You are on page 1of 24

ANG PAMILIHAN

KONSEPTO AT MGA
ESTRUKTURA NITO
ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN
Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng
buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang
nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng
isang konsyumer ang sagot sa marami
niyang pangangailangan at kagustuhan sa
pamamagitan ng mga produkto at
serbisyong handa niyang ikonsumo
Sa kabilang dako ang mga prodyuser ang
siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga
serbisyo at produkto upang ikonsumo ng
mga tao. Sa pamilihan itinatakda kung
anong produkto at serbisyo ang gagawin at
kung gaano karami. Mayroong dalawang
pangunahing tauhan sa pamilihan ang
konsyumer at prodyuser
Ang konsyumer ang
bumibili ng mga
produktong gawa ng mga
prodyuser, samantalang ang
prodyuser naman ang
gumagawa ng mga
produktong kailangan ng
mga konsyumer sa
pamamagitan ng mga salik
ng produksiyon na
pagmamay-ari ng
konsyumer
PRESYO
Ito ang nagtatakda sa dami ng Ang siyang batayan ng prodyuser ng
handa at kayang bilhin na produkto kanilang kahandaan at kakayahan nilang
at serbisyo ng konsyumer magbenta ng mga takdang dami ng mga
produkto at serbisyo

Sa pagkakaroon ng
mataas na demand ng
SUPPLY
mga konsyumer, dahilan
ito sa pagtaas ng presyo,
at lalong magdagdag at DEMAND
tataasin ng mga
prodyuser ang kanilang
supply.
PAMILIHA
LOKA PANREHIY
L ON

PAMBANS PANDAIGDIG
A AN
MGA ESTRUKTURA
NG PAMILIHAN
Tumutukoy sa balangkas na umiiral na sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang
ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ang dami ng lawak ng kontrol ng market
players sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng estruktura nito.
PAMILIHANG MAY GANAP NA
KOMPETISYON

Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala


bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng
ganitong sistema, walang sinoman sa
prodyuser at konsyumer ang maaring
makakontrol sa takbo ng pamilihan
partikular sa presyo. Hindi kayang idikta
nang isang prodyuser at konsyumer ng
mag-isa ang presyo.
Sa Panig ng mga prodyuser…

Hindi nila kayang kontrolin ang


presyo sapagkat maraming
nagtitinda ng magkakaparehong
uri ng produkto at serbisyo sa
pamilihan. Ito ay
nangangahulugan ng balangkas
na lubhang napakaliit ng
prodyuser kumpara sa kabuuang
bilang ng mga prodyuser sa
pamilihan.
Sa panig ng mga konsyumer…
Wala sinoman sa kanila
ang may kakayahang
idikta ang presyo dahil
lubha rin silang
napakaliit kumpara sa
buong bilang ng maaring
bumili ng produkto o
serbisyo.
Ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay
mapipilitang magbenta at bumili ng
produkto at serbisyo na itinakdang presyo
ng ekwilibriyo ng pamilihan.
Ipinaliliwanag ang sitwasyon ito sa
konsepto ng price taker na kung saan ang
market players ay umaayon lamang sakung
ano ang takbo ng presyo sa pamilihan at
walang kapasidad na magtakda ng sarili
nilang presyo.
KATANGIAN NG PMCI
 Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
 Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
 Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
 Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
 Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan

Ayon ito sa aklat na Ekonomiks 2nd Edition (2009) kay Paul Krugman at Robin
Wells
PAMILIHANG MAY HINDI GANAP NA
KOMPETISYON
May hindi ganap na kompetisyon ang estruktura kung wala ang anumang kondisyon o
katangian na matatagpuan sa pamilihang may ganap na kompetisyon. Sa pangkalahatang
paglalarawan, ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay may
kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
MONOPOLYO
Uri ng pamilihan na iisa lamang ang
prodyuser na gumagawa ng produkto
at nagbibigay-serbisyo kung kaya’t
walang pamalit o kahalili. Ang mga
halimbawa ng mga prodyuser ng nasa
ganitong uri ay ang mga….
MGA KATANGIAN NG

MONOPOLYO
Iisa ang nagtitinda - ang presyo at dami ng supply ay idinidikta, batay sa
profit max rule o pagnanais ng prodyuser na makakuha ng malaking kita
 Produkto na walang kapalit – ang mga produkto ay walang kauri
 Kakayahang hadlangan ang kalaban – dahil sa mga patent, copyright at
trademark gamit ang Intellectual Property Rights
NATURAL MONOPOLY
Ito ang mga kompanyang binibigyang-
karapatan na magkaloob ng serbisyo
sa mga mamamayan. Ito ay dahil sa
kaya nilang gawin ang mga produkto
at serbisyo sa mas mababang gastos
kaysa sa kumuha pa ng mas maraming
kompanya.
MONOPSONYO
Mayroon lamang ang iisang konsyumer
ngunit maraming prodyuser ng
produkto at serbisyo. May
kapangyarihan ang konsyumer na
maimpluwensiyahan ang presyo sa
pamilihan. Isang halimbawa ng
pamilihan na ito ay ang ating
pamahalaan.
OLIGOPOLYO
Isang uri ng estruktura ng pamilihan na
may maliit na bilang o iilan lamang na
prodyuser ang nagbebenta ng
magkakatulad o magkakaugnay na
produkto at serbisyo. May kakayahan
ang prodyuser na maimpluwensiyahan
o madiktahan ang presyo na umiiral sa
pamilihan.Ilan sa mga halimbawa ay..
Sa ganitong sistema…
Maaring gawin ang hoarding o pagtatago
ng produkto upang magkulang ang
supply at tatas ang pangkalahatang
presyo
Maaring pagkakaroon ng pagkontrol o
sabwatan ang mga negosyante na
tinatawag na collusion
Ang konsepto ng kartel ay
nangangahulugang pagkakaroon ng
alliances of enterprises
Hindi pinahihintulutan ang
pagkakaroon ng kartel sa ating bansa
upang mabigyan ng proteksiyon at
isulong ang kapakanan ng mga
konsyumer ayon sa itinatakda ng
Consumer Act of the Philippines
o Republic Act 9374 na isinabatas
noong Abril 23, 2011
May pananaw si Adam Smith sa kartel
MONOPOLISTIC COMPETITION
Sa ganitong uri ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang
nagbebenta ng mga produkto subalit marami rin ang mga konsyumer. May
kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser na magtakda ng
kanilang mga produkto.
 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat
ang TUMPAK kung ang pahayag ay tama at LIGWAK naman kung ito ay mali.

1. Ang pamilihan ay maaaring lokal, panrehehiyon, pambansa o pandaigdigan ang


lawak.
2. Ang sari-sari store na matatagpuan saan mang dako ng ating bansa ay isang
magandang halimbawa ng lokal.
3. Ang pamilihan ang siyang mabisang nagpapakita ng ugnayan ng demand at supply.
4. Ang pamilihan ang mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer.
5.Mayroong dalawang pangunahing tauhan ang pamilihan angkonsyumer at prodyuser.
6. Ang monopsonyo ang mayroon lamang iisang konsyumer ngunit maraming prodyuser
ng produkto at serbisyo.
7. Ang oligapolyo ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o
iilan lamang ang prodyuser.
8. Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong
estruktura ay may kapangyarihang maimpluwensyahan ang presyo sa pamilihan .
9. Ang advertisement o pag aanunsiyo ayabisang pamamaraan na ginagamit ng mga
prodyuser upang maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo.
10.Ang prodyuser ay may kakayahang maimpluwensyahan o madiktahan ang presyo na
umiiral sa pamilihan.

You might also like