You are on page 1of 4

PAMILIHANG MAY DI-GANAP NA KOMPETISYON

Ang sumusunod na anyo ng bumubuo sa pamilihang may hindi-ganap na na kompetisyon;

MONOPOLYO

Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto at nagbibigay-serbisyo kung
kaya’t walang pamalit o kahalili. Ang mga halimbawa ng prodyuser ng nasa ganitong uri ay ang mga
kompanya ng kuryente, sa aspekto ng transmission, tubig, at tren. Katangian ng Monopolyo: Iisa ang
nagtitinda – ang presyo at dami ng supply ay idinidikta, batay sa profit max rule o pagnanais ng
prodyuser na makakuha ng malaking kita.

Produkto ng walang kapalit - ang mga produkto ay walang kauri. Kakayahang hadlangan ang kalaban -
dahil sa mga patent, copyright at trademark gamit ang Intellectual Property Rights.

Batay sa World Intellectual Property Copyright- isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa
karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaring kabilang ang mga akdang pampanitikan (literary
works) o akdang pansining. Halimbawa ng copyright: aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula,
computer programs, databases, advertisements, maps, at technical drawings Patent- pumoprotekta sa
mga imbentor at kanilang imbensyon. ito ay ipinagkakaloobng gobyerno sa isang imbentor upang
mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat, at iluwas ang imbensyon niya kapalit ng
pagsisiwalat sa publiko ng mga detalyemng kaniyang imbensyon.

Trademark- ang paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing
pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito. Natural monopoly- mga kumpanyang
binibigyang karapatan na magkaloob ng serbisyo sa mga mamamayan. kaya nilang gawin ang mga
produkto at serbisyo na ibinigay sa konsyumer sa ganitong estruktura ng pamahalaan.

Monopsonyo- sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming
prodyuser ng produkto at serbisyo. Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na
maimpluwensyahan ng presyo sa pamilihan. Halimbawa ng Monopsonyo:

Pamahalaan ang nag-iisang kumukuhang serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis, sundalo, bumbero,
traffic enforcer at iba pa.

Monopolistikong Kompetisyon Oligopolyo- isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang
o iilan lamang ang prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkaka-ugnay na produkto at
serbisyo. Sa ganitong uri ng pamilihan, may kakayahan ang prodyuser na maimpluwensyahan o
madiktahan ang presyo na umiiral sa pamilihan. Sa ganitong sistema… Maaring gawin ang: hoarding o
pagtatago ng produkto upang magkulang ang supply at tatas ang pangkalahatang presyo. Maaring ang
pagkakaroon ng pagkontrol o sabwatan ang mga negosyante na tinatawag na collusion.

Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of enterprises. Hindi


pinahihintulutan ang pagkakaroon ng kartel sa ating bansa upang mabigyan ng proteksiyon at isulong
ang kapakanan ng mga konsyumer ayon sa itinatakda ng Consumer Act of the Philippines o Republic Act
9374 na isinabatas noong Abril 23, 2011. Mga Halimbawa: Semento, Bakal, Ginto, Petrolyo

MONOPOLISTIC COMPETITION- Sa ganitong uri ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na


prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto subalit marami rin ang mga konsyumer. May
kapangyarihan pa rin sa pamilihan ang mga prodyuser na magtakda ng kanilang mga produkto. LAYUNIN
NG MGA PRODYUSER Dahil sa product differentiation, ang katangian ng mga produkto na ipinagbibili ay
magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkakahawig. Halimbawa: Shampoo at sabon. Ang
advertisement o pag-aanunsiyo ay isang mabisang pamamaraan na ginagamit nga mga prodyuser upang
maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo. Ang mga halimbawa ng mga produkto at serbisyong
ipinagkakaloob sa pamilihang may monopolistikong competition.

Ang Pamahalaan at Pamilihan

Isinasaad sa Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas ang pangunahing pangalagaan ang
sambayanan. ang pangangalaga ng pamahalaan sa bawat konsyumer at prodyuser upang matugunan
ang kanilang mga pangangailangan at masiguradong ang kanilang karapatang pang-ekonomiya ay
napapangalagaan. Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw sa kaniyang aklat na **Principles of Economics,
bagama’t ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataong
nahaharap ito sa pagkabigo o market failure gaya ng paglaganap ng mga externalities tulad ng
polusyon at pagkawala ng kompetisyon dahil sa monopolyo. ***ang pamahalaan na magtakda ng
presyo ng mga bilihin sa pamamagitan ng price standardization program, maliban sa nakasanayang
tungkulin nitong magtalaga ng buwis at pagbibigay ng subsidy. ** Ang pagtatakda ng presyo ng
pamahalaan sa mga produkto ay lalong maintindihan gamit ang price ceiling, price floor at price freeze. *
Ang price ceiling ay tinatawag ding maximum price policy o ang pinakamataas na presyo na maaring
ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto. Halimbawa nito ay ang pagtatalaga ng SRP o
Suggested Retail Price sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. Sa patakarang ito,
sinisiguradong mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga bilihin para sa mga mamamayan. Ang price
ceiling ay itinakda na mas mababa sa equilibrium price. Tingnan ang graph sa ibaba.

(Explanation sa graph) Ayon sa graph, ₱30.00 ang ekwilibriyong presyo. Ipagpalagay natin na mataas ang
presyong ito sa tingin ng mga konsyumer. Ang pamahalaan ay makikialam sa pamamagitan ng
pagdedeklara ng ₱ 20.00 bilang price ceiling ng mga prodyuser. Dahil ang price ceiling na ₱20.00 ay mas
mababa sa ekwilibriyong presyo na ₱ 30.00, ito ay magdudulot ng pagtaas ng quantity demanded na
maaaring umabot sa 75 na dami. Tataas ang quantity demanded dahil mas maraming konsyumer ang
nagnanais na bumili ng produkto dahil sa pagbaba ng presyo nito. Sa kabilang banda, kung tataas ang
quantity demanded ay kukunti ang suplay ng produkto dahil hindi na mahihikayat ang mga prodyuser na
mag prodyus dahil mababa na ang presyong naimarka sa kanilang produkto kung saan maaari silang
malugi. Ang kalalabasan sa ganitong galaw sa pamilihan ay kakulangan ng produkto o shortage.
***PRICE FLOOR Tinatawag din bilang minimum price policy, ang price floor ito ay tumutukoy sa
pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Ang price floor ay itinakda na
mas mataas sa equilibrium price. Ito ay madalas na naipapatupad sa pamilihan sa pamamagitan ng price
support sa sektor pang-agrikultura at ang pagtatakda ng minimum wage kung tawagin.

***(Explanation sa graph) Makikita sa graph na ang ekwilibriyong presyo na ₱ 30.00 ay mas mababa sa
itinalagang price floor na ₱60.00. Magdudulot ito ng pagtaas ng quantity supplied at pagbaba ng presyo
dahil sa napakaraming suplay. Ngunit dahil sa price floor ay mananatli ang presyo sa ₱ 60.00 kung saan
mas bababa ang quantity demanded at magkakaroon ng surplus sa pamilihan. Malinaw na ang price
floor ay nagdudulot ng surplus dahil mas marami ang suplay kaysa sa demand.

MINIMUM WAGE-ang batas na ipinapatupad ng ating pamahalaan na nagtatakda ng pinakamababang


suweldo sa sektor ng paggawa upang maiwasang makatanggap ang mga manggagawa ng mababang
sweldo. Ito ay naaayon sa Republic Act 6602 o Minimum Wage Law of the Philippines.

PRICE FREEZE-ang pansamantalang hindi paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa panahon ng
krisis at kalamidad. Ito ay kadalasang ipinapatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) upang
maiiwasan ang pananamantala ng mga prodyuser at upang maproteksyonan at matulungan ang mga
mamamayan.

GENERALIZATION: Sa lahat ng mga naitala sa itaas na mga impormasyon, tunay ngang ang pamahalaan
ay may mahalagang tungkulin sa pamilihan. Sa mas pokus na pagkakaintindi, pumapasok ang
pamahalaan upang siguraduhing pantay ang pamamalakad ng mga aktor ng pamilihan at
napangangalagaan ang karapatan ng konsyumer at prodyuser. Sa mas malawak na ebalwasyon, hindi
maiiwasang pakialaman ang pamahalaan ng pamilihan upang maging balanse ang interaksyon ng mga
pangunahing aktor, maisaayos and pamilihan at patatagin pa lalo ang ekonomiya. Samakatuwid, mas
magiging matatag ang pamilihan kung may gabay ng pamahalaan.

C,b,d,a,d,d,a,a,b,a

You might also like