You are on page 1of 16

Aralin 12

Iba’t ibang Anyo ng Pamilihan


Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Panimula:
• Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng
prodyuser at konsyumer.
• Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang
konsyumer ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan.
• Ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing
tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang
ikonsumo ng mga tao.
• Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan
ang konsyumer at prodyuser.
Ano ang pamilihan?
• Isang kalagayan kung
saan may inter-aksyon
ang mga mamimili at
nagtitinda.
• Ang mga nagtitinda ay
nagpapaligsahan upang
mahikayat ang mga
mamimili na bumili sa
kanila.
Istruktura ng Pamilihan
Di-Ganap na
Ganap na Kopetisyon
Kompetisyon
Monopoly

Monopolistic
Competition

Oligopoly

Monopsony
Istruktura ng Pamilihan
- tumutukoy sa balangkas na
umiiral sa sistema ng merkado
kung saan ipinapakita ang
ugnayan ng konsyumer at
prodyuser.
Ganap na Kompetisyon

• Kinikilala bilang modelo o ideal


• Walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring
makontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo.
• Ang mga ipinagbibiling produkto ay walang pagkakaiba.
• Madaling pumasok sa pamilihan ang mga nais magsimula
ng negosyo.
Katangian ng Ganap na Kompetisyon
(Paul Krugman at Robin Wells)
• Maraming maliliit na konsyumer at
prodyuser
• Magkakatulad ang produkto
(Homogenous)
• Malayang paggalaw ng sangkap ng
produksiyon
• Malayang pagpasok at paglabas sa
industriya
• Malaya ang Impormasyon ukol sa
pamilihan
Di-Ganap na Kompetisyon
• Ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa
ganitong estruktura ay may kapangyaring
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
• Anumang kondisyon na HINDI kakakitaan ng
mga katangian ng ganap na kompetisyon.
• Monopoly
• Monopolistic Competition
• Oligopoly
• Monopsony
MONOPOLYO
• Iisa ang nagtitinda
• Produkto na walang kapalit
• Kakayahang hadlangan ang kalaban
• Ito ang nagtatakda ng presyo at
walang magagawa ang mga
mamimili.
Intellectual Property Right
• Tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng
isang tao na maaaring kabilang ang mga
akdang pampanitikan o pansining.
Patent
• Ito ay pumoprotekta sa mga imbentor at
kanilang mga imbensyon.
Trademark
• Paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga
produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing
pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o
nagmamay-ari nito.
Monopolistic Competition
• Marami ang nagtitinda ngunit may isang
komokontrol sa pamilihan.
• Maari nitong impluwensyan ang presyo ng
kalakal.
Oligopolyo
• May mga nagtitinda ngunit walang kompetisyon.
• Ang presyo ng kalakal ay walang pagkakaiba.
COLLUSION
• Sistema kung saan maaring
magkaroon ng pagkontrol o
sabwatan ang mga negosyante.
KARTEL
• Pagkakaroon ng alliances of enterprises /
Samahan ng mga oligopolista
Monopsonyo
• Marami ang nagtitinda ngunit isa o isang
grupo lamang ang mamimili.
• Sa ganitong kalagayan, may
kapangyarihan ang konsyumer na
maimpluwensiyahan ang presyo sa
pamilihan.
• Ang presyo ng kalakal ay nasa kontrol
ng bumibili.
Buod:
Anyo ng Balakid sa Bilang ng Balakid sa Bilang ng
Pamilihan Nagtitinda Nagtitinda Mamimili Mamimili

Perfect Wala Marami Wala Marami


Competition
Monopolistic Wala Marami Wala Marami
competition
Oligopoly OO Kakaunti Wala Marami
Monopoly Wala Isa OO Marami
Monopsony OO Marami Wala Isa
TAKDA:

PAGPAPAHALAGA

• Sa iyong palagay, anong uri ng pamilihan


ang nagbibigay ng higit na
kapakinabangan sa mga mamimili.
Ipaliwanag ang inyong sagot.
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing
House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like