You are on page 1of 10

IMPLASYON

IMPLASYON (PRESYO)

Saekonomika, anginplasyonoimplasyon(Ingles:inflation, literal


napamimintog,pagpintog, opaglobo[1]) ang pagtaas sa
pangkalahatang antas ng mgapresyong mgakalakal(goods) at mga
serbisyo sa isangekonomiyasa loob ng periodo ng panahon. Kung
ang pangkalahatang antas ng presyo ay tumataas, ang bawat unit
ngsalapiay makakabili ng mas kaunting mga kalakal(gaya ng mga
produkto) at mga serbisyo. Dahil dito, ang inplasyon ay isa ring
repleksiyon ng pagguho ng kakayahang pagbili ngperana isang
kawalan ngrealsa halaga sa panloob na kasangkapan ng pagpapalit
at unit ng kahalagan sa ekonomiya. Ang pangunahing sukatan ng
inplasyon angantas ng inplasyonna taunangpersentaheng
pagbabago sa pangkalahatangindeks ng presyo(na normal na
indeks ng presyo ng mamimili) sa paglipas ng panahon. Ang
inplasyon ay salamin ng pagtaas ng mga presyo sa pamilihan na
nagiging dahilan upang harapin ng pamahalaan ang suliranin na
nagbunsod sa mataas na presyo. Sa madaling salita, ito ang pagtaas
ng halaga ng bilihin na dinudulot ng dami ng nakakalat na pera. [1]

DAHILAN NG IMPLASYON

DEMAND PULL

Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng


bawat sektor ng ekonomiya, sambahayan,
kompanya o pamahalaan na makabili ng
produkto at serbisyo na mas marami sa
isusuplay o ipoprodyus ng pamilihan. Ito ang
kalagayan na mas labis ang aggregate
demand kaysa aggregate supply.

COST PUSH

Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing


pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas
ng presyo ng bilihin. Ang mga sahod ng
manggagawa, pagbili ng mga hilaw na
materyales at makinarya at paghahangad ng
malaking tubo ang pangunahing dahilan ng
pagtaas ng presyo ng bilihin.

STRUCTURAL INFLATION

Kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na


malayon ang anumang pagbabago sa lebel at
dami ng kabuuang demand ng ekonomiya.
Pagtutunggalian ng mga pangkat sa lipunan
upang makakuha ng malaking bahagi sa
kabuuang kita ng bansa at tunggalian ng
wage earners at profit earners.

IBA'T IBANG URI


NG PRICE INDEX

GNP DEFLATOR O GNP IMPLECIT


PRICE INDEX

Ito ang price index na ginagamit upang


pababain ang current GNP sa constant GNP.
Ang GNP deflator naman ay ginagamit upang
alamin ang halaga ng GNP batay sa
nakaraang taon. Pormula: GNP at constant
prices= GNP at current prices deflator

WHOLE SALE PRICE INDEX


RETAIL PRICE INDEX

Nagpapakita at sukatan ng pagbabagong


presyo ng final goods,intermediate goods at
crude materials sa bilihang whole sale at
retail.

CONSUMER PRICE INDEX(CPI)

Ito ang mas kilalang panukat ng implasyon.


Ito ay pagsukat ng average na pagbabago ng
presyo ng produkto o bilihing
pangkaraniwang kinukonsumo ng mamimili.

You might also like