You are on page 1of 3

ANO ANG IMPLASYON?

Ito ay isang economic indicator upang sukatin ang kalagayan ng


ekonomiya ng isang bansa. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas
ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. Ito ay isang
suliranin na kinakaharap ng maraming bansa sa daigdig. Kataliwas
nito ang Deplasyon na nangangahulugang pagkalahatang pagbaba
ng presyo.

Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo


Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang Consumer Price Index
(CPI) upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ang
pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa
basket of goods. Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga
pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng
mamamayan.Tinitingnan ang halaga ng mga produktong ito upang masukat
ang bilis at laki ng pagbabago sa presyo. Mula sa market basket, ang price
index ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan at average na
pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin. Ang price index ay depende sa
uri ng bilihin na gustong suriin.

URI NG IMPLASYON
Demand-Pull
- nagaganap kapag nagkakaroon ng paglaki sa paggastos ng mga
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at dayuhang sektor
ngunit hindi katumbas ang paglaki ng kabuuang produksyon
Cost-push
- nagaganap kapag ang halaga ng gastos ng produksyon ay
tumaas.
Structual Inflation
- ang kahinaan ng mga institusyon at sektor ng isang ekonomiya
na makasabay sa pagbabago ng lipunan at ekonomiya na
maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo sa pamilihan.

DAHILAN,EPEKTO AT SOLUSYON SA
IMPLASYON

PANGKAT 3
MGA URI NG PANUKAT SA PAGBABAGO NG
PRESYO
1.GNP Deflator o GNP Implicit Price Index
ito ang average price index na ginagamit upang pababain angcureent
GNP sa constant GNP. Ito ay ginagamit upang maisama sa pagkwenta ng
GNP ang anumang pagbabagosa presyo.
2.Wholesale Price Index
nagpapakita at sukatan ng pagbabago ng mga presyo ng mga produkto na
nabibili ngmaramihan.
3.Retail Price Index
nagpapakita at sukatan ng pagbabago ng mga presyo ng mga produkto na
nabibili ngtingian.
4.Consumer Price Index (CPI)
panukat ng average na pagbabago ng presyo ng mga produkto na
pangkaraniwangkinukonsumo ng mga mamimili.
Pagkwenta ng CPI1.

1.Pagkuha ng Tinimbang na Presyo (Weighted Price)


WP=timbang X Presyo
2.Pagkuha ng kabuuang Tinimbang na Presyo (Total Weighted Price)TWP=
∑WP
3.Pagkuha ng CPICPI =
TWP (present year)
TWP (base year) X100

You might also like