapanuring kamalayan D. pagmamalasakit na panlipunan
13. Bakit karapatan ng mga mamimimili ang magkaroon ng isang malinis na kapaligiran?
A. Upang mapangalagaan ang kalusugan.
B. Upang mabayaran ang kapinsalaan na nagbuhat sa produktong binili.
C. May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang na gawain
D.May karapatang mapakinggan ang saloobin
14. Ano ang pinakamabisang magagawa mo bilang isang mag-aaral para maingatan ang ating likas na yaman?
A. gumawa ng poster at slogan tungkol sa pangangalaga sa ating kapaligiran.
B. magsagawa ng seminar ukol sa pangangalaga sa kalikasan.
C. mag organisa ng campaign rally upang mapangalagaan ang kalikasan
D. magsimulang linisan ang sariling bakuran at magsagawa ng 3 R’s
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang-araw-araw na
pamumuhay?
A. Ang produksyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-araw-araw.
B. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho
C. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito
Masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.
D. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto
at serbisyo.
16. Bakit karapatan ng mga mamimimili ang magkaroon ng isang malinis na kapaligiran?
A. Upang mapangalagaan ang kalusugan.
B. Upang mabayaran ang kapinsalaan na nagbuhat sa produktong binili.
C. May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang na gawain
D. May karapatang mapakinggan ang saloobin.
17. Alin sa mga sumusunod ang maaring maganap kung uunahin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan?
A. Maayos na pagbabadyet
B. di naisasakatuparan ang mga layunin
C. pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
D. malulutas ang suliranin sa kakapusan.
18. Isang Amerikanong Sikolohista si Abraham Maslow na kilala sa modelo ng Herarkiya ng Pangangailangan.
Batay rito, isaayos ang ss. na pangangailangan mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na antas.

1. pangangailangang pisyolohikal
2. pagkamit ng respeto sa sarili at sa ibang tao
3. seguridad at kaligtasan
4. kaganapang pagkatao
5. pangangailangang panlipunan

A. 1, 2 , 3 , 4, 5 C. 1, 3, 5 , 2, 4
B. 5, 4, 3 , 2, 1 D. 2, 4, 1, 3, 5
19.Alin sa sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang konsepto ng
kakapusan?
A. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao sa harap ng kakapusan.
B. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kanyang rasyonal na pagdedesisyon
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan ng kanyang kinakaharap.
20. Dalawang magkaibang konsepto ang kagustuhan at pangangailangan.Masasabing kagustuhan ang isang
produkto o serbisyo kapag higit ito sa batayang pangangailangan.Kailan maituturing na batayang
pangangailangan ang isang produkto o serbisyo?
A. Kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay ng tao.
B. Kapag hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito.
C. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito.
D. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging madali ang mahirap na Gawain.
21. Paano nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan ang antas ng edukasyon?
A. Mas mapanuri sa pangangailangan at kagustuhan
B. Mas pinipili ang mga produktong nakakatulong na mapanatili ang malusog na pangangatawan.
C. Mas pinapahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
D. Palagiang gumagamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
22. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na pumili ng sistemang pang-ekonomiya na paiiralin sa ating bansa, ano
ang pipiliin mo at bakit?
A. Mixed Economy sapagkat may malayang kalakalan na ginagabayan ng batas ng pamahalaan.
B. Command Economy sapagkat ang kayamanan ay para sa pamahalaan lamang
C. Tradisyunal na Ekonomiya sapagkat gumagawa ng produkto at serbisyo ayon sa pangangailangan ng
nasasakupan lamang.
D. Market Economy sapagkat depende ang gagawing produkto at serbisyo sa presyo.
23. Na promote sa trabaho ang iyong kaibigan at bumili siya ng bagong sasakyan upang may magamit sa
paghahanap- buhay. Ano ang mararamdaman mo para sa iyong kaibigan?
A. labis na matutuwa C. mababagot
B. maiinggit D. magkakaroon ng motibasyon na pagtrabahong mabuti
24. Kung ikaw ay bibili ng isang produkto , alin sa mga sumusunod ang titignan mo?
A. magbibigay kaligayahan sa iyo C. presyo , kalidad at timbang
B. makakasira sa kalikasan D. brand ng produkto
25. Kung ikaw ay isang negosyante, paano mo pauunlarin ang iyong negosyo?
A. may kakayahang malunasan ang mga suliranin sa isang malikhaing paraan.
B. alisin sa trabaho ang mga mangagawang di – produktibo
C. magkaloob ng bonus sa mga manggagawang mahusay sa pagtatrabaho.
D. huwag papaapekto sa mga kalaban sa negosyo
26. Alin ang katangian ng isang Partnership na isang uri ng pagnenegosyo ?
A. Pinakamaraming bilang ng nagmamay-ari
B. Pinapangasiwaan ng pantay-pantay ang isang negosyo
C. Sa proprietor lamang ang kita
D Hinahati sa mga membro ang dividend.
27. Paano makakatulong ang business plan sa pagsisimula ng isang negosyo?
A. Para maipatupad ang hangarin at misyon ng pagnenegosyo
B. Para malaman ang ugnayan ng presyo sa supply at demand ng mga produkto at serbisyo
C. Para malaman ang karapatan ng mga prodyuser at konsyumer
D. Para mabalangkas ang kalipunan ng mga batas sa pakikipagkalakan.
28. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan?
A. Kapag ang isang kagustuhan ay nakakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang indibidwal.
B. Kapag ito ay nagdudulot lamang ng kasiyahan sa isang indibidwal.
C. Kapag ang kagustuhan ay sanhi ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman
D. Kapag ang kagustuhan ay isa sa mga sanhi ng pagkasira ng kalikasan.
29.Ito ang nilalaman ng “Herarkiya ng Pangangailangan” ni Abraham Harold Maslow.
A. Ang unang pangangailangan ng tao upang mabuhay ay ang Pangangailangang Pisyolohikal.
B. Ang tao ay nangangailangan ng seguridad at kaligtasan upang mabuhay.
C. Ang tao habang napupunan ng tao ang kaniyang batayang pangangailangan, umuusbong ang mas mataas
na antas ng pangangailangan
D. Ang tao kapag naabot ang kaganapang pagkatao maalis ang kanyang kalungkutan at depresyon.
30.Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?
A. Kapag bumibili ng labis labis sa mga pangangailangan upang matiyak na hindi siya mauubusan.
B. Kapag gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
C. Kapag bumibili ng segunda mano upang makamura at makatipid.
D. Kapag sumusunod sa badyet at sinusuri ang sangkap, presyo at timbang ng produktong binibili.
31. Kung ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral , paano ka dapat na gumawa ng desisyon?
A. Isinasaalang – alang ang relihiyon, paniniwala mithiin at tradisyon
B. Isinasaalang – alang ang mga hilig at kagustuhan.
C. Isinasaalang – alang ang trade –off at opportunity cost sa pagdedesisyon.
D. Isinasaalang – alang ang mga dinadaluhang okasyon
32. Kung ikaw ay kabilang sa Tradisyunal na Ekonomiya, alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng gampanin
ng kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano.
B. Gumagawa ng mga produkto batay sa kultura at tradisyon.
C. Umiikot lamang ang pangangailangan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao.
D. Ang anumang produkto na malilikha ay ipapamahagi sa mga higit na nangangailangan.
33 . Umiiral sa iba’t ibang panig ng daigdig ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya upang maipamahagi ng
husto ang pinagkukunang-yaman.Isa sa sistemang ito ay ang Mixed Economy na may katangian na ______?
A. Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol o regulasyon ng pamahalaan.
B. May malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan ang ilang
gawaing pangkabuhayan.
C. Kumikilos ang prodyuser at konsyumer alinsunod sa pansariling interes.
D. Nililikha ang pangangailangan ayon sa katuruan ng matatanda sa pangkat.
34. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
A. Magtapos ng pag-aaral at tuparin ang pangarap.
B. Humingi ng resibo sa lahat ng produkto at serbisyong binibili lalo na ang gawang Pilipinas
C. Magtrabaho at maging aktibong parte ng lakas-paggawa ng bansa
D. Maging praktikal, mapanuri sa pagkonsumo at isabuhay ang ideyang “Think Global, Act Local.”
35.Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost.Ang trade-off ay ang pagpili o
pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.Bakit may nagaganap na trade-off at
opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao.
B. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
C. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
D. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan.

You might also like