You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Oras National High School


Sitio Kalawit, Brgy. San Roque Oras Eastern Samar

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN-9


(INDUCTIVE METHOD)

Name: Kemberly M. Pecayo Course&Section: BSED


SOC.SCI. 4A

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo
ang mga sumusunod na may 75% na pagkatuto;
a. nalalaman ang mga pundasyon para sa pagtugon sa mga paglabag;
b. nakakagawa ng maikling tula tungkol sa pagtugon sa mga paglabag; at
c. napapahalagahan ang pangangalaga ng mga karapatang pantao.

II. Nilalaman
A. Paksa
PAGTUGON SA MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

B. Kagamitan
 Laptop, smart tv, kahon, makukulay na palel na nakatupi, pentel
pen, manila paper at ilang mga biswal.
C. Konsepto
-Mga pundasyon para sa pagtugon sa mga paglabag
 Pag-iisip (Thinking)
 Pagdamdam ( Feeling)
 Paghahanda (Equipping)
 Pagkilos (Taking Action)
-Pangangalaga ng mga karapatang pantao
 Pag-aralan ang karapatang ng tao
 Alamin ang mga tanong maaaring sabihan tungkol dito.
 Magsawaga ng mga gawaing magpapapaalala sa mga karapatang
pantao ng mga mamamayan
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
- Panalangin
“magsitayo ang lahat upang tayo ay ang lahat ay nagsitayo upang
manalangin” manalangin

-Pagbati
“magandang umaga sa inyong lahat” “magandang umaga rin po ma’am”

-Pagsasaayos ng classroom
“bago kayo umupo, maaari bang paki
ayos ng inyong upuan at pakitingnan ang mga mag-aaral ay pinulot ang
kung may kalat sa ilalim ng inyong kalat at inayos ang upuan
upuan kung mayroon pakilagay sa
tamang basurahan”

“maraming salamat! Maarari na


kayong umupo.

- Pagtala ng liban sa klase “ma’am ako po ang taga tala ng liban,


“sino ang taga tala ng liban? May wala pong lumiban ngayon”
lumiban ba?
“magaling! Ipagpatuloy ninyo ang
kompletong attendance araw-araw sa
klase para mas marami kayong
matutunan”

- Pagkolekta ng takdang aralin “opo ma’am”


“kahapon nagbigay ako ng takdang-
aralin, lahat ba ay gumawa?” “okay po ma’am”
“paki pasa ng inyong takdang-aralin sa
harapan na walang ingay at walang
tumatayo”

“magaling lahat ay gumawa ng takdang-


aralin! Ipagpatuloy ninyo ito mga bata”

Sagot:“ Ma'am ang ating tinalakay


B. Balik-aral kahapon at tungkol sa ilang paglabag
“kung inyong natatandaan, ano ang ating sa karapatang pantao, sa pamayanan,
tinalakay kahapon?” bansa, at daigdig.”
“magaling! Tama!”

Sagot: “Ma’am ang ilang paglabag sa


karapatang tao ay:
“Ano-ano ang ilang paglabag sa 1.Paglabag sa karapatang ng mabuting
karapatang pantao?” kabuhayan
2.Paglabag sa karapatang sa buhay
3.Paglabag sa karapatang mamuhay
nang mapayapa

“magaling! Lubos na nga ninyong


naunawaan ang ating nakaraang
tinalakay”

C. Pagganyak
“Bago natin pormal na simulan ang ating
aralin magkakaroon muna tayo ng
panimulang gawain”

(Ang guro ay magpapakita ng mga


salitang hindi nakaayos sa kahon tungkol
sa paksa at ito ay susuriin ng mag-aaral)

Panuto: Suriin at hanapin ang mga


sumusunod na mga salitang hindi
nakaayos o nakascrumbled sa kahon. Ang
salita ay maaaring pababa, pahalang, o
pabaliktad.

*Pagtugon *Pantao *Paglutas


*Paglabag *Pundasyon
*Karapatang
*Pangangalaga

P A G T U G O N H P A
B O B O K A A B P A B
A U T O T U B A A N C Magbibigay ang mag-aaral ng mga
G N K L I K N E G G D salitang nakita nila sa kahon.
N O T O T T O T A A E
A A Z Y A X W V L N F
T P Q O R S T U A G G
A O N M L K G I M A H
P U N D A S Y O N L I
A H G F E D C B O A G
R U B W X Y Z A B G K
A P A G L A B A G A L
K P M S A T U L G A P

"Anong mga salita ang inyong nakita sa


kahon?"

"Magaling ang inyong mga sagot ay tama,


maraming salamat".

"Ang mga salitang inyong nakita sa kahon na


nakascrumbled, ito ay may koneksyon o may
kaugnayan sa ating tatalakayin ngayong araw" “opo ma’am”
(Babasahin ng mag aaral ang mga
layunin ng sabay-sabay)
D. Paglalahad ng layunin
“Ang ating tatalakayin ngayong araw ay tungkol
sa pagtugon sa mga paglabag sa karapatang
pantao na mayroong kaakibat na mga layunin”

“maaari ba ninyo class basahin ng sabay-sabay


ang ating mga layuin?”

“Ngayong malinaw na sa inyo ang


kinakailangan ninyong makamit ay dumako na
tayo sa pagtalakay sa pamamagitan ng isang
gawain”

E. Paglinang ng Aralin

Gawain: Aksyon mo! Hula ko!

"Hahatiin ko ang klase sa dalawang pangkat,


bawat pangkat ay dapat mayroong kinatawan o
representative pweding dalawa o tatlong
representative na magsasagawa ng aksyon sa
mga salitang aking ibibigay na nakasulat sa
nakatuping makukulay na papel. Ang ibang
kasapi naman ng pangkat ay siyang maghuhula
sa aksyong ginagawa ng kanilang kinatawan, at
kapag nahulaan ninyo ito agad ninyong isusulat
sa pisara."
"Kung sino ang pangkat na maraming naisulat o
nahulaan na mga salita sa loob ng tatlong
minuto ay siyang panalo"

"Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, inaasahan ko


ang dalawang groupo na maibibigay o
mahuhulaan ang lahat na salita na ginawan ng
(babasahin ng mga mag-aaral ang
aksyon".
talatakdaan)
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
(magtatanghal ang bawat grupo upang
KATEGORYA PUNTOS
ilahad ang kanilang presentasyon
Maraming salitang 5 tungkol sa napiling paksa)
nahulaan o nahulaan
ang lahat na salitang
ibinigay ng guro
Kooperasyon ng 5
bawat miyembro
Hindi maingay sa 5
pagsasagawa ng
gawain

“Narito ang panmantayan o rubrik sa inyong


gawain upang maging gabay ninyo sa inyong "Ma'am ang mga salitang aming
gawain” nahulaan ay pag-iisip, pagdamdam,
paghahanda at pagkilos."

F. Paglalahat

“batay sa inyong ginawang gawain ano-ano ang


mga salitang inyong nahulaan ?”

“Tama! Magaling ang ang mga salitang


inyong nahulaan ito ay mga pundasyon para sa
pagtugon sa mga paglabag".

Pundasyon Para Sa Pagtugon Sa Mga


Paglabag

1.Pag-iisip (Thinking)- Kailangang alamin at


pag-isipan nang mabuti ang mga paraan tungo
sa pangangailangan ng mga karapatang
pantao.

2.Pagdamdam (Feeling)- Nakita ito bilang isa


ring pundasyon tungo sa pagtugon dahil
maaaring magkaroon ng mga damdamin tungo
sa mga kasi na maaaring may kaugnayan sa
iyo.

3. Paghahanda (Equipping)- Ang ilan sa mga


maaaring gawing paghahanda para dito ay ang
pag-alam o pagkatuto sa mga karapatang at
obligasyon ng mga tao sa isang estado o kaya
mag-organisa ng isang kompanya para sa
pagwakas ng mga kasong Ito.

4. Pagkilos (Taking Action)- Upang mas


matagumpay ang pagkilos kinakailangan na
makamit muna ang pag-iisip, pagdamdam, at
ang paghahanda.

Ang lahat ng mga pundasyong ito ay


magkakaugnay at sa nasa iisang ayos dahil
kung susuriin, hindi maaaring gumawa ng
pagkilos ang isang pangkat kung hindi nila alam
o napag-iisipan ang mga dahilan at epekto ng
paglabag sa mga biktima (o pamilya ng mga
biktima) ng mga paglabag na ito at sa tulong ng
pamayanan, pamahalaan, at ng iba pang "Opo ma'am"
pangkat panlipunan, maaaring magkaroon ng
mga epektibong paraan sa pagtugon para sa
pangangalaga at paglutas nito.

"Naunawaan ba class ang mga pundasyon para


sa pagtugon sa paglabag?"

"Okay magaling ngayon naman tunghayan


natin ang pangangalaga ng mga karapatang
pantao".

Pangangalaga ng mga karapatang pantao

Mahalaga ang edukasyon sa patuloy na


pangangalaga ng mga karapatang pantao sa
pamayanan. Nagagawa Ito sa pamamagitan ng
paghihikayat sa isang pamayanan upang
maging maalam sa karapatang pantao.
Iminungkahi ng HRRC ang "tahasahang
pagsusuri, pagpaplano, at pagbibigay ng
karapatang ebalwasyon at follow-up" sa
pagbabahagi ng kaalaman sa karapatang
pantao. Narito ang ilang paraan upang
mapangalagaan ang mga karapatang pantao
sa pamamagitan ng edukasyon ayon sa HRRC:

1. Pag-aralan ang mga karapatan ng tao.


-Kailangang alamin at isapuso ang nilalaman
ng 1987 Konstitusyon at ng Pandaigdigang
Pagpapahayag ng Karapatan ng Tao dahil
ito ang mga batayan ng lahat ng karapatang ng
tao. Ito ay para maibahagi sa madla ang
kanilang mga karapatan.
2. Alamin ang mga taong maaaring sabihan
tungkol dito.
-May mga taong maaaring lapitan o sabihan
tungkol dito. Maaaring ito ang ang mga taong
malapit sa inyo tulad ng inyong pamilya,
kaibigan, kaklase o kapitbahay.

3. Magsagawa ng mga gawaing magpapaalala


sa karapatang pantao ng mga mamamayan
tulad ng mga sumusunod:
a. Magbigay ng mga seminar sa madla tungkol
sa mga naging paglabag sa inyong pamayanan
noon na nagawan ng paraan.
b. Magsulat sa mga pahayagan tungkol sa mga
magagandang epekto ng pag-alam sa
karapatang pantao.
c. Magsagawa ng isang pampublikong “opo ma’am”
talakayan tungkol sa nilalaman ng 1987
Konstitusyon o ng Pandaigdigang
"Opo ma'am"
Pagpapahayag.
d. Magsagawa ng pagtitirik ng kandila o
candlelight ceremony at magdasal para sa mga
naging biktima ng paglabag sa karapatang
pantao.
(Ang bawat magaaral ay magbibigay
"Naintidihan ba class ang pangangalaga ng nang kanya-kanyang sagot)
mga karapatang pantao?"

"Magaling!"

Naunawaan ba ang ating tinalakay ngayon?"

"Sige nga kung talagang nauwaan ninyo ang


ating tinalakay ako ay magtatanong hinggil sa (Ang mag-aaral ay kumuha ng
ating ating tinalakay" kalahating papel at sinagutan ang
maikling pagsusulit)
G. Paglalapat
1. Ano- ano ang mga pagtugon sa mga
paglabag sa sa karapatang pantao?
2. Bilang isang mamamayan, mag-aaral
mahalaga ba ang pangangalaga sa mga
karapatang pantao?"

“Tama! Magaling!”

IV. Pagtataya

“Dahil lubos na ninyong naunawaan ang


ating tinalakay magkakaroon tayo ng
maikling pagsusulit, kumuha ng isang buong
papel at lagyan ng inyong pangalan at
section”

Panuto: Unawain ng mabuti ang tanong at


ilagay ang tamang titik sa papel.

#1. Ito ay kailangang alamin nang mabuti ang


mga paraan tungo sa pangangalaga ng mga
karapatang pantao
a. Paghahanda (Equipping)
b. Pagkilos (Taking Action)
c. Pag-iisip (Thinking)
d. Pagdamdam (Feeling)
#2. Ito ay ang pang apat o huli na pundasyon
ng pagtugon sa mga paglabag.
a. Paghahanda (Equipping)
b. Pagkilos (Taking Action)
c. Pag-iisip (Thinking)
d. Pagdamdam (Feeling)
#3 Isa ring pundasyon tungo sa pagtugon dahil
maaaring magkaroon ng mga damdamin tungo
sa mga kasi na maaaring may kaugnayan sa
iyo.
a. Pag-iisip (Thinking)
b. Pagkilos (Taking Action)
c. Paghahanda ( Equipping)
d. Pagdamdam (Feeling)
#4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang
sa pangangalaga ng mga karapatang pantao?
a. Paglabag sa karapatan ng buhay
b. Pag-aralan ang mga karapatan ng tao
c. Alamin ang mga taong maaaring sabihan
tungkol dito
d. Magsagawa ng mga gawaing
magpapaalala sa mga karapatang
pantao
#5-7 Ibigay ang pangangalaga ng mga
karapatang pantao

#8-10 Bilang isang mamamayan o mag-aaral


bakit mahalaga ang pangangalaga ng mga
karapatang pantao?

10-15. Gumawa ng maikling tula tungkol sa


pagtugon sa mga paglabag.

“Dahil tapos na ang oras na ibinigay ko sa inyo,


tapos o hindi tapos pakipasa ng inyong papel
sa harapan ng walang ingay at walang
tumatayo”.

V. Takdang Aralin
-
Gumawa ng isang poster na magpapakita ng
kahalagahan ng pangangalaga ng mga
karapatang pantao. Ilagay ito sa kalahating
kartolina na puti. Gumamit ng krayola o iba
pang pangkulay na inyong nais gamitin..

Rubrik sa takdang aralin:


KATEGORYA PUNTOS
PAGKAMALIKHAIN 10
NILALAMAN 10

You might also like