You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO CITY
BO. OBRERO NATIONAL HIGH SCHOOL
Dama de Noche St., Lapuz, Iloilo City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________________


MARAMIHANG PAGPILI

PANUTO: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang, piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na paglalarawan ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot sa mga hinaharap na mga suliraning
pangkabuhayan.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan
at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

2. Piliin ang pahayag na nagsasaad ng layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan.
A. Ang paglalaan ng pamahalaan ng malaking pondo sa edukasyong technical-vocational ng mga
kabataan ay siyang susi sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa hinaharap.
B. Gamit ang siyentipikong pamamaraan mabisang matutugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng
mga indibidwal sa lipunan sa kabila ng kakapusan sa pinagkukunang yaman.
C. Magdudulot ng positibong pagbabago sa kalagayang sosyo-ekonomiko ng mga mamamayan ang
pagpapatayo ng mga imprastruktura tulad ng tulay, daan, at paliparan.
D. Maisasakatuparan ang pagtuklas ng mga makabagong gamot at pagsulong medikal na
makapagpapahaba sa buhay ng mga tao

3. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks MALIBAN sa


A. Nakakatulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.
B. Napapadali ang pag-unawa sa mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping
pang-ekonomiko ng bansa.
C. Nakapagbibigay ng di-makatwirang opinyon tungkol sa paggawa ng mahahalagang desisyong
pampamilya.
D. Napapadali ang pag-unawa ng mga batas at programang ipinapatupad ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

4. Sa papaanong paraan mas naipapakita ng isang matalinong tao ang paggawa ng tamang desisyon?
A. Kapag ang desisyon ay nakabatay sa hilig at kagustuhan
B. Kapag isinaalang-alang ang sasabihin ng ibang tao
C. Kapag nakabatay sa magiging bunga o resulta ang gagawing desisyon
D. Kapag pinagtutuunan ng pansin ang tradisyon at kaugalian

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kakapusan?


A. Pansamantalang pagkukulang sa supply.
B. Pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang-yaman.
C. Temporaryong pagkawala ng produkto sa pamilihan.
D. Lahat ay tama
6. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na nagsisikap na mapalawak ang kakayahan ng tao sa
pagbuo
ng matalinong desisyon. Alin sa mga sumusunod ang pinag- aaralan sa ekonomiks?
A. Kung paano maging mayaman
B. Kung ano ang obligasyon ng pangulo upang maging maunlad ang ating bansa
C. Matukoy ang dahilan kung bakit mas maraming Pilipino ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa
D. Kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang yaman.
7. Alin ang HINDI palatandaan ng kakapusan?
A. Mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin
B. Walang mabiling mga produkto
C. Laganap ang gutom
D. Kaunti ang ina-angkat na produkto

8. Bilang isang mamamayan ng ating bansa, bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman ukol sa
kakapusan?
A. Upang marami tayong magamit na materyales sa paggawa ng mga produkto.
B. Upang tayo ay magkaroon ng matalinong desisyon sa episyente at tamang paggamit ng ating
pinagkukunang-yaman.
C. Upang patuloy na isawalang bahala ang ating mga likas na yaman.
D. Lahat ay tama

9. Alin sa mga sumusunod na paraan ang HINDI nagpapakita ng matalinong pamamahala ng kakapusan?
A. Angkop at makabagong teknolohiya na gagamitin para sa mapataas ang produksyon.
B. Pagsasanay para sa mga manggagawa
C. Hindi pagpapatupad ng tamang patakaran para maproteksyunan ang mga pinagkukunang-yaman
D. Pagkakaroon ng kaunlarang institusyonal at pampamayanan

10. Nagkaroon ng malawakang konserbasyong pangkapaligiran ang ating bansa na may layong
mapamahalaan ang kakapusan. Kung susuriin, alin sa mga sumusunod na hakbang ang HINDI
nakakatulong upang mapamahalaan ang kakapusan?
A. Pagpapasara ng mga piling lugar na may malubhang kondisyon ng ecological imbalance.
B. Pagbabawal ng paggamit ng mga kemikal na nagdudulot ng polusyon.
C. Pagprotekta sa mga endangered species.
D. Naging malawakan ang gawaing poaching ng mga hayop upang gawin itong household pet.

11. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa tamang pamamahala ng ating pinagkukunang
yaman?
A. Mag-organisa at makilahok sa mga gawaing pangkalikasan tulad ng tree planting at clean-up drive.
B. Makibahagi sa ibat-bang uri ng bandalismo tulad ng pagsusulat ng graffiti sa mga pader at punong
kahoy.
C. Suporatahan ang mga taong nangunguha ng mga exotic na hayop.
D. Lahat ay tama

12. Magdudulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan ang hindi maayos na pamamahala ng kakapusan. Alin
sa
mga sumusunod ang HINDI epekto ng kakapusan?
A. Maaaring magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakakaranas nito.
B. Napapataas nito ang pagkakataong kumita ng malaki ang mga negosyante.
C. Pagbabago ng klima na nagdudulot ng malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño at La
Niña.
D. Tumataas ang presyo ng mga bilihin dahilan upang mabawasan ang kakayahan ng mga konsyumer na
bumili ng iba’t-ibang produkto at serbisyo.
13. Mahalagang mapamahalaan nang maayos ang kinakaharap na kakapusan upang mabisa nating
matugunan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan. Ang mga sumusunod ay maaaring gawin
upang
mapamahalaan ng maayos ang kakapusan MALIBAN sa ____________
A. Pagkaroon ng angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon
B. Walang pakundangang paggamit ng mga hilaw na sangkap na mula sa yamang-likas.
C. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga patakaran na nagbibigay proteksiyon sa mga likas na yaman.
D Pagsanay sa mga manggagawa upang mapataas ang kanilang kapasidad sa paglikha ng produkto at
serbisyo.

14. Nag desisyon ang mga magsasaka ng San Andres na ipagpaliban muna ang pagtatanim ng palay at sa
halip magtanim na lamang ng mais habang hindi pa natatapos ang mahabang tag-init. Alin sa mga
katanungang pang-ekonomiya ang isinalang-alang ng mga magsasaka ng San Andres?
A. Ano ang gagawain?
B. Paano gagawin?
C. Para kanino?
D. Gaano karami?

15. Ang pangangailangan ay tumutukoy sa mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat ito ang
bumubuhay sa kanya at mahalaga rin ito upang maipagpatuloy niya ang kanyang gawain sa pang-
araw-
araw. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa “Pangangailangan” ng tao?
A. Bahay
B. Damit
C. Alahas
D. Pagkain

16. Ano ang maaring mangyayari kung ang mga tao ay magkakaroon ng mas mataas pagpapahalaga sa
kanilang mga kagustuhan at pababayaan ang kanilang mga pangangailangan?
A. Maraming tao ang magiging masaya dahil nakamit nila ang kanilang kagustuhan.
B. Maraming tao ang makakaranas ng masaganang pamumuhay
C. Maraming tao ang maghihirap at magkakasakit na posibleng magdulot ng kamatayan
D. Maraming tao ang magiging marangal ang buhay.

17. Isa kang matalinong mag-aaral sa ekonomiks. Natutunan mo ang pagkakaiba ng pangangailangan
kaysa
sa kagustuhan. Natutunan mo ring pahalagahan ang iyong pangangailangan at inuuna ito kaysa sa
iyong
kagustuhan. Bilang isang estudyante, paano ka makakatulong sa iyong pamilya gamit ang mga
kaalamang
iyong natutunan?
A. Paghingi ng dagdag na baon upang mabili ang iyong mga pangangailangan.
B. Makilahok sa pagpaplano ng mga gastusin o pagbabadyet ng iyong pamilya na binibigyang prayoridad
ang mga pangangailangan.
C. Unahin ang mga personal na pangangailangan mo kaysa sa pangangailangan ng kapatid mo.
D. Manahimik at obsebahan ang paggawa ng desisyon ng magulang tungkol sa pangangailangan ng
pamilya.

18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo tungkol sa pangangailangan?


A. Hindi mabubuhay ang tao kung hindi matutugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
B. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga tao.
C. Magkaiba ang mga pangangailangan ng bawat tao.
D. Pare pareho ang mga pangangailangnan at kagustuhan ng mga tao.
19. May mga pagkakataon na ang ating kagustuhan ay nagiging pangangailangan. Alin sa mga sumunod
na
sitwasyon ang HINDI sang-ayon sa nasabing pahayag?
A. Kapag ginagamit na ito upang mapanatili ang buhay.
B. Kapag araw-araw na itong ginagamit.
C. Kapag nagdudulot na ito ng kasiyahan.
D. Kapag naging parte na ito ng ating pamumuhay.
20. Siya ang nagpanukala ng “Teorya ng Pangangailangan.”
A. Abraham Maslow
B. Abraham Lincoln
C. Jospeh Maslow
D. Adam Smith

21. Piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng pangangailangan ng tao ayon sa “Teorya ng


Pangangailangan”
ni Maslow, mula sa mabababg antas hanggang sa pataas na antas.
A. Kaganapang Pantao, Pagkamit ng Respeto, Pangangailangang Panlipunan, Seguridad at kaligtasan,
Pisyolohikal
B. Pangangailangang Panlipunan, Pisyolohikal, Seguridad at kaligtasan, Kaganapang Pagkatao, Pagkamit
ng Respeto
C. Pisyolohikal, Pagkamit ng Respeto, Kaganapang Pagkatao, Seguridad at kaligtasan, Kaganapang
Pagkatao
D. Pisyolohikal, Seguridad at kaligtasan, Pangangailangang Panlipunan, Pagkamit ng Respeto,
Kaganapang Pagkatao

22. Ipagpalagay na dahil sa pandemya, ang iyong ama ay nawalan ng trabaho at naging dahilan upang
hindi matugunan ang ibang pangangailangan ng inyong pamilya. Bilang isang anak at kasapi ng pamilya,
ano ang maaari mong gawin para makatulong sa iyong pamilya?
A. Tipirin ang iyong allowance upang magkasya sa buong linggo
B. Maglalakad na lang papunta at pabalik ng paaralan
C. Iwasang bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

23. Kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ang pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan
at tirahan. Kapag hindi matugunan ang mga pangangailangan kagaya nito ay maaaring magdulot ng sakit
o humantong sa pagkamatay.
Sa anong antas ng Teorya ng Pangangailangan nabibilang ang pahayag sa itaas?
A. Seguridad at Kaligtasan
B. Pisyolohikal
C. Pangangailangang Panlipunan
D. Kaganapan sa Pagkatao

24. Bakit kailangang punan ang pisyolohikal na pangangailangan ng isang indibidwal?


A. Upang makamit ang kaganapan ng pagkatao.
B. Upang mabuhay at nakatuon ito sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan.
C. Upang magkakaroon ng tiwala sa sarili
D. Upang magkakaroon ng seguridad at kaligtasan.

25. Ayon sa Teorya ni Maslow, habang patuloy na napupunan ng tao ang kaniyang batayang
pangangailangan, umuusbong ang mas mataas na antas ng pangangailangan (higher needs). Alin sa mga
sumusunod ang pinakamataas na antas na makakamit ng isang tao?
A. Kapag napunan ang lahat ng antas ng pangangailangan.
B. Kapag nakamit na ng isang indibidwal ang antas sa kaganapan ng pagkatao.
C. Kapag ang isang indibidwal ay nakaranas na ng pangangailangang panlipunan.
D. Kapag ang bawat indibidwal ay natugunan ang pangangailangang pisyolohikal.
26. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan ng isang
tao?
A. Edad
B. Trabaho
C. Lupa
D. Paggawa

27. Paano nakakaapekto ang kita sa pagkonsumo ng isang indibidwal sa kanyang pangangailangan at
kagustuhan?
A. Malaki ang kinokunsumo, kapag malaki ang kita.
B. Mas maliit ang kinukonsumo kapag mataas ang kita.
C. Mas maliit ang kinukonsumo kapag marami ang miyembro ng pamilya ang may trabaho.
D. Mas malaki ang kinukonsumo kapag mababa ang kita.

28. Ito ay ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo.


A. Ekonomiks
B. Alokasyon
C. Budget
D. Tax

29. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga na matutunan mo sa paraalan ang mekanismo ng alokasyon?
A. Makakatulong ito sa pagpundar ng sariling Negosyo.
B. Makakatulong ito upang mawala ang kakapusan.
C. Ito ay makakatulong sa iyo kung papaano mo mapagkakasya ang iyong baon sa araw-araw.
D. Magiging isa kang napakagaling na tao sa hinaharap.

30. Noong pandemya, nawalan ng trabaho si Marco dahil nasama siya sa mga na lay off na empleyado. Sa
kabutihang palad, may natanggap siya na ayuda mula sa pamahalaan na nagkakahalaga ng sampung
libong piso. Umuwi si Marco dala ang pera sa kanilang lugar sa bukid. Kung ikaw si Marco, paano mo
gagamitin ang pera mo upang patuloy na mayroon kang pagkakakitaan?
A. Maging maingat at matalino sa pamamahala ng pera si Marco. Sa proseso ng pagtatatag ng negosyo ay
dapat magiging gabay niya ang apat na pangunahing katanungang pag – ekonomiko.
B. Gagamitin niya ang pera upang ipaayos ang sirang bahay nila.
C. Bibili siya ng suplay na pagkain nila na kakasya sa dalawang buwan upang makaiwas sa panic buying.
D. Itatago ni Marco sa bangko ang pera niya na may tubong dalawang porsyento kada taon.

31. Ang tribong Maasai na mula sa Africa ay dating umaasa sa kanilang mga baka sa pagtugon sa lahat ng
kanilang pangunahing pangangailangan: pagkain, damit, at tirahan. Ang kanilang tradisyonal na diyeta
ay
lubos na umaasa sa gatas at mga produkto ng pagawaan ng gatas, walang taba na karne ng baka at
iba
pang karne, taba ng baka, at dugo, kung saan sila umaasa sa kanilang paggamit ng asin. Batay sa
pahayag, anong sistemang pang-ekonomiya mayroon ang nasabing tribu?
A. Mixed Economy
B. Tradisyunal na Ekonomiya
C. Market Economy
D. Command Economy
32. Si Ellen ay isang Grade 9 student na nag-aaral sa isang malaking public school sa Lungsod ng Iloilo.
Binigyan siya ng kanyang ina ng P100 na baon at kailangan niya itong pagkasyahin sa loob ng isang
araw. Kung ikaw si Ellen, paano mo hahatiin ang pera at saan mo ito gagamitin? Gamitin ang tsart sa
ibaba sa pagbudget ng P100.

Produkto/Serbisyo Halaga
Pamasahe 20
Siopao 30
Tubig 15
Load 35
Hotsilog 25
Kanin 10
Ulam 50
Siomai 25

A. pamasahe, kanin, hotsilog, tubig at siopao


B. pamasahe, kanin, ulam, tubig at siomai
C. load, siopao, tubig at hotsilog
D. siomai, siopao, kanin, ulam at tubig

33. Ito ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng
produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-
ekonomiko ng isang lipunan.
A. Alokasyon
B. Pagkonsumo
C. Sistemang Pang-ekonomiya
D. Tradisyunal na Ekonomiya

34. Kung ikaw ay nakatira sa North Korea, paano mo masasabi na ang sistemang pang – ekonomiya ng
iyong bansa ay Command Economy?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng pamahalaan.
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at nililinang ang lahat ng pinagkukunang-yaman.
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa ilang gawain.

35. Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at
command economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng
malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol
ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Batay sa pakahulugan, alin sa mga sumusunod na bansa
ang masasabing may uring mixed economy?
A. Cuba
B. North Korea
C. Russia
D. China
36. Alin sa sumusunod na pahayag ang may katotohanan batay sa talahanayan?

A. Malaking bahagi ng gastos sa pagkonsumo ng sambahayan ay nagmumula sa edukasyon.


B. Nagpakita ng pagbaba sa kabuuang gastos sa pagkonsumo sa pagitan ng taong 2012-2013.
C. Pinakamababa ang gastos sa pagkonsumo ng sambahayan sa komunikasyon.
D. Nagpakita ng pagtaas sa kabuuang gastos sa pagkonsumo sa pagitan ng taong 2012-2013

37. Kung ikaw ay isang entrepreneur, ano sa palagay mo ang pinakamainam na paraan upang mapataas mo
ang
pagkonsumo at demand sa produkto o serbisyong iyong ipinagbibili?
A. I-angkop ang presyo ng kalakal sa inaasahang market
B. Kumuha ng sikat na tao para mag endorso ng iyong produkto.
C. Magtinda ng mga napapanahong produkto o serbisyo.
D. Lahat ay tama

38. Sa tuwing magpapasko, bumibili ng pandekorasyon si Lito tulad ng Christmas lights. Sa paanong
paraan
nasisiguro ni Lito na ligtas ang produktong kaniyang bibilhin?
A. Bibili siya ng murang Christmas lights.
B. Bibili siya ng produktong may tatak na ICC.
C. O-order siya ng Christmas lights sa online store
D. Gagamitin niya ang mga lumang Christmas lights nila.

39. Bumili si Jessa ng apat na cellphone case sa online store. Nang ma i-deliver na sa kaniya ang produkto
nakita niyang sira ang isang cellphone case. Dahil sa nangyari tinawagan niya ang seller at inereklamo
ang
sirang produkto. Matapos mapakinggan magalang na nag refund ang seller sa kaniya. Anong karapatan
ng mamimili ang inilarawan sa sitwasyon?
A. Karapatan sa kaligtasan
B. Karapatan sa patalastasan
C. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan.
D. Karapatang pumili

40. Bakit mahalaga ang produksiyon sa pang araw –araw na pamumuhay?


A. Ang produksiyon ang nagbibigay daan upang matugunan ang demand sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao.
B. Sa pamamagitan ng produksiyon nalilinang ang kakayahan at inobasyon ng mga entrepreneur.
C. Ang mga salik ng produksyon ay ginagamit at napapakinabangan upang maging produktibo.
D. Lahat ay tama
41. Ito ay salik ng produksyion na tumutukoy sa mga makinarya o kasangkapang gagamitin ng mga
manggagawa.
A. Entrepreneurship
B. Kapital
C. Lupa
D. Paggawa

42. Dumadaan sa proseso ang paglikha ng mga produkto, kaya may mga salik na ginagamit upang
isagawa
ang produksyon. Ang lupa ay isa sa mga salik ng produksiyon at mahalaga ito. Alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng kahalagahan ng lupa?
A. Pinatatayuan ito ng mga pagawaan, tulay at mga daan at pinagkukunan ito ng mga likas na yaman
kagaya ng tubig, mineral at gubat.
B. Nagbibigay ito ng produkto at serbisyo sa ekonomiya ng bansa.
C. Ang kita o upa mula rito ay nagbibigay kapital sa lakas paggawa na nagbibigay trabaho sa mga
entrepreneur.
D. Makukuha mula rito ang interes na ginagamit para maging panustos sa mga gastusin sa ating
ekonomiya.

43. Piliin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga larawan sa proseso ng pagbuo ng upuan. 

1 2 3 4

A. 1234 C. 2431
B. 2143 D. 4231

44. Bakit itinuturing ang korporasyon na isang masalimuot na organisasyon?


A. Dahil nagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga mamamayan sa pamamagitan ng maliliit na negosyo na
matatagpuan sa mga pamayanan.
B. Dahil binubuo ito ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong paghatian ang
mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng negosyo.
C. Dahil ang pangunahing layunin nito ay makabili at makabigay ng mga produkto at serbisyo sa mga
kasapi nito sa pinakamababang halaga.
D. Dahil ito ay kadalasang may pinakamalaking bahagdan ng pagmamay-ari sa isang negosyo at may legal
na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga taong nagmamay-ari o kumukontrol dito

45. Paano pinamamahalaan ang isang kooperatiba?


A. Pinamamahalaan ng isang may-ari at siya ang may kabuuang kapangyarihan at responsibilidad sa
negosyo.
B. May mga kasaping kabahagi sa pagtatatag at pamamahala sa negosyo na handang magtulong-tulong
sa ikatatagumpay ng kanilang samahan.
C. Ang mga may-ari ay walang pananagutan sa pagkakautang ng negosyo.
D. Ang mga kasapi ay naghahati sa kapital at tubo ng kanilang negosyo.

46. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng Sole Proprietorship na negosyo, maliban sa ______.
A. Nasa isang tao ang kabuuang kapangyarihan at responsibilidad sa negosyo.
B. Wala o mas kaunti ang mga nauukol na mahihigpit na usaping legal.
C. Hindi layunin ng negosyong ito ang malaking tubo.
D. Ang lahat ng kita at pagkalugi ay tanging nasa iisang tao lamang.
47. Sa kasalukuyan ang ekonomiya ng mga bansang North Korea at Cuba ay sumasailam sa komprehensibong pag-
kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Anong sistemang pang-ekonomiya mayroon ang mga nasabing bansa?
A. Market economy
B. Command economy
C. Traditional economy
D. Mixed economy

48. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ang sistemang pang-
ekonomiya ng lipunan kinabibilangang mo ay may uring Tradisyunal na Ekonomiya?
A. Wala, sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano nito.
B. Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga pinagkukunang-yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa ibang gawain.
49. Ang mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng katangian ng Market Economy, isang uri
ng
sistemang pang-ekonomiya?
A. Si Robert ay nakitira sa bansang pinahihintulutan na magmamay-ari ng isang kumpanya.
B. Mahaba ang pila ng mga sasakyan sa gasolinahan dahil sa biglaang pagbaba ng presyo ng produktong
petrolyo
C. Ang mga tao na naninirahan malapit sa dagat ay ipinagpapalit ang kanilang mga produktong isda
kapalit ng mga produktong salat sa kanilang pamayanan.
D. Ang produktong isda at iba pang yamang-dagat ay mura sa munisipalidad ng Concepcion dahil sa dami
ng nagtitinda ng halos magkaparehong produkto.

50. Isa sa mga salik ng produksyon na tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula
ng
isang negosyo.
A. Kapital
B. Paggawa
C. Entrepreneurship
D. Lupa

Goodluck!!!

Prepared by: JENILYN A. MAGBANUA


Araling Panlipunan 9: Economics

You might also like