You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay:
Nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay:
May pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa
kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkapantay-pantay
at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Ang mga mag-aaral ay:
Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.

I. Mga Layunin
a. Natutukoy ang gender role sa ibang bahagi ng mundo;
b. Napahahalagahan ang pantay na pagtingin sa kababaihan at
kalalakihan sa ating lipunan; at
c. Naipapakita sa pamamagitan ng tableu ang gender roles sa iba’t ibang
panahon sa Pilipinas.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Gender Roles sa Ibang Bahagi ng Daigdig
B. Babasahin: Aralin Panlipunan 10 “Kontemporaryong Isyu” Ikatlong
Markahan – Modyul 1, Einee B. Camota, pahina 14-15
C. Kagamitan: Larawan, Laptop

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Pagpapaalala sa mga estudyante
 Panalanginw2
 Pagtala ng mga lumiban

a) Balik-aral
1. Ano ang pagkakaiba ng gender at sex?
2. Ano ang gender roles?

b) Pagganyak (Ipakita Ko, Tukuyin Mo!)

c) Pagtalakay sa Aralin

Gender Roles- tumutukoy sa kilos, Gawain at gampanin na itinakda


ng lipunan sa babae at lalaki
B. Panlinang na Gawain
a) Gawain 1
 Papangkatin ang klase sa lima
 Bibigyan ng paksang ipepresenta ang pangkat batay sa
angkop na kilos, katayuan, at gampanin ng mga kababaihan at
kalalakihan sa iba’t ibang panahon na natalakay sa
pamamagitan ng tableau.
 Bawat grupo ay bibigyan ng dalawang minuto upang
ipaliwanag ang kanilang ipinakitang senaryo.

 Pangkat Una- Pre-Kolonyal


 Pangkat Dalawa- Panahong Kastila
 Pangkat Tatlo- Panahong Amerikano
 Pangkat Apat- Panahong Hapones
 Pangkat Lima- Panahon sa Kasalukuyan
PAMANTAYAN
Nilalaman 15 puntos
Presentasyon 10 puntos
Kooperasyon 5 puntos
KABUUAN 30 puntos

b) Pagsusuri
1. Batay sa isinagawang gawain ninyo, ano ang pakiramdam mo
nang malaman mo na ganon pala ang katayuan ng babae sa
lipunan noong panahon ng pre-kolonyal hanggang sa pananakop?
Paano naman sa mga kalalakihan?
2. Sa inyong palagay ang pagtingin ba ng ating lipunan ay sa mga
kababaihan at kalalakihan noong unang panahon ay parehas pa
rin sa kasalukuyan?

c) Paglalahat sa Aralin
Gawain 2
Panuto: Punan ang matrix sa ibaba na magpapatunay ng inyong
natutunan. Itala ang mga panlipunang gampanin (gender roles) ng
mga kalalakihan at kababaihan sa iba’t ibang panahon.

PANAHON PILIPINAS
LALAKI BABAE
PRE-KOLONYAL
KASTILA
AMERIKANO
HAPONES
KASALUKUYAN

d) Aplikasyon
Gawain 3
Panuto: Gumawa ng sanaysay tungkol sa iyong pananaw tungkol sa
gender roles sa iba’t ibang panahon. Isulat ito sa isang kalahating
papel.

Pamprosesong mga tanong:


1. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang pantay na pagtingin
at karapatan para sa mga kababaihan at kalalakihan sa isang
lipunan?
2. Sa paanong paraan mo ito maipapakita o maipaglalaban ang
pantay na pagtingin sa lahat?

Nilalaman – 15 puntos
Kalinisan – 5 puntos
Balarila – 5 puntos
Kabuuan – 25 puntos

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung saang panahon (bago ang pananakop o pre-kolonyal,
panahon ng kastila, Amerikano, Hapones o sa kasalukuyan) nakapaloob ang
katangian at gampanin na ipinahayag ng bawat pangungusap. Isulat sa isangkapat
na papel.

Panahon ng Amerikano 1. Ang isyu sa pagboto ng mga kababaihan sa Pipinas


ay naayos noong panahon ng _________________.
Pre-Kolonyal 2. Maaring kitilin ang buhay ng kanyang asawang babae kapag
nahuli niya itong may kasamang ibang lalaki.
Panahon ng Kastila 3. Ang mga babae ay inaasahan na maging mahinhin at
mapanalangin.
Sa Kasalukuyan 4. Tinanggap na ng lipunan na ang mga babae ay maaaring
magtrabaho tulad ng mga lalaki.
Panahon ng Hapones 5. Ang mga kababaihan at kalalakihan ay nakaranas ng
pang-aabuso tulad ng panghahalay at pagpatay.

V. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik at unawain ang tungkol sa Pangkulturang Pangkat sa New
Guinea. Ilagay ito sa isang kalahating papel at ibahagi ito sa klase sa susunod na
pagkikita.

Inihanda ni:

LAVERNE AUDREY S.ARENDAIN


Nagpapakitang Turo

Pinuna ni:

EVE B. ESPIRITU, LPT


Araling Panlipunan – Co-operating Teacher

You might also like