You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

IVY KAREN C. PRADO

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Maipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong Isyu
b. Masusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa kontemporaryong isyu ng
migrasyo sa lipunan at daigdig
c. Mailalahad ang mga sanhi at epekto ng migrasyon
d. Maiuugnay ang gawain at desisyon ng tao sa pagharap ng kontemporaryong
isyung ito at makabuo ng hakbang upang malutas ang mga suliraning dulot
nito

II. Materyales
a. Inihandang tsart
b. Malilit na piraso ng papel na may paksa
c. Worksheet

III. Sanggunian
Paksa: Kontemporaryung isyu – isyung political – MIGRASYON
Bernardo R. Balitao, et al. (2012). Ekonomiks (Mga Konsepto at Aplikasyon)
Anonuevo, A. et. al. (2008). Children’s response to the challenge of migration
(Reference Materials). Atikha Overseas Workers and Communities Initiative, Inc.
Definition of Migration. Retrieved from www.indepth-
network.org/.../Migrationdefinit...on September 25, 2012
Effects Of Migration On Filipino Families. Retrieved from
www.ofwngayon.com/.../effects-of-migration...on September 25, 2012

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Pagbati
Magandang umaga Magandang umaga rin po.
2. Magdasal muna tayo.
3. Paglista ng lumiban

B. Panlinang na Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Pagganyak

Bago natin pormal na simulan ang ating


klase, meron muna akong ipaparinig na isang
awitin. Mamaya ihanda ang iyong sarili sa
mga tanong na ibabato ko sa inyo na may
kinalaman dito.
Habang nakikinig kayo meron akong mga
kapirasong papel na ibibigay. Gagamitin natin
ito mamaya sa ating talakayan. Opo, mam.

Ok class, huwag maingay at pakinggan ninyo


ang kantang ito.

Alam niyo ba ang pamagat at kung sino ang Opo, si Gary Valenciano.
kumanta nito? Sino?

Pakatapos niyong mapakinggan ang kanta, (Magbibigay ng haka-haka)


ano ang naramdaman mo? Meron ka bang
masasabi tungkol sa kantang napakinggan?

2. Paglalahad

Ang aralin na tatalakayin natin ngayon ay


tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa
ating lipunan at daigdig. Tutukuyin din natin
ang konsepto, sanhi, epekto, at maging mga
hakbang sa pagharap sa hamon na dala nito.

Class, makikita niyo sa pisara ang isang tsart.


Nakasulat dito yung iba’t-ibang mayor na
kontemporaryong mga isyu. Ito ay nahahati
sa pito.

Diba may ibinigay ako sa inyong kapirasong (pupunta sa may pisara at ididikit sa tamang
papel na may nakasulat na paksa? Ngayon hanay o kategorya ang paksang hawak-
ang gagawin niyo, pipiliin niyo kung saang hawak)
kategorya ito nabibilang at idikit niyo to sa
tamang hanay.

(Susuriin kung tama ang pagkakahanay ng


mga paksa)

Sa kantang inyong narinig kanina anong Ito po ay may kinalaman sa isyung political,
kontemporaryong isyung kaya ito nabibilang? particular sa isyu ng migrasyon.

Magaling!

C. Paglinang sa Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Upang mas maintindihan nating mabuti, unahin Ang mga kontemporaryong isyu na
natin sa pagtalakay kung ano ang ibig sabihin tinutukoy natin sa pag-aaral na ito ay yung
ng kontemporaryong isyu? mga isyung may partikular na kahalagahan
sa kasalukuyang panahon

Sino ang ibig magbigay ng kanyang opinion


dito?
Tama, ito’y mga isyung kinakaharap hindi
lamang ng ating bansa, maging sa iba’t ibang
parte ng daigdig. At dahil sa malawakang
epekto nito, sila’y nagiging malaking isyu na
nararapat pagtuunan ng pansin o pag-aaral.

Anu-ano nga ba ang mga ito? Ito ay ang mga sumusunod:


a. Mga isyung politikal
b. Mga isyung pang-ekonomiya
c. Mga suliranin sa kapaligiran
d. Mga isyu sa karapatang pantao
e. Mga isyu na may kaugnayan sa
kasarian o gender
f. Mga isyung pang-edukasyon
g. Mga isyung pansibiko at
pagkamamamayan

Isa-isa nating hihimayin ang mga ito. Ang


talakayan nating ay nakasentro sa konsepto,
sanhi, epekto, at gayundin ang mga hakbang o
pamamaraan sa pgharap ng hamon na dulot
nito.

Sa isyung politikal, anu-ano ang mga isyung Ito ay ang:


nabibilang dito? 1. Migration/ migrasyon
2. Territorial and border conflicts
3. Political dynasties
4. Graft and corruption
Simulan natin sa migrasyon.

Ano ang migrasyon? Ang migrasyon ay ang paglipat ng isang tao


patungo sa isang lugar para humanap ng
mga kalakal. Ito ay ang pagiging dayuhan
ng mga tao sa isang bansa.

Maaring nating maiugnay ang migrasyon sa


ating mga OFW.

Paano umusbong ang konsepto ng


migrasyon? Paano ito nagsimula?

Ang pinakaunang naitalang migrasyon sa ating


bansa ay ang pangangalakal ng Tsina sa ating
bansa na pinamunuan ni Zulu Royalty Padua
Bazaar. 1417 (Ang, See 2006).

Noong Hispanic period (1763), ang isa sa mga


Pilipinong mandaragat ay tumalon buhat sa isa
sa mga Galleons (katawagan sa mga
sasakyang pangkaragatan noong panahon ng
mga espanyol) na patungo sa Manila -
Acapulco at namuhay na sa Louisiana, isa sa
mga siyudad ng Hilagang America. (Bautista,
2002).
Ano ang makalumang konsepto ng Ito ay ang paglipat o pagdayo ng mga
migrasyon? mamamayang taga baryo patungong
lungsod.

Halimbawa nito ay ang pagdayo ng mga anak


sa lungsod upang makapag-aral sa mas
mataas na paaralan o maging sa mga kolehiyo,
hanggang sa doon na rin makapagtrabaho.

Gayundin ang ilan sa mga magulang na lalaki


ay nangingibang bayan upang makahanap ng
trabaho na may mas mataas na suweldo.

Ano naman ang makabagong konsepto o Ito ay ang pangingibang bansa na ng mga
bagong mukha ng migrasyo? mamamayan at hindi na sa loob ng bansa
lamang.
Tumpak.

Dahil sa pag-usad ng makabagong panahon,


naging mas malawak ang saklaw ng pagdayo
at paglalakbay ng mga Pilipino sa iba’t ibang
lugar at bansa, maging ang kanilang mga
dahilan ay lumawig din ang saklaw.

Ang migrasyon sa makabagong panahon ay


nagkaroon ng bagong mukha, na kung saan
malimit noon ay mga anak ang nangingibang
bayan upang makapag-aral at
makapagtrabaho, at ang mga magulang na
lalaki ang karaniwang dumadayo sa ibang lugar
o pook upang makapaghanapbuhay para sa
kanilang mga pamilya.

Sa kasalukuyan, karamihan ay mga magulang


na ang dumadayo sa mas malalayong lugar o
bansa, gayundin ang mga kababaihang ina, na
sila na ang napapalayo sa piling ng mga anak
at sa asawa na hindi likas sa kulturang Pilipino.

Ang mga di mabilang na ganitong sitwasyon


ang nagiging daan sa unti-unting pag-usbong
ng bagong pananaw sa migrasyon sa ating
bansa.

Sa kasalukuyang panahon, bakit nga ba (Itataas ang kanang kamay ng mag-aaral na


nangingibang bansa ang mga Pilipino? Sino ba gustong mag-abroad at sasagot ng kanilang
sainyo dito ang nangangarap mangibang bansa personal na rason kung bakit)
at bakit?
Base sa mga kasagutan, maaari ba nating Opo.
sabihin na ang pinag-uugatan ng pangingibang
bansa o migrasyon ay naaayon sa mga
pangangailangan ng bawat indibidwal at ng
pamilyang kinabibilangan.

Ayon sa Soroptimist International, isang


pandaigdigang pribadong organisasyon eto
yung mga dahilan ng migrasyon:

1. Edukasyon ng mga anak – 80.7%


2. Mas mataas na sahod – 63.3%
3. Makabili ng bahay at lupa – 50.0%
4. Pambayad ng mga utang – 31.3%
5. Para sa pangkapital na negosyo –
29.3%
6. Makabili at makapundar ng mga ari-
arian – 17.3%
7. Iba pang pang-ekonomikal na
pangangailangan – 22.0%

Ang mga kadahilanang ito ay patuloy na


nagiging matibay upang ang migrasyon sa
bansa ay lumawig at naging isang panlipunang
pangayayari o ganapin.

Ngayon, dumayo tayo sa epekto ng migrasyon. Maaring matugunan yung nga


Ano ba ang epekto ng migrasyon dito sa ating pangangailangan o dahilan kung bakit gusto
bansa? nilang mangibang bansa.

Very good.

Maliban dito, ano pa kaya ang iba pang


positibong epekto ng migrasyon?

1. Ang perang padala ng mga OFWs ay


nakatutulong nang malaki sa pag-aangat sa
kalagayang pangkabuhayan ng bansa

Sa papaanong paraan? Dahil sa salaping pinapadala nila o


“remittance”
Right.

Ganito yan class, bunga ng pagtaas ng


padalang salapi mula sa OFW, ang paggastos
ng pribadong sector ay tataas rin. Sa ganitong
sitwasyon, ang pagkonsumo ng mga
mamamayan sa mga naprodyus na kalakal at
serbisyo ay may kaugnay na positibong
paglalarawan sa kalagayan ng ekonomiya.

2. Naipapamalas ang kulturang Pilipino sa


ibang lahi
Halimbawa dito yung ating likas na masipag at
madiskarte. Di lingid sa atin na mas in demand
ang Pilipinong mangagawa sa abroad lalo na
yung mga DH natin.

3. Nagagamit at tumitingkad ang mga talino at


kagalingan ng mga Pilipino sa ibang bansa

Halimbawa naman dito yung mga artistang


sumikat sa larangan ng pag-arte at pagkanta.

Katulad nino? Gaya po ni Lea Salonga, isang Magaling na


mang-aawit.
Ang migrasyon ay hindi lang nagdadala ng
positibong epekto, may mga importanteng
suliranin itong dala na dapat nating harapin at
tugunan.

Anu-ano ang mga ito?

a. Ang mga di kanais-nais na pagbabago


sa mga pagpapahalaga at pamamaraan
sa pamumuhay

Halimbawa:
- Pagiging materialistic
- Masidhing pagtangkilik sa produktong
dayuhan
- braindrain

b. Ang mabagal na pag-unlad sa


pangkaisipan at panlipunan na aspekto
ng mga anak

Sa inyong opinyon, bakit kaya? Dahil walang gumagabay sa kanila dahil


wala ang kanilang magulang.
Very good.

Lalo na sa kritikal na panahon ng pagbibinata


at pagdadalaga, ang kawalan ng presensiya at
tuwirang pagkalinga ng magulang ay may
malaking epekto sa moral na pagpapahalaga
ng mga kabataan.

c. Maaaring maging dahilan ng


paghihiwalay ng mag-asawa at
paghihina ng katatagan ng pamilya

Bakit? Nagiging malayo ang loob sa isa’t –isa.

Dahil hindi na uso ngayon ang kasabihang


“absence makes the heart grow fonder.” Ang
uso na ngayon ay “absence makes the heart
wander.”
Tama ba class? Opo.

d. Ang pagbabagong konsepto ukol sa


tradisyunal na pamilya sa transnasyunal
na pamilya

Ibig sabihin nito class, sa halip na ang ama


lamang ang nangingibang bansa upang
tumugon sa pangangailangan ng pamilya, sa
transnasyunal na pamilya, maging ang ina ay
nangingibang bansa na rin. At dahil dito, walan
nang gumagabay sa mga anak.

e. Ang pagkakaroon ng puwang at


kakulangan ng makabuluhang
komunikasyon at atensiyon ng mga
magulang sa anak at ng mga anak sa
magulang.

Bakit kaya negatibong epekto parin ito, kung Dahil walang emosyon na kaakibat ang
tutuusin naman may mga unlimited calls promo pakikipagkomunikasyon sa paraang ito.
na tayo, may roaming number na available,
may internet, may facebook?

Tama, dahil ang virtual na komunikasyon ay


walang positibong damdamin na kaakibat
kumpara sa harapang pag-uusap.

Isa pa, ang usapan ay mas nakatuon sa


pinansyal na aspeto kase ayaw magbigay ng
alalahanin sa isa’t-isa. Palaging o”ok lang ako”
kahit hindi, diba class?

Talakayin na natin ang mga konkretong


hakbang na maaaring gawin sa pagharap ang
mga suliraning dulot ng migrasyon?

I. Counseling services

- Patuloy na paghubog ng
pagpapahalaga at birtud sa mga anak
- Regular na pang-ispiritwal na
counselling sa mag-asawa
- Pag-agapay sa patuloy na pag-usad ng
globalisasyon

II. Pagpapaunlad at pagpapatatag sa


kultura ng pamilyang Pilipino

III. Pagbibigay programang pang OCW’s


tulad ng makabuluhang pamumuhunan
sa negosyo at iba pang programang
pangkabuhayan.
V. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod
i. Ano ang konsepto ng kotemporaryong isyu at anu-ano ang mga ito?
iii. Ano ang konsepto ng migrasyon bilang isa sa mga isyung politikal?
iv. Ano ang epekto at sanhi nito?
v. Paano matatagumpayan ang banta ng migrasyon, mga konkretong
hakbang sa pagharap sa banta ng migrasyon?

VI. Pagpapahalaga

1. Bilang bahagi ng lipunan na ating ginagalawan, ano ang maaari nating gawin
o maitulong upang maiwasan o maibsan ang mga suliraning dulot ng
migrasyon.

VII. Paglalapat

Nalaman na natin ang konsepto ng migrasyon, ngayon ano ang maaari nating
gawin upang matugunan ang mga suliraning dulot nito.

VIII. Pagtataya/ Ebalwasyon

IX. Kasunduan/ Takdang Aralin

Class, magandang mangarap sa ibang bansa para sa pag-unlad ng kabuhayan o


katayuan sa buhay, pero kun titingnan nating nang mapanuri ang
pangkalahatang epekto ng pangingibang bansa sa pamilyang Pilipino - kaakit akit
pa kaya ang pangarap na ito? Para sa inyong takdang-aralin, gumawa ng
maikling repleksiyon sa katanungang ito.

2. Pag-aralan ang iba pang mga isyung politikal.

You might also like