You are on page 1of 4

Pamilihan

Ito ay nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang


sagot sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto
at serbisyo na handa at kaya niyang ikonsumo. Sa kabilang dako, ang mga prodyuser
ang siyang nagsisilbing tagatustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng
mga tao. Ang mga konsyumer ang bumubili ng produkto na gawa ng prodyuser,
samantalang ang prodyuser ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga
konsyumer.

Ayon kay Adam Smith, mayroong tinatawag na invisible hand na siyang


gumagabay sa ugnayan ng dalawang actor ng pamilihan. Ito ay ang presyo na siyang
gumagabay at nagtatakda sa dami ng produkto na dapat ikonsumo ng konyumer at
ibenta ng prodyuser.

Ang pamilihan ay maaaring local, panrelihiyon, Pambansa o pandaigdigan.

Mga Estruktura ng Pamilihan

1. Pamilihang may ganap na Kompetisyon ( PCM)


2. Pamilihang hindi ganap ang Kompdetisyon (ICM)

 Pamilihang May Ganap na Kompetisyon

Sa ilalim na ganitong Sistema walang sinoman sa prodyuser at


konsyumer ang maaaring makakontrol sa takbo ng pamiliha partikular sa
presyo.

Mga katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon

1. Maramimg maliliit na konsyumer at prodyuser


Dahil sa marami at maliliit ang konsyumer at prodyuser,walang
kakayahan na maimpluwensyahan ang presyo na papabor sa
interes ng sinoman sa pamilihan.

2. Magkakatulad ang produkto


Ito ay nangangahulugang maramig produkto na magkakatulad
kung kaya’t ang konsyumer ay maramimg pagpipilian.

3. Malayang Paggalaw ng sangkap ng produksyon


Dahil walang direktang may control sa salik ng produksyon,
maraming mapagkukunan ng mga sangkap para mkabuo.

4. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya


Ang pamilihan ay bukas para sa nais makibahagi. Walang
kakayahan ang mga dating prodyuser na sila ay hadlangan.

5. Malaya ang impormasyon sa pamilihan


Malaya ang mga prodyuser na makagawa at makapagbenta sa
pamilihan dahil bukas ang kaalaman nito para sa lahat.

 Pamilihang hindi ganap ang kompetisyon


May kapangyarihan ang alin man sa prodyuser o konsyumer na
ma impluwensyahan ang presyo ng produkto o serbisyo.

1. Monopolyo
Ito ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa
ng produkto o serbisyo kung kaya walang pamalit o kahalili.

Katangian ng monopolyo:
1. Iisa ang nagtitinda
2. Produkto na walang kapalit
3. Kakayahang hadlangan ang kalaban.
Mga paraan upang hindi makapasok ang ibang nais makibahagi sa industriya ng
monopolista.

a. Intellectual property right- tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng


isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pamapanitikan o
akdang pangsining.
b. Patent- pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
c. Trademark- paglagay ng simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo
na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan sa nagmamay ari nito.

2. Monopsonyo- sa ganitong uri ng pamilihan iisa lamang ang mamimili


ngunit marami ang prodyuser ng produkto o serbisyo. Sa ganitong
pamilihan may kakayahan ang konsyumer na maimpluwensyahan ang
presyo sa pamilihan.

3. Oligopolyo- ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na


bilang o iilan laman nag prodyuser. Sa ganitong uri ng pamilihan may
kakayahan ang prodyuser na maimpluwensyahan ang presyo sa
pamilihan.

4. ng presyo ng mga produkto.Monopolistic Competition.


Sa ganitong pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang
nagbebenta ng mga prodkto sa pamilihan subalit marami rin
ang konsyumer. May kapangyarihan ang mga oeudtue na
magtakda
Ang Pamahalaan at Pamilihan

Price Ceiling-ito ay kilala rin sa tawag na maximum price policy o pinakamataas


na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto.

Suggested Retail Price (SRP)- ang patakarang ito ay isang paraan upang
mapanatiling para sa mga abot- kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng
nasabing produkto.

Price Freeze- Ito ay pagbabawal ng anumang paggalaw o pagtaas ng presyo sa


pamilihan.

Price Floor- ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na
tumutukoy sa pinaka mababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto
at serbisyo.

Minimum Waage Law- batas na pinakamababang suwelo sa sector ng paggawa


upang makaiwas ang mga manggagawa na mka tanggap ng mababang sweldo.

You might also like