You are on page 1of 45

MAGANDANG

ARAW!
Balik-Aral!
Ano-ano ang mga
epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko?
BIDYU-SURI!
Panuto: Panoorin at Suriin ang video
presentation na ipapakita at sagutin ang mga
gabay na tanong.

Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay na naipakita sa bidyo?
2. Bakit kaya inimbento ang bagay na ito?
3. Paano nakatulong ang mga bagong imbento sa
pangkasalukuyan?
LETRA-THINK!
Panuto: Gamit ang mga ibibigay na
kahulugan, buoin ang mga nakagulong
letra para makabuo ng isang salita na
may kaugnayan sa magiging paksa.
1. Isang panahon noong huling bahagi
ng ika-18 siglo at unang bahagi ng
ika-19 na siglo nang nagkaroon ng
marubdob na epekto sa sosyo-
ekonomika at pang-kulturang
katayuan sa Britanya ang malaking
pagbabago sa agrikultura, paggawa
ng produkto, pagmimina, at
transportasyon.
LUSERBOGYNO LAYINSUDTRI
1. Isang panahon noong huling bahagi
ng ika-18 siglo at unang bahagi ng
ika-19 na siglo nang nagkaroon ng
marubdob na epekto sa sosyo-
ekonomika at pang-kulturang
katayuan sa Britanya ang malaking
pagbabago sa agrikultura, paggawa
ng produkto, pagmimina, at
transportasyon.
REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
2. Isang mekanikal o de-
kuryenteng bagay ng
naglilipat o nagbabago ng
enerhiya upang makagawa o
makatulong sa mga gawain
ng tao.
RAYANIKAMI
2. Isang mekanikal o de-
kuryenteng bagay ng
naglilipat o nagbabago ng
enerhiya upang makagawa o
makatulong sa mga gawain
ng tao.
MAKINARYA
3. Isang pook na pang-industriya, na
karaniwang binubuo ng mga gusali at mga
makinarya, o mas karaniwang isang
kompleks o kasalimuotan na binubuo ng
ilang mga gusali, kung saan ang mga
manggagawa ay nagmamanupaktura ng
mga kalakal o nagpapaandar ng mga
makina na nagpuproseso ng isang produkto
upang maging iba pang produkto o mga
bagay na maaaring ipagbili.

BAPAKIR
3. Isang pook na pang-industriya, na
karaniwang binubuo ng mga gusali at mga
makinarya, o mas karaniwang isang
kompleks o kasalimuotan na binubuo ng
ilang mga gusali, kung saan ang mga
manggagawa ay nagmamanupaktura ng
mga kalakal o nagpapaandar ng mga
makina na nagpuproseso ng isang produkto
upang maging iba pang produkto o mga
bagay na maaaring ipagbili.

PABRIKA
REBOLUSYONG
INDUSTRIYAL
LAYUNIN:
• Nasusuri ang mga kaganapan at
epekto ng rebolusyong industriyal

• Napapahahalagahan ang mga


kabutihang dulot ng mga
imbensyon sa panahon ng
Rebolusyong Industriyal.
GAWAIN 1.
Panuto: Pangkatin ang klase sa
apat na pangkat. Basahin ang
batayang aklat at sagutin ang
mga katananungang itinakda sa
bawat pangkat.
PANGKAT 1.
1. Paano nagsimula ang
Rebolusyong Industriyal?
2. Bakit sa Great Britain
nagsimula ang
Rebolusyong Industriyal?
• PANGKAT 2. Ibigay ang
mga naitulong ng mga
sumusunod na imbensyon.
• Telepono
• Telegrapo
• Steam Engine
PANGKAT 3.
1. Ano ang mga epekto sa
pamumuhay ng tao sa
panahon ng Rebolusyong
Industriyal?
PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN
ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
• Ito ang panahong kung saan ang mga tao ay
nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong
kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang
produksyon at ito’y lumaki.
• Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng
malaking kita at mapaunlad ang kanilang
pamumuhay. Nagsimula ito noong 1760 na kung
kalian nagkaroon ng mga bagong imbensyon sa
pansakahan ang nabuo at pinasimulan ang
rebolusyon sa agrikultura
• Nagbigay ito ng malaking produksyon sa
mga bansa, karagdagang kita at
pamilihan ng kanilang mga produkto.
Maraming mga naninirahan sa mga
kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga
siyudad at namasukan sa mga industriya
upang kumita nang malaki.
ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG
INDUSTRIYAL SA GREAT BRITAIN
• dahil sa pagkakaroon nito ng maraming
uling at iron na naging pangunahing
gamit sa pagpapatakbo ng mga
makinarya at pabrika.
• Lumaganap ang kaniyang
pakikipagkalakalan at ito ay naging
dahilan ng pagiging maunlad ng bansa.
• Sinuportahang mabuti ng
pamahalaan ang kalakalang
ito sa pamamagitan ng
pagtatatag ng malakas na
hukbong pandagat upang
protekahan ang kanilang
imperyo ng kalakal.
ANG PAGLAGO AT PAGLAKI NG
REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
• Ang terminong Rebolusyong Industriyal
ay iniuugnay sa mga kaganapang
panlipunan at pang –ekonomiya na
humantong sa pagbabago mula sa
lipunang agrikultura at komersiyal tungo
sa modernong lipunang industriyal.
Alexander Graham Bell – kilala
bilang imbentor ng unang telepono
• Samuel B. Morse –
pinakilala ang
telegrapo na
nakatulong para
makapagdala ng mga
mensahe sa mga
kakilala, kaibigan at
kamag-anakan sa
ibang lugar.
• John Kay - Fyling Shuttle (1738)
• Nagpabilis ng paghahabi ng tela
• James Hargreaves – Spinning Jenny (1769)
• Nagpabilis sa paggawa ng yarn
• Samuel Crompton – Spinning Mule (1779)
• Pinatibay at pinanipis ang yarn
• Edmund Cartwright – Power Loom (1785)
• Nagpabilis sa paghahabi
• Eli Whitney- Cotton Gin (1792)
• Thomas Newcomen – Steam Engine (1705)
• mula dito nakaimbento ng sasakyang pinapatakbo
ng steam.
• Robert Fulton - Steam Engine – Ship (1807)
• Michael Faraday - Dynamo (1831)
• Orville at Wilbur Wright- Eroplano (1903)
• Henry Ford - Kotse/Awto (1909)
EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO
• Nagkaron ng kaginhawaan sa mga
gawain
• Tumaas ang kamalayan sa karapatang
pantao ng mga manggagawa
• Nagkaroon ng Urbanisasyon
• Lumaki ang populasyon at nabuo ang
panggitnang uri
• Tumaas ang produksyon subalit
yumaman ang iilan
Bilang isang mag-aaral,
paano mo mabibigyang
halaga ang naging
kontribusyon ng
Rebolusyong Industriyal?
1. Unang Pahayag - Ang Newcomen steam engine at
watt steam enginena naimbento noong 1705 at 1760
ay nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit para
makapagsuplay ng tubig
• Ikalawang Pahayag- Naging kilala si Alexander
Graham Bell bilang imbentor ng telepono at si Tomas
Alva Edison ang nagpakilala ng lakas ng elektrisidad.
Alin sa ibaba ang naglalarawan sa dalawang pahayag?
A. Tama ang pahayag 1, mali ang pahayag 2
B. Mali ang pahayag 1, tama ang pahahag 2
C. Tama ang pahayag 1 at 2
D. Mali ang pahayag 1 at 2
2. Taong 1700 at 1800 nang magkaroon ng
malaking pagbabago sa aspektong
agrikultura at industriya sa mga bansa sa
Europe at sa United States. Ano ang tawag
sa transporamsyong ito?
A. Rebolusyong Industriyal
B. Rebolusyong Pangkaisipan
C. Rebolusyong Pranses
D. Rebolusyong Siyentipiko
3. Saang bansa sa Europa
nagsimula ang Rebolusyong
Industriyal?
A. England
B. Great Britain
C. Portugal
D. Spain
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa
Rebolusyong Industriyal?
I. Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking
kita at mapaunlad ang kanilang pamumuhay
II. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng
mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang
produksyon at ito’y lumaki
III. Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay
nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong
kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksyon
IV. Panahon na pinag-aaralan ang pisikal na daigdig at
ang mga pangyayari rito.
A. I and III B. II and III C. I, II, and III D. I, II, III and IV
5. Alin sa mga sumusunod ang
hindi imbensyon noong
Rebolusyong Industriyal?
A. cotton gin
B. semento
C. spinning jenny
D. steam engine
Takdang Aralin!
1. Ano ang Protectorate?
2. Ano ang Concession
o sphere influence?

You might also like