You are on page 1of 103

Kahulugan ng Pamilihan

• Ang pamilihan ay isang mahalagang bahagi ng


ekonomiya sapagkat dito nagaganap ang
pagpapalitan sa pagitan ng mangangalakal at
konsumer.
• Ang pamilihan ay isang komplikadong
makroekonomiyang konsepto na may iba’t ibang uri
ngunit may iisang katangian.
• Ano nga ba ang pamilihan?
• Ano-ano ang katangian nito?
• Ang mga tanong na iyan ay sasagutin natin sa araling
ito.
Mga Layunin sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga


mag-aaral ang sumusunod:

● Nabibigyang kahulugan ang pamilihan.


● Natatalakay ang mga klasipikasyon ng pamilihan.
● Nasusuri ang mga katangian ng pamilihan.
Kasanayan sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istraktura ng pamilihan
(AP9MYK-IIh-11).
Pagganyak

• Ano ang
ipinakikita sa
larawan?
• Ipinakikita sa
larawan ang
sistemang
barter.
Pagganyak

• Ano ang
sistemang
barter?
• Ito ay palitan ng
paninda o gamit
na hindi
ginagamitan ng
salapi.
Pagganyak

• Paano maiuugnay ang


sistemang ito sa
kasaysayan ng bansa?
• Bago pa man dumating
ang mga mananakop,
nakikipagkalakan na tayo
sa mga karatig-bansa.
Ginamit ang sistemang ito
para sa palitan ng kalakal.
Ano ang ipinakikita sa larawan?
• (Ipinakikita sa larawan ang isang Pamilihan.
Paano nagkakaiba ang sistemang barter sa sistema sa
pamilihan?
• Sa sistemang barter ay nagkakaroon ng palitan ng kalakal
samantalang sa pamilihan ay makakakuha ka ng produkto
sa pamamagitan ng pagbayad ng salapi.
Mahahalagang Tanong

Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na


tanong:
● Ano-ano ang mga katangian ng isang pamilihan?
● Sino-sino ang mga aktor sa pamilihan?
● Bakit mahalaga ang pamilihan sa isang bansa?
Gawain

• Magbigay ng apat na konseptong pumapasok sa


kanilang isipan pagsinabing pamilihan.
• Mula sa apat na salitang ibinigay, bumuo ng isang
pangungusap upang maipaliwanag ang pamilihan.
• Ano ang
ipinakikita sa
larawan?
• Isang cart at ang
mga serbisyo at
produkto na
maaaaring mabili
• Paano ito maiuugnay sa mga
ginawang gawain?
• Ipinakikita nito ang sistema ng
pamilihan kung saan ang mga
mamimili at manininda ay
nagkakasundo kung anong
presyo at gaano karami ang
produkto o serbisyong bibilhin
ng mamimili at ibebenta
naman ng mga manininda.
Paano ito
maiuugnay sa mga
ginawang gawain?
Ano ang maaaring
mabili sa isang
pamilihan?
Ano ang pamilihan?
• Ito ay nagaganap na pagpapalitan at interaksiyon
sa pagitan ng mamimili at nagbibili kaugnay ng
presyo at dami ng produkto.
Ano-ano ang maaaring mabili sa isang
pamilihan?
• mga produkto at serbisyo.
Larawan ng relasyon ng produsyer at konsyumer, mula sa Openclipart
Kahulugan ng Pamilihan

• Ang pamilihan ay hango sa salitang


Latin na mercatus na
nangangahulugang kalakalan at
merx na ang ibig sabihin ay kalakal
o produkto
Kahulugan ng Pamilihan

• Ang pamilihan ay tumutukoy hindi lamang


sa lugar kung saan nagkakaroon ng
transaksiyon ng pagbili at pagbenta, ito ay
isang mekanismo kung saan ang mga
mamimili at manininda ay magkakasundo
kung anong presyo at gaano karami ang mga
produkto o serbisyong bibilhin ng mamimili at
ibebenta naman ng mga manininda.
Kahulugan ng Pamilihan

• Sa pananaw ng mga ekonomista,


ang pamilihan ay kinakailangang may
nakatayong establisimyento kung
saan nagpupunta ang mga mamimili
at prodyuser.
• Ito ay tinatawag na fixed place.
Kahulugan ng Pamilihan

• Sa pananaw ng ibang akademiko,


hangga’t kumpleto ang elemento ng
pamilihan ay hindi kinakailangan ng
fixed place upang magkaroon ng
interaksiyon ang mamimili at
prodyuser.
Kahulugan ng Pamilihan
• Halimbawa nito ay kapag bumili ka ng papel mula sa
isang aklatan. Pagdating mo sa paaralan ay ipinagbili
mo sa iyong mga kamag-aral ang nasabing papel.
Ang silid-aralan ay naging lugar ng pagpapalitan
dahil ikaw ang nagtitinda at ang iyong mga kamag-
aral ang mamimili.
• Makikita na ang halimbawang ito ay paglalarawan ng
isang pamilihan na may kumpletong elemento.
Kahulugan ng Pamilihan
• Ang konsyumer ay bumibili ng
produktong gawa ng prodyuser.
• Ang prodyuser ay gumagawa ng
produktong kailangan ng konsyumer.
• Ang ugnayan ng konsyumer at
prodyuser ay naisasaayos ng
pamilihan.
Kahulugan ng Pamilihan
• Ang konsyumer ay bumibili ng
produktong gawa ng prodyuser.
• Ang prodyuser ay gumagawa ng
produktong kailangan ng konsyumer.
• Ang ugnayan ng konsyumer at
prodyuser ay naisasaayos ng
pamilihan.
Kahulugan ng Pamilihan
• Ayon kay Adam Smith, ang presyo ang
gumagabay sa ugnayan ng dalawang
aktor sa pamilihan.
• Tinawag niya itong “invisible hand”.
Kahulugan ng Pamilihan
• Ang pamilihan ang nagdidikta kung
anong produkto o serbisyo ang dapat
gawin, kung paano ito gagawin, at kung
gaano karami ang gagawin.
• Magkaiba ang pamilihan at palengke.
Ang palengke ay bahagi lamang ng
pamilihan.
“Markets are usually a good way to
organize economic activity.”
- Gregory Mankiw
Mga Klasipikasyon at Uri ng Pamilihan

• Palagi tayong isinasama ng ating mga


magulang sa pamilihan. Maaaring ito ay
isang maputik at masikip na palengke o
sa malamig at malinis na supermarket.
Madaling ilarawan ang mga uri ng
pamilihan, subalit mayroon pa itong mas
tiyak na klasipikasyon.
Anong uri ng pamilihan
batay sa lugar ang
maaaring maiugnay sa
larawan?
• pamilihang lokal at
pamilihan sa labas ng
bansa
Bakit ito ang
ipinahihiwatig ng
larawan?
• Ang pamilihang lokal
ay kumikita ng salaping
piso samantalang ang
pimilihan sa labas ng
bansa ay kumikita ng
dolyar.
Mga Klasipikasyon at Uri ng Pamilihan
• Ang pamilihan batay sa lugar ay may dalawang uri:
pamilihang lokal at pamilihan sa labas ng bansa.
• Ang lokal na pamilihan ay matatagpuan sa loob ng
ating bansa at kumikita ng salaping piso. Halimbawa nito
ay sari-sari store. Tinatawag din itong domestic market.
• Ang pamilihan sa labas ng bansa ay wala sa teritoryo
ng bansa at kumikita ng salaping dolyar. Tinatawag din
itong world market, international market o foreign
market.
Ano ang ipinakikitang uri ng pamilihan batay sa transaksiyon o
kasunduan?
• Ang larawan sa kaliwa ay nagbebenta ng tingi samantalang
ang nasa kanan ay buluthan o pakyawan.
Ano-anong halimbawa ng pamilihan ang maiuugnay dito?
• Isang halimbawa ng nagbebenta ng tingi ay mga sari-sari store.
Mayroong ilang tindihan sa Divisoria na hindi nagbebenta ng
tingi-tingi, kailangan ay bulto o maramihan.
• Mayroong pamilihan na nagbebenta ng tingi-tingi o
paisa-isa at mayroon ding nagbebenta ng pakyawan o
bultuhan.
• Ang mga sari-sari store ay karaniwang nagbebenta ng
paisa-isang produkto tulad ng kendi, shampoo,
toothpaste, at iba pa.
• Sa pagbili naman ng pakyawan o bultuhan ay
nakapagbibigay ng diskwento o tawad sa presyo ng
produktong bibilhin. Karaniwang bumibili rito ay mga
negosyante rin.
Ano ang ipinakikitang uri ng
pamilihan batay sa uri ng
produkto o kalakal?
• Ang nasa itaas na kaliwang
bahagi ay nagpapakita ng
mga pangkaraniwang
produkto, ang nasa itaas na
kanang bahagi ay lakas-
paggawa, ang nasa ibabang
kaliwang bahagi ay
pagiimbak o stocks, at ang
nasa ibabang kanan ay
tungkol sa lupa o bahay.
Sa lakas-paggawa, ano
ang pinagka-iba ng
white collar job at blue
collar job?
• Ang white collar ay
mga professional at
non-manual
samantalang ang blue
collar ay pisikal na
lakas ang ginagamit.
Mga Klasipikasyon at Uri ng Pamilihan

• Ang mga pamilihan batay sa uri ng produkto


at kalakal ay nahahati sa apat:
pangkaraniwang produkto, paggawa,
imbak, at lupa.
• Ang pangkaraniwang produkto ay mga
kailangan sa pang-araw-araw na pagkonsumo
ng mga tao tulad ng bigas, prutas, gulay, at
isda.
Mga Klasipikasyon at Uri ng Pamilihan

• Ang pamilihang paggawa ay nakapokus sa


serbisyo.
• Mayroong tinatawag na white collar job
kung saan ang manggagawa ay professional
at non-manual tulad ng guro.
• Ang blue collar job naman ay paggamit ng
pisikal na lakas tulad ng mga trabaho sa
konstruksiyon.
Mga Klasipikasyon at Uri ng Pamilihan

• Ang kita sa imbak o stock na pamilihan ay


makikita sa dibidendo ng imbak ng mga
kompanya.
• Ang foreign exchange ay kabilang rito.
• Sa lupa o real estate, ang pamilihan ay sa
kasunduan ukol sa paglilipat ng pagmamay-
ari ng lupa, bahay, at condominium.
Mga Katangian ng Pamilihan
• Ang pamilihan ay isang
mahalagang salik sa
pagpapatakbo ng
ekonomiya. Dahil dito
nagaganap ang palitan
ng mga kalakal at
serbisyo, dapat
tandaan na mayroon
itong mga katangian.
Mga Katangian ng Pamilihan
• Ang pamilihan ang nagdidikta kung anong
produkto o serbisyo ang dapat gawin, kung paano
ito gagawin, at kung gaano karami ang gagawin.
• Dapat tandaan na ang pamilihan at palengke ay
magkaiba. Ang palengke ay bahagi lamang ng
pamilihan. Dito nagaganap ang direktang ugnayan
o harapang transaksiyon ng mga mamimili at
nagtitinda.
Mga Katangian ng Pamilihan
• Mas malawak ang pamilihan kaysa palengke dahil hindi
kailangan na magkaroon ng pisikal na transaksiyon sa
pagitan ng mamimili at nagtitinda. Maaari itong gawin sa
pamamagitan ng telepono, sulat, o Internet.
• Ang bawat produkto at serbisyo sa pamilihan ay may
itinakdang presyo. Ang presyo ay halaga na babayaran
ng mamimili kapalit ng produkto o serbisyo na kaniyang
kinuha. Itinatakda ang presyo ng produkto o serbisyo sa
pamilihan batay sa pangangailangan o kagustuhan ng
tao.
Paglalapat

• Sa iyong pananaw, bakit mahalaga ang


pamilihan sa daloy ng ekonomiya ng isang
estado?
• Dito naibibigay ang pangangailagan ng
mamamayan. Dito nagaganap ang
pagpapalitan sa pagitan ng mangangalakal at
konsyumer.
Paglalapat

• Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong


gawin upang makatulong sa pagpapa-unlad ng
pamilihan?
• Ano ang maaaring mangyari kung walang
pamilihan?
• Hindi magiging sistematiko at magkakagulo ang
transaksiyon sa pagitan ng konsyumer at
prodyuser.
Pagpapahalaga

Paano mo mapahahalagahan ang


gampanin ng pamilihan sa pag-unlad
ng bansa?
Mahahalagang Tanong

Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na


tanong:
● Ano-ano ang mga katangian ng isang pamilihan?
● Sino-sino ang mga aktor sa pamilihan?
● Bakit mahalaga ang pamilihan sa isang bansa?
Inaasahang Pag-unawa

1. Ang pamilihan ay ang pagkakaroon ng pagpapalitan ng


produkto o kalakal sa pagitan ng mga mamimili at bahay-
kalakal.
2. Ang pamilihan ay maaaring lokal o nasa labas ng bansa.
Maaari rin na ang transaksiyon ay tingi o bulto at pakyawan.
Batay sa uri ng produkto o kalakal, may pamilihan na ang
itinitinda ay mga pangkaraniwang produkto, lakas-paggawa,
imbak at lupa.
3. Mahalaga ang pamilihan sa isang bansa dahil dito
nagkakaroon ng ugnayan ang mga mamimili at nagtitinda.
Dapat Tandaan

● Ang pamilihan ay isang mahalagang salik sa pagpapatakbo


ng ekonomiya.
● Naisasaayos ng pamilihan ang ugnayan sa pagitan ng
konsyumer at prodyuser.
● Ang pamilihan ang nagdidikta kung anong produkto o
serbisyo ang dapat gawin, kung paano ito gagawin, at kung
gaano karami ang gagawin.
Bigyang-kahulugan ang sumusunod
na salita.
1. pamilihan : __________________________________________________________________
2. domestic market : __________________________________________________________________
3. presyo : __________________________________________________________________
4. labor market : __________________________________________________________________
5. blue collar job : __________________________________________________________________
6. Foreign exchange : __________________________________________________________________
7. white collar job : __________________________________________________________________
8. world market : __________________________________________________________________
9. fixed place : __________________________________________________________________
10. commodity : __________________________________________________________________
Kasunduan

Sa isang bond paper, gumawa ng isang


graphic organizer na magpapakita ng
estruktura ng pamilihan batay sa
ekonomiks. Maglagay ng paglalarawan
sa bawat bahagi nito.
Pinagkunan ng mga Larawan

Market ni Falaq Lazuardi na may pahintulot batay sa Unsplash License sa pamamagitan ng


Unsplash.

Raw Meat Hanging on Stalls ni Jorge Soto Farias na may pahintulot batay sa Pixels License sa
pamamagitan ng Pixels.

Gray steel shopping cart ni emirkhan bal na may pahintulot batay sa Pixels License sa
pamamagitan ng Pixels.

Market ni Dennis Siqueira na may pahintulot batay sa Unsplash License sa pamamagitan ng


Unsplash.
Pinagkunan ng mga Larawan

Birmingham Wholesale Markets ni simon gray na may pahintulot batay sa CC BY-SA 2.0 sa
pamamagitan ng Wikimedia Commons.

Sold Sign and House ni Guy Kilroy na may pahintulot batay sa CC BY-SA 2.0 sa pamamagitan
ng Flickr.

Bitcoin ni Nick Chong na may pahintulot batay sa Unsplash License sa pamamagitan ng


Unsplash.

Workers ni Sol na may pahintulot batay sa Unsplash License sa pamamagitan ng Unsplash.


Mga Sanggunian

Acomular, Melquiaes. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad. IEMI. Manila, 2015.

Mateo, Grace Estela. et al. Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. VPHI, 2012.

James Gard. “Global Market Report - Mayo 17, 2018.” Morning Star. Nakuha mula sa
http://www.morningstar.co.uk/uk/news/167499/global-market-report---may-17-2018.aspx.
Iba’t Ibang Estruktura ng
Pamilihan
Natutuhan natin mula sa nakaraang
aralin na ang pamilihan ay may iba’t
ibang uri ngunit mayroong iisang
katangian. Naibahagi rin sa nakaraang
aralin ang kahalagahan ng pamilihan sa
pagpapanatili ng maayos na daloy o
takbo ng ekonomiya.
Sa araling ito, lalo pa nating
kikilatisin ang paggalaw ng
pamilihan sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga estrukturang
nakapaloob dito.
Mga Layunin sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga


mag-aaral ang sumusunod:
● Naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng estruktura ng pamilihan at
katangian nito.
● Nasusuri ang perpekto o purong pamilihan at di-perpekto o
di purong pamilihan.
● Nakapagbibigay ng mga halimbawang pamilihan batay sa uri
at estruktura nito.
Kasanayan sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagampanan ng mga


mag-aaral ang sumusunod na kasanayan:
● Nasusuri ang kahulugan at iba't ibang estruktura ng
pamilihan (AP9MYK-IIi-12).
Pagganyak
Pagganyak

Ano-ano ang mga sagisag


na nasa larawan?
• Itaas - kaliwa hanggang
kanan: Petron, Toyota,
Shell; Ibaba - kaliwa
hanggang kanan: Honda,
Smart, Meralco
Pagganyak

Paano ito mai-


uugnay sa
pamilihan?
• Ang mga ito ay
kabilang sa mga
industriya ng
bansa.
Ang estruktura ng pamilihan
ay nahahati sa dalawang uri:
ang perpekto at di-
perpektong pamilihan. Ito ay
batay sa kompetisyon at
pagkontrol sa presyo sa
pagitan ng mga nagtitinda at
mamimili ng mga produkto at
serbisyo.
Mahahalagang Tanong

Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na


tanong:
● Ano ang dalawang estruktura ng pamilihan?
● Bakit ang ganap na kompetisyon ay isang palagay
na pamilihan?
● Paano nakaapekto ang mga estruktura ng
pamilihan sa ugnayan ng presyo, demand, at
supply tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng
tao?
Gawain

Estruktura ng Pamilihan
Perpekto o Purong Pamilihan Di-perpekto o Di-purong
Pamilihan

Paghahambing sa
dalawang estruktura
ng pamilihan,
Pagsusuri

Ano ang ipinakikita sa larawan?


• Ipinakikita rito ang
estruktura ng pamilihan. Ito
ay tumutukoy sa balangkas
na umiiral sa sistema ng
merkado kung saan
ipinakikita ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser.
Pagsusuri

Paano pinalawak ng mga


gawain ang iyong
pagkakaunawa sa diagram?
• Sa ginawang gawain,
inisa-isa ang mga
mahahalagang
konseptong makikita sa
diagram.
Pagsusuri

Ano ang batayan ng


dalawang estruktura?
• Ang dami at lawak ng
kontrol ng prodyuser at
konsyumer sa pamilihan
ang salik na nagtatakda
ng estruktura nito.)
Iba’t Ibang Estruktura ng Pamilihan

• Ang estruktura ng pamilihan batay sa


ekonomiks ay nahahati sa dalawang uri —
perpekto o purong pamilihan at di-
perpekto o di-purong pamilihan.
• Ang pag-uuri sa pamilihan ay batay sa
kompetisyon at pagkontrol sa presyo sa
pagitan ng mga nagtitinda at mamimili ng
mga produkto at serbisyo.
Bidyo tungkol sa estruktura ng pamilihan
Ano ang perpekto o purong pamilihan?

• Sa isang perpekto o purong


pamilihan, hindi kayang idikta ng isang
prodyuser at konsyumer nang mag-
isa ang presyo.
Ano-ano ang katangian ng isang perpekto o
purong pamilihan?
Ang perpekto o purong pamilihan ay may sumusunod na
katangian:
• maraming mamimili at manininda,
• pareho sa lahat ng aspekto ang produkto at serbisyong
ibinebenta (homogenous),
• kumpleto ang impormasyon sa pamilihan,
• walang karagdagang gastos sa bawat transaksiyong kaugnay
sa pamimili at pagtitinda, at
• malayang nakapapasok ang bagong bahay-kalakal sa
pamilihan.
Ano-ano ang katangian ng isang perpekto o
purong pamilihan?
• Ang mga presyo ng kalakal at sebisyo ay
kalimitang mura at matatag.
• Isang halimbawa ng ganitong pamilihan ay
sari-sari store.
• Halos malabong magkaroon ng ganitong
pamilihan dahil sa mahigpit na kondisyon sa
pamilihan.
Larawan ng halimbawa ng monopolyo.
Di-Perpekto o Di-Purong Pamilihan (Imperfect o
Impure Markets)
• Napakadalang ng pagkakataon na ang
mga kondisyon para sa perpektong
pamilihan ay umiiral sa tunay na buhay.
Kung isa sa mga kondisyong isinaad sa
itaas ay wala, ang sistema ng pamilihang
umiiral ay tatawagin nang di-perpekto o
di-purong pamilihan.
iba’t ibang uri ng di-perpektong pamilihan.
Kompetisyon
• Sa kompetisyon, may paligsahan sa pagitan
ng mga nagtitinda ng produkto at serbisyo.
Ang paligsahan ay maaaring daanin sa
presyo, kalidad, o ganda ng patalastas.
Nakabubuti ito sa mga mamimili dahil
marami silang mapagpipiliang produkto o
serbisyo.
iba’t ibang uri ng di-perpektong pamilihan
Mayroong dalawang uri ng kompetisyon:
• Ganap na kompetisyon – Marami ang
nagtitinda at marami ang namimili,
maraming magkakaparehong produkto ang
ipinagbibili sa pamilihan, at walang
limitasyon ang paligsahan ng mga nagtitinda
ng produkto at serbisyo.
iba’t ibang uri ng di-perpektong pamilihan.
Mayroong dalawang uri ng kompetisyon:
• Di-ganap na kompetisyon – Marami ang
nagtitinda at marami ang namimili,
maraming magkakaparehong produkto ang
ipinagbibili sa pamilihan, at may limitasyon
ang paligsahan ng mga nagtitinda ng
produkto at serbisyo.
iba’t ibang uri ng di-perpektong pamilihan

Monopolyo
• Ang monoplyo ay uri ng pamilihan na iisa
lamang ang prodyuser na gumagawa ng
produkto at nagbibigay-serbisyo kung kaya’t
walang pamalit o kahalili. Mayroon itong
kakayahang handalangan ang
kakompetensya.
iba’t ibang uri ng di-perpektong pamilihan
Monopolyo
Tatlo ang tinutukoy na dahilan kung bakit walang ibang manininda
kung may monopolyo.
• Una, maaaring tanging ang bahay-kalakal lang ang nagmamay-ari
ng isang mahalagang salik ng produksiyon.
• Pangalawa, maaaring ibinababa talaga ng monopolyo ang presyo
para hindi makapasok ang ibang manininda na hindi kayang
tapatan ang presyong iyon.
• Pangatlo, tanging ang monopolyo lamang ang may karapatang
gumamit o magbenta ng nasabing produkto.
• Maaaring diktahan ng monopolista ang
presyo at supply ng mga bilihin.
• Ang hoarding ay pagtatago ng produkto
upang magkulang ang supply sa pamilihan na
magdudulot ng pagtaas sa pangkalahatang
presyo.
• Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Meralco,
Maynilad, at Manila Water Company.
Larawan ng halimbawa ng monosopyo, mula sa Simplesite
Ano ang monopsonyo?
• Ang monopsonyo ay mayroong maraming
nagtitinda ngunit kakaunti o halos iisa lamang ang
bumibili.
• Nakokontrol ng mamimili ang presyo ng produkto
o serbisyo.
• Isang halimbawa nito ang mga propesyon kung
saan pamahalaan lamang ang tanging mamimili sa
serbisyong maibibigay ng guro, pulis, at sundalo.
May kani-kaniyang estratehiya ang mga
mangangalakal upang maipagbili ang kanilang
mga produkto.
Monopolistikong Kompetisyon
• Ang monopolistikong kompetisyon ay isang uri ng
pamilihan kung saan marami ang manininda sa
pamilihan at naggbibigay sila ng alternatibong
produktong maaaring pagpilian ng isang mamimili.
• May kapangyarihan ang prodyuser na magtakda
ng presyo.
• Nagkakaiba-iba ang mga produkto nito sa
pagkakabalot, pangalan, presentasyon o maging sa
lasa.
Monopolistikong Kompetisyon

• Mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga


prodyuser ang pag-aanunsiyo upang
maipakilala ang kanilang produkto o serbisyo.
• Ilan sa mga halimbawa nito ay sabong
panlaba at pampaligo, toothpaste, at
shampoo.
Larawan ng halimbawa ng oligopolyo, mula sa Simplesite
Oligopolyo
• Ang oligopolyo ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na
may maliit na bilang o iilan lamang ang prodyuser na
nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto
at serbisyo.
• May kakayahan ang prodyuser na maimpluwensiyahan ang
presyo na umiiral sa pamilihan.
• Ilan sa mga halimbawa nito ay ang industriya ng petrolyo
tulad ng Shell, Petron, at Chevron. Kasama rin dito ang
industriya ng telekomunikasyon at transportasyong
panghimpapawid.
Oligopolyo
• May mga pagkakataon kung kailan nagkakaisa ang mga
bahay-kalakal sa isang oligopolyo upang makontrol nila
ang pamilihan. Bumubuo sila ng samahang tinatawag na
cartel.
• Sa ating bansa, hindi pinahihintulutan ang kartel upang
mabigyang proteksyon at maisulong ang kapakanan ng
mga konsyumer. (RA 9374).
Paglalapat

Ano ang copyright, trademark, at patent?


• Ang copyright ay tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari
ng isang tao na maaaring kabilang ang akdang pampanitikan
o pansing.
• Ang trademark ay paglalagay ng mga marka sa mga
produkto o serbisyo na siyang magsisilbing pagkakakilanlan
ng kompanya.
• Ang patent ay ang pumoprotekta sa imbentor at kanyang
imbensyon upang mapagbawalan na gamitin ng iba.
Paglalapat

Paano ito nakatulong sa monopolyo?


• Ito ay nagbibigay kapangyarihan
sa monopolyo na tanging ito
lamang ang may karapatang
gumamit o magbenta ng nasabing
produkto.
Paglalapat

Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang


pagkakaroon nito?
• Mahalaga ito dahil
nabibigyang proteksiyon ang
iyong mga gawa at hindi
gagayahin ng iba.
Pamilihan ating pangalagaan.
Pagpapahalaga

Kung ikaw ay magtatayo ng isang


negosyo, paano mo gagamitin ang
iyong kaalaman sa estruktura ng
pamilihan?
Mahahalagang Tanong

Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na


tanong:
● Ano ang dalawang estruktura ng pamilihan?
● Bakit ang ganap na kompetisyon ay isang palagay
na pamilihan?
● Paano nakaapekto ang mga estruktura ng
pamilihan sa ugnayan ng presyo, demand, at
supply tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng
tao?
Inaasahang Pag-unawa

Ano ang dalawang estruktura ng


pamilihan?
● Ang dalawang estruktura ng pamilihan
ay ang perpekto o purong pamilihan, at
di-perpekto o di-purong pamilihan.
Inaasahang Pag-unawa

Bakit ang ganap na kompetisyon ay isang


palagay na pamilihan?
● Ang ganap na kompetisyon ay isang
palagay na pamilihan dahil ito ay
malabong mangyari dahil sa mahigpit
na kondisyon sa pamilihan.
Inaasahang Pag-unawa

Paano nakaapekto ang mga estruktura ng


pamilihan sa ugnayan ng presyo, demand, at
supply tungo sa pagtugon sa
pangangailangan ng tao?
● Ang estruktura ng pamilihan ay
nakaaapekto batay sa dami at lawak ng
kontrol ng market players.
Dapat Tandaan

Uri ng Bilang ng Pagkaka-iba Kontrol Pagpasok Patalastas


estruktura bahay - ng mga sa
sa presyo
produkto
kalakal pamilihan

Perpekto marami wala wala masyadong wala


madali
Oligopolyo kaunti limitado katamtaman mahirap masidhi
hanggang hanggang
lubos
masidhi
Dapat Tandaan

Uri ng Bilang ng Pagkaka-iba Kontrol Pagpasok Patalastas


estruktura bahay - ng mga sa
sa presyo
produkto
kalakal pamilihan

Monopolyo isa wala lubos masyadong wala


hanggang mahirap hanggang
limitado limitado
Monopolistang
Kompetisyon
marami masidhi katamtaman madali masidhi
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ayon sa ekonomiks, ano ang dalawang pangunahing
estruktura ng pamilihan?
2. Ano-ano ang sistema ng pamilihan sa di-purong
pamilihan?
3. Ano ang pinagkaiba ng monopolyo at monopsonyo?
4. Magbigay ng tatlong katangian ng perpektong pamilihan.
(3)
5. Magbigay ng limang uri ng di-perpektong pamilihan. (5)
6. Magbigay ng dalawang halimbawa ng kompetisyon. (2)
Kasunduan

Sa iyong kwaderno, sumulat ng limang


regulasyon at hakbang na ginagawa ng
pamahalaan upang matugunan ang
pangangailangan sa pamilihan.
Pinagkunan ng mga Larawan

PNR Filtrack leaving for Manila (northbound) - panoramio.jpg by Ronx Ronquillo is


licensed under CC BY-SA 3.0 via Wikimedia Commons.

Firefighter Training by Matt Chesin is licensed under Unsplash License via Unsplash.

Police by AJ Colores is licensed under Unsplash License via Unsplash.

Sack of Rice by minthu is licensed under Pixabay License via Pixabay.


Mga Sanggunian

Quipper Study Guide AP9 U9, Interaksiyon ng Demand at Supply

David Jensen G. Rosario, Jr. & Mark Joseph Z. Arisgado. Ekonomiks para sa
Kaunlaran.Quezon City: Vibal Group, Inc., 2017

Jesus B. Remiter, Jr. Ekonomiks. Quezon City: Sibs Publishing House, Inc., 2016

ACDC Leadership. Perfect Competition in the Short Run. Nakuha mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=Z9e_7j9WzA0

Quickonomics. The Four Types of Market Structures. Nakuha mula sa


https://quickonomics.com/market-structures/

You might also like