You are on page 1of 11

University of the Philippines Integrated School

Diliman, Lungsod ng Quezon


T.A. 2015-2016

Araling Panlipunan 8 at 9
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Ikaapat na Markahan

Petsa ng Pagtuturo: Pebrero 5 at 10


Target ng mga mag-aaral: 8- Firefly (MB 9:00-10:30)
8-Honeybee (MB 1:00-2:30)
9-Argon (MB 2:30-4:00)
Oras na gugugulin: tatlong oras

Paksa Rebolusyong Industriyal


Mga ➢ Mga Pagbabagong Pang-ekonomiko at Panlipunan
Ispisipikong ➢ Mga Salik sa pag-unlad ng Rebolusyong Industriyal
sakop ➢ Mga Epekto
Mga Layunin Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahan na:

1. Nasusuri ang mga kaganapan noong Rebolusyong Industriyal;


2. Napahahalagahan ang mga pagbabagong pang-eknomiko at panlipunan noong
Rebolusyong Industriyal na nakatulong sa kasalukuyang panahon;
3. Natataya ang pangkalahatang epekto ng Rebolusyong Industriyal;
4. Natutukoy at napaghahambing ang mga sistemang pang-ekonomiko na umusbong
noong Rebolusyong Industriyal;
5. Naipaliliwanag ang mga hinaing ng mga manggagawa at manggagawang-bukid ukol
sa isyu ng Hacienda Luisita.

Mga Konsepto ➢ Industriyalisasyon


➢ Thomas Malthus
➢ Malthusian theory
➢ Enclosure Movement
➢ Slave Trade
➢ Bank of England
➢ London Stock Exchange
➢ Steam Engine
➢ Kapitalismo
➢ Marxismo
➢ Adam Smith
➢ Laissez faire
➢ John Maynard Keynes
➢ Macroeconomics
➢ Karl Marx
➢ Primitive Communism
➢ Slave Society
➢ Feudalism
➢ Capitalism

Mga ➢ Projector
Kagamitan ➢ Laptop
➢ Marker
➢ puting cartolina
➢ mga pangkulay
➢ marker
➢ slide presentation
➢ video clip ng Detective Conan
Introduksyon • Pagbati sa mga mag-aaral.
(10 minuto)
Pagbabalik-aral sa tinalakay na mga rebolusyon

➢ “Ano-anong mga rebolusyon ang tinalakay natin sa nakalipas na mga aralin?

➢ “Ano-anong porma ng pagbabago ang naganap noong Rebolusyong


Siyentipiko? Noong Enlightenment? Rebolusyong Amerikano, Pranses at Latin
Amerika?

Panimulang ➢ Pagpapakilala sa Rebolusyong Industriyal bilang bagong rebolusyong naganap sa


Gawain at Europa kasabay ng Rebolusyong Pampulitika at Panlipunan sa Amerika, Pransya at
Pagganyak Latin Amerika.
(45 minuto)
 “Ang Rebolusyong Industriyal ay isang yugto sa kasaysayan kung kailan
nasaksihan ang pagbabago sa lipunan at ekonomiya. Ano-ano ang mga
pagbabagong ito?

➢ Pagpapakita ng larawan ng pagbabago mula Medieval patungong industriyal kung


saan makikita ang pagbabago mula pagiging agrikultural tungong industriyal ng
lipunan. Ipapalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang nakikita mula sa larawan.
Pagbabalik aral sa mga manor noong Medieval Age.

 “Ano ang kapansin-pansin na pagkakaiba sa kapaligiran sa dalawang


larawang ito?
Inaasahang sagot: Ang isa ay agrikultural at rural ang pamumuhay samantalang ang
isa naman ay pawang mga imprastraktura na.

 “Noong Rebolusyong Industriyal, nagkaroon ng pagbabago mula lipunang


agrikultural at komersyal tungo sa modernong lipunang industriyal. Malaki
ang naging pagbabago sa sistema ng produksyon. Balikan natin ang ang
nagin paraan ng produksyon noong Medieval Age at kung paano ito nagbago
noong Rebolusyong Industriyal.

➢ Pagpapakita ng larawan ng produksyon noong Medieval Age at Rebolusyong


Industriyal. Ipapalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang nakita.
Medieval Age Industrial Revolution Age
Paano ginagawa ang mga - ginagawa lamang ang mga - ginagawa na ng makina na
produkto sa bawat produkto gamit ang kanilang pinaaandar ng mga tao.
panahon? mga kamay at ilang simpleng
makina
Saan naman nila ginagawa - karaniwan ay sa mga - sa mga pabrika
ang kanilang mga tahanan, o guild ginagawa.
produkto?

 “Noong Rebolusyong Industriyal, nagkaroon ng pagpapalit na paraan ng


produksyon mula sa mga produktong gawang kamay tungo sa gawang
makina at mula sa domestikong sistema ng produksyon patungong sistemang
pabrika.

➢ Pagpapakilala sa Great Britain bilang sentro ng Rebolusyong Industriyal. Linawin


na sentro at nanguna ang Britain, noong mga panahong iyon ay mayroon na rin
ibang bansa na dumadaan sa parehong rebolusyon. Great Britain lamang ang
nanguna. Pagbabalik aral sa mga bansang pinagsimulan ng Renaissance,
Reformation, Exploration at Enlightenment.

➢ Talakayin rin kung paano naging sanhi ng Rebolusyon Industriyal ang mga pamana
noong Renaissance (indibidwalismo), Age of Exploration (paghahanap ng mga
bagong raw materials mula sa Asya at America) at Scientific Revolution
(pagsisimula ng scientific na pag-aaral at mga imbensyon).

Gawain: URBAN GAME

General Mechanics:
1. Sa larong ito, magsisilbing mga “urban planner” ang mga mag-aaral gaya ng
ginagawa sa mga larong Millionaire's City at “Megapolis”.
2. Magsasama-sama ang bawat pangkat at ilalabas ang mga ipinadalang puting kartolina
at mga marker.
3. Magbibigay ang guro ng isang set ng mga simbolo ng mga istrukturang iguguhit ng
bawat pangkat na babanggitin ng guro sa loob ng tiyak na oras.
4. Sa pagtatapos ng klase ay ipapakita at ipapasa ng bawat pangkat ang kanilang
ginawa. Bibigyan ang mga ito ng iskor batay sa mga sumusunod na criteria:

Completeness – 10 points
Over-all layout – 10 points
Cleanliness -5 points
25 points

Round 1 (3 minuto)
➢ Ilalagay ng kanilang mga mag-aaral kanilang sarili sa katayuan ng mga mamamayan
ng Great Britain noong ang mga panahong iyon. Ganito ang sitwasyon sa Great
Britain:
 Populasyon: 200 hanggang 400 katao sa bawat pamayanan
 Trabaho: ginagawa lamang sa mga tahanan o workshop
 Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay.
 Ang pagmamay-ari ng lupa ay tinatawag ng “Common.” Ibig sabihin ay
pagmamay-ari ng lahat ang lupa sa komunidad.
 Ang daan ay hindi sementado kaya't maputik kung tag-ulan

➢ Iguhit ang mga sumusunod:


 1 simbahan
 1 sementeryo
 1 minahan ng uling
 ilog mula silangan hanggang kanlurang bahagi ng kartolina, mah 1” ang lapad.
 1 tulay
 1 daan na bumabagtas mula hilaga hanggang timog
 1 mula sa silangan, pakanluran, parallel sa ilog
 10 kabahayan
 “Ano ang pumapasok sa isip niyo na kawangis ng Britanya noon?”
 “Paano niyo ilalarawan ang buhay ng mga Ingles bago ang Rebolusyong
Industriyal?”

Round 2 (1 minuto)
➢ Nalaman niyong malaki ang kita mula sa paggawa ng kanal kaya't nag-invest kayo
rito.
 Gumawa ng isang kanal na parallel sa ilog.

Round 3 (1 minuto)
➢ Nagkaroon ng biglaang pagdami ng bilang ng tao sa inyong komunindad.
 Gumuhit ng 5 kabahayan

Round 4 (1.5 minuto)


➢ Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng agrikultura kaya't tumaas ang bilang ng mga
produktong agrikultural. Ipinasa rin ng British Parliament ang “Enclosure Acts”
kung saan hinahayaan ang ilang mga magsasaka na bumili ng lua mula sa
pamahalaan.
 Gumuhit ng isang box na may sukat na 3” x 3”. Ito ang mananatiling
“commons”
 5 dagdag na kabahayan
 1 magandang tahanan.

Round 5 (1 minuto)
➢ Naimbento ni Richard Arkwright ang water frame, isang makina na nagpabilis sa
produksyon ng telang koton.
 Maglagay ng isang pabrika malapit sa pampang ng ilog.

Round 6 (2 minuto)
➢ Nagsimula mandayuhan ang kababaihan at mga magsasaka mula sa kanayunan
papunta sa inyong lugar upang magtrabaho sa mga pabrika.
 15 kabahayan
 1 simbahan
 1 pub
 1 tindahan

Round 7 (1 minuto)
➢ Dahil sa bilis ng produksyon, labis na lumago ang inudtriya ng tela. Ang mga
negosyanteng yumaman dahil sa industriyang ito ay tinawag na mga Kapitalista
dahil hawak nila ang kapital na gagamiting suporta sa mga industriyang ito.
 5 pabrika
 5 magagandang kabahayan

Round 8 (1 minuto)
➢ Bagaman mababa ang kita, marami pa ring mga mamamayan ang nandarayuhan sa
mga bayan. Nagkaroon ng mataas na demand sa mga pabahay.
 Maglagay ng 5 Tenement

Round 9 (2 minuto)
➢ Naimbento ni James Watt ang steam engine na siyang naging pangunahing
pinagkukunan ng enerhiya sa mga pabrika Richard Arkwright ang water frame,
isang makina na nagpabilis sa produksyon ng telang koton.
 Maglagay ng isang pabrika malapit sa pampang ng ilog.

Round 10 (1.5 minuto)


➢ Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema sa mga minahan ng uling. Gayunpman, naging
malawig rin ang pagkuha sa mga bata at kababaihan bilang mga manggagawa sa
minahan kung saan hindi mabuti ang kondisyon para sa katawan. Ito ay dahil higit na
mababa ang kanilang sweldo kung ikukumpara sa mga kalalakihan.
 Maglagay ng 2 minahan ng uling
 5 kabahayan
 1 sementeryo

Round 11 (2 minuto)
➢ Gamit ang konsepto at mekanismo ng “steam engine”, naimbento ni George
Stephenson ang unang steam-powered locomotive.
 Gumawa ng 1 riles ng tren na magdudugtong sa mga minahan
 5 kabahayan

Round 12 (1 minuto)
➢ Kilala ang panahong ito sa laganap na kahirapan at pang-aabuso sa mga
manggagawa, lalo na sa mga kababaihan at kabataan. Napabayaan ang kanilang
kalusugan.
 Magdagdag ng 2 opsital
 1 sementeryo

Round 13 (1 minuto)
➢ Laganap ang polusyon sa komunidad. Laganap ang kriminalidad at lulong ang mga
kalalakihan sa alak. Overcrowded na rin ang mga pamayanan.
 Magdagdag ng 1 sementeryo
 1 kulungan
 1 ospital
Round 14 (1 minuto)
➢ Labis labis na umunlad ang ekonomiya ng Great Britain. Yumaman ang mga nasa
middle-class, lalo na ang mga may-ari ng mga sakahan at pabrika. Samantalang ang
mga nawalan ng trabaho sa kanayunan ay nandayuhan sa mga lungsod.
 Magdagdag ng 20 kabahayan
 5 tenement
 2 tindahan
 1 simbahan
 5 pabrika
 2 magagandang bahay.

Round 15: Bigyan ng pangalan ang inyong lungsod

➢ Ididikit ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginawa sa board at pader ng klasrum.

Mga Gawain at  “Ipaliwanag kung ano-anong diskarte ang inyong ginawa upang matapos sa
Pagtalakay loob ng takdang oras ang pinapagawa?”
(30 minuto)
 “Paano niyo ilalarawan ang kinahinatnan ng inyong lungsod matapos ang
ating ginawa?”

 “Anong masasabi niyong pagbabago sa populasyon ng inyong lugar?”

 “Paano nagkakaiba ang ginawa niyo bago ang simula ng laro at nang
matapos ito?”

 “Subukang isipin kung anong klase ng pamumuhay mayroon kayo kung sa


ganyang lungsod kayo nakatira. Saan niyo pipiliin: bago ang pagbabago o
matapos ang mga pagbabagong naganap?

➢ Batay sa naging karanasan nila sa urban planning, talakayin ang mga mahahalgang
pagbagbagong naganap noong Industrial Revolution.
 Paggamit ng makina sa agrikultura at industriya.
 Paggamit ng enerhiya mula steam, uling at electricity.
 Pag-unlad ng mga pabrika.
 Mabilis na pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.
 Pagtaas ng kontrol ng mga kapitalista sa ekonomiya

➢ “Isang halimbawa ng pamayanang naging urbanisado ang inyong ginawa.


Ganito rin ang pinagdaanang pagbabago ng Great Britain. Bakit Great Britain
ang nanguna?”

1. Mayaman sa mga likas na yaman tulad ng uling at bakal.


2. Ang pamahalaan ay napangingibabawan ng mga kapitalista/ bourgeoisie.
▪ “Sino ang mga kapitalista?
▪ Bakit naging mahalaga ang partisipasyon ng mga kapitalista sa pamamahala?
1. Maraming kolonya na napagkukunan ng raw materials gaya ng bulak.
▪ “Saan-saang kolonya kaya maaaring nakukuha ang mga bulak na ito?
▪ “Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng source ng bulak?”
1. Magaling na sistema ng pananalapi at pagpapautang.
2. Malaking sasakyan at hukbong pandagat.
3. “Ano ang kahalagahan ng hukbong pandagat sa Great Britain noong panahong
iyon?”
4. Pagpapatupad ng patent system
• “Ano ang kahulugan ng patent system?”
• “Paano ito nakatulong sa pagyabong ng mga imbensyon sa Great Britain?”

MAHAHALAGANG KAGANAPAN

➢ Paglaki ng populasyon (bumalik sa round 3)

 “Suriin ang graph na nasa inyong mga modyul. Sa loob ng 5 minuto ay


subukang sagutan ang mga tanong sa ibaba?”

 “Ano-ano kaya ang mga posibleng dahilan ng pagtaas ng populasyon?”


 Pagtalakay sa teorya ni Thomas Malthus hinggil sa populasyon
• “Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “lumalaki ang populasyon
exponentially samantalang ang suplay ng pagkain ay lumalaki
arithmetically?” Ano ang maaaring maging epekto nito? Naniniwala ba
kayo rito?
 “Bakit mahalaga ang pangyayaring ito para sa pag-unlad ng Rebolusyong
Industriyal?

➢ Enclosure Movement (bumalik sa round 4)


 Pagtalakay sa sitwasyon bago ang Enclosure Movement: lupang commons.
Iugnay sa relasyon sa pagitan ng mga land lords at mga manggagawa sa Pilipinas
sa pamamagitan ng halimbawa at simulation.

 Talakayin ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng sistema ng agrikultura: iugnay


sa paglaki ng populasyon sa Great Britain.

 “Ipinatupad ang Enclosure Movement ng Parliament.


 “Ano ang naging epekto ng Enclosure Movement sa mga magsasakang
nakabili ng lupa? Sa mga magsasakang hindi nakabili?

 “Sino-sino kaya ang nanirahan sa mga magagandang tahanan?


• Inaasahang sagot: Mga magsasakang nakabili ng lupa at napalago ito.
Nagkaroon sila ng salapi na siyang ginamit na kapital.

➢ Paglago ng Kapital (bumalik sa round 7)


 “Saan kaya nagmumula ang kanilang mga kapital?”
 Tandaan na ang kapital ay hindi natatali sa pera. Maaaring ito ay raw
materials at lakas-paggawa.
• Saan magmumula ang mga raw materials? (mga kolonya)
• Saan magmumula ang lakas paggawa? (pagtaas ng populasyon, slave
trade)
 Nakatulong rin ang pagtatag ng Bank of England at London Stock
Exchange sa pagsasaayos ng sistemang pananalapi.

➢ Pagdami ng mga Imbensyon (bumalik sa round 4 at 9)


 “Ano kaya ang dalawang industriyang lumago dahil sa mga imbensyon? Suriin
ang tsart sa inyong mga modyul.”
 Inaasahang sagot: tela at transportasyon

 Tela (Bumalik sa Round 5)


 Pagpapakita ng ilang imbensyon para sa tekstayl.
 Transportasyon
 (Bumalik sa Round 1) Paglago ng mga kanal
 (Bumalik sa Round 11) Naimbento ni James Watt ang steam engine
samantalang naimbento naman ni George Stephenson ang unang steam-
powered locomotive. Kasama si Robert Stephenson, ipinagawa nila ang
unang riles.
 Komunikasyon
 telegrapo ni Samuel Morse
• Manuod ng simulation ng distress signal na ipinadala ng Titani bago ito
lumubog noong 1912.
• Iugnay rin ito sa karakter ni Sherlock Holmes na madalas gumamit ng
telegrapo sa libro.
 telepono ni Alexander Graham Bell.

PAGBUBUOD
• Ano-anong pagbabago ang naganap noong Rebolusyong Industriyal?
• Aling bansa ang nanguna sa panahong ito?
• Bakit Britain ang nanguna?
• Ano-anong industriya ang nakinabang?
• Anu-ano ang mga mahahalagang imbensyon noon?
• Ano ang naging epekto ng rebolusyon ito sa ekonomiya ng Great Britain

IKALAWANG ARAW (PEBRERO 10)


Introduksyon PAGBABALIK-ARAL
(10 minuto) • Ano ang naganap noong Rebolusyong Industriyal?
• Aling bansa ang nanguna sa panahong ito?
• Bakit Britain ang nanguna?
• Ano-anong indutsriya ang nakinabang?
• Anu-ano ang mga mahahalagang imbensyon noon?
• Ano ang naging epekto ng rebolusyon ito sa ekonomiya ng Great Britain
Mga Gawain at  “Kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya ng Great Britain ay ang pag-usbong ng iba
Pagtalakay at mas madilim na bahagi nito.
(60 minuto)  Manunuod ng maikling movie clip mula sa “Detective Conan the 6th Movie:
Phantom of the Baker Street.
 Magbibigay ng kaunting impormasyon tungkol kay Jack The Ripper, bilang
isa sa mga simbolo ng karahasan noong Rebolusyong Industriyal.
• “Ano-anong mga problema ang nabanggit nina Conan at Haibara mula sa
pelikula hinggil sa kalagayan ng London noong mga panahong iyon?”

 “Laganap ang problema sa lipunan noong Industrial Revolution sa England:


1) Polusyon
2) mataas ng kriminalidad
3) prostitusyon (ang mga biktima ni JTR ay hinihinalang mga prostitutes)

➢ Pang-aabuso sa mga manggagawa


 Ipapabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang teksto na nasa module.
• “Ano-anong mga porma ng paghihirap ang pinagdadaanan ng mga batang
manggagawa sa minahan ng uling?”
• “Bakit pinili ng mga may-ari ng pabrika na mga bata ang kuning
manggagawa?”
• “Ano- ano kaya ang maaaring dahilan ng pagpasok ng mga bata at
kababaihan sa pagtatrabaho?

➢ Paglaganap ng Urbanisasyon
 “Noong nakaraang sesyon ay natalakay ang tungkol sa pag-unlad ng sistema ng
agrikultura sa mga kanayunan. Dahil dito, napalitan ng makina ang dati'y
ginagawa ng mga magsasaka.
 Dahil doon, nawalan ng trabaho ang marami sa kanila. Nagkaroon ng migrasyon
papuntang mga lungsod. Sa lungsod, dumagdag sila sa lumalaking bilang ng mga
manggagawa.
 “Batay sa pangyayaring ito, ano-ano ang naging problemang hatid ng
urbanisasayon?
 Bilang mangagawa, sa lungsod na rin sila nanirahan. Hindi kataka-takang tumaas
rin ang populasyon sa mga lungsod. Kaya't nangailangan ng bagong porma ng
tirahan. Dito ipinagawa ng pamahalaan ang mga Tenement, isang istrukturang
maaaring tirahan ng maraming pamilya.
 “Batay sa mga naging talakayan, sa inyong palagay, naging mabuti o masama
ba ang epekto ng Rebolusyong Industriyal? Bakit? Bakit hindi?

PAG-USBONG NG MGA KAISIPANG PANG-EKONOMIYA

➢ “Matatandaan na ang pagtaas ng kapital ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pag-
usbong ng Rebolusyong Industriyal. Ang pagtataguyod sa paglago ng kapital at
karapatan ng mga kapitalista ay sentro ng anong kaisipang pang-ekonomiko?
 Inaasahang sagot: Kapitalismo

➢ “Ilan sa mga prominenteng personalidad ay sina Adam Smith na nagsabing nararapat


COMMUNISM
pabayaan ng pamahalaan ang kapitalista. Ang konseptong ito ay tinawag niyang
KAPITALISMO
-pagbuwag sa pamahalaan.
“laissez faire. Ilang taon ang makalipas, sinabi naman ni John Maynard Keynes na sa
- pribadong pagmamay-ari -ang ekonomiya ay nasa kamay ng lahat ng tao
panahon ng krisis ay maaaring makialam ang pamahalaan.

➢ Sa kabilang banda, lalong lumalayo ang agwat sa pagitan ng pamumuhay ng mga


mag-ari ng mga negosyo at mga manggagawa. Tinawag ang mga may-ari ng pabrika
bilang bourgeoisie samantalang ang mga manggagawa naman ay mga proletariat.
Lumalaking pagitan
ng mga Upang masolusyunan
Pag-aaklas ang lumalalang
at pagtatagumpay problemang
ng mga ito, ayon
proletariat kay Karl Marx, ay
SOCIALISM
Bourgeoisie kailangang magsama-sama at mag-aklas ang
-pagbagsak mga
ng mgaproletariat
kapitalista upang patalsikinsaang
at ang ekonomiya kamay ng estado
at proletariat
mga bourgeoisie, kunin sa kanilang ang kayamanan at hayaang ang estado ang
kumontrol sa ekonomiya. Tinawag itong Sosyalismo. Kalaunan, kapag nasa ayos na
ang lahat ay mawawala na ang pamahalaan at ang ekonomiya ng bansa ay nasa
kamay ng lahat ng tao. Ito na ang tinatawag na Communism.

Paglalagom at ➢ Pagtalakay sa limang yugto ng kasaysayan ayon kay Karl Marx.


Paglalapat
(15 minuto) ➢ “Sa pangkalahatan, ano-anong aral ang makukuha natin mula sa Rebolusyong
Industriyal?
 “With great power, comes with great responsibility.” Lumakas ang ekonomiya ng
Great Britain ngunit kasabay niyon ay may mga mamamayan nito ang labis na
naapektuhan. Hindi sapat na tignan lamang ang kita bilang batayan ng pag-unlad
kundi makita rin kung ang karamihan sa mamamayan ay nakasasabay sa
sinasabing pag-unlad na iyon.”

Pagtataya/ ➢ Basahin at unawain ang pananaw ni Renato Constantino hinggil sa industriyalisasyon


Takdang ng bansa.
Aralin
What economic attitudes were fostered by American education? It is
interesting to note that
during the times that the school attempts to inculcate an appreciation
for things Philippine, the picture that is presented for the child's
admiration is an idealized picture of a rural Philippines, as pretty and as
unreal as an Amorsolo painting with its carabao, its smiling healthy
farmer, the winsome barrio lass in the bright clean patadyong, and the
sweet nipa hut. That is the portrait of the Filipino that our education
leaves in the minds of the young and it hurts in two ways.

First, it strengthens the belief (and we see this in adults) that the
Philippines is essentially meant to be an agricultural country and we can
not and should not change that. The result is an apathy toward
industrialization. It is an idea they have not met in school. There is
further, a fear, born out of that early stereotype of this country as an
agricultural heaven, that industrialization is not good for us, that our
national environment is not suited for an industrial economy, and that it
will only bring social evils which will destroy the idyllic farm life.

Second, this idealized picture of farm life never emphasizes the poverty,
the disease, the cultural vacuum, the sheer boredom, the superstition
and ignorance of backward farm communities. Those who pursue higher
education think of the farm as quaint places, good for an occasional
vacation. Their life is rooted in the big towns and cities and there is no
interest in revamping rural life because there is no understanding of its
economic problems. Interest is limited to artesian wells and handicraft
projects. Present efforts to uplift the conditions of the rural masses
merely attack the peripheral problems without admitting the urgent
need for basic agrarian reform”

-Renato Constantino
MisEducation of the Filipinos, 1959
➢ Matapos niyon sagutin ang mga sumusunod na tanong at sundin ang mga
panuto.

 Sa pamamagitan ng drowing, ipakita kung sang-ayon ka ba o hindi sa mga


dahilang ibinigay ni Renato Constantino hinggil sa kawalan umano ng
industriyalisasyon ng bansa. Sa ibaba ay magsulat ng maikling paliwanag sa
loob ng 3 hanggang 5 pangungusap (15 points).
 Naniniwala ka bang dumaan o dumadaan na sa industriyalisasyon ang
bansa? (5 points)
 Kung oo, magbigay ng 3 patunay/ebidensya.
 Kung hindi, magbigay ng 3 bagay na dapat gawin ng mga mamamayan
at ng pamahalaan upang makamit ang industriyalisasyon.

Mga Mateo, G.E., et. al. (2006). Kabihasnang Daigdig: Kasaysayan at Kultura. Quezon City:
Sanggunian Vibal Publishing House, Inc. pp. 252-262.

Villoria, E., et.al. (2005). The World: History and Civilization. Quezon City: Vibal
Publishing House, Inc.

Online Sources:
➔ http://www.thecaveonline.com/APEH/TheUrbanGame.htm
➔ https://britlitwiki.wikispaces.com/The+Enclosure+Acts
➔ https://nonlinearhistorynut.files.wordpress.com/2010/02/miseducation-of-a-
filipino.pdf
➔ http://www.nationalarchives.gov.uk/education/resources/1833-factory-act/

You might also like