You are on page 1of 4

“Industriyalisasyon sa Mundo”

Rebolusyong industrial o Industrial revolution sa Ingles ay pinaniniwalaang nagsimula noong


1760 hanggang bandang 1820-1840 sa Britanya, kontinental ng Europa at United States. Sa panahong ito
nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya at makinarya na tuluyan at mas nakapagpaunlad sa mga
nasabing bansa. Mula sa agraryo at mga produksyong gawang kamay, ang mga produkto ay naging
gawang makinarya na nagpadali at nagpabilis sa paggawa. Iilan sa mga naging parte ng rebolusyong ito
ay ang steam engines, mga agham at paggawa, at teknolohiya. Ang pagbabagong ito ay nagpakita ng
mahalagang pagbabago sa lipunan at pagta-trabaho ng mamamayan sa parehong positibo at negatibong
paraan. Nagkaroon na ng iba’t-ibang industriyal na rebolusyon sa iba’t-ibang bansa gaya na lamang ng
China at India na nangyari noong ika-20 na siglo.

Sa iba’t-ibang aspekto, nagkaroon ng rebolusyon na nakapagpabago sa ekonomiya at paggalaw


ng lipunan gaya na lamang sa aspektong agrikultura. Sa panahong ito iilang kadahilanan ang naging
dahilan sa substinansyal na pag-angat sa agrikultura ng Britanya. Naimbento ni Jethro Tull ang seed drill
noong 1701 at nagkaroon din ng maayos at magandang rotasyon sa pagtatanim na mas nakapagpaunlad
ng magagandang ani na may kakayahang makapagbigay sa lumalagong popularidad sa bansa ngunit
nahirapan naman ang mas mababang magsasaka na makahabol sa mga teknolohikal na pagbabagong ito
dahil sila ay nanatili sa tradisyunal na pagsasaka. Isa pang pagbabago ay sa mga tela. Sa panahong ito ay
lumago ang paggamit sa mga telang gawa sa cotton gayon na rin sa produksyon nito, at ang cotton gin
mula sa United States noong 1793. Iilan sa makinaryang nakatulong at mas nakapagpabilis sa paggawa ng
mga tela ay ang spinning jenny, spinning mule at power loom. Ang power loom ay idinisenyo ni Edmund
Cartwright noong 1784 ngunit naipagawa lamang sa noong mga sumusunod na taon. Sumunod sa mga ito
ay ang pagbabagong ito ay rebolusyon sa transportasyon.

Bago ang industriyal na rebolusyon, paglalakbay sa ilog ang pinaka-epektibong


pakikipagkalakalan noon ngunit sa tuwing sumasalungat ang agos ng ilog sa mga bangkang ginagamit ay
mas humihirap ang paglalakbay. Nagkaroon ng solusyon sa problemang ito nang maimbento ni Robert
Fulton ang steamboat noong 1810 kung saan gumagamit ng makina upang mapaandar ang bangka. Dahil
dito ang paglalakbay upang makipagkalakalan ay mas napadali. Hindi lamang sa steamboat nagtatapos
ang lahat dahil upang mas mapaunlad ang pakikipagkalakalan gamit ang mga anyong tubig, naipatayo din
sa taong 1817 ang Erie Canal. Isa sa pinakaimportanteng kanal na naghahabang 363 milya na
kumokonekta sa Lake Erie, Hudson River at Atlantic Ocean. Bukod sa nagkaroon ito ng malaking parte
sa pakikipagpalitan ng produksyon naging transportasyon din ito sa paglalakbay sa kanlurang estado
hanggang New York. Isa pang imbensyong pantransporasyon noong rebolusyong insudtriyal ay ang mga
daan gaya ng railroads. Ang mga daang ito ay mas napaunlad ang mga daan upang malakbay mga
istasyon hanggang sa mga ilog. Nagkaroon ng malaking parte ang gobyerno ng mga naturang bansa na
parte ng rebolusyon sa paggawa ng mga daang gawa sa bato o grabel imbes na manatili sa malulubak at
mapuputik na daan at tinawag ang prosesong ito na Macadam. Nabuo din dito ang railroads upang
makapaglakbay ang tren sa iba’t-ibang daang tatayuan ng riles. Hindi na naging limitado ang mga
sasakyan sa ilog o kanal dahil dito at nagsimula ito sa United States noong 1930 na kalaunan noong
nakumpleto ay kinilala bilang First Transcontinental Railroad noong 1969. Idagdag pa natin ang
pagbabago sa enerhiya (e.g pagkalikha ng windmills), kemikal (e.g solvents, mga pampataba sa lupa), at
metallurgy kung saan nakalikha ng mga makinarya na gawa sa wrought iron.

Napakaraming sanhi ng rebolusyong industriyal. Isa na rito ang kapitalismo, imperyalismo at


Laissez-faire kung saan hindi maaaring makialam ang gobyerno sa pampribadong negosyo ng mga
mamamayan. Sa bawat paglago ng kaalaman ng bawat tao, nagkakaroon ng pagkakataon na magbago din
ang takbo ng isang mundo o bansa. Isa sa may pinakamalaking ambag sa rebolusyong ito ay ang
European Imperialism. Ang panahong ito ay tinawag din na Age of Imperialism kung saan nakipagpalitan
ng mga kagamitan ang mga taga Europa para makakuha ng magsisilbing alipin o manggagawa mula sa
Africa. Ang mga manggagawang ito ay bubuo ng produkto na maipapadala sa iba’t-ibang parte ng
mundo. Napakalaking parte ng mundo ang nasakop ng Europa sa imperyalismong ito at napakarami ang
naapektuhan. Sa paglago ng kanilang bansa, dumarami naman ang mga mamamayang naghihirap hindi
lamang sa Europa kundi sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Kung titingnan naman ang mundo bago ang industriyalismo, limitado rin ang pinagkukunan ng
bawat bansa at doble kayod sa mga manggagawa dahil sa mga makinarya na hindi pa naiimbento. Sa
pag-usbong ng industriyalismo na nagsimula sa Europa, samutsaring kaalaman ang natanggap ng mga tao
dahilan upang mapadali ang kanilang buhay ngunit sa pagdali ng mga proseso sa mge negosyante, ganoon
ding humirap ang buhay para sa mga mamamayan na hindi kayang makipagsabayan sa pagbabagong ito.

Sa kabila ng mga mabubuting epekto nito, napakarami naman ang masamang epekto nito. Gaya
nga sa nabanggit ni Carl Marx; “In a country so rich, how could so many people be poor?”. Bagamat
naipalago nito ang bansa, napakaraming mamamayan naman ang naghirap dahil sa industrialisismo. Ang
pagkaimbento ng iba’t-ibang bagay na may magandang dulot sa isang bansa ay hindi ibig sabihin na libre
ito. Kung magbibigay tayo ng halimbawa, ang mga haciendero sa panahong iyon ay maaaring kumikita
ng malaki dahil sa panibagong produkto na makakapaglago sa kanilang pananim ngunit papaano naman
ang magsasaka na hindi kayang makipagsabayan sa mga naglalakihan na mga negosyante? Sa panahong
ito, nauuto na lamang ang mga mahihirap na kung gusto nilang mabuhay upang may maipakain sila sa
kanilang sarili at sa kanilang pamilya, kinakailangan nilang magtrabaho nang magtrabaho ngunit walang
pagyaman o pag-usbong para sa kanilang kinatatayuan. Sa pag-angat ng mga negosyanteng ito, ang mga
mahihirap ay nananatili parin na mahirap. Imbes na mabigyang oportunidad ang lahat na maipamalas ang
kanilang kakayahan at lumago, tanging ang mga mayayaman lamang ang nagkakaroon ng kakayahan na
lumago at ang mga alipin ay nananatiling alipin upang magtrabaho at gumawa ng mga produkto at
serbisyo na ang maibabalik lamang sa kanila ay mas mababa sa nararapat nilang matanggap. Bukod pa sa
mga mamamayan, nagsimula din ang paglala ng child labor at polusyon dahil sa industriyalisismo. Sa
pagiging gahaman ng mga negosyante at bansang naging parte ng imperyalismo at kolonyalismo sa
pag-angat, unti-unti nitong nasisira ang lipunan. Nagkaroon ng social hierarchy at napagbukod nito ang
mga tao batay sa kanilang kinatatayuan sa isang lipunan. (ploretariats o mga manggagawa at bourgeoise o
mga mayayaman).

Sa konklusyon, ang industriyalisasyon ay naging mabuti lamang sa bansa ngunit hindi sa lipunan
sa loob ng isang bansa. Nagkaroon ng class struggle o hindi pagkakapantay-pantay sa mga mamamayan
sa lipunan. Hindi nito nabigyan ng pagkakapantay ang bawat tao at tanging mayayaman lamang ang
nabibigyan ng pribilehiyo na umangat. Kung susumahin, ang kaginhawaan na nadadala ng mga
panibagong imbensyon mula sa mga tao dito ay para lamang sa mga mayayaman ngunit ang mga
mahihirap ay nananatili sa tradisyunal na paggawa. Ang mga tao ay walang kalayaan lalo na kung
katumbas ng kanilang paggawa ay ang kanilang kakayahan na mapunan ang sarili at pamilya, sa
panahong ito, ang mga taong nagkakaroon ng benepisyo sa kapitalismo ay nagagawang linlangin ang mga
mas mababa sa kanila na magtrabaho sa paraan na wala na silang iba pang pagpipilian kung kaya naman
hindi nabibigyan ng pagbabago ang lipunan para sa mga taong ito. Bilang isang mamamayan kailangan
natin ng pagbabago at paglago sa ating mga pinagkukunan ngunit hindi natin maaring isagawa ito sa
paraan na napag-iiwanan ang ibang mga tao sa lipunan at sa paraan na nasisira nito ang ating ekonomiya.
Sa madaling salita, hindi kapabor-pabor ang industriyalisasyon.
Bibliograpiya

Beck, E. (2017, June 15). Causes of the Industrial Revolution. History Crunch.
https://www.historycrunch.com/causes-of-the-industrial-revolution.html#/

Beck, E. (2018, May 8). Negatives of the Industrial Revolution. History Crunch.
https://www.historycrunch.com/negatives-of-the-industrial-revolution.html#/

Britannica. (2022, August 23). Industrial Revolution. Retrieved October 5, 2022, from
https://www.britannica.com/event/Industrial-Revolution

Cooper, A., & Wilkinson, F. (2022, June 2). Industrial Revolution and Technology. National Geographic
Society. https://education.nationalgeographic.org/resource/industrial-revolution-and-technology

Ducksters. (n.d.). Industrial Revolution: Transportation for Kids.


https://www.ducksters.com/history/us_1800s/transportation_industrial_revolution.php

School History. (n.d.). Power Loom Facts, Worksheets, Edmund Cartwright, Invention.
https://schoolhistory.co.uk/industrial/power-loom/

You might also like